CHAPTER 12
Sumakay ang pang anim na seksyon sa kanilang bus. Sa Bus A naka assign si Ms. Gomez, ang kanilang homeroom teacher, at sa Bus B naman si Ms. Ei Shin Lin, ang tour guide. Sa harap nakaupo ang mga scholars. Sa gitna ang Beasts, at sa dulo ang mga exchange students.
"Guys, iniisa-isa na tayong Beasts," bulong ni Cathrine sa katabi niya, si Pau.
"And what if one of our classmates pala ang killer?" nangangambang tanong ni Sam sa mga kaibigan.
Hindi sinasadya ng dalaga na mapalakas ang kanyang boses dahilan para makuha ang atensyon ng iba nilang kaklase.
"You're right. Death is upon us. Death will always be with us," wika ni Chantelle.
Dahil sa lumalakas ng ingay, napa lingon ang dalawang guro sa harapan. Natahimik ang buong klase nang tumayo ang kanilang adviser.
"Class, behave yourselves." Mahahalata sa boses niya ang kaba. Ayaw niya kasi ipaalam sa bago nialng kasama ang mga nangyari.
"S-Sorry ma'am!" mahinhing sagot ni Chantelle at napa hawak sa batok dahil sa hiya. Nasa likuran niya si Miles na kanina pa tahimik na nakikinig. Kinakalabit siya nito sa likuran.
"Ano ba kasi ang sasabihin mo?" bulong ni Miles kay Chantelle.
"Wala yon," matipid na sagot, halatang umiiwas. Napa kunot ang noo ni Miles. Imbes na tumahimik, inasar na lang niya ang dalaga.
"Ah, ganon ba? Grabe, lahat ba kayo rito pinag sakluban ng langit at lupa kaya ang susungit ninyo?" sagot ni Miles. Hindi siya pinansin ng dalaga pero ipinag patuloy niya ang pag paparinig. Sa huli ay sumandal na lamang sa upuan.
"Sino kaya ang susunod? Excited na ako," mapang kutsang bulong niya sa katabing si Sakura. Mabilis siyang nakaramdam ng kakaibang lamig nang makitang ngumiti ang dalaga matapos itong sabihin.
Pasimpleng kinuha ni Miles ang kanyang gamit at nakipag palit ng upuan kay Zoey dahil nawiwirdohan na ito sa katabi.
"Sakuraaa . . ." bati ni Zoey sa kaklase habang naka tingin sa kanyang stuffed toy na si Mister Nameless.
Napa lihis ng tingin si Zoey nang makitang saksakan ni Sakura ng karayom ang kanyang hawak na stuffed toy, katakot-takot ang lapad ng ngiti nito. Nag kunwari na lang na walang nakita. Sunod ay mapag larong ipinadulas-dulas ni Sakura ang blade ng gunting sa kanyang braso. Hindi niya mapigilang mapatingin tuwing nakikitang tila nakikiliti ang dalaga sa ginagawa niya sa sarili. Naisipan niyang itulong na lang para hindi na ito mapansin, pero may nakita siyang envelope na nakaipit sa bulsa sa harap ng kanyang inuupuan.
"Interesting," sabi nito sa katabi pero hindi sya nito pinansin. Binuksan niya ang envelope at nakita ang lamang class picture. Halos lahat ng estudyante ay may mga markang ekis na sa kanilang mga mukha maliban sa isang binata. Napangisi lang siya at itinago ang litrato. Nagulat siyang makitang pinag mamasdan pala siya ni Sakura. Napa sandal ito sa kanya at saka bumulong.
"They're coming, Zoey . . ." Tumawa na lang ang dalaga at nag kunwaring hindi natatakot.
Ilang sandali pa ay tumigil ang bus sa isang gasolinahan na may mga katabing kainan at convenience stores. Bago sila palabasin, pinaalalahanan muna sila ng dalawang guro. Kinuha ni Ms. Gomez ang kanyang microphone.
"Okay, class, it's time for a quick rest! I know you are all excited lalo na at malapit na tayo sa camp. In the meantime, umihi na muna ang mga naiihi. Ang mga nagugutom naman, bumili sa convenience store using your e-wallet cards."
Nag sibabaan na ang mga estudyante. Naiwan si Resha at ang iba niyang girl friends na nag-aayos pa ng bagahe.
Pag kababa ng dalaga sa bus, dumiretso siya sa banyo. Habang umiihi, nakarinig siya ng tatlong katok sa cubicle sa pinto ng cubicle na kinaroroonan niya.
"May tao! Ano ba?" reklamo niya. Nabalot ng naka bibinging katahimikan sa buong banyo. Inayos niya ang palda pag katapos umihi. Napansin niya sa sahig ang biglang pag pasok ng tubig, kaya dali-dali siyang lumabas. Napa sigaw siya sa takot nang mabasa ang naka sulat sa salamin: Goodbye my friend!
Tumambad din sa kanya ang mga sirang gripo sa lababo na tuloy-tuloy nag papalabas ang tubig. Nang hawakan nya ang doorknob ay di na niya mapihit ito. Pag lingon niya ay naka rinig siya ng tunog ng ahas. Nag silabasan ang marami nito, at gumapang pababa ng mga pader.
Pag katapos ng break, nag sasagawa ng head count si Ms. Gomez. Napa tigil siya nang walang sumasagot sa pag tawag niya sa pangalan ni Resha.
"Where's Miss De Leon?"
"Ma'am wala pa po," mahinahong wika ni CJ.
"Ha? Sige, hanapin natin! Hindi tayo aalis hangga't hindi tayo kumpleto."
Muli, nag sibabaan ang lahat para hanapin si Resha. Nag hiwa-hiwalay sila't inikot ang lugar. Napa hinto si CJ sa kanyang pag hahanap nang maka rinig ng sigaw mula sa banyo. Nilapitan niya ito at kumatok sa pinto.
"R-Resha?" tanong nito mula sa labas. Narinig siya ng dalaga sa loob. Pinag kakalabog nito any pintuan.
"CJ! Tulong! Hindi ako makalabas!" pag mamakaawa niya habang kinakalampag ang pinto.
"A? O, sige! Mag tatawag ako ng kasama!" natatarantang sagot ng binata. Laking tuwa niya nang makita niya si Cheska na nag lalakad papunta sa direkyson niya.
"Si Resha! N-Nasa loob siya ng banyo pero hindi ko mabuksan ang pintuan!" nanginginig na wika ni CJ. Namumutla ito sa kaba. Kumaripas ng takbo si Cheska para hanapin ang management ng building. Laking tuwa ni CJ nang dumating si Cheska kasama ang ilang staff. Tinulungan sila nitong buksan ang pinto.
Pag bukas, sumalubong sa kanila ang kaklaseng umiiyak sa takot. Umatras din silang palayo nang makita ang mga ahas. Hindi makapagsalita si Resha. Dala ito ng kanyang herpetophobia o takot sa reptiles.
Pag pasok ng bus, agad nilang pinununasan at binalot ng tuwalya ang dalaga. Nag simulang mag bulong-bulungan ang mga exchange students.
"Alam mo, Lacus, dapat nag palipat na lang tayo ng seksyon noong umpisa pa lang, e. Bala madamay pa tayo sa mga nangyayari! Balita ko mula sa ibang seksyon, may masamang espiritung nag katawang-tao raw sa seksyon na to kaya palaging minamalas," bulong ni Miles sa katabing si Lacus.
"Ikaw talaga, kung ano-ano iniisip mo," mahinahong tugon ni Lacus. Tinaasan siya ng kilay ng kaklase't humalukipkip.
"Puro freaks kasi sila dito. Pag balik ng St. Venille, mag papalipat na talaga ako." Narinig ni Alex ang kanilang pinag-uusapan kaya hindi na niya napigilang sumingit.
"E, di magpa-transfer ka! Girl, walang pipigil sayo! Basta ako, I won't stop until hindi ko nakukuha ang mga bagay na dapat sa akin," pag paparinig niya kay Lacus, na siya namang nailang. Nag suot na lang ito ng headphones paara makinig ng music.
"Excited na ako sa camping, I'll make sure mapapasakin na si Hunter bago matapos ang tour," muling pag paparinig ni Alex. Sa unang pag kakataon, pinatulan siya ni Lacus. Hinarap siya ng dalaga at nginitian.
"Ganon ba? Too bad hindi pumapatol si Benjamin sa mga . . ." Bago niya ituloy ang kanyang sinasabi ay tiningnan niya taas-baba si Alex.
"Low-class, trying-hard barbie na walang gustong gawin kung hindi kumain ng sinuka na ng iba. Katulad mo, Miss . . . Bartolome," naiinis na sagot ni Lacus sa dalaga habang tinitingnan ito sa mata. Hindi na nag salita si Alex at inirapan na lamang si Lacus.
Halos tatlong oras pa ang nakalipas bago sila makarating sa Koch Camp. Nagising na rin ang ibang natutulog.
"All right, class! Nandito na tayo. Pakihanda ang inyong mga gamit sa pag baba," anunsyo ni Ms. Lin sa klase.
"Oh my God! Sa wakas!" wika ni Aliza sa kanyang kapatid na si Alina.
"Oo nga, ate, mukhang magiging masaya rito!" dagdag ni Alina habang sinusuot ang kanyang pinkg backpack.
"Alam nyo bang ipinangalan ito kay Ilse Koch," sabi ni Cameron sa mag kapatid.
"Oh?" sagot ni Alina.
"Si Ilse Koch daw ang babaeng gumawa ng lampshade sa gawa sa balat ng tao," patuloy ni Cameron. Mariing napa lunok si Alina. Halatang nayamot naman si Aliza.
"Human lampshade?" nababahalang tanong ni Alina.
"Isa iyon sa mga holocaust mysteries noong Nezi era."
"Human lampshade mo ito!" sabi ni Aliza sa binata at nag-itsa sa binata ng isa niya bag. Agad niya itong nasalo.
"Nako, Cameron. Pwede ba? Nandito tayo para magrelax, okay? Hindi para takutin ang isa't isa. Besides, nasa St. Venille ang killer. Alam mo namang matatakutin itong si Alina, at siya pa talaga ang pinag kwentuhan mo."
Isa-isa nang nag babaan sa bus ang mga estudyante. Malakas na ihip ng hangin ang sumalubong sa kanila. Ang camp ay napapaligiran ng maraming puno't halaman. Mahahalata ang mga lumang cabin sa di kalayuan. Tahimik ang paligid. Na-excite ang lahat nang makita ang lawa sa tabi ng camp. Ilang sandali pa, dumating ang isang dalagang naka-uniporme. Nag pakilala ito bilang, Angelica Lapar, isa sa mga taga bantay sa na-assign sa kanila.
Pinapunta niya ang klase sa main building kung saan i-dinistribute niya ang mga susi ng cabin.
"Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may something dito," bulong ni Arsela kay Erika.
"Alam mo, gutom lang yan. Kumain na lang tayo pag naka pasok na tayo sa cabin natin," sagot ni Erika. Isa-isang binigyan ni Miss Lapar ng susi ang lider ng bawat pangkat ng klase. Naka-poker face si Zero na nag mamasid sa kanyang paligid.
"I smell trouble," bulong ng binata sa sarili.
This is going to be fun! Bloody fun! This place is perfect or my lovely contraptions. My love for my dearest classmates is so overflowing, kaya naman ipatitikim ko sa kanila ang pag mamahal na ito sa paraang alam ko. And I'm glad nandito ang partner ko to help. It's so romantic.
"So sino naman ang uunahin natin?" bulong ko sakanya.
"Don't you worry about that. I have everything laid out."
"Meaning?"
Bakit parang hindi niya alam ang mga susunod na gagawin? Nginitian niya lang ako. Masama ito. Hindi ako pwede mahuli. Ngayon pa kung kailan unti-unting nasusunod ang mga plano ko.
"This time, ako naman ang makikipaglaro sa kanila," misteryosong sagot niya na nasundan pa ng nakapangingilabot na tawa.