CHAPTER 24
Naging madugo ang planong binalak ni Aliza kaya nag desisyon siyang muling tipunin ang buong klase upang mag-isip ng bagong posibleng solusyon. Umaga na nang dumating ang mga pulis. Agad in-interview isa-isa ang mga estudyante sa seksyon six para maka kuha ng impormasyon na mag papadali sa imbestigasyon. Nakita nila si Ms. Gomez na kinakausap ang mga pulis. Kinausap niya ang nanay ni Tiffany na head ng pulisya sa kanilang region. Nahalata rin nilang iniiwasan na si Ms. Gomez ng kanilang mga kapwa guro ng hawak niyang seksyon.
"Ano po bang nangyari, maam?" nalilitong tanong ni Mrs. Mendoza sa guro.
"Marami na pong mga namatay na estudyante," nang hihina't mangiyak-iyak na sagot ng guro. Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Mendoza.
"Bakit nyo po hinayaan na humantong pa sa ganito? Hayaan nyo, gagawin namin ang lahat upang maayos ang lahat," mahinahon niyang sabi. Hindi na naka pagpigil ang guro at napa yakap na lamang siya kay Mrs. Mendoza. Lumapit si Erika kila Mrs. Mendoza at kinalabit ito sa likuran.
"Ano pong plano nyo?" naka ngiting tanong ni Erika sa guro.
"Paiimbestigahan daw ang bawat estudyante," wika ng guro.
"Ahhh, okay po," matipid na sagot ni Erika. Napataas ang kilay ni Mrs. Mendoza at pumamewang. Muling humarap si Mrs. Mendoza kay Ms. Gomez at nag tanong.
Habang abala ang lahat sa nang yayari sa paaralan, busy si Pau sa pag-aasikaso ng kanyang mga school papers. Alam niyang third quarter na pero gusto na talaga niyang mag pa-transfer sa ibang school. Kumatok siya ng tatlong beses sa opisina ng school principal upang mag paalam.
"Sino yan? Tuloy!" sigaw ng punong guro. Dahan dahang pumasok si Pau sa kwarto't umupo. Sinalubong niya ang guro ng ngiti. Alam niyang baka hindi siya nito payagan na mag-transfer dahil malapit nang matapos ang taon, pero gusto parin niyang subukan.
"Ano kasi, maam, e," pautal-utal na bungad ni Pau. Tinaasan siya ng isang kilay ng punong-guro. Nakita niyang nanginginig ang dalawang kamay ni Pau.
"Spill it, Miss Cruz. Marami pa akong gagawin ngayong araw," masungit na tugon sa dalaga.
"I decided to transfer to another school," kabadong wika ni Pau. Nanlaki ang mga mata ng principal nang marinig niya ang sinabi ng dalaga. Tumayo ang punong-guro. Kinuha niya ang school papers ni Pau at agad inaprubahan ito. Bago pa man ibigay ng principal ang naaprubahang papers ng dalaga ay tinanong muna niya ito.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" misteryosong tanong ng punong-guro sa estudyante. Napa lunok si Pau at tumango. Pag labas niya sa opisina ay nag buntonghininga ito at sumandal sa pintuan. Nag-sign of the cross siya at mabilis na bumaba ng Academic Building. Ayaw niyang makita siya ng kanyang mga kaklase sa kanyang pag-transfer. Nagulat siya nang makitang hinihintay pala siya ng lahat sa baba ng building.
"Going somewhere?" pamungad na tanong ni Alex. Nakita niyang may iba't ibang armas na hawak ang kanyang mga kaklase. Alam niyang siya ang pinag bibintangan ng kanyang mga kaklase na killer dahil sa balak na pag-transfer at pag-iwas sa imbestigasyon.
"Anong alam mo, Pau? Bakit ka magta-transfer ng ibang school?" nalilitong tanong ni Erika.
"It's because-"
Naputol ang isasagot niya dapat nang biglang sumingit si Tiffany.
"Isn't it obvious? Gusto niyang takasan ang imbestigasyon. I've got to report this to my mom. Huwag kang pakampante, Pau. All eyes are on you," babala ni Tiffany.
"I'm sorry guys, pero sa tingin ko ito lang ang way para maka takas ako sa mga nang yayari sa St. Venille. I'm sorry pero sa tingin ko, hindi ko na kaya, e," nang hihinang sagot ni Pau sa mga kaklase. Lumapit si Chantelle kay Pau at bumulong.
"Huwag mo nang ituloy ang binabalak mo," babala ni Chantelle. Napa lunok si Pau sa kanyang narinig. Nag sitaasan din ang mga balahibo niya sa katawan. Tiningnan siya ni Chantelle sa mga mata at napansing parang mayroon siyang alam na hindi alam ng lahat. Dahil sa takot, nag-panic na nang tuluyan ang dalaga.
"Ano bang alam mo, ha? Tigil-tigilan mo na yang kawirdohan mo," sigaw ni Pau sa kaklase.
"Maraming sikreto ang paaralang ito na hindi mo pa nalalaman. Mga madidilim, madudugo at karumal-dumal na sikreto," misteryosong bulong niya sa dalaga.
"Chantelle, pwede bang sabihin mo na kung anong nalalaman mo?" pakiusap ni Arsela sa kaklase habang mahigpit na hawak ang kanyang notebook.
"Twenty years ago, nag desisyon ang eskwelahang ito an magbukas ng pang-anim na seksyon. Kung hindi nyo pa nalalaman, tayo ang pangtalong batch ng sekysong iyon."
"What happened to the first two batches?" tanong ni Arsela. Hindi nila napansin na palihim na umalis si Pau.
"So what are you trying to pull?" tanong ni Alex.
"The first batch? They all died in a tour. Sabi nila, accident daw, pero I know that there's someone behind that bus accident. The second batch, parang ang situation natin. They were killed one by one in random order. Pero mas morbid ang pagpatay ng killer ngayon, para bang may gusto siyang patunayan. Dumating sa point na wala na silang choice kundi patayin ang isa't isa for survival," paliwanag ni Chantelle.
"How about the teachers?" nag-aalalang tanong ni Arsela.
"Lahat ng teachers ay alam ang buong pang yayari sa St. Venille, pero pinag tatakpan nila ito para maprotektahan ang imahe ng paaralan. Hindi sila maka papayag na tuluyang masira ang pangalan nito nang ganon-ganon na lang," paliwanag ni Chantelle.
"I don't get it. Bakit hindi na lang nila tayo tulungan?" tanong ni Arsela.
"Lahat ng mga nababalitaan ng guro na tumulong sa cursed class ay isa-isang namamatay. Ang ibang teachers ay nalalason, at ang iba nama'y bigla nababalitang na aksidente. Dahil dito, takot na ang ibang guro na makialam dahil sa takot na madamay sila."
"Where in the world did you get this information?" tanong ni Tiffany.
"Gusto kong sabihin sa inyo, pero..." pagbibitin ni Chantelle.
"Pero?" tanong ni Arsela habang naka tingin sa mga kaklase.
Piniling huwag ipag patuloy ni Chantelle ang pag papaliwanag at nilisan ang grupo. Nabigyan ng kasagutan ang iba nilang mga tanong ngunit hindi maalis sa kanilang isipan kung ano nga ba talaga ang nangyari sa sa misteryosong nakaraaan ng kanilang section sa St. Venille. Paalis na sana nila nang dumating si Aliza kasama ang mga lalaki.
"Anong nangyari?" bungad na tanong niya sa mga kasama. Napansin niya rin na wala si Pau kaya agad niya iton hinanap.
"Nasan na si Pau?" tanong ni Aliza.
"I thought nandyan lang siya," sagot ni Angela kay Aliza habang naka tingin sa kanyang mga kuko.
"Hindi ba kabilang siya sa Beasts? Bakit hindi mo alam ang nang yayari sa mga kaibigan mo? Nabuwag na ba ang samahan nyo?" prankang tanong ni Alex. Tiningnan siya nang masama ni Angela.
"So you're blaming me? Ha, Bartolome?" palabang tanong ni Angela habang naka taas ang isang kilay.
"No, I'm not. I'm just asking questions, dear," sarkastikong sagot ng dalaga. Bago pa man mag kainitan ang dalawa, inawat na agad sila ni Arsela.
"Stop it, you two! Sa tingin nyo ba this is the right time para mag-away kayo? Mas mabuti pa, sundan nyo na lang si Pau kung saang school man siya nag-enroll," utos ni Arsela.
"Does anyone know where Pau decided to transfer?" tanong ni Aliza sa mga kasama.
"Alam ko, kalapit lang din ng school natin ang pinag lipatan niya," wika ni Cathrine.
"Hmm, ang pinaka malapit na school sa St. Venille ay ang Ashton High," wika ni Erizel
"Ganoon ba? Sige, tara na't puntahan natin siya. Kami-kami na lang ang pupunta kay Pau. The rest of you, maiwan na lang kayo rito. Try to help the police officers to investigate na rin," utos ni Erika sa kanyang mga kaklase na sinang-ayunan naman nilang lahat.
Nag desisyon si Erika na hindi isama ang mga lalaki sa pag sunod kay Pau. Sa gitna ng kanilang pag hihintay, naisipang tanungin ni Hunter si Cameron kung anong nangyari sa kanya kagabi.
"Cameron, sabi mo ikukwento mo sa amin kung anong nangyari sa iyo kagabi. Ngayon mo na ikwento," ma galak na wika ni Hunter. Naagaw naman ang atensyon ng lahat dahil napa lakas ang pag kakasabi ng binata. Naka yuko lamang si Cameron at pilit na iniiwasan ang tanong ng kaklase.
"Kalimutan nyo na iyon. Wala yon..." pautal-utal na sagot ni Cameron sa mga kasama. Napa taas ang kilay si CJ at nagtaka. Nag simula siyang pag suspetsahan ang binata dahil sa mga pinapakita nitong kilos.
"We need to know the truth, Cameron. The whole truth," prangkang wika ni CJ, dahilang para tingnan siya ng binata nang masama. Nagulat sila nang biglang sinugod at hinawakan ni Cameron si CJ sa kanyang kuwelyo nang mahigpit.
"Hindi ko kailangan mag paliwanag sa inyo! Lalong-lalo na sayo!" sigaw ng binata. Hindi nakuntento si Cameron at malakas na itinulak si CJ, dahilan para mapa upo ang binata sa sahig. Agad pinigilan nila Hunter ang binata bago mas lalong lumala ang gulo.
"Kung inosente ka talaga, then start acting like it! Para naman hindi ka na pag suspetsahan!" sagot ni CJ, pag katapos ay kumaaripas ng takbo palabas ng kuwarto. Halos lahat ng natitirang estudyante sa Section 6 ay nawalan na ng tiwala sa binata. Nag desisyon muna silang mag watak-watak habang hinihintay na maka balik sila Erika mula sa St. Venille.
Naka pasok na si Pau sa Ashton High dahil naaprubahan agad ng principal ang kanyang mga papers. Habang nag lalakad siya sa hallway, mariin siyang naka hawak sa kanyang sling bag nang bumuhos ang ulan. Tumambay muna siya sa balkonahe habang nag mumuni-muni. Nilabas niya ang kanyang academic phone at tiningnan ito habang inaalala ang kalagayan ng kanyang mga kaibigang Beasts. Nag buntonghininga ang dalaga at napayuko. Nag simulang tumulo ang kanyang mga luha.
"I miss them already," nanginginig na bulong ni Pau sa sarili. Agad niyang pinunasan ang mga luha at pilit na ngumiti.
Everything's gonna be alright . . . Smile. Remember, you're a princess, pag papakalma niya sa sarili.
Napatingin siya sa dulo ng hallway at nakita ang isang babaeng naka-maskara. Pinikit niya muli ang kanyang mga mata at inisip na guni-guni lamang niya iyon. Tumingin din siya sa balkonahe at nagulat nang makita ang pulang kotse na naka parada sa parking area. Nag desisyon siyang bumaba upang humingi ng tulong. Laking tuwa niya nang maka salubong niya si Alyssa. Hindi niya alam pero bigla na lamang siyang napa yakap sa kaklase.
"O, Pau? Anong nangyari? Kanina ka pa namin hinahanap."
"She's coming to get me, Alyssa. Help me," pakiusap ni Pau sa kaklase, mahahalata ring paos na ang boses ng dalaga sa kakasigaw. Natulala si Alyssa sa kanyang narinig. Kumaripas ng takbo si Pau papunta sa parking area upang sumakay sa kanyang kotse at maka alis sa campus. Sinubukang pigilan ni Alyssa ang dalaga pero hindi na niya siya hinabol pa. Pagkarating ni Pau sa kanyang kotse, nagulat siya nang makitang naka dikit sa salamin sa loob ang kanilang class picture. Sa litratong ito, naka-ekis ang kanyang mukha kasama ang ibang mga namatay niyang kaklase. Agad niyang kinapa ang kanyang bulsa para kunin ang susi pero naalala niyang naiwan niya ito sa bag sa ibabaw ng couch sa principal's office. Tiningnan niya ang kanyang paligid pero hindi siya masyadong maka kita dahil sa kapal ng hamog.
"Help me! Somebody!" pag mamakaawa ng dalaga.
Naisipan niyang kunin ang kanyang cellphone sa bulsa upang humingi ng tulong. Oras na mabuksan niya ito ay napa kunot ang kanyang noo nang wala siyang mahanap na signal. Nag desisyon siyang tumakbo pabalik ng main ng building ng Ashton High pero nagulat siya nang biglang lumusot ang kanyang kaliwang paa sa isang butas. Sinubukan niyang alisin ang pag kaka-stuck ito pero wala siyang magawa. Nag sisisigaw na rin siya dahil sa takot at panic.
Naunang dumating si Erika sa Ashton High. Naka upo siya sa bleachers sa gilid ng parking area habang hinihintay ang kanyang mga kasama. Narinig niya ang boses ni Pau kaya naman sinundan niya ito hanggang sa makita ang dalaga. Puro putik ang damit ng kaklase habang patuloy na nababasa ng malakas na ulan. Nabitawan ni Erika ang kanyang hawak na payong upang tumakbo papunta sa dalaga.
Napa tingin si Erika sa gilid nang biglang bumukas ang ilaw ng isang pulang kotse. Masyadong malakas ang ulan at tinted ang salamin ng kotse kaya mahirap maaninag kung sino ang nag mamaneho nito. Hinatak paangat ni Erika si Pau para maka takas ito pero hindi niya ito masyadong mapuwersa dahil nasasaktan si Pau. Napa atras si Erika nang makita niyang nag simulang umandar ang sasakyan papunta sa kanilang direksyon. Mariin siyang napa lunok at nag simulang mag paalam sa kanyang kaklase.
"Sorry Pau, but I tried," matipid na paalam ng dalaga. Kumaripas ng takbo si Erika papalayo kay Pau. Nawalan na ng pag-asa ang dalaga at nag-sign of the cross na laman. Binuksan ni Pau ang kanyang cellphone at napa ngiti nang makita niyang may signal na ito. Nanginginig niyang pinindot ang mga numero sa keypad para i-dial ang number ni Angela. Napa luha siya nang marinig ang boses ng kaibigan sa kabilang linya.
"H-Hello? Pau? Where are you? We're going to pick you up, okay? Stay safe," aligagang wika ni Angela. Nagulat si Angela nang maka rinig siya ng mag kakasunod na sigaw. Mariin siyang napa lunok nang biglang maputol ang linya.
Umiiyak si Erika sa gilid habang pinag mamasdan ang dalaga. Nakita niya na huminto ang pulang kotse sa harapan ni Pau pero hindi siya nito sinagasaan. Bumaba mula sa pulang kotse ang dalawang taong naka-maskara. Ang isa'y may hawak na payong at ang isa nama'y may hawak na bomba.
"Ano, Pau? Hindi mo kami maaaring takasan. Ito na yata ang pinaka-maling desisyon mo sa buhay," wika ng isang babae. Nabosesan ni pau kung sino ang dalaga kaya agad niya itong tinitigan.
"Shit! Ikaw lang pala ya-"
Naputol ang kanyang sinsabi nang biglang ipasak sa kanyang bunganga ang maliit na bomba.
"Shh. You've said too much already," matipid na bulong ng isang naka-maskara. Hindi na sila nagtagal at tumungo pabalik sa kotse.
Nakita ni Erika ang mabilis nilang pag-alis kaya nag desisyon siyang muling lapitan ang kaklase. Nakakatatlong hakbang pa lamang siya ng maka rinig ng malakas na pag sabog. Sa lakas ng pag sabog ay natalsikan siya ng dugo sa kanyang damit. Kalat-kalat ang laman-loob ng dalaga sa sementadong sahig. Sumigaw si Erika nang malakas at napaupo sa sahig nang gumulong sa kanyang harapan ang isa sa mga mata ng kaklase. Huli na nang dumating sina Arsela sa Ashton High. Nadatnan na lamang nila si Erika na naka upo sa sahig habang umiiyak. Nakita rin nila ang mga laman-loob ni Pau na naka kalat sa sahig. Napa yakap na lamang sila kay Erika na halatang na-trauma sa nangyari. Bago lisanin ang paaralan, nag-file muna sila ng report sa opisina tungkol sa pag kamatay ng kanilang kaklase.