Papunta na 'ko sa office ngayon at late na ko ng mahigit isang oras. Plano ko sanang umabsent dahil antok pa talaga ako, kaso may virtual contract signing kami mamaya kasama ang sa main branch at si Xave and his team.
Madaling araw na ako nakauwi kasi kanina dahil nagyaya pang magcelebrate si Xavier pagkatapos naming magdinner. And that's because my proposal to have him as our brand ambassador was immediately approved by the main branch. We went to another club and this time, ay kasama na namin ang handler niya at ibang mga kaibigan.
I really had a great time with them last night, lalo na noong nagsayawan na kami. Hindi ko naman akalaing magaling pala akong sumayaw, especially when I'm tipsy.
My gosh! Kung alam ko lang na ganito pala kasaya ang gumimik dapat dati ko pa ginawa 'to. Nakakawala ng problema. Nakakawala ng alalahanin. Nakakawala ng sakit.
Kakapark ko lang ng sasakyan ko sa parking area ng shop ng mapansin ko ang bulto ni Luis sa loob na pabalik-balik sa paglalakad. Malalim ang iniisip ni koya at halatang naiinip na. Napahalakhak pa 'ko ng dumapo ang mga mata ko sa mga staff ko dahil kahit ang mga ulo nila ay nag-synchronized din sa pagsunod kay Luis.
Its extremely amusing to watch them from here! Swear!
Nakangiti tuloy akong lumabas ng sasakyan ko, at sa sobrang pagkahumaling ni Lu sa paglalakad ay napansin lang niya ang pagdating ko noong nakapasok na 'ko sa pintuan.
"Good morning, everybody! Good morning, fiancee!" Maligaya ko pang pagbati sa kanila.
Galit na galit nga talaga si koya dahil mabilis ba namang lumapit sa 'kin at marahas na hinawakan ang braso ko. Sabay hinila ako ng malakas papunta sa direksyon ng office ko. Muntik na 'kong matapilok kaya nagsinghapan ang mga tauhan ko.
"Aray naman, Luis! Dahan-dahan naman!" Reklamo ko pang natatawa bago kami tuluyang nakapasok sa office ko.
Pagkasarado niya ng pintuan ay marahas niya 'kong pinasandal doon at mabilis na kinulong gamit ang katawan. He's breathing was so harsh while he's eyeing me dangerously. I didn't back down though tiningnan ko din siya at ngingiti sana ulit pero napangiwi at napapikit din ng malakas niyang sinuntok ang parte ng pintuan sa gilid ng ulo ko.
"Lu!" Pagsaway ko sa ginawa niya.
"Pinaglalaruan mo ba ako, Eya?" Marahan ang pagkakasabi niya niyon pero may diin ang bawat salita.
Kahit nakaramdam ng takot ay nagawa ko pa ding ngumiti sa kanya ng tipid. I even raised my hand and touched his cheek na suplado naman niyang iniwas. Napabuntong-hininga naman ako sa ginawa niya.
"Ba't kita paglalaruan, Luis? Do you think I will do that you? At bakit galit ka na naman? Pwede naman siguro tayong mag-usap ng mahinahon 'di ba?" Parang tunog na naglalambing ang tono na ginamit ko sa pagsabi niyon at laking pasalamat ko ng kumalma na din ang ekspresyon niya.
Lumuwag na din ang pagkakakulong niya sa 'kin kaya mahina ko siyang tinulak palayo. Hinayaan naman niya ako kaya naglakad na 'ko papunta sa mesa ko. Narinig ko pa ang marahas na pagbuga niya ng hangin pero maya-maya lang ay lumapit na din siya sa pwesto ko.
"Forgive me for my behavior, Eya. I-I've heard about your cheating rumors and I just went berserk when I read it personally. Plus you didn't went home to me again. And there were pictures of you last night with that same guy again in a restaurant and afterwards in a club." Mahinahon na niyang sinabi habang nakatayo sa gilid ko.
Woah? May bagong issue na naman ba kami ni Xave sa site noong paparazzi? Siguro nga dahil paanong nalaman ni Luis. Tss.
"We we're celebrating last night, Luis. So, naniwala ka sa tsismis na 'yon? You think I would cheat on you, huh?" Tanong ko sa kanya habang nagmamakaawa epek ang pes.
Nanatili siyang tahimik ng ilang sandali kaya ako na mismo ang humawak sa kamay niya at hinila siya papunta sa sofa. Babawiin ko rin sana ang kamay ko pagkaupo namin pero hinawakan niya pa 'yon at pinaglaruan ang mga daliri ko. Nagtagal nga lang siya sa palasingsingan ko na wala pa ding nakasuot na singsing. Nakayuko din siya habang mariing tinititigan 'yon.
"He's a friend of mine, Luis." Pagbibigay alam ko na lang dahil hindi pa din siya umiimik at tanging pagbubuntong-hininga lang ang ginagawa niya.
"Really a friend? Manililigaw mo 'yon dati, 'di ba? If totoong kaibigan mo siya, then why the hell are you dancing intimately with him?" Parang galit na naman na tono na sabi niya.
Napangisi na lang ako sa pabago-bago ng mood niya. "Don't act as if you're jealous, Luis." Sabi ko pa sabay iling at pasimpleng binawi na ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "But really. He's a dear friend of mine, now."
"If that's true then bakit ayaw mong umuwi sa condo? Ba't hindi mo pa rin suot ang singsing? Hindi mo pa din ba ako napapatawad sa nagawa ko noong isang gabi? I told you-"
"Luis, please. I just wanted to have my personal space bago 'yong araw ng kasal natin. That's all." Pinigilan ko na ulit siya sa pagpapaliwanag.
Wala ding katuturan kasi.
Alam ko namang kahit huli na ng narealize niyang mali ang nagawa niyang pagkampi kay Marilou ay hindi pa rin magbabago ang katotohanang 'yong babaeng pa din 'yon ang mahal niya. Kung maulit nga ang kaganapang 'yon ay paniguradong ganoon pa din naman ang mangyayari. Kaya kahit ano pang paliwanag niya ay ayoko na ding pakinggan.
Nakita ko ang pagkakafrustrate niya dahil sa pagpigil ko ulit sa kanya sa pagsasalita just like yesterday. Hindi na naman siya umimik at ilang beses na umigting ang panga niya. Wala na din naman akong sasabihin pero ewan bakit hindi pa din ako umaalis sa tabi niya.
Nasa ganoong katahimikan pa din kami ng biglang nag-ingay ang intercom ko. Agad na umalingangaw ang boses ni Alice sa loob ng office.
"Ma'am? Sir Xavier and his team are here na po."
Doon lang ako tumayo pero bago pa ako makahakbang palapit sa intercom ay hinawakan ni Luis ang kamay ko. Paglingon ko sa kanya ay parang nagmamakaawa ang itsura niya.
"Uwi ka na sa 'kin mamaya, Eya. Please?" Sa mababang boses na sinabi niya 'yon.
"I... Uhmm.." Parang bigla akong nataranta at ramdam ko na malapit ng mawasak ang binuo kong desisyon sa isip ko na maging casual na lang sa kanya.
"Ma'am? Papasukin ko na po ba?" Boses ulit ni Alice.
"Eya.." Na sinabayan naman ng pagtawag ni Lu sa pangalan ko.
"I.. I'll try, Lu." Nasabi ko na lang.
Lumuwag ang pagkakahawak ni Lu sa kamay ko na parang nanghihina pa siya. I glanced at him once but then I still proceeded to go my table. I have work, anyway.
"Lead them straight to the conference room, Alice. Lalabas na din ako." Nasagot ko.
"Okay po, Ma'am."
Pagkalingon ko kay Luis ay nagbago na ang ekspresyon niya sa mukha. He looks angry again at nakaiwas na ang tingin sa 'kin. Naging bipolar na ang mahal ko.
"I'm sorry, Luis. Nandito na ang mga kameeting ko. Uh.." I don't know how to tell him that he should take his leave dahil may trabaho na 'ko.
"Your friend, huh? But now you chose him over me. Ako na fiancee mo!" Galit na anas niya with his bloodshot eyes directly staring at me.
Naguguluhan ako sa sinabi niya. "Huh? Hindi, Luis. May contract-"
"Is this some kind of revenge, Eya? Because of that incident?" Pagpapatuloy niya sa matigas na boses.
"Ano?"
"Wala! Kung ayaw mong umuwi sa condo then bahala ka!" Huling sinabi niya before he stormed out of my office and left me dumbfounded.
Was that jealousy? Or... ako na ba ulit ang mahal niya?
'Di ba? Magseselos ka lang naman kung mahal mo ang tao?
Pero napahalakhak na lang ako sa sarili sa naisip ko. Impossible! I should know better. Alam ko ang totoo kaya napakaimposible talaga! Ayokong bigyan ng false hopes ang sarili ko, no! Enough na 'yong nangyari dati!
Naku naman talaga, Mikaella!
Dalawang araw na ang lumipas at hindi na ulit nagparamdam sa 'kin si Luis. Ganoon din ako. Wala din naman kasi kaming pag-uusapan.
'Yon nga lang ay tumawag na si mommy kaninang umaga. 'Yong coordinator daw namin ay nagtatanong na dahil hanggang ngayon ay hindi pa din kami nakikipagkita sa kanya. Sinabihan ko na lang si mommy na busy pa talaga ako sa trabaho at ganoon din si Luis.
Wala ng alam si mommy sa mga pinaggagawa ko ngayon. Nakiusap kasi ako sa kanya na itigil na lang ang serbisyo ng mga nagbabantay sa 'kin noong nakaraan na sa bahay kami natulog. Dahil ang sabi ko ay nandiyan na si Luis. Kaya pumayag din siya kalaunan. Kung hindi ko siya napapayag ay malamang nagtataka at nagtatalak na 'yon kung bakit nasa condo ko na naman ako nakatira.
She also found out about my issues written by what she called as "the notorious paparazzi". Pinagalitan pa nga ako kasi bakit hindi ko daw sinabi. Pero gumagawa na rin daw sila ni daddy ng paraan para solusyonan 'yon kaya huwag ko na lang daw problemahin 'yon.
Kasalukuyan akong nakababad sa bathtub ng biglang nagring ang phone ko sa gilid ko. I'm still anticipating for him to call, you know. Pero kung hindi nga siya tatawag eh 'di okay lang din.
Hay naku. Hindi talaga okay, pero whatever.
Parang kinakabahan pa 'kong tingnan ang screen ng phone ko kasi kung siya nga ang tatawag eh hindi ko pa din talaga sasagutin. Tss.
Pabebe ba? Ah basta! Hindi ko talaga sasagutin!
Pero noong makita ko 'yung pangalan ni Xave sa screen ay napabuga na lang ako ng hangin.
Hay naku.
Ilang ulit ba talaga ako aasa sa wala? Niloloko ko na naman ang sarili ko. Kelan pa ba magbabago 'to?
Tss.
Sinagot ko na lang 'yong tawag ni Xave at niloudspeaker 'yon.
"Hey, Xave!" Bati ko agad sa kanya.
"Elle! I have some good news!" Pasuspense pa talaga 'tong lalaking 'to.
"Ano 'yon? Spill it!" Natatawa kong sabi ko sa kanya.
"Jose's page has already been turned down! At magpa public apology pa daw siya sa 'tin! Can you believe it? First time in history 'to mangyari, Elle!"
Woah there!
Eto yata ang resulta ng ginawang move ng parents ko ah? 'Yong sinabi ni mommy kanina! See, how amazing my parents are!
"Really? Eh 'di mabuti!"
"Yeah! We should celebrate! Nagyayaya sina Aurora!" Naeexcite pang sabi niya.
Parang gusto ko sana! Kaso napagod talaga ako sa trabaho kanina lalo pa't grabeng brainstorming talaga ang ginawa namin ng mga staff ko. Napagod ang brain cells ko! Kaya nga eto at nagbababad ako sa bathtub para makarelax din.
"Next time na lang siguro, Xave. I'm really exhausted today." Nalulungkot ko pang sinabi.
"Sayang, naman. Pero next time, Eya, ha?"
"Yeah. Ingat kayo. And send my regards to everyone, Xave."
Pagkatapos naming mag-usap ay muli na namang tumahimik ang paligid ko. May pilit na pumapasok na imahe sa isip ko pero agad kong tinigil 'yon. A bitter thought came into my mind this time. Who knows, baka nagpapakasaya na 'yon ngayon kasama si ate girl.
I'm happy for them, kung ganoon. Magsama sila! Tss!
Nasa ganoon pa din akong kabitterang pag-iisip ng biglang may tumawag na naman sa phone ko. Bumalik na naman ang kaba ko at syempre umasa na naman ako na siya na nga ang tatawag.
But then again ay mali na naman ako dahil pangalan ni Mikael ang nakita ko sa screen.
Hmm.. Namiss yata ako ng kapatid ko ah!
"What's up, lil brother?" Bati ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag niya at pagkatapos kong i-loudspeaker.
"Ate." Seryosong-seryoso na boses ang binungad sa 'kin ng kapatid ko.
"Yes? Ano 'yon, bunso?"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.
"May problema ka, bunso? Nag-away kayo ni Chloe?" Tanong ko pa.
"Ate, I'm going to ask you a lot of questions and please answer each of them honestly." Seryosong sinabi niya.
"W-What is it, Mikael?" Nakaramdam ako ng kaba sa kaseryosohan ng kapatid ko.
"Hindi na ba kayo nagsasama ni kuya Luis? Nag-away ba kayo or what? And is he and his ex girlfriend still together?"
"Huh?"
"Tss. Saan ka, ate? Pupunta na lang kami ni Chloe diyan."
"B-Bakit pa, Mikael? Uh... N-Nag-away nga kami."
"Okay. So he's cheating on you with his ex, huh?" Parang galit na anas niya.
"What do you mean?"
Napahinga ng malalim ang kapatid ko sa kabilang linya bago siya sumagot.
"Nakita namin sila ni Chloe kanina na magkasamang lumabas sa condo ni Luis."