Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 33 - CHAPTER 32

Chapter 33 - CHAPTER 32

Naka higa si Zoey sa isang kahoy na kasing hugis at kasing tangkad niya. Tila ba parang ipinasadya ito para sa kanya. Naka baon sa malalaking pako ang mga kamay at paa niya. Naka suot ang dalaga ng sira-sirang uniporme ng St. Venille na mayron ring mantsa ng dugo dahil sa kanyang mga sugat. Kapansin-pansin din ang pulang markang ekis sa kanyang pusod. Hindi maiwasan ni Zoey na humikbi habang pinag mamasdan ang kanilang stuffed toys na sina Mister Nameless at Mika sa isang maliit na stand sa kanyang harapan. Mariin siyang napa lunok nang napansing kakaiba ang kulay ng bulak sa loob ng stuffed toys. May mantsa ito ng dugo at pinamumugaran na rin ng mga gumagapang na malalaking uod.

Gusto mang gumalaw ni Zoey, hindi niya ito magawa. Pinagmasdan niya ang pintuan at umaasang lalabas mula rito ang kanyang Ate Sakura para iligtas siya. Dahan-dahang bumukas ang pintuang kahoy sa kuwarto. Kasabay ng unti-unting pag bukas ng pinto ay ang mabilis na pag tibok ng kanyang puso. Pumsok sa kuwarto ang isang dalaga na naka suot ng maskara na kamukha ni Mister Nameless. Tumalon-talon ito na parang isang bata habang papalapit kay Zoey. Tumawa ito nang mahina habang kinakawayan siya ng parang isang bata.

"Hi, Zoey! Tara, laro tayo," yaya niya sa dalaga na nasundan ng kahindik-hindik balahibong tawa. Umupo ang babae sa sahig.

Halos lahat ng estudyante ng pang-anim na seksyon ay tutok sa panonood sa mga monitor sa hallway. Naka yakap si Alex sa kanyang kasintahan dahil sa sobrang kaba. May kagipitan ang pag yakap ni Alex kay Hunter na para bang kulang na lamang ay isiksik niya ang kanyang sarili sa kasintahan.

"H-Hunter, I'm scared," naginginig niyang bulong sa kanyang boyfriend. Tiningnan lang siya ni Hunter sa mga mata at kinindatan na nasundan ng matamis na ngiti.

"Don't worry, baby. Your hero will always be here," biro ni Hunter. Yumuko lang si Alex at nag-pout. Isinubsob ng dalaga ang kanyang mukha sa kanang braso ng binata para maiwasang mapanood ang sitwuasyon ni Zoey.

Samantala, walang buhay na naka upo si Sakura sa sahig habang nakatitig sa monitor. Nanginginig ang kanyang buong katawan habang malalim na nag-iisip. Nang gigigil siya pero wala siyang magawa. Wala siyang magawa kung hindi panoorin ang kanyang naka babatang kapatid na patayin.

"Simple lang naman ang gusto ko, e. I know you want to save Zoey, right? Halika, maglaro tayo, Sakura!" yaya ni Tiffany sa dalaga. Dahan-dahang tumayo si Sakura sa pag kakaupo na prang isang basang sisiw. Naka yuko lamang ang dalaga at agad sinagot ang alok ni Tiffany.

"I'll do whatever you want me to do. Pakawalan mo lang si Zoey," nang hihina niyang tugon. Napangiti si Tiffany sa kanyang narinig at malakas na tinawanan ang sagot ng kaklase.

"All right. Sa ilalim ng desk ni Ms. Gomez ay mayrong naka dikit na class picture. Gusto ko sanang markahan mo ang sunod-sunod ang mga nakalaro at makakalaro ko. Huwag nyo rin subukang mangialam kung ayaw nyong mapadali ang buhay ni Zoey," babala niya sa buong klase. 

Agad kumilos si Sakura nang marinig ang utos ni Tiffany. Kinuha niya ang naka dikit na class picture sa ilalim ng desk ng guro. Hindi na niya masyadong binigyang pansin ang bangkay ni Eugene dahil sa pag mamadali. Lumabas din siya agad ng kuwarto pag kakuha ng litrato. Sa kanyang pag labas ay agad siyang inabutan ng isa sa kanyang mga kaklase ng pulang marker. Bago umpisahan, napatingin muna siya sa kanyang mga kaklase na halatang kinakabahan sa mga susunod na mang yayari.

"Remember, you only have one chance to save Zoey," babala ni Tiffany kay Sakura habang pinapanood siya sa isa sa mga monitor bago umpisahang markahan ng ekis ang mga naging biktima ni Tiffany. Una niyang minarkhan si Bianca, sumunod si Jacob, na sundan naman ni Shini, Xyza at iba pa. Napa hinto siya nang sisimulang na niyang markahan ang mga kalase niyang mamamatay pa lamang. Nag buntonghininga siya at halatang hindi alam kung sino ang lalagyan ng markang ekis sa mukha.

"Ano na? Bilis-bilisan mo naman kung ayaw mong mamatay itong kapatid mo. At bakit nga ba concerned na concerned ka kay Zoey, ha? Sabagay... mas mainam na ngang hindi kayo mag kapatid.  Kasi, alam mo, kung kapatid ka talaga niya, hindi sana siya nalagay sa situwasyon na ito," sarkastikong wika ni Tiffany. Napaluha si Sakura sa kanyang narinig na masasakit na salita pero pinilit pa rin niyang ngumiti para kay Zoey. Dahan-dahan niyang ginuhitan ng ekis ang mukha ng kanilang guro sa class picture habang inaalala si Zoey. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Sakura kaay agad napatayo si Cameron para patigilin ang dalaga sa kanyang ginagawa.

"Tama na nga yan, Sakura! Niloloko ka lang niya. Sa tingin mo ba, kapag nagawa mo ang pinapagawa niya, papakawalan niya si Zoey? Pinaglalaruan niya lang ang emosyon mo Sakura. Wag kang magpatalo sa kanya," naiinis na sigaw ni Cameron habang yinuyugyog ang dalawang braso ng dalaga. Dahan-dahang iniangat ni Sakura ang kanyang ulo para matingnan ang binata nang diretso sa kanyang mga mata.

"Cameron... do you think I have a choice? I should be saving my sister right now, pero... ano? Pero nandito ako, sa harap nyo. Naka tanga ako rito habang pinapanood na unti-unting pahirapan ang kapatid ko ng tanginang killer na yan! Sa tingin mo ba madali itong situwasyon ko? You don't know what it feels like to see the most important person in your life be killed. And the worst part is... wala kang magawa para iligtas siya."

"Sakura... sorry... naiintindihan naman kita, per-" angal ni Cameron pero agad ding naputol ni Sakura nang kanyang mga susunod na sasabihin.

"Naiintindihan? Stop acting like you know my pain. Kahit kailan, hindi mo ako maiintindihan. Hindi nyo ako maiintindihan. Wala akong sense sa mundong ito kung mawawala rin sya. I waited for so long before niya ako matanggap, Cameron. Iyon lang ang pangarap ko sa buhay,  pero ang naging daan kung bakit kami nag ka-ayos ay siya rin palang daan kung bakit kami mag kakahiwalay," mangiyak-ngiyak na tugon ni Sakura sa binata. Muling napaupo si Sakura sa sahig dahil sa sobrang panginginig ng kanyang mga tuhod. Niyakap din siya ni Cameron para damayan ang dalaga. Pagkalipas ng ilang minuto, muli nilang narinig ang boses ng babae sa speakers. Narinig nilang humikab ang dalaga na tila naiinip na sa kakahintay kay Sakura.

"So close. But sadly, mali ang sagot mo, Sakura. Mag paalam ka na sa kapatid mo because this might be the last time you'll see her alive, Hayaan mo, ako na ang tatapos sa kanyang walang-kwentang buhay para sayo," nababaliw na wika ni Tiffany. Marring napalunok si Sakura sa kanyang narinig at dahan-dahang napaluhod sa harap ng monitor sa kanyang harapan. Sa mga oras na ito, wala na siyang ibang maari pang gawin kung hindi ang mag makaawa.

"Huwag! Parang awa mo na. Kung sino ka man, ako na lang! Please, huwag mo nang idamay ang kapatid ko rito," buong lakas na pakiusap ni Sakura habang patuloy ang pag bagsak ng kanyang mga luha.

Napasigaw si Alex nang ipinakita ng babae ang kanyang hawak na nailgun sa camera. Direkta itong naka tutok sa direkyson kung nasaan si Zoey. Nag sigawan ang mag kakaklase nang sunod-sunod na pakawalan ng babae ang mga pako rito. Gigil na gigil ang babae habang tuwang-tuwa sa kanyang pinag gagawa. Bumaon ang mga pako sa iba't ibang bahagi ng katawan ni Zoey. Mayron sa kanyang mga mata, ilong, pisngi at iba pa. Nag lantang gulay ang kulay ng kutis ni Zoey dahil sa mabilis na pagdanak ng kanyang dugo. Bago mawalan ng malay ang dalaga, bahagya muna siyang ngumiti habang naka tingin sa camera sa kanyang harapan.

"I love you, ate. Alam kong maikling panahon lang tayong nag kasama as sisters... pero you gave me unforgettable memories that'll last forever. Nag papasalamat ako sayo dahil pinunan mo ang hinihiling kong pag mamahal kina Mommy at Daddy. Nakakalungkot, pero mukhang hanggang dito na lang talaga ako. Maraming maraming salamat, ate... I love you."

Pag katapos na pag katapos niyang sabihin ito ay dahan-dahan na niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi pa nagtagal ay tuluyan nang binawian ng buhay si Zoey. Kahit na punong-puno nang buong katawan niya ng dugo mula sa kanyang mga sugat, nangingibabaw pa rin sa dalaga ang kanyang mala-anghel at matamis na ngiti.

Nanginig ang labi ni Sakura matapos makitang patay na si Zoey. Dali-dali siyang tumayo at agad kumaripas ng takbo palayo sa kanyang mga kaklase. Hindi niya matanggap ang sinapit ni Zoey. Hindi niya rin maiwasan na sisihin ang kanyang sarili sa nangyari. Hindi na niya namalayan na napadpad na pala siya sa P.E. building. Nag kulong muna siya sa locker room para mag mukmok. Wala na siyang mailuha pero hindi pa rin niya matanggap ang nangyari. Sa gitna ng kanyang pag dadalamhati, napansin niya ang isang tissue paper na naka angat sa isa sa mga upuan ng kuwarto. Nilapitan niya ito at agad kinuha ang tissue paper. Mariin siyang napa lunok nang mabasa ang naka sulat dito

Kung sino man ang makakuha nito, kailangan ko ang tulong mo. Kunin mo ang notebook sa locker ko. My name is Erika Tablan form class 4-6. Tulungan mo kaming labanan ang mga pumatay sa amin, sa akin. 03281996 ang locker password.

Mariin siyang napa lunok at marahang nag lakad papunta sa direksyon ng locker ni Erika. Nag buntonghininga muna siya bago i-input ang nakuha niyang code sa tissue paper. Naka ramdam siya ng kakaibang lamig na gumapang sa kanyang buong katawan nang makita ang isang kulay asul na kuwaderno sa loob ng locker. Agad niya itong kinuha't niyakap. Alam niyang maari itong maging susi sa mga misteryoso na bumabalot sa kanilang seksyon. Nag desisyon siyang lumabas ng locker room at agad dumiretso pabalik ng kanyang dorm para suriin ang nakuhang kuwaderno.