Hindi naka galaw si Arsela sa kanyang kinauupuan dahil sa sobrang takot. Nangingnig ang buong katawan habang pinag mamasdan si Erika na naka silip sa kanyang pintuan. Nag simulang namuo ang butil-butil na pawis sa kanyang noo. Pine-puwersang buksan ni Erika ang pintuan habang naka tingin nang diretso kay Arsela. Hindi lubusang maisip ni Arsela na kayang gawin ito sa kanya ng kaibigan. Mas lalo siyang nag-panic nang mapansing masisira na ang chain lock ng pintuan. Marahan siyang tumayo habang nag mamasid sa paligid. Laking tuwa niya nang maalala ang pinagawa nilang emergency exit sa kanilang dorm. Tumayo siya nang mapansing wala na sila Erika sa harap ng kanilang pintuan. Kutob niyang kumuha sila ng mga gamit para tuluyan nang sirain ang lock. Bago lisanin ang kuwarto, nag bulsa siya ng isang pocket knife. Dumiretso siya sa kanilang emergency exit sa kanilang dorm at marahang ipinihit ang doorknob. Nanlaki ang kanyang mga mata nang bumungad sa kanya si Erika.
"Erika! Leave me alone!" sigaw ng dalaga.
"I'm sorry, Arsela," nanghinang bulong ni Erika. Maarahan siyang lumuhod sa harap ni Arsela at nag simulang umiyak. Tiningnan lang niya ang kaibigan habang mahigpit na hawak ang pocket knife sa kanyang bulsa.
"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? Maibabalik mo ba lahat ng buhay ng mga taong pinatay nyo? Erika alam kong marami kang alam tungkol dito at sana naman-"
Hindi na natuloy ang kanyang sinasabi dahil biglang tumayo si Erika. Hinawakan niya ang dalawang braso ni Arsela nang mahigpit at hinatak siya papasok sa isang classroom. May kalayuan ang classroom na ito sa main building ng school. Gawa ito sa kahoy at masasabing luma na dahil sa mga sapot na nakadikit sa apat na sulok ng kuwarto. Sinubukang manlaban ni Arsela pero mas lalo lang hinigpitan ng kaibigan ang kanyang pag kakahawak sa kanyang mga braso.
"Erika, please, let me go Nasasaktan na ako," reklamo ng dalaga. Napahinto sila nang marating ang tapat ng kuwarto. Sinubukang manlaban ni Arsela pero mas lalo lang hinigpitan ng kaibigan ang kanyang pag kakahawak sa kanyang braso.
"Let me explain, Arsela . . . Sasabihin ko sayo lahat ng nalalaman ko, pero kailangan muna nating mag tago. She's coming to get you," bulong ni Erika. Napalunok si Arsela sa kanyang narinig at malayang sumama kay Erika. Pag pasok nila sa kuwarto, agad sinarado ni Erika ang pintuan. Umupo siya sasahig habang naka yuko. Marahan ding umupo si Arsela sa harap ng kaklase bago sinimulang tanungin ang kaibigan.
"Bakit mo ito ginagawa, Erika? Presidente ka pa naman ng klase natin. You made us believe that you're one of us, and not against us," nanghihinang bulong ng dalaga. Tiningnan siya ni Erika nang diretso sa kanyang mga mata. Nakita ni Arsela ang mga namumuong luha sa mata ng dalaga. Napalihis siya ng tingin nang makita niyang tuluyan nang umiyak si Erika.
"I'm really sorry...I'm forced to help them for the sake of my family's safety. Hindi naman kasi ganon kadali yon, eh. Lucky for you na you always have the money to buy things. But for us, wala eh. Ganon talaga. Kailangan pa naming mag banat ng buto para lang may makain kami. Arsela, they will kill my family if hindi ako susunod sa mga gusto nila. Mahirap mawalan ng pamilya," nanginginig niyang paliwanag sa dalaga.
Pinag masdan ni Arsel ang kanyang mga luha bago tumayo. Pinagpag niya ang kanyang palda at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Tinitigan lang siya ni Arsela habang umiiyak. Sa loob ng kanyang bulsa, hawak-hawak niya ang kanyang phone at palihim na pinindot ang record button. Alam niya sa kanyang sarili na baka hindi na siya makakalabas nang buhay s classroom na ito kaya nag desisyon siyang i-record ang mga susunod na pag-uusapan nila ni Erika.
"Naiintindihan kita... pero kailan mo pa alam na si Tiffany ang killer? Ano ang motibo noya para gawin ito? Bakit sa dinami-dami ng estudyante sa St. Venille, kami pa?" mag kakasunod na tanong ng dalaga. Nag buntonghininga si Erika at ngumiti.
"Matagal ko nang alam lahat ng ito, pero hanggang ngayon, hindi pa rin sakin malinaw kung ano ang kanilang motibo."
Biglang tumaas ang balahibo ni Arsela nang marinig ang sagot ng kaibigan. Mariing napalunok si Arsela nang biglang nag-iba ang tono ng boses ni Erika. Humakbang siya paatras at mahigpit na hinawakan ang kutsilyo sa loob ng kanyang bulsa. Dahan-dahang tumayo si Erika at nag simulang mag lakad papunta sa direksyon ni Arsela. Tinilt niya ng kaunti ang kanyang ulo at ngumiti.
"O, bakit, Arsela? Mukhang natatakot ka yata?" mapaglaro't palabang tanong sa kanya ni Erika. napangiti si Erika nang mapansing nanginginig ang mga kamay ng kaklase.
"Arsela..." mahinang bulong ni Erika sa kaibigan. Nanlaki ang mga mata ni Erika nang bigla siyang tutukan ni Arsela ng kutsilyo. Nanginginig ang mga kamay ni Arsela kaya naman imbes na matakot, napailing at tinawanan lang siya ni Erika.
"Hindi ako natatakot sayo, Erika. Huwag mo akong subukan! Kahit na best friends tayo, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin!" natatarantang sigaw ng dalaga.
"Whoever said that we're best friends? Don't pretend that you're brave and strong, Arsela. Hindi bagay sa isang loser na katulad mo. Look how pathetic you are. I decided to help Tiffany not because of my family. They're already dead! I killed them all, remember? I decided to join Tiffany to have fun. I love to see the agony in my victim's eyes, foolishly believing that they'll survive. And you know what my favorite part is? Yon ay ang makita ang unti-unting pag kawala ng pag-asa nilang mabubuhay pa sila!" nababaliw na paliwanag ni Erika na nasundan ng katakot-takot na tawa. Napahawak nang mahigpit si Arsela sa kanyang damit. Alam niyang wala na sa sariling katinuang ang kaklase. Sa sobrang takot ni Arsela ay hindi na niya namalayang nabitawan niya ang kutsilyong hawak niya. Kumaripas siya ng takbo palabas ng kuwarto para humingi ng saklolo. Naiwan naman si Erika sa loob habang patuloy na tumatawa. Kinuha niya ang kutsilyong naiwan ni Arsela at pinag lalaruan ito at ikinakaskas sa sahig.
Pag kalabas ng dalaga sa silid, agad niyang napagtantong hindi siya pamilyar sa lugar. Mariing siyang lumunok at agad humanap ng telephone booth para tawagan ang St. Venille. Hindi niya magamit ang kanyang academic phone dahil na lowbat na ito. Kahit na natatakot, positibo pa rin siya sa lahat ng bagay dahil alam niyang malapit nang matapos ang masasayang araw nila Erika. Napangiti siya nang makita ang telephone booth sa kanto. Tiningnan muna niya ang kanyang paligid upang maka sigurado na hindi siya nasundan ni Erika. Napansin niyang wala ang kaibigan kaya kumaripas siya agad ng takbo papunta sa telephone booth. Mabilis niyang pinindot ang mga numero sa telepono upang humingi ng tulong sa paaralan.
"Pick it up! Come on, pick it up!" nate-tense niyang bulong sa sarili habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya. Napatingin siya sa kanyang gilid at nakita ang isang kotseng papaatras sa kanyang direksyon.
"What the." mahinang bulong ni Arsela sa srili. Agad niyang nabitawan ang kanyang hawak na telepono para makalabas sa phone booth. Napaatras siya nang makitang nabasag ang maliit na parte ng salamin sa kanyang harapan. Napasigaw siya sa sakit nang tumama ang mga bubog sa kanyang mga binti. Mariin siyang napalunok nang makitang naka pasok ang tambutso ng sasakyan sa loob ng booth. Hindi rin siya maka labas dahil naharangan ng pulang kotse ang pinto. Tinapik-tapik niya nang paulit-ulit ang mga salaman para subukang basagin ito.
Hinigpitan lalo ni Arsela ang pag kakahawak sa telepono nang makita niya ang pag labas ng makapal na usok mula sa tambutso ng sasakyan. Kahit umuubo na siya sa kapal ng usok na natipon sa loob, hindi nawawala ang kanyang pag-asa na mayrong sasagot ng kanyang tawag sa paaralan. Nanunuyo na ang kanyang mga mata't nag kukulay dilaw na rin ang knyang balat. Ilang sandali pa ay nabitawan na niya ang hawak na telepono't napa upo sa isang sulok ng telephone booth. Dahil sa patuloy na pag pasok ng nakalalasong usok sa kanyang katawan, tuluyan na siyang binawian ng buhay. Namatay ang dalaga nang naka dilat ang kanyang mga mata. Napalingon ang driver kay Arsela para i-check kung patay na ang dalaga. Napangiti siya nang makita ang sitwasyon ng dalaga. Mabilis na bumaba ng sasakyan at kumaripas ng takbo ang isang dalagang naka-maskara palayo sa kanyang sasakyan matapos ang insidente.
Kasalukuyang nasa school garden sina Hunter at Alex. Naka ngiti ang binata sa kanyang kasintahan habang tinitingnan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Napalunok si Alex nang makita niya ang naka panglolokong ngiti ng binata. Humakbang siya ng tatlong beses paatras bago senyasan ang binata na tumigil na siya.
"Hunter, please don't. I may look like a bad girl, but I'm still pure. Some people think that I'm the school's slut but I'm not. Don't let lust take over your body."
Nginitian lang siya ni Hunter at kinindatan. Mag sasalita pa sana si Alex pero hindi na ito natuloy pa dahil nagulat siya nang biglang mag-alay sa kanya ng isang bouqet ng rosas si Hunter. Palihim niya itong itinago sa kanyang likuran habang papunta ang dalawa sa school gardens. Napayakap na lamang sa sobrang pag kakilig si Alex sa kanyang boyfriend dahil dito.
"I love you, babe. You're the best thing I've ever had," mahinhing bulong ng dalaga. Hinawakan niya ang binata sa kanyang dalawang pisngi habang tinitingnan siya sa kanyang mga mata.
"Ngayon ko lang iyan narinig sayo," masayang bulong ng binata sa tenga ni Alex. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang dahan-dahang nag lapit ang kanilang mga mukha. Hinalikan ni Hunter si Alex pero agad din siyang tinulak nito. Dahil sa hiya, kumaripas ng takbo si Alex palayo sa kasintahan. Napadpad ang dalaga sa likuran ng paaralan kung saan naroon naka tayo ang isang puno ng balete. Napasandal siya rito't nag buntong-hininga. Nilapat niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang labi at unti-unting napangiti.
"Hunter..." bulong niya sa pangalan ng kasintahan. Agad siyang napalingon sa iba't ibang direksyon nang maka rinig siya ng mga kaluskos sa paligid. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at agad sinubukang kontakin si Hunter na agad din namang sinagot ng binata.
"Alex? Nasaan ka? Sorry na, oh. Kanina pa kita hinahanap pero di kita makita," wika ng binata sa kabilang linya.
"Nandito ako sa may puno ng balete. Sa likod ng school, malapit sa gate ng dalawang dormitories. Hunter, bilisan mo-"
Napa kunot ang noo ni Hunter nang biglang naputol ang linya.
"Alex? Alex? Hello? Hintayin mo ako't pupuntahan kita!" nag-aalalang sigaw ng binata. Nakita ng tatlong kasama ni Hunter ang pag pa-panic ng kanilang kaibigan kaya agad nilang sinundan ang kaklase. Hindi inalis ni Hunter ang kanyang telepono sa kanyang tenga. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maka rinig siya ng kakaibang boses sa kabilang linya,
"Hi, Hunter. I'll be waiting."
Nanlaki ang kanyang mga mata't nag madali puntahan ang kasintahan. Alam niya sa sarili na hindi ito boses ni Alex. Kailangan niyang bilisan bago pa man mahuli ang lahat.