Chapter 39 - C39

"Ano 'to, mommy?" Tanong ko habang hawak ang isang key chain na may nakaattach na ilang pirasong susi.

Alam kong mga susi ng bahay 'to at sa dami ng hawak ko ay paniguradong malaking bahay talaga ang kinuha nila para sa 'min ni Lu.

Ika-27 na ng December ngayon, at limang araw na lang ay kasal na namin. Ngayon lang kami nakauwi sa Laoag kung saan nagcelebrate ng pasko ang mga magulang at kapatid ko. Hindi kami nakarating noong mismong araw ng pasko dahil sa trabaho ni Luis. Kaya eto at ngayon lang nabigay nina mommy at daddy ang regalo nila sa 'min.

"Our pre-wedding gift for the both of you, of course! And late christmas present na din!" Sabi ni mommy sabay hagikhik.

Napalingon ako kay Lu na seryoso namang nakatingin sa palad niyang may hawak na susi na unang inabot ni mommy sa kanya. Alam ko kung anong susi 'yon. Kaya nga nakaramdam ako ng kaba habang patuloy lang siya sa tahimik na pagtitig sa hawak niya.

"Luis, iho. I hope you don't mind. Nakita ko kasi ang sasakyan mo and I think its better if palitan na 'yon. Kaya 'yan na lang ang napag-usapan namin ng daddy niyo na iregalo. Welcome gift na din 'yan namin sa 'yo bilang magiging son-in-law namin and a thank you gift, too, for taking good care of our precious daughter."

"P-Pero mommy.." Pagprotesta ko pa sana pero natigilan din ng makita ang malungkot na itsura niya.

"Why? Ayaw niyo ba ng regalo namin? Its in Forbes, too, at magiging magkapit-bahay tayo, anak. Aren't you excited? Naisip namin na mas maganda kung bago pa kayo magkaanak ay may sariling bahay na kayo. Its unethical to raise your future children in a condominium, you know. Mas maganda pa din kung sa isang bahay talaga na matatawag sila lalaki." Sabi niya na tunog nagtatampo na at parang magdadabog pa.

"K-Kaso.." Pagprotesta ko pa sana pero hindi ko na tinuloy ng hinawakan ni Luis ang kamay ko.

Tipid siyang ngumiti sa 'kin bago tumingin kay mommy. "Salamat po, Ma'am."

"Iho! Limang araw na lang at kasal na ninyo ni Mikaella. Didn't I tell you to call me mommy now?" Tunog nagtatampo na naman siya.

Hay!

Ganito talaga si mommy kapag gustong ipagpilitan ang gusto! Kaya nga tinatawag siya ni daddy na "drama queen" eh! Kung hindi susundin iiyak ng bongga or magtatampo!

"Uh.. Sige po, m-mommy. Uhmm.. 'Yung sa bahay ok lang po na tanggapin namin ni Eya. Pero dito po sa bigay niyo, hindi ko po matatanggap 'to."

"Bakit naman, anak? Its the latest grand Cherokee!" Sabi pa ni mommy na parang pinagyayabang na maganda ang piniling regalo sa magiging manugang.

"Mommy!" Sabi ko para pigilan siya lalo na't nakikita ko ang mas lalong pagkaasiwa ni Lu.

"Uh.. That's why I.. can't accept it. I'm sorry. I do appreciate your concern regarding my old car but.."

"Nahihiya ka pa din ba sa 'min, anak? We already consider you as part of our family, and just a couple of days you will officially be. Please, do accept our gift." Parang tunog nagmamakaawa pa si mommy sabay hawak sa kamay ni Luis na may hawak sa susi.

Nakita ko ang pagpikit ni Luis ng saglit bago siya mabagal na tumango.

"Phew! Thank God! I was planning to shed some tears pa naman para mapapayag ko kayo. Salamat, mga anak!" Masaya ng sabi ni mommy. "You should check out our gift, iho! Nasa garahe!" Excited pa niyang dagdag at tinawag na si daddy para ibalita na tinanggap na nga namin ang mga regalo at para samahan na din nito si Lu sa garahe.

"I'm sorry about mom.." Sabi ko sa kanya noong nasa loob na kami ng kwarto namin dito sa beach house.

Nakaupo kami sa taas ng kama at nasa likod ko siya at niyayakap ako. Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga niya sa sinabi ko, but then I felt him planted a soft kiss on my neck, kaya napanatag din ang loob ko.

"Its okay.. Maybe its time for me to accept the fact that I'm marrying a princess.." Pabiro niyang sinabi na biglang naging seryoso. "I just hope that this will be the last time, though. I don't want people to think that I'm taking advantage of your family's fortune, Eya.."

"I know.. Don't worry. Kakausapin ko siya tungkol diyan. Sorry, baby." Malambing ko ng sinabi.

"Do you know why I don't want to get rid of my old car, baby?" Malambing na din yang tanong na nagpalingon sa 'kin sa kanya.

"Hmm... Dahil unang sasakyan mo 'yon that you bought with your own money?"

"Yeah. That's my other reason but the other one is because you were with me when I bought it and you're the first one who rode it with me." Anas niya na muntik ng magpangisay sa akin sa kilig. "Kaya may sentimental value talaga ang sasakyang 'yon."

"W-We can still use it naman eh.."

"Uh-huh.. May gusto pa akong gawin doon kasama ka.." He uttered with this dreamy look on his face as he stared at my lips.

Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili at ako na mismo ang sumunggab sa mga labi niya. At ang halikan na 'yon ay nauwi na naman sa paglalabas ng init ng mga katawan namin.

My gosh! Ang libido ko talaga inaalipin na ako!

Habang nakatulog na sa tabi ko si Luis sa sobrang pagod dahil tinatlong rounds na naman niya ako, ay hindi ko mapigilang ngumiti habang tinitingala siya. Kinikilig pa din ako sa binunyag niya kanina. And there's something that I've been keeping to myself for a couple of days now.

Meron din kasi dapat akong regalo sa kanya pero napagdesisyonan ko na sa araw na lang ng kasal namin ibibigay 'yon.

Hindi na kasi kami ulit nag-away or nagkaroon man lang ng hidwaan simula noong araw na nanggigil siya sa 'kin ng sobra. Naging maganda ang pagsasama namin. Hindi na rin ako nagtanong kay Luis tungkol sa gumugulo sa isip ko. Ayoko na din naman isipin ang mga bagay na makakasakit pa sa 'kin. Kontento na 'ko na pinapasaya niya ako. Pinapakita niya din naman na masaya siya sa piling ko.

And that's enough reason for me to completely remove the walls that I've tried to build between us.

I've openly showed him how much he means to me. Sinuot ko na din ulit ang engagement ring. Kahit wala ng aminan na magaganap ay kuntento na 'ko. Isa pa ay hindi na rin naman nagpakita o nagparamdam si Marilou sa 'kin. Pero alam kong nag-uusap pa din silang dalawa.

Sabi nga ni Luis ay hindi niya tuluyang maiwasan si Marilou dahil kay lola Patring. At syempre may nararamdaman pa din siya dito. But that's fine with me now. Basta ang importante ay magkasama kami at masaya kami ni Lu sa isa't-isa.

Nalaman ko lang talaga 'yong tungkol sa regalo ko noong bisperas ng pasko and I don't know kung paano ko sasabihin sa kanya. Feeling ko kasi kapag malaman niya ay magagalit na naman siya at mag-away na naman kami, at 'yon ang ayokong mangyari.

I also felt very guilty when I found out about its existence. Kasi ilang araw din akong nainom ng alak at nagpakalasing. Tapos ilang beses din akong gumimik at nagpuyat, at nagsasayaw pa na parang ewan. 'Yon pala ay hindi na 'ko nag-iisa sa katawan ko at kailangan ko ng ingatan ang kalusugan ko.

Yes, I'm very pregnant! Panganay namin ni Luis!

Mag-iisang buwan pa lang siya kaya nga nagtaka din ako noong nakaraan kung bakit napapadami na ang kain ko. I thought I was only stress-eating. Then parati na lang ako nakakaramdam ng pagod at naging antokin, and the last symptom na nag-iba na ang kutob ko, is when my period was late for a week. And when I checked using three different frog test brands the day before Christmas, noong nasa trabaho pa si Lu, ay naging tama nga ang kutob ko.

I also confirmed it through my OB and she too confirmed na preggy nga ako. I shed too many happy tears while I was there on her clinic. I almost called Luis that time pero noong maalala ko nga ang mga pinagagawa ko ay hindi ko na lang tinuloy. Kahit ang pamilya ko ay hindi ko din nasabihan para sabay-sabay na lang silang masurprise sa mismong wedding day namin ni Lu.

Naisip ko pa nga kung kailan namin nabuo si baby, and I guess it was on our first night when I drugged him. Kaya nga sa future, if our baby's going to ask us kung kelan siya nabuo or something, ay hindi ko talaga sasagutin!

Natawa pa 'ko sa naisip at hindi ko namalayang hinihimas ko na pala ang tiyan ko. I know its not visible yet at dugo pa lang siya, pero alam ko at ramdam ko ang presensiya ng anak namin sa loob ng katawan ko.

"Babalik pa talaga kayo sa Manila, ate?" Tanong sa 'kin ni Mikael habang nilalagay na nina yaya at Luis ang mga gamit namin sa likod ng bagong sasakyan niya.

"Oo eh. 'Yong isang pasyente kasi ni Lu ayaw magpakonsulta sa iba. Namimiss na yata si Doctor Luis Pogi." Biro ko pa na ikinairap ng mahal ko.

'Yung plano kasi naming diretsong bakasyon sa Laoag hanggang sa araw na ng kasal namin ay naging dalawang araw lang. Sa Laoag kami ikakasal, sa pinakaluma pero pinakamalaking simbahan dito. Ayaw naman kasi akong iwan ni Luis dito at ayoko din namang mapalayo sa kanya kaya eto at sasama ako sa kanya pabalik ng Manila. Magkasama din naman kaming uuwi pagkatapos niyang atupagin ang pasyenteng nagrerequest talaga sa kanya.

"She's a VIP, baby." Rason naman ni Lu na totoo naman dahil 'yong pasyenteng 'yon ay kapatid ng isang kilalang senador. "If I could just decline her ay ginawa ko na. I'm on a month leave, anyway, but still work is work. I need to earn to replenish my savings, too. Naubos ang ipon ko sa gustong honeymoon ng ate mo, Mikael." Pagpapaliwanag niya na may kasamang panunukso sa huli habang natawa naman ang kapatid ko.

Huli ko na nga narealize na gusto kong mag Caribbean cruise tour kami para sa honeymoon. Tinanong pa niya kasi eh ayun tuloy at nasabi ko ang gusto ko. But despite my shocking request ay nagawan pa rin niya ng paraan para matupad 'yon. Kahit anong sabi ko na makikihati ako sa bayad ay ayaw pumayag ng loko. Kaya malaki talaga ang nagastos niya dahil nga sa biglaang pagbook. Mabuti na lang at hindi na siya nakaangal kay Aunt Margaret tungkol sa paglibre ng huli ng pamasahe namin papunta America. Kundi ay masisimot talaga ang inipon niyang pera.

"Tss! Ayaw mo naman kasing magshare ako!" Reklamo ko naman sabay nguso pero natatawang niyakap lang ako ng loko.

"I'll do my best to give you everything you want, baby. I don't care if my savings will vanish in a snap. As long as, my baby's happy, then I'll be happy too. Basta ba ibibigay mo din ang gusto ko kapag nag-iinit ako.." Pabulong na sinabi niya 'yong mga huling kataga sa malanding tono kaya eto at namula talaga ang mga pisngi ko.

"Sheesh! Umalis na nga lang kayo, ate, kuya! Ang lalandi niyo." Reklamo ng kapatid kong engot.

"Wow! Nagsalita ah! If I know ganyan ka din kay sis-in-law!" Sabi ko naman sabay tawa na siyang ikinairap lang ni bunso.

"Are you hungry?" Tanong niya sa 'kin noong lumampas na kami sa Vigan.

"Nope.. Kunti lang.." Parang hindi makadesisyong sabi ko.

Kasi parang busog pa 'ko pero parang naghahanap ng pagkain na something ang dila ko. Nadaanan kasi namin 'yong kilalang store na nagbebenta ng royal bibingka eh. Napansin siguro ni Lu na naiwan ang mga mata ko doon kahit nalampasan na namin.

Napahalakhak tuloy siya sa naging tugon ko. "Gusto mo ng bibingka?" Parang hinuhuling tanong niya sa 'kin.

"Oo... Kaso nalampasan na natin, baby."

"Its okay. Mag U-turn lang ako." Sagot naman niya na nakangiti.

Napangiti din tuloy ako sa pagpayag niya at noong nakarating na kami sa harap ng store ay agad na naglaway ako.

"Ako na lang ang bababa, baby. Mainit masyado sa labas." Sabi ni Lu at napapayag naman ako.

Nakita ko pa ang pagningning ng mga mata niya habang nakatingin sa mga labi ko. May bakas ng laway ba? Hindi ko tuloy napigilang haplusin ang bibig ko kaya napahalakhak si Lu bago ako hinalikan ng mabilis sa mga labi at tuluyang bumaba na ng sasakyan.

My gosh naman, anak! Huwag mo naman ibuko si mama kay papa!

Kausap ko pa sa baby namin habang hinihimas siya pero nakasunod ang tingin sa mahal kong pumapasok na sa store.

Napangiti na lang ako sa sarili ko habang iniimagine na ang lasa ng bibingka nila. Nakailang tikim na ko niyon dati at nasarapan din naman ako but not to the point na maglalaway talaga ako ng bongga. Pero mukhang gusto 'yon tikman ng anak namin.

Nasa ganoon pa din akong pag-iisip ng biglang may tumunog na cellphone. Its Luis' phone. Baka importanteng tawag kaya agad kong inabot 'yon sa dashboard. But I was frozened for a couple of seconds ng makita ang pangalan ni Marilou sa screen.

Nacurious tuloy ako kung ano ang itinawag niya kay Lu at kahit ayoko sanang marinig man lang ang boses niya ay swinipe ko pa din ang answer button.

Ang paghikbi niya agad ang bumungad sa 'kin at kahit galit ako sa kanya ay nakaramdam pa din ako ng pag-alala.

"Luis? Luis! Si Lola, Luis! Naaksidente!" Pagtangis niya sa kabilang linya.