Chapter 36 - C36

"Why don't you cancel the wedding, ate?" Tanong sa 'kin ni Mikael habang nakaupo kaming tatlo sa terasa ng condo ko.

Seryoso ang tanong ng kapatid ko pero tinawanan ko lang kaya eto at naging galit ang itsura. Naikwento ko na sa kanila ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Luis, kaya nga 'yon agad ang tanong ni Mikael pagkatapos kong magkwento.

Ang kwento naman nina Mikael at Chloe kung paano nila nahuli si Luis at Marilou kanina ay dahil galing sila sa unit ng kaibigan ni Chloe na nasa same building lang ng condo ni Luis.

They were supposed to surprise the two of us, pero sila ang nasorpresa dahil noong malapit na sila sa unit ni Luis ay siya ding paglabas ng dalawa ng magkasunod sa unit ni lalaki. Nagtatawanan pa daw at agad na umalingkis ang kamay ni babae sa braso ni lalaki.

Pasimple daw na nagtago ang mag-asawa sa fire exit. Noong nakasakay na daw ng elevator ang dalawa ay agad na sumunod ang mag-asawa para magmasid ulit kaya kita din nila na sumakay ang dalawa sa sasakyan ni Luis bago ito umandar palayo. And that's the time na tinawagan na ako ni Mikael.

Kaya nga napatunayan ko na talaga na tama ang desisyon kong maging casual na lang kay Luis, at hindi rin ako nag-ooverthink dahil may proof ng tama nga ang hinala ko na magkakabalikan pa din talaga sila. Dahil mahal nila ang isa't-isa.

"I won't do that, bunso. Ngayon pang nalaman ko na nagkabalikan na sila? Never. Kahit anong mangyari ay matutuloy pa din ang kasal. It would be like my sort of revenge for them." Sabi ko sabay ngisi.

"Kaso paano ka? Ikaw ang mas masasaktan dito, ate?" Nag-aalalang tanong naman ni Chloe.

"Of course not, sis-in-law. Don't worry about me. I got this. Tsaka US citizen ako. I can always file for divorce. Bahala na sila kung paano sila makapagpakasal ni Marilou kapag hiniwalayan ko na siya. Pwede silang maging live-in lang, for all I care. And they will have illegitimate children, too." Sabi ko na impromptu lang sabay kibit pa ng balikat.

Alam ko mali lahat ng sinasabi ko pero wala eh galit at panibugho ang namamahay sa puso ko ngayon.. At alam ko din sa sarili ko na hindi ko kayang ipatigil ang kasal namin ni Lu.. Ngayon pa ba kung kailan malapit ko na maisakatuparan ang lahat?

"You will really opt for this, ate? Hindi tama ang gagawin mo." Galit namang sabi ng kapatid ko.

"Hay naku, lil brother. Kaysa naman hayaan ko silang liligaya ng tuluyan, 'di ba? Eh 'di magbubunyi si Marilou. Please, hayaan mo na 'ko sa plano ko. This is my final decision."

"Tss. Ikaw ang bahala, ate. But if you were to ask me, I would rather move on completely than take my revenge on someone who's not worth my time and effort."

"Sa tingin mo ba hindi ko pa binalak na magmove-on, bunso? I did and I failed miserably. Kung nagtagumpay ako sa tingin mo ba nandito pa ako sa sitwasyong 'to? Please, bunso. I need your support on this. Just let me be because I'm already living in vain right now."

Nakita ko ang sabay na pag-iling ng mag-asawa sa sinabi ko. Pero kahit ano pa talaga ang sabihin nila ay hindi pa din mababali ang desisyon ko.

Nasasaktan na din naman ako, eh 'di mas mabuti pang ituloy na lang ang masamang balak ko, right?

Another three days has swiftly passed by after that night, at ngayon lang ulit nagparamdam si Luis sa 'kin. He texted me and told me na free daw siya mamayang gabi kaya pwede kaming makipagkita sa coordinator namin.

Free na siya, huh? Baka umuwi si babae sa Laoag kaya ngayon libre na siyang makipaglokohan sa 'kin.

I grinned wickedly after I've sent my reply to him. I agreed, of course. Eto na nga ang hinihintay ko eh tatanggi pa ba ako?

Kakatapos ko lang nasend ang reply ko ay agad na siyang tumawag at dahil gusto ko nga ang nangyayari ngayon ay mabilis kong sinagot ang tawag niya.

"Hey, Luis!" Masiglang pagbati ko sa kanya at narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.

"How are you?" Marahan ang boses na tanong naman niya sa 'kin.

"I'm good! So, anyway. About later pala, doon na lang tayo magkita ha? Text na lang kita sa reply niya kung anong oras talaga."

"I'll fetch you, Eya."

"No need! Dala ko ang sasakyan ko, Luis. Tsaka baka may meeting pa ako mamaya. Basta I'll text you the details na lang. I have to end this call na, medyo busy pa kasi. Bye!" Dire-diretsong sabi ko at agad na binaba ang tawag kahit hindi pa siya nakapagsalita ulit.

Nalate ako ng 35 minutes sa sinabing oras ng coordinator namin. Actually, it's unintentional. May one-on-one meeting kasi kami ni Aunt Margaret kanina at masyadong importante ang pinag-usapan namin para sa business. Gusto niyang pumunta sana ako sa America dahil kailangan nila ang presensiya ko doon sa main branch. This week nga ay tutungo na si Xave doon kasama ang buong team niya. Pero dahil nalaman ni Aunt na malapit na ang kasal ko ay pwede naman daw na pagkatapos na lang ng kasal ko ako pupunta.

Isama ko daw ang asawa ko at doon na lang kami maghoneymoon. Siya na din daw ang bahala sa lahat ng expenses ng trip namin. Hindi ko talaga maiwasang matawa sa sinabi niya. Maybe gagawin ko nga 'yan pero ako nga lang mag-isa.

Agad akong giniya ng assistant ng coordinator sa office kung saan naroon na si Luis.

"I'm sorry I'm late." Paghingi ko agad ng paumanhin sa kanila pagkapasok ko.

Nakita ko ang booklet na hawak ni Luis at mukhang kanina pa nga sila nagstart dahil kalahati na ng libro ang nakabukas.

I smiled at him as I took my seat beside him in the sofa. Seryosong-seryoso ang itsura niya. His gaze never left me though, kahit na nag-iwas na ako ng tingin sa kanya at tumitig na sa coordinator. Pero muntik na 'kong mapaigtad ng bigla niyang nilagay ang braso niya sa bewang ko at hinila para mas mapalapit ang katawan namin sa isa't-isa.

"Its okay, Mikaella! Nagdecide na ang fiancee mo sa motif, bulaklak, and dekorasyong gagamitin sa simbahan and sa venue ng reception. Pero ang sabi niya ay tatanungin ka pa daw kung okay sa 'yo ang napili niya. Sa cake niyo naman ang pinag-uusapan namin." Pag-iimporma ng coordinator sa 'kin.

Napatingin tuloy ako kay Luis. "Ano ang napili mo, baby?" Malambing kong sinabi na siyang nagpakislap ng mga mata niya.

Magaling ding artista talaga nitong Luis na 'to!

Naisip ko sa sarili habang nagpatuloy kami sa pagdecide ng ibang importanteng details ng magiging kasal namin.

Noong nagsasalita pa nga ang coordinator namin ay biglang niyang hinawakan ang kamay ko at agad na pinaglaruan ang mga daliri ko. At kagaya noong huling pagpunta niya sa office ko ay nagtagal pa din ang paghaplos niya sa palasingsingan ko na wala pa ding nakasuot na singsing.

Ayoko ng isuot 'yon.

Gusto ko nga sanang itapon na lang pero nagbago ang isip ko. Mas mabuti pang isauli ko na lang pagkatapos kong magfile ng divorce sa kanya. Baka mamaya isa pa 'yon sa isusumbat niya sa 'kin, lalo pa't hindi naman talaga akin 'yon.

Our talk with our wedding coordinator went smoothly. Isa't kalahating oras lang ay nacompleto na namin ang pagdedesisyon sa lahat ng detalye ng kasal namin.

Ang kasal ay isa sana sa pinakaimportanteng event sa buhay ng isang babae pero dahil wala na lang din naman sa 'kin ang lahat ng 'yon ay mabilis din kaming natapos. Sabi pa nga ng coordinator na sa lahat daw ng kliyente niya ay kami ang pinakamadaling kausapin. Si Luis nga kasi ang halos pinagdesisyon ko sa lahat. Lahat ng pinili niya ay hinihingan niya ng approval ko at agad lang akong sumasang-ayon.

Kasalukuyan na kaming naglalakad sa parking area ng building kung nasaan ang office ng coordinator namin. Ang tahimik nga namin kanina pa dahil parang nagmamatyag si Luis sa galaw ko at tanging paghikab ko lang ang nagagawa kong ingay.

"You're sleepy?" Tanong sa 'kin ni Luis noong malapit na kami sa sasakyan niya.

Nasa dulo pa kasi 'yong sa 'kin kaya malayo pa ang lalakarin ko bago makarating doon.

"A bit." Namamaos na boses na sagot ko at muling napahikab noong nasa harap na kami ng sasakyan niya.

I didn't stop from walking, though, and just wave my hand while uttering, "Ingat sa pagdrive."

Pero bago pa man ako makalampas sa sasakyan niya ay bigla niyang hinawakan at hinila ang kamay kong kumakaway kanina. Kaya napaikot talaga ako paharap sa kanya. Napasinghap tuloy ako ng malakas dahil muntik na 'kong ma-out of balance pero agad na umalalay ang isang kamay niya paikot sa bewang ko. Then he suddenly pulled my body closer to his.

"You shouldn't drive when you're sleepy, Eya. You're coming with me." Concerned na boses na sinabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Kaya ko, Luis. Don't worry." Sabi ko sabay tulak sa kanya palayo pero hindi niya 'ko hinayaan. Mas humigpit pa nga ang pagkakahawak niya sa bewang ko kaya mas lalo akong nadiin sa katawan niya.

"You're holding me so tight, Luis! Kaya kong umuwing mag-isa!" Inis na turan ko sabay piglas para makawala sa pagkakahawak niya.

"No. I won't let you. You're coming home with me now, whether you like it or not." Mariing sinabi niya at agad na hinila ang kamay kong hawak niya papunta sa sasakyan niya.

"Ano? Sa condo ko ako uuwi! Hindi sa 'yo!" Sabi ko at agad na hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero sa sobrang higpit niyon ay hindi ko talaga magawa.

"Its been seven days, Eya. I let you have your personal space for a week. C'mon." Tunog pagmamamakaawa na naman na sabi niya.

Tss. Akala mo hirap na hirap dahil wala ako sa tabi niya sa loob ng isang linggo. Lungkot-lungkotan kuno! Eh nagpakasasa nga sila ni Marilou doon sa condo niya habang wala ako eh! Gusto niya pa talagang umuwi ako sa condo niyang paniguradong may bakas pa ng babaeng 'yon! Ha!

"Fine. Just for tonight." Pagpayag ko na lang at ako na mismo ang nagbukas ng pintuan ng kotse niya at agad na pumasok sa loob. Isasarado ko na din sana ang pinto pero pinigilan niya 'yon.

Nagbago yata ang isip?

Pero nagulat na lang ako ng yumuko siya sa tabi ko. Inabot niya ang seatbelt at siya na mismo ang nag-suot niyon sa 'kin.

"Thank you!" Masigla pang sabi niya at bigla pa kong hinalikan sa labi.

Hindi na 'ko nakaprotesta dahil mabilis din siyang tumuwid ng tayo bago niya tuluyang sinarado ang pinto sa tabi ko at agad ng umikot sa sasakyan niya.

Tss.

Magaling na artista nga talaga. Kung hindi ko lang alam ang totoo ay baka maniwala pa 'ko sa kasiyahang nakikita ko sa mukha niya.

Pinili ko na lang tumahimik at inayos ang higa ko sa upuan. Antok naman talaga ako. Kaya nga pagkapikit ko ng mga mata ay agad na akong nakatulog.

Hindi ko na alam kung anong nangyari noong nakatulog na ako sa sasakyan niya pero nagising na lang ako na nasa loob na ako ng kwarto niya. Nakahiga sa kama and he's undressing me!

Like what the fck?

"Luis!" Pagpigil ko sa kamay niya habang hinuhubad na ang romper shorts ko na nasa kalagitnaan na ng hita ko.

"Papalitan ko lang ang damit mo, Eya." Sabi niya sa namamaos na boses bago niya tuluyang nahubad ang damit ko. "I took the initiative. Ayokong gisingin ka, you seem so tired." Sinabi niya ang mga katagang 'yon habang nakadungaw sa katawan ko.

Nakaramdam tuloy ako ng init.. Agad na nagreact ang katawan ko. Lalo na ng mapansin kong bagong ligo siya, wala siyang pang-itaas and he's only wearing his boxer shorts na bakas ang umbok ng ano niya.

My gosh!

Ayokong may mangyari ulit sa 'min. Ayokong gamitin niya lang ang katawan ko dahil wala si Marilou dito. Ano to? Gawin niya 'kong parausan? No way!

Kahit antok pa ay pilit kong bumangon sa kama pagkatapos ko siyang itulak palayo.

"Maliligo na muna ako.." Sabi ko habang nakaiwas ang tingin sa kanya.

"Sige. I'll wait for you to finish.." Namamaos pa ding tinig niya.

Tss.

Ramdam ko ang paninitig niya sa likod ko habang naglalakad na ako papunta sa banyo. Bago pa ako pumasok ay hindi ko napigilang lingonin siya. At nakaramdam lang ako ng hindik ng makita ang pwesto niya at ang ekspresyon sa mukha.

He's comfortably lying down on the bed now, with his crossed arms above his head. The way he looks at me is as if he's a man in love and in heat.

Damn you, Luis!