"Good morning!" Masigla kong bati sa lahat pagkapasok ko sa pintuan ng shop.
Kita ko ang parang pagkataranta ng lahat ng makita ako, na mukhang alam na ang nangyari dito kagabi. I don't mind if they talked about me behind my back. Wala na lang talaga akong pakialam. They greeted me back in a very careful manner but I was all smiles as I passed by all of them.
"Good morning, Ma'am." Marahang bati sa 'kin ni Alice noong malapit na ako sa table niya. She has this certain look on her face na parang naaawa siya sa 'kin.
"What's with that expression, Alice?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"Uh.. Wala po.." Sagot niya na parang kinabahan.
"Silly! Anyway, what's our itinerary for today?" Tanong ko habang nasa harap na ng pintuan ng office ko.
"Uh, Ma'am! Si Sir Luis-" Pag-wawarning niya sana sa 'kin pero huli na dahil nabuksan ko na ang pintuan ko ng tuluyan.
Agad na bumungad sa 'kin si Lu na nasa loob pala ng opisina ko. Nakaupo sa sofa habang nakahawak sa noo. When I got inside ay doon lang siya dahan-dahang tumingin sa 'kin. He looks exhausted like he didn't sleep a wink last night.
Baka nag-anuhan sila ni Marilou. Naisip ko pa at natawa pa ako sa sarili sa kamunduhang naisip.
My gosh!
Nangingiti tuloy ako habang lumalapit sa pwesto niya.
"Hi!" Maligayang bati ko pa sa kanya. "Ang aga mo ah! What are you doing here?" Dagdag ko pa at kita ko ang pagkabigla niya sa inaasta ko.
What? Inakala ba niyang iiyak ako sa harap niya? Or magagalit man lang sa nangyari kagabi? Oh, please! I'm so done with that!
"Saan ka natulog kagabi, Eya? Hindi ka umuwi sa condo!" Singhal niya sa 'kin pero agad na napatigil ulit ng binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti.
"Luis, ang aga-aga namang interrogation niyan! Pwede bang mamaya na lang?" I said and even giggled and Luis was left dumbfounded.
Dumiretso na ako sa mesa ko at agad na lumapit si Alice para ibigay ang notes niya.
"Oh? May zoom meeting pala mamaya?"
"Yes, Ma'am. Kasama ang mga investors."
"Alright! Remind me later, huh? At baka makalimutan ko."
"Yes, Ma'am!"
"Thank you, Alice! Oh, Luis! You want anything? Coffee? Or hindi ka pa nakabreakfast?" Tanong ko sa kanya in a very casual tone.
"H-Hindi pa 'ko nakabreakfast.. Ikaw?" Parang nagpapaawa epek ang boses niya like I should feel guilty dahil hindi siya nakakain.
Nasanay na siguro na pinagluluto ko siya sa condo niya. Not my fault, though.
"I'm done na eh. Anong gusto mo? You can ask Alice. Or matatagalan ka pa ba dito? Wala kang trabaho, today?" Mga tanong ko habang binubuksan na ang laptop ko.
"C-Coffee na lang, Alice. I have work.. but I want us to talk first, Eya." Agad namang tumalima si Alice at lumabas na.
"Oh, sige. Let's talk then." Sabi ko naman at agad na tumayo para lumapit sa kanya.
I sat beside him and immediately smiled while waiting for him to talk. Pero ilang sandali na ang nakalipas ay nanatili lang siyang nakatitig sa 'kin. Natawa tuloy ako.
"What are we going to talk about, Luis? If its about yesterday ay wala na 'yon."
"Anong wala lang 'yon? You physically hurt someone, Eya! Namaga ang pisngi niya! At may sugat siya sa braso!"
Sobrang concerned talaga ni koya sa mahal niya!
"Ay.. Pakisabi na lang sa kanya na sorry. It won't happen again, Luis. Don't worry." Pagpapanatag ko sa kanya and I even tap his shoulder twice to assure him.
"What's with you? You act kind of odd, Eya... And where did you stay last night? Ilang beses akong tumawag at nagtext sa 'yo pero hindi ka nagreply at nakapatay na naman ang phone mo. I waited for you to come home the whole night!"
Napatawa ako sa unang sinabi niya. Odd daw, eh di gawin nating even. Char!
"I was in my condo last night, Luis. Doon na muna ako magstay, maybe hanggang sa araw ng kasal natin? I intentionally turned my phone off, too. Gusto ko kasi ng peaceful and harmonious sleeping time kagabi. Sorry if I didn't inform you beforehand." Sabi ko at nag-apologetic face pa.
"Huh?!" Parang hindi makapaniwalang reaksyon niya sa sinabi ko. "What do you mean doon ka muna magstay? I thought you wanted to stay in my place, Eya! Tapos ngayon babalik ka sa condo mo?"
"Uh-huh! Oh, that reminds me!" Sabi ko at mabilis na tumayo para lapitan ang bag ko at kunin ang ibabalik ko sa kanya. "I'll return this to you muna, I won't be needing it pa naman." Sabi ko at agad na bumalik sa kanya para ilahad ang duplicate key card niya.
"What the hell, Eya!!" Sigaw niya na siya ding pagbukas ng pinto ni Alice na sa sobrang gulat ay nahulog niya ang dalang kape na para sana kay Luis.
"Ano ba naman yan, Luis! Huwag ka ngang sumigaw. Nagulat tuloy si Alice!" Sabi ko at napahagikhik pa.
Si Alice naman ay natatarantang umalis para kumuha ng panlinis at naiwang nakabukas ang pintuan ng office ko. Kita ko ang kuryosong mga tingin ng mga tauhan ko sa labas.
"Stop laughing! Damn it! Why are you acting like this, Eya? And where's your fucking ring!" Pasigaw na tanong niya na talagang hinawakan pa ang kamay ko na pagkatapos tumingin sa daliri ko ay agad na binalik ang galit na mga mata sa 'kin.
"Ba't ba ang init ng ulo mo ngayon? Ano ba naman 'yan. Can we just talk calmly, my dear fiancee?" Malambing na tono pa ang ginamit ko sa pagsabi niyon.
Nakita ko talaga ang ilang beses na pag-igting ng panga niya bago siya mahinang napabuga ng hangin.
"I know I'm at fault for siding with Marilou last night, Eya. Please, stop acting this way.."
"Huh?" Tanging sagot ko habang nakatingin kay Alice na mabilising nilinis ang ginawang kalat. Pagkasarado ni Alice ng pintuan ay doon lang ulit siya nagsalita.
"Its like you don't care anymore. Please, huwag ganito. I'm sorry about last night. Hinatid ko lang siya sa hospital then I came back here but you-"
"Luis, you don't have to explain. Really."
"But I need to! Galit ako sa 'yo kagabi dahil nananakit ka ng ibang tao! But its not because-"
"Luis, ano ba?" Natatawang pagpigil ko sa kanya. "Sabi ko nga sa 'yo wala na sa akin 'yon. Nothing's changed with the wedding. If that's what you're worried about. Papareschedule na lang tayo sa coordinator kapag free ka na ulit. Or I could go alone if you're busy."
"Sasama ako." Sagot na lang niya na mukhang sumuko na kakapaliwanag dahil hindi naman niya matapos-tapos.
"Alright. Just tell me when you're free para mainform ko siya." Pagkatapos kong magsalita ay doon din bumalik si Alice na may dalang bagong kape. "There's your coffee."
"Sorry sa disgrasya ko, Ma'am." Ani Alice na parang kinakabahan.
"Its okay, ano ka ba!" Tawa ko pa at napaangat na lang ang kilay ko ng makitang nakatitig lang si Lu sa tasa ng kape sa harap niya. "You should hold the cup to drink it, Luis. Hindi 'yan maiinom ng mga mata mo ang gamit." Biro ko pa.
"Uuwi ka sa 'kin mamaya, Eya.." He suddenly said out of the blue.
Nagkakahumahog tuloy lumabas si Alice, mukhang nagka trauma pa ang sekretarya ko sa sigaw niya kanina.
"Hmm.."
"Uuwi ka mamaya sa condo!" Huling pasigaw na sinabi niya bago niya mabilis na ininom ang kape. Noong naubos na ay tumayo at walang salitang umalis.
But of course, I won't follow him.
Noong natapos ko na ang mga gagawin at nagsi-uwian na ang ibang mga staff ko ay hindi pa din ako nakapagdecide kung saan ba ako tutungo. Parang ayoko pa kasi umuwi. Gusto kong magpapagod or something para diretso tulog na mamaya pag-uwi ko sa condo ko.
How about kung mag shopping spree ako ulit? But then I remembered a certain incident noong last time na ginawa ko 'yon.
Tss.
Club kaya? I want to dance again! Kaso wala akong kasama! Alangan solo akong pumunta doon? But there are some who goes there alone, 'di ba?
Nasa ganoon pa din akong pag-iisip ng biglang tumunog ang phone ko. Napairap ako agad dahil baka si Luis na naman 'yong nagtext. Kanina kasi nakailang text at tawag na siya but I still ignore all of it. Kapag sinumbat niya eh 'di sasabihin kong busy ako. Kakausapin ko lang siya when its about our wedding, but if not then its better to ignore him.
Tumunog ulit ang phone ko for another message received, and doon lang ako napadungaw para tingnan 'yon. Noong makita ko ang pangalan ni Xave ay doon ko lang mabilis na inabot 'yon at agad na binasa ang text niya.
Xave: Are you free? I have something to discuss with you. Problem, Elle.
I felt all giddy and excited! At last may kasama na 'ko! Ni hindi ko pinansin ang huling sinabi niya.
I immediately called him and told him I'm free tonight. Kaya ayon at nagkayayaan ng magkita sa isang restaurant for an early dinner.
When I got there at the restaurant's premises ay nandoon na si Xave. Nakaupo habang nangungunot ang noo, but when he noticed me walking towards him ay agad siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap.
"I miss you, Elle."
"Miss you, too, Xave!" Sabi kong totoo naman dahil kahit paano ay namimiss ko ang mga lakad namin at paguusap. I already considered him as a friend and its not wrong to miss your friend, right?
"How are you?" Tanong niya agad pagkaupo namin.
"I'm fine, and you? Ba't parang may problema ka kanina? What's wrong?" Tanong ko din.
Napabuga siya ng hangin. "Let's order our food, first. I don't want to ruin our dinner."
"Oh, sige." Sagot ko at agad na ngang lumapit ang waiter sa 'min.
Kamustahan lang kaming dalawa habang kumakain and when I held the glass of water after I'm done eating ay doon lang yata niya napansin ang daliri kong wala ng nakasuot na singsing.
"You're not wearing your ring, Elle?" Hindi niya napigilang itanong.
Napahalakhak ako dahil parang expected na talaga ng lahat na dapat suot ko 'yon parati. Kahit 'yong mga staff ko ay ilang beses ding napatitig sa daliri ko kanina.
"Its a long story, Xave. But I'm still engaged, though." Pagbibigay alam ko sa kanya.
"Oh. Trouble in paradise with your fiancee?" Tanong niya na napangisi.
I just rolled my eyes at him at napahalakhak naman siya.
"By the way, grabe 'yong engagement party niyo. Most of my colleagues can't stop talking about it when your pictures and videos went out. I'm sorry I wasn't able to attend, though."
"Oo nga, eh. Ba't hindi ka pala naka attend? Magtatampo pala dapat ako sa 'yo." Biro ko sa kanya.
"Please forgive me, Elle." Malokong sabi niya din. "Pinagbawalan ako ng handler ko. You remember Jose? 'Yong tinutukoy ni Aurora na paparazzi?"
Napabuntong-hininga ako.
"Yeah. I do remember him. He was badmouthing me online when news about my engagement came out."
"You knew?" Parang gulat pang tanong niya.
"Uh-huh. But I don't care whatever he says, though. I'm not a fully pledged member of the entertainment industry, anyway." Nangingiti ko pang sabi.
"You should be cautious of him, Elle. He can write fabricated and fuck-up stories and his avid readers believed everything he says." Sabi niya sabay buga ng hangin. "We tried to put an end on his supposed scoop about us dancing on the club but when you're engagement party was featured and became the talk of the town for weeks ay nagawan niya ng paraan para makalusot." Pag-iimporma niya at agad na inabot sa 'kin ang phone niya.
Isang online showbiz balita or rather chismisan site ang pinakita niya sa 'kin. The article about me was posted just three hours ago. Ang nasabi doon ay nagtotwo-time daw ako sa fiancee ko and si Xave 'yong kabit ko. Nakasulat din doon na si Xave daw talaga ang gusto ko dahil mas bagay daw kami kaysa sa fiancee ko. And nakabuo pa sila ng speculation na kaya wala si Xave sa engagement party ko ay dahil hindi siya invited. Dahil other man lang siya! And since part ako ng upper class society ay minadali daw ang engagement party ng pamilya ko para pagtakpan ang pangangaliwa ko at pakikipagrelayson sa Hot Model of the Gods.
Noong natapos kong basahin ay namangha pa 'ko dahil sa galing ng pagkasulat. Parang maniniwala ka talaga. Napatulala pa 'ko ng ilang sandali pero bigla akong tumawa ng malakas.
"Oh, my God! This is hilarious, Xave!" Natatawa ko pang komento at ang kaninang nag-aalalang mukha ni Xave ay umaliwalas din. "I commend him for his writing though. Pero, my gosh! Kabit kita? Is he serious?" Natatawa ko pang dagdag.
"He's a pain in the ass to all of us in the industry, Elle." Natatawa ding sagot niya.
"My gosh! So, ano nang gagawin natin? Sakyan kaya natin ang kasinungalingan niya? Or are you planning to do some press con regarding this issue?" Parang naging excited pa 'ko sa naisip. "Parang masayang paglaruan ang mga ganitong klaseng tao eh. Pero baka magkagulo nga lang lalo. Hmm.."
"Yeah, ayokong bigyan pa siya ng tsansang makagawa pa ng ibang issue tungkol sa 'tin. May suggestion nga ang handler ko. Na kung pwede ay magpakita tayo sa public na magkasama and show them that what we have is just friendship. It would be better if your fiancee is around, too."
"Hmm.. Huwag na si Luis. Busy 'yon. You can invite your friends na lang when we go out. Or maybe I should accept some modeling stint ha? Ay! I have a better idea! Why don't you become our brand ambassador? Naghahanap pa ang main office namin ngayon. In that way, pwede nating palabasin na kaya tayo close ay dahil magiging brand ambassador ka namin. Kaso you will be going back and forth sa US.. Hmm.. But what do you think?"
"Oh, wow! It would be an honor and privilege to become your brand ambassador, Elle!" Nakangiting sagot niya.
"Alright! Problem solved!" Nakangiting sabi ko at agad na tinawagan si Aunt Margaret for my proposal.