Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 20 - CHAPTER 19

Chapter 20 - CHAPTER 19

CHAPTER 19

Pag balik sa St. Venille, halos lahat ay mayrong kwentong gustong ibahagi sa kanilang mga kaibigan. Ang ikaanim na seksyon, sa kabilang banda, ay matamlay. Bakas sa kanilang mga mukha ang labis na lungkot dala ng mga nangyari sa camp. Sa kanilang pag baba, sinalubong agad sila ni Eugene. Masaya ang binata na muling makita ang kanyang mga kaklase. Nag siglahan ang iba dahil ligtas ito. Halos lahat sa ay yumakap sa kaklase. Hindi naman napigilang mapaluha ng guro.

"Huwag ka na ngang aalis ng walang paalam, ha? Ayokong mabawasan pa ang Beasts," ani Angela na nanginginig pa ang boses.

Bumalik ang regular na klase sa St. Venille. Wala kahit isa sa kanilang sekyson ang nag kwento sa iba ng tungkol sa Koch's Camp.

Habang nag papahinga, naka tanggap sila ng message mula sa admin: We will be having our annual seminar later. Please wait for further announcements. Thank you and have a good day!

Napa kunot ang noo ni Caleb. Napa tingin siya kay Cameron na abala sa pag-aayos ng kanyang hawak na DSLR. Nilapitan niya ang kaklase't tinapik sa likod.

"O, bakit, pre?" sagot ng binata na agad ding inilihis ang tingin sa kanyang hawak na camera.

"Huwag na tayo umattend. Kumain na lang tayo," yaya niya sa kaklase. Tinawanan siya ng kaibigan at nag buntonghininga.

"Ayoko nga. Ang B.I. mo talaga," ani Cameron. Tumawa si Caleb at nag kamot ng batok. Napansin ni Hunter ang biruan ng dalawa kaya naisipan niya itong kantiyawan.

"Tsss! Matagal na talagang bad influence yang si Caleb!"

Natigil ang kantiyawan nang maka rinig sila ng katok sa pinto. Tumayo si Cameron at dahan-dahang binuksan ito. It was just Cheska, naka ngiti at may hawak na bola.

"Basketball tayo?" yaya niya. Napangiwi si Cameron at nag kamot ng ulo.

"Sila na lang. May gagawin pa ako, e."

Payag naman ang dalawa sa alok.

"Mag bibihis lang ako," wika ni Caleb sa dalaga. Asar pa rin si Cheska kay Cameron kaya naka pamewang.

"Ano ba kasi yang gagawin mo?" tanong nito. Ngumiti lang si Cameron at kinuha ang kanyang camera.

"Gusto ko lang kunan ng larawan ang bawat sulok ng school, since huling taon na natin," paliwanag niya.

"Hindi ba pwedeng bukas mo na lang gawin yan?" pag pupumilit ni Cheska. Saktong lumabas ang dalawa pang mga lalaki na katatapos lang mag bihis.

"Sus! Crush mo lang si Cameron, eh. Ayieee!" pang-aasar ni Caleb. Umirap si Cheska at ibinato ang bola sa kanya.

"Tama na nga yan. Laro na tayo!" ani Hunter.

Sabay na umalis ang tatlo papunta sa court. Nag simula naman sa pag-iikot si Cameron para kumuha ng mga litrato.

Sa gitna ng kanyang pag-iikot, naramdaman niyang parang may sumusunod. Napahinto siya sandali nang maakyat niya ang fourth floor ng Academic Building at nagtago sa isang silid. Doon niya inabangan kung sino man ang sumusunod sa kanya. Nakita niyang si Sakura pala na hawak na naman ang kanyang manika. Humarap ito sa view ng balcony.

"Huwag ka nang mag tago. Alam kong nandiyan ka."

Napa lunok si Cameron at lumabas mula sa pinag tataguan.

"A-Ah... Sorry, Sakura... Bakit mo pala ako sinusundan?"

"Hindi kita sinusundan. Mayron akong panonooring palabas," paliwanag ng dalaga. Napa kunot ang noo ni Cameron. Tinabihan niya ang kaklase't tumingin sa pinapanood nito.

"Anong palabas?" naguguluhang tanong ng binata. Ngumiti na naman si Sakura.

"May mga hindi ka pa nalalaman tungkol sa lugar na ito. Kailangan mo silang unahan bago ka maisahan. Isa sa pamilya ko ang naging biktima ng trahedya ng paaralang ito. Hindi normal ang mga tao rito, kaya kailangan mong mag-ingat. Kahit anong mangyari, don't trust anyone," babala niya sa kaklase.

"Anong ibig mong sabihin?"

Lumapit si Sakura. Napapikit si Cameron. Itinapat ng dalaga ang bibig niya sa tenga ng binata.

"Cameron, naranasan mo na bang..."

Naputol ang kanyang sinasabi't nadugtungan ng nakakapangilabot na tawa. Umihip ang malakas na hangin. Pag mulat niya ng kanyang mata ay wala na si Sakura sa paligid. May nakita siyang piraso ng papel sa kung saan nakatayo si Sakura ilang sandali lang ang naka lilipas. Pinulot niya ito.

Kill or get killed.

Naka ramdam siya ng kakaibang lamig. Nag-isip kung anong ibig sabibin ng buong encounter na iyon. Inisip rin niya kung may kinalaman ang nakaraan sa mga kasalukuyang pang yayari. Pababa na siya nang may biglang sumigaw sa kalapit na kwarto, isang computer lab. Pumasok siya riyo at nadatnan ang isang estudyanteng naka tayo sa ibabaw ng upuan. Hindi niya maaninag ang mukha dahil natatakpan ng kanyang mahabang buhok. Sinubukan niya itong lapitan. Kinilabutan siya nang mapalitan ang pag hikbi ng di-kilalang dalaga ng isang nakakalokang tawa. Papalakas iyon nang papalakas kaya napa atras si Cameron.

"M-Miss? Okay ka lang ba?"

Hinawi ng dalaga ang kanyang buhok at unti-unting nag-angat ng ulo. Si Lacus pala iyon.

"Anong nang yayari sayo, Lacus?" sabi nito at unti-unting lumapit sa dalaga.

"W-Wala na kasi kami ni Hunter. Ayaw niyang sabihin kung bakit. Napaka-bullshit, diba?"

Niyakap siya ng binata para mapatahan, pero imbes na kumalma ay napakita ng halakhak ang pag-iyak. Bigla siyang itinulak nito at dumukot ng kutsilyo mula sa kanyang likuran. Itinutok niya ito kay Cameron habang patukoy sa pag halakhak. Napansin ni Cameron sa sahig ang basyong blister pack ng medication ng kaklase at naisip na baka epekto ng gamot ang nang yayari kay Lacus.

"Huwag kang lalapit! Papatayin kita! Papatayin ko kayong lahat!" banta ng dalaga. Epekto rin ng gamot ang halatang panginginig nito.

Dahan-dahan itong tumungtong sa upuan katapat ng lubid na naka tali mula sa kisame.

"Hindi yan ang sagot, Lacus! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo! Marami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo!" sabi ni Cameron. Natigilan si Lacus na tila natauhan. Nag simula itong umiyak.

"Hindi ko alam kung sumobra ba ako o nag kulang. At sa lahat pa ng ipapalit niya, si Alex pa? Parang sampal sa mukha..."

Nanumbalik ang sidhi ng galit nito. Kinuha niya ang lubid at sinuot sa leeg. Niyakap siya ni Cameron. Pilit na kumakawala ang dalaga pero mas lalo lang hinigpitan ni Cameron ang kanyang pag yakap.

"Makinig ka sakin . . . Hindi ito rason para sayangin mo ang buhay mo. Balang araw, mayron ka pang makikilalang bago na tatratuhin ka nang mas maayos. Kailangan mong mag pakatatag. Ganyan talaga ang buhay, hindi lahat ng gusto mo ay nakukuha mo, pero mas marami pa rin dahilan para maging masaya," paliwanag ni Cameron. Dahan-dahang napa yakap si Lacus sa kanya matapos marinig ito.

Unti-unti niyang napag tantong tama ang sinabi ng binata.

"Bakit mo ito ginagawa? Bakit ang bait mo sakin?" tanong ng dalaga. Bahagyang napa ngiti si Cameron kahit naluluha.

"We're classmates. We're like siblings," bulong niya. Nanlaki ang mga mata ng binata nang maramdaman ang kakaibang kirot. Unti-unti siyang napalayo't napaupo sa sahig. Nakita niyang may dugo na ang matulis na dulo ng kutsilyong hawak ni Lacus. Nasugatan siya nito pero mabuti na lang at mababaw lang.

Nabigla at medyo napaiyak si Lacus sa kanyang nagawa.

"Sorry, Cameron. Your words are amazing, but they're not enough to make my Hunter come back to me. Sumali ako sa program for him, and I'm not going to let him go that easily! Kahit pumatay pa ako!" nang gagalaiting sabi nito. Aalisin na sana niya ang lubid sa kanyang leeg pero nadulas ang paa nito sa tinutungtungang silya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla siyang nag palambitin sa ere. Sa pag kakalambitin ay nasipa niya palayo ang upuan. Sinesenyasan niya ang binatang ilapit ulit ito pero tinatawanan na lang siya ng binata, tila nasiraan na rin ng bait.

"Keep your friends close, and your enemies closer," sabi niya. Pag katapos ay iniwan niya si Lacus na naka lambitin at nangingitim na ang mukha dahil sa kawalan ng oxygen. Pumasok ito sa banyo para hubarin ang madugong polong kanyang suot. Hindi niya alam kung anong pumasok sa kanyang isipan at nagawa niya abandonahin ang kaklase. Naisip niyang siya rin naman ang matutuluyang kapag nag kataon. Nag hilamos siya ng kanyang mukha at palihim na bumalik sa kanilang dorm. Sinigurado niyang walang naka kita sa kanya. Makalipas ang ilang sandali pag katapos niya maka balik ay dumating na sina Cheska, Hunter at Caleb. Sa sobrang kaba hindi siya mapakali, nag simula na rin siyang pawisan ng malamig. Nag kulong na lang siya sa kwarto upang palipasin ang traumang kanyang naranasan.