CHAPTER 13
Sinabihan ang lahat na pumunta sa main building bago mag-alas sais ng gabi para i-discuss ang mga gawain sa mga susunod na araw. Sa cabin ng Beasts, abala sila sa pag hahanda ng mga bagong bili nilang damit. Masaya silang nag kukwentuhan nang biglang may kumatok. Naunang tumayo si Pau.
"Sino yan?" sigaw nya habang dumudungaw sa bintana, pero walang nasa labas. Nag tanong ang iba kung sino ang nasa pinto. Nag kibit-balikat lang si Pau. Nakabalik na siya sa kanyang puwesto nang may kumatok ulit sa pangalawang pag kakataon.
"Hoy! Hindi na nakakatuwa, a!" nayayamot na sigaw ni Sam. Muling tumayo si Pau, at ngayon naman ay binuksan na ang pinto. Pero wala pa ring nandodoon. Yumuko siya at may nakitang tissue paper sa sahig. Pinulot niya ito. Napakamot siya ng ulo sa nakasulat: δεν μπορείς να ξεφύγεις από τη μοίρα σου
"Guys, mukhang secret message yata ito . . ."
"Patingin," wika ni Cathrine at inagaw ang sulat. Tinabihan siya ni Angela.
"It looks familiar. But it's in a foreign language."
"Mag tanong tayo sa iba," yaya ni Cathrine.
Abala ang mga kaklase nila sa pantry. Lumapit sila sa mahabang mesa kung saan nandon sina Erika. Inabot ng Beasts sa kanya ang sulat.
"Anyone know what this means?" tanong ni Erika sa mga kasama at ipinakita ang naka sulat sa papel. Nag taas ng kamay si Sakura.
"It's Greek," paliwanag ni Sakura na sinundan ng misteryosong ngiti. Lahat ay napa tingin sa kanya para abangan kung ano ang sabi ng naka sulat.
"You cannot escape your own fate," bulong ni Sakura. Gumapang ang kakaibang lamig sa katawan ni Erika. Mariin siyang napa lunok.
Naka tambay sa playground ang ilan sa mga estudyante, masayang nag kukwentuhan at nag kakantiyawan.
"Z-Zero?" mahinang tawag ni Tiffany sa binata. Lumingon si Zero, naka taas ang makakapal niyang kilay.
"O?" matipid na sagot nito.
"Sakaling hindi pa rin tapos ang nang yayari sa ating lahat, gusto ko sana na . . . protektahan mo ako," nahihiyang paki usap ng dalaga. Namula si Zero. Inilihis niya ang tingin bago sumagot.
"S-Sige." Natuwa si Tiffany at napa yakap sa binata. Mas lalong namula si Zero at hindi alam ang gagawin. Naiilang man ay ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa likod ng dalaga.
Sa may di kalayuan, tahimik silang pinag mamasdan ni Alexandra. Naka sakay ito sa swing na kasalukuyang itinutulak ni Cameron.
"Kung susuwertehin ka nga naman o," sarkastiko niyang bulong sa sarili. Hinawakan niya ang bakal ng swing at inilapag ang mga paa sa lupa para prumeno. Kinuha niya ang kanyang face powder sa tote bag at sinimulang mag retouch.
"Cameron, am I gorgeous?" tanong ni Alex habang nananalamin.
"Ha? e, oo naman. Maganda ka, kaso . . ." naiilang na sagot ng binata. Nag taas ng kilay ang dalaga.
"Kaso?"
"Kaso-"
Bago pa maituloy ay pinutol ni Alex.
"Hep! Tama na. Ang tinanong ko lang e kung maganda ako. Huwag mo nang dagdagan. Keri?"
Bago umalis, hinawi muna niya ang kanyang buhok at kinindatan ang binata.
"Toodles," paalam niya, pag katapos ay naglakad papunta sa cabin. Nadatnan niya sina CJ, Resha at Erizel.
"O, Resha? Kumusta na pakiramdam mo, my dear?" tanong ni Alex. Napa kunot ang noo ni CJ habang tinapik-tapik siya sa balikat.
"Alex, ikaw ba talaga yan? Nilalagnat ka ata," biro ni CJ.
"Yeah? At please, don't touch me nga at baka madapuan ko ng germs mo. Medyo concerned lang ako sa kanya, no," wika ni Alex. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nag sasalita si Resha. Naging tahimik siya at dumidistansya sa tao.
Dumiretso ang mga estudyante sa main building pagsapit ng alas sais. Pinakuha ng guro ang dalawang flag sa gilid. Ang isa ay pula, at ang isa naman ay asul na siyang iniabot ni Ms. Gomez kay Ms. Lin. Itinaas ng dalawang guro ang flags at sabay na iwinagayway ang mga ito.
"Tomorrow, the class will be divided into two groups. Group Alpha will be under my supervision, while Group Beta will be under Ms. Lin's. Klaro? For tonight, naisipan namin ni Ms. Lin na mag-bonding muna tayo as a class. Our lovely tour guide prepared a campfire." Nagalak ang marami, at ang iba naman ay tila walang paki.
Pinapila ang klase bago umalis. In-escort sila sa kanilang destinasyon. Nadatnan nila sa campfire si Ms. Lapar na tahimik nag hihintay. Isa-isang binigyan ni Ms. Lapar ang mga estudyante ng flashlights, sticks at marshmallows para sa kanilang campfire experience. Excited na hiniram ni Aliza agad ang nakita nyang malaking flashlight kay Ms. Lapar. Binuksan nya ito at tinapat ang ilaw sa kanyang mukha.
Nang makapuwesto na sa paligid ang campfire ang lahat, sinimulan ni Ms. Lapar ang pag kukwento sa klase ng mga nakakatakot niyang karanasan sa loob ng camp. Nag halong tuwa at takot ang pakiramdam ng klase. Pag katapos ni Ms. Lapar ay nag-isa-isa ang ibang estudyante na sumunod sa pag lahad ng sarili nilang scary stories. Natahamik ang buong klase nang si Erika na ang nag simulang mag kuwento. Bago siya matapos, mas lalong kinabahan ang mga kaklase niya nang biglang ikinuwento ni Erika ang madudugong nangyari sa kanilang klase.
"Balita ko, kasama raw natin ang pumatay sa kanila. Sabi pa nila, kapag raw pumasok ka sa sixth class . . . You either kill, or get killed." Naudlot ang pag kukuwento nang umeksena si Ms. Gomez. Dahil lumalalim na ang gabi, sinabihan na niya ang lahat na bumalik na sa camp at mag pahinga na sa kani-kanilang cabin.
Kahit delikado, nag desisyon sina Jeff at Miles na bumalik sa campfire noong mag sibalikan na ang lahat. Nag kwentuhan sila nang masaya habang ine-enjoy ang bagong sinding campfire. Napa tingin si Miles sa kanyang academic phone. Alas onse na pala ng gabi. Niyaya na niyang bumalik si Jeff sa camp.
"Dito muna tayo," angal ng binata pag katapos ay hinawak ang dalaga sa kanyang braso.
"Jeff, late na." Sumimangot lang si Jeff at mahigpit na niyakap ang dalaga. Tinitigan ng binata si Miles sa kanyang mga mata at marahanang hinalikan sa labi.
"Bae, bago tayo bumalik, may gusto muna akong gawin natin." Ipinakita ni Jeff ang dalawang kulay lilang lucky charms.
"Ang childish, ha!" pang-aasar ni Miles.
"Oo na, pag bigyan mo na. Itong kalahati sayo, at itong kalahati naman ay sakin. Gusto ko maibaon natin ito sa tapat ng mag katabing puno. Sabi sakin ng pinag bilhan ko, mag dadala raw ito ng swerte sa relasyon natin dahil offering ito sa moon goddess," paliwanag ni Jeff, pero tinawanan lang siya ni Miles.
"Seryoso ka ba? Alam mo, bae, dapat hindi ka naniniwala sa mga ganyan. Hokus-pokus lang yan e . . ."
"Bae . . . wala namang masama, diba? Malay mo, totoo . . . who knows?"
Nag buntonghininga si Miles at bahagyang ngumiti. Wala na siyang nagawa kundi pumayag sa gusto ng kasintahan. Nag simula na silang mag lakad sa mag kabilang direksyon. Ibinaon ni miles ang charm sa katulad ng sabi ni Jeff. Sa kanyang pag lalakad, napasigaw siya sa biglang pang gugulat sa kanya ni Jeff.
"Argh! I hate you!" iritang sabi ni Miles. Hinalikan siya ni Jeff sa noo at tumango. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at niyaya nang bumalik ng camp.
"Bae, wait lang. Wiwiwi lang ako saglit," sabi ni Miles.
"Sige. Hintayin kita rito. Bilisan mo, ha?" sabi ni Jeff.
May kalayuan ang nilakad ng dalaga bago makahanap ng mapupuwestuhan. Nang matapos na siya at nag lalakad na pabalik ay naka rinig siya ng sigaw.
"J-Jeff?" Napalingon ang dalaga sa paligid dahil nalito na siya sa kung paano bumalik sa campfire. Napatakbo na lang siya nang marinig ang sigaw sa pangalawang pag kakataon. Muli siyang huminto nang mapakiramdamang tumigil na ang pag sigaw. Hingal na siya at napa sandal muna sa isang pine tree. Ilang sandali pa ay mariin siyang napa lunok nang maka rinig ng tila tunog ng pinuputol na punongkahoy. Nag simula na itong pawisan sa kaba.
Pag karaan ng ilang sandali, lumingon siya at nanlaki ang mga mata nang makitang sa kanya pala babagsak ang puno. Sinubukan niyang umilag pero hindi siya naka galaw sa tamang oras, kaya nadali ang kanyang tuhod.
"Aaaah! Jeff! Tulungan mo ako!" sigaw ng dalaga pero walang dumating. Mahigpit niyang hinawakan ang nabagsakang tuhod. Hindi niya ito maiangat dahil nadaganan ito ng punong bumagsak. May kuskos siyang narinig na sinundan ng malakas na kalabog mula sa itaas. Napatakip siya ng bibig nang makita ang bangkay ng isa sa mga kaklase, si Hashikawa Lee. Naka nganga at tila dinukutan ng mga mata. Umurong ang kanyang sikmura sa nakitang malalim na gilit sa leeg ng binata. Sa kamay ng bangkay ay ang nakaipit na litrato, ang class picture.
"This can't be happening," bulong nya sa sarili.
Naka rinig muli siya ng kaluskos. Laking tuwa na niyang makita niya ang pulang kotseng palapit. Hindi niya maaninag ang driver dahil sa pag kasilaw niya sa headlights. Tuloy-tuloy ang andar ng kotse. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata sa pag aakalang sasagsaan na siya nito, pero sa halip ay huminto ito. Tutok pa rin sa kanya ang liwanag ng headlights. Hindi si Jeff ang nasa driver's seat kundi isang taong naka-maskara.
Bumaba ito bitbit ang isang timba. Napa sigaw ang dalaga nang ibuhos sa kanysa ang laman nito. Dugo.
"Ano bang kailangan mo?" nang gagalaiting sigaw ng dalaga pero hindi siya pinakinggan.
Bumalik sa loob ng sasakyan ng naka-maskara. Walang alinlangang ginulong-gulungan nito ng kotse ang kanang siko ng dalaga. Walang humpay sa pagsisigaw si Miles dahil sa pag kadurog ng kanyang mga buto.
Muling bumaba ang misteryosong estudyante. Kahit na paos na at wala nang boses, nag sisisigaw pa rin si Miles, lalo na nang makita niya ang itak na dala-dala ng killer.
"See you in hell," malamig na pag kakabulong nito habang nakatingin sa mga mata ni Miles.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa pag-angat ng patalim hanggang sa tuluyang ihinataw ng killer ang patalim sa leeg ni Miles. Pinulot niya ang nalaglag na ulo at saka itinusok sa road sign. Pag katapos ay sumakay ito sa kotse at pinaharurot palayo. Doon siya nag bihis bago bumalik sa camp, suot din ang isang mapaglarong ngiti.
"This is just the beginning," bulong niya sa sarili bago pumasok ng cabin. Doon ay nadatnan niyang masayang nag kukwentuhan ang mga kaklase.