CHAPTER 35
Sinalubong ng mga taong nagkukumpulan si Ms. Gomez pagkadating niya sa bar na itinuro ni Caleb. Nagtanong siya sa mga tao sa paligid at napag-alamang mayroong mga bangkay ng mga estudyante ng St. Venille sa loob ng bar na ito. Nanlumo ang guro nang makitang isa-isang inilabas ang mga nadamay sa nasabing trahedya. Naagaw ang kanyang atensyon nang maramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cell phone. Isang litrato ni CJ na may markang ekis sa kanyang mukha ang kanyang natanggap. Imbes na umasa sa mga kinauukulan, sinubukan niya ring mag-ikot-ikot sa paligid ng bar. Napangiti siya nang makasalubong niya si Zero sa daan. Mayroong suot na headphones ang binata habang seryosong sinusundan ng tingin ang mga biktima na isa-isang pinapasok sa ambulansya. Sinubukang lapitan ng guro ang binata para tanungin kung nasaan ang iba pa niyang mga kaklase.
"Zero, alam mo ba kung nasaan ang mga kaklase mo?" Dinedma lang siya ng binata imbis na sagutin ang kanyang tanong. Nilakasan niya ang volume ng music ng kanyang headphones para mas lalong hindi marinig ang sinasabi ng guro. Napakunot ang noo ni Ms. Gomez sa kanyang nakita kaya agad niyang binatak ang headphones ni Zero para magkausap sila ng maayos.
"Huwag ka ngang bastos! Ganyan ba ang itinuro ko sa inyo? Tulungan mo akong hanapin ang mga kaklase mo. Nasa panganib ang buhay n'yong lahat." Napangiti lang si Zero sa kanyang narinig. Hindi niya rin maiwasan matawa ng sarkastiko sa sinabi ng guro.
"Are you really that serious about helping us, Ms. Gomez? Baka naman binayaran ka nanaman para gawin ito. Or, siguro, kaya mo kami tinutulungan kasi kinakain ka na ng konsensiya mo... Ipinaalam sa amin ni Mr. Lim ang lahat ng ginawa mo," naaasar na wika ng binata.
"Hindi mo ako naiintindihan, Zero. Buhay ng aking pamilya ang nasa panganib kung hindi ako susunod sa mga gusto nila. Masakit mang isipin pero wala akong magawa oras na iyon. Kung ikaw ang nasa posisyon ko. gagawin mo rin ang ginawa ko. A life without family is not worth living," emosyonal na wika ng guro pero hindi pa rin nakumbinsi si Zero sa kanyang sinabi.
"At first, I thought you were a great person... but I was wrong. You're just the same as the others: selfish, cruel and ignorant. You should have known better. Blood is never thicker than water. In this mad world we live in, it's more of how you live for yourself rather than for others," huling bulong ng binata bago niya iwanan ang guro.
Pinagmasdan lang ni Ms. Gomez na maglakad palayo sa kanya si Zero. Hindi niya mapigilang umiyak dahil iba na ang tingin sa kanya ng kanyang mga estudyante. Napalingon siya nang makaramdam siya na mayroong kumalabit sa kanyang likuran. Sa kanyang paglingon, nakita niya si CJ na nakangiti sa kanya habang inaabutan siya ng puting panyo.
"Ganoon lang talaga si Zack, ma'am. Na-trauma lang siguro iyon sa mga nangyari. Hanggang ngayon kasi sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ni Zoey." paliwanag ni CJ.
"Bakit n'yo po ba ginagawa ito?" diretsong tanong ni CJ habang nakatingin sa malayo. Hinawakan ng guro ang mga kamay ni CJ at yumuko.
"Gumagawa ako ng paraan para mailigtas ko kayo, pero-" Hindi na naituloy ng guro ang kanyang sinasabi dahil agad sumagot si CJ.
"Sinabi po sa amin ni Mr. Lim na umiwas muna sayo pagkatapos ng lahat ng nangyari. Alam ko po na masakit mawalan ng pamilya, pero naisip n'yo rin ho ba ang mga pamilya naming mga estudyante mo?"
Marahang inalis ng binata ang pagkakahawak sa kanya ng guro. Nginitian niya ang guro na nasundan ng pag-bow.
"Hindi ko lang ho maintindihan kung bakit n'yo isa-isang pinadalhan ng sulat ang mga magulang namin. At ayon sa mga sulat na ito, namatay ang lahat ng estudyante ng pang-anim na seksyon sa isang aksidente. Nagpadala na kayo ng mga fake corpses para lang ma-cover-up at ma execute n'yo ang plano n'yo. Maybe it's overkill to say this. but. it felt like it was us against the world," malamig na wika ng binata. Tiningnan ni CJ ang guro nang diretso sa kanyang mga mata bago magpatuloy.
"And for the record, I blame you for all of this," dagdag ng binata. Sinubukang yakapin ng guro ang kanyang estudyante pero pilit na umiwas si CJ dito. Bagkus, tumakbo ito at umakyat sa isang elevated part ng tulay bago muling lingunin ang guro.
"Since the whole world thinks that I'm already dead... then bakit hindi pa natin totohanin, 'di ba? At least in the end, I can totally say that I died peacefully," malamig na paalam ni CJ habang namumugto ang mga mata. Hindi nagdalawang-isip ang binata na tumalon sa tulay. Sa kabila ng kanyang pagpapakamatay, hindi pa rin nawala ang kanyang matamis na ngiti sa labi.
"CJ!" buong lakas na sigaw ng guro. Marahan siyang naglakad papunta sa gilid ng pinagtalunan ni CJ at tumingkayad para silipin ang binata. Nanghina siya nang makitang lumulutang na ang walang buhay na katawan ni CJ sa tubig. Hindi siya makapaniwala na isa nanaman sa kanyang mga estudyante ang nagpakamatay sa kanyang harapan. At ang masaklap pa rito'y wala siyang nagawa para mapigilan ang desisyon ng binata. Kahit gusto na niyang sumuko, hindi pa rin siya tumigil na hanapin ang natitirang apat na estudyante.
Pagewang-gewang na maglakad si Alex kaya siya naka-akbay kay Hunter bilang alalay para hindi siya matumba. Napahinto ang dalaga nang makita niya ang isang kulay pulang building. Tiningnan niya si Hunter sa mga mata bago bulungan ang kasintahan sa taenga.
"I'll make this night a night you won't forget," mapang-akit na bulong ni Alex. Hinawakan niya ang kanang kamay ng binata at agad hinatak papasok sa loob ng building. Pinigilan siya ni Hunter sa kanyang pinaplano dahil alam niyang lasing lang ang kanyang girlfriend kaya nasasabi niya ang mga bagay na iyon.
"You're drunk, Alex. Halika na't ihahatid na kita sa condo mo," yaya ng binata pero tinawanan lang siya ni Alex. Nagulat siya nang biglang hinatak ni Alex ang collar niya para mailapit ang kanyang mukha. Agad namula ang mukha ni Hunter at pilit na ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.
"Huwag kang matakot. Akong bahala sa 'yo," mapang-akit na bulong ni Alex. Napalunok ang binata sa kanyang narinig at agad inilayo ang sarili sa kasintahan. Kahit na naiilang, pumasok pa rin sila sa loob ng building. Habang kinakausap ni Alex ang receptionist, hindi maiwasang tingnan ni Hunter ang babaeng nakaupo sa waiting area. kanyang hinala. Nilapitan niya ito at sinubukang tanungin kung tama ang
"Miss, I'm sorry, but... have we met before? You look familiar," curious na tanong ng binata. "No, sir. You're just drunk," naiilang na sagot ng babae.
Nakita ni Alex ang pag-uusap ng dalawa kaya agad siyang umeksena at pumuwesto sa gitna nilang dalawa.
"Sorry to interrupt, but... he's mine," maangas na wika ni Alex na nasundan ng pagsunggab niya ng halik sa kasintahan. Napangiti lang ang babae't nailang sa kanyang nakita. Napangiti si Alex nang makitang lumipat ng upuan ang babae dahil sa kanyang ginawa. Muli niyang hinawakan sa kamay si Hunter at hinatak papunta sa kanilang kuwarto.
Dumiretso sa kama ang magkasintahan para humiga. Tiningnan muna ni Alex ang binata sa kanyang mga mata bago simulang halikan ang kasintahan. Mabilis gumapang ang kanilang mga kamay sa katawan ng bawat isa. Sa gitna ne kanilang mainit na halikan, napahinto sila dahil nakarinig sila ng tatlong magkakasunod na katok mula sa pintuan ng kuwarto.
"We're busy! Bumalik ka na lang mamaya!" nasusurang sigaw ni Hunter.
"Room service!"
Tumayo muna si Hunter at naglakad papunta sa pintuan dahil sa kanyang narinig. Samantala, naiwan naman si Alex sa kama habang tsinetsek ang kanyang cell phone. Napakunot ang kanyang noo nang makitang kanina pa siya tinatawagan ni Ms. Gomez at bukod dito, nakatanggap din siya ng isang text message mula kay Zero. Agad niyang binuksan ang text na ito para basahin:
Lex, may problema tayo. Patay na ang iba nating mga kaklase. Natagpuang nakasilid sa isang garbage bag ang katawan ni Aliza sa isang alley na kalapit ng bar. Nasa ospital naman ngayon si Sakura at nag-aagaw buhay dahil sa dami ng saksak sa kanyang katawan. Sila Angela at Cathrine, naaksidente on their way home pero hinahanap na ng pulisya ang driver sa mga oras na ito, Lastly, natagpuang bitak-bitak ang katawan ni Caleb sa parking area ng club. Basta... mag-iingat kayo dahil mukhang hindi pa siya titigil hangga't hindi pa niya tayo napapatay.
Napabangon si Alex sa kanyang nabasa. Bago pa man hawakan ni Hunter ang doorknob ay agad na siyang binalaan ng dalaga.
"Hunter... buhay pa si Tiffany," nanginginig na sigaw ng dalaga. Napaligon si Hunter sa kanyang narinig at nakitang nanginginig sa takot si Alex.
"Ano'ng ibig mong sabihin na buhay pa si Tiffany?" nalilitong tanong ng binata. Iniabot ni Alex ang kanyang phone para ipakita ang text message sa kanya ni Zero. Pagkatapos basahin ni Hunter ang message, inutusan niya si Alex na humanap ng puwede niyang gamitin pang-depensa sa sarili kung sakaling si Tiffany ang babaeng kumakatok sa pintuan ng kanilang kuwarto.
Bawat maraanang building ni Ms. Gomez ay kanyang pinagtatanungan kung namataan ba roon ang kanyang mga estudyante. Laking tuwa niya nang nakatanggap siya ng text kay Zero na nagsasabi kung nasaan sila Alex at Hunter sa mga oras na iyon. Pinuntahan niya ang building pero wala siyang nakitang tao. Sinubukan niyang pumunta sa harapan ng receptionist's desk para magtanong. Bigla siyang napatakip sa kanyang bibig nang makitang patay na ang babaeng receptionist. Umaalingasaw ang amoy metal na dugo ng babae galing sa mahabang gilit sa kanyang leeg. Tiningnan niya ang logbook at nakitang naka-check-in nga rito ang magkasintahan. Matapos makuha ang room number ay agad siyang tumungo sa elevator para ang puntahan dalawa.
Samantala, parehas na kinabahan sina Alex at Hunter, hindi alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Tuloy pa rin ang pagkatok sa kanilang pintuan na para bang ayaw nitong tumigil hangga't hindi nila binubuksan ang pintuan. Niyakap muna ni Hunter si Alex at binulungan na kahit ano'ng mangyari, kailangan nilang maging matatag.
"Bubuksan ko ang pintuan, tapos hahampasin ko siya gamit itong desk lamp. Kapag nahampas ko na siya, tumakas ka na para makahingi tayo ng tulong sa kinauukulan. No matter what happens, iligtas mo ang sarili mo. I'll be fine.. I promise," paliwanag ni Hunter.
"P-Pero paano ka?" nag-aalalang tanong ng dalaga. Nginitian lang siya ni Hunter at tumango.
"Huwag mo akong alalahanin. Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa 'yo dati? Ako ang Superman mo, kaya ako'ng bahala sa 'yo," masiglang wika ng binata. Nag-pout lang si Alex at pinisil ang dalawang pisngi ni Hunter.
"Awww, I hate chu," maarteng pagkasabi ng dalaga. Ginulo gulo ng binata ang buhok ni Alex at hinalikan siya sa noo.
"Basta Alex, ha, sundin mo ang sinabi ko sa 'yo. Kahit ano'ng mangyari, don't look back. Just keep on running hanggang makakita ka ng pulis. After that, i-report mo sa kanya ang lahat ng nangyari, okay?" paliwanag ng binata. Tumango lang si Alex at nagbuntonghininga. Hinawakan ni Hunter ang doorknob at dahan-dahan itong binuksan. Bumungad sa kanya ang isang babaeng naka-uniporme ng housekeeping. Mayroon siyang hawak na tray na para bang ide-deliver ito sa kanilang kuwarto. Dahil sa matinding pagpa-panic, nahataw niya ng desk lamp ang babae sa ulo. Mabilis nawalan ng malay ang babae dahil sa lakas ng pagkakahataw ng binata. Hindi namalayan ni Hunter na mayroon pa palang isang babae na nagtatago sa gilid ng kanilang pintuan. Naka-uniporme ito ng St. Venille at mayroong suot na maskarang nakangiti. Sinubukan siyang saksakin ng babae pero mabuti na lamang at agad siyang nakailag dito. Nilingon ni Hunter ang kasintahan at agad pinakilos ang dalaga.
"Alex! Takbo!" sigaw ng binata kaya agad tumakbo si Alex palabas ng kuwarto. Dahil sa ginawa niyang paglingon kay Alex, hindi na niya namalayang nasaksak siya sa kanyang tiyan ng babae. Sinamantala ng binata na kaharap ang babae kaya agad niya itong sinapak at inalis ang kanyang suot na maskara. Mariing napalunok si Hunter nang makita niyang si Alyssa ang gustong pumatay sa kanila.
"Hi, Hunter," malanding bulong ni Alyssa na nasundan ng pagdila niya sa kaliwang pisngi ng binata. Agad bumagsak si Hunter sa sahig habang nakatingin sa mgq mapaglarong mata ni Alyssa. Binunot ni Alyssa ang isang handgun sa kanyang belt at agad pinaulanan ng bala ang binata. Napangiti siya nang makitang wala nang buhay ang kaklase. Nilapitan niya ang bangkay ng binata at mabilis na binunot ang kutsilyo sa tiyan ni Hunter. Bago lumabas ng kuwarto, dinilaan muna niya ang dugo ng binata at napangiti.
"Bittersweet," bulong ni Alyssa sa kanyang sarili.
"Hi, Alyssa. Did you miss me?" tanong ng isang misteryosong dalaga sa kanyang likuran. Lilingon pa lamang sana siya nang biglang tinakpan ang kanyang mga mata ng kulay itim na panyo. Nabitawan ni Alyssa ang kanyang hawak na kutsilyo dahil agad siyang sinaksakan ng syringe na may lamang pampatulog sa kanyang katawan. Kinuha ng babae ang cell phone ni Alyssa at agad pinadalhan ng text message ang kanyang guro't mga kaklase.
Agad napayakap nang mahigpit si Alex kay Ms. Gomez nang makasalubong niya ito sa hallway. Nagulat si Ms. Gomez sa kanyang nakita dahil bukod sa hinihingal ang dalaga, mayroon ding mantsa ng dugo ang kanyang suot.
"You need to help us. Naiwan ko si Hunter sa kuwarto namin. Hindi ko alam kung sino, pero... gusto niya kaming patayin. Tulungan mo akong i-report ito sa mga pulis para matulungan nila tayo," nanginginig niyang sumbong sa guro.
"We can't," matipid na sagot ng guro. Kumunot ang noo ni Alex sa kanyang narinig at ginulo-gulo ang kanyang buhok.
"What do you mean 'we can't?' Are you one of them? Are you going to kill me na rin ba?" sunod-sunod na tanong ng dalaga pero piniling manahimik lamang ng guro.
"Hindi tayo puwedeng magsumbong sa pulis dahil kontrolado ito ni Mrs. Mendoza. Kaya walang nangyayaring progress sa mga kaso dahil itinatago niya ito mula sa publika. Ang mga nangyaring imbestigasyon noon ay isa lamang sa mga palabas niya para maituloy ang kanyang pinaplano," paliwanag ng guro. Hindi alam ni Alex ang kanyang sasabihin dahil sa kanyang mga nalaman. Hinawakan niya ang kamay ni Alex at sabay silang nagtungo palabas ng building. Sa gitna ng kanilang paglalakad, napahinto si Ms. Gomez nang mag-ring ang kanyang cellphone. Nakatanggap siya ng isang text message mula kay Alyssa:
Seonsaeng! Tulungan mo ako! Mayroong gustong pumatay sa akin. Nandito ako ngayon sa lumang police building sa bandang likuran ng school.
Sinubukang tawagan ni Ms. Gomez si Alyssa pero hindi siya sinagot ng dalaga. Samantala, nasa isang sulok lang si Alex habang nakatulala sa kanyang cell phone. Tiningnan niya ang contacts ng kanyang mga magulang at nagbuntonghininga. Sinubukan niyang tawagan ang kanyang ina para makausap. Isang matamis na ngiti ang kumurba sa kanyang labi nang marinig niyang sinagot ito ng kanyang ina.
"Hello? Who's this?"
Napahawak si Alex nang mahigpit sa kanyang telepono nang marinig niyang may sumagot sa kabilang linya. Nabuhayan siya ng loob dahil alam niyang puwede silang matulungan ng kanyang mga magulang na labanan ang mga Mendoza.
"Ma? Ako ito, si Alex... ang anak n'yo," emosyonal niyang.pagpapakilala sa sarili.
"Alex? Sorry po, pero wrong number po kayo," paumanhin ng babae sa kabilang linya.
"Ganoon po ba? Sige po, pasensiya na... bye," paalam ni Alex bago niya ibaba ang tawag.
Nakayuko lang ang dalaga habang hinihintay si Ms. Gomez sa kanyang ginagawa. Isang lumang newspaper ang lumipad papunta sa kanyang harapan na nakaagaw din agad ng kanyang atensypn. Sinuri niya ang mga pahina ng diyaryo at nanlumo. Napakunot ang kanyang noo nang makita niya litrato ng kanyang ina sa isa sa mga nakasulat na balita sa kanyang nabasa. Nag-suicide ang kanyang ina dahil sa sobrang depresyon nang mabalitaang namatay siya. Hindi alam ni Alex ang kanyang gagawin dahil pakiramdam niya'y pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nilingon ni Ms. Gomez si Alex at nakitang nakatulala lamang ito habang mayroong mga tumutulong luha sa kanyang mga mata. Lumapit ang guro sa dalaga at mahigpit na hinawakan ang dalawa niyang kamay.
"Alex, I can't believe I'm saying this, pero... we need to save Alyssa. Siya ang pinakamalapit na kaibigan ni Tiffany sa school. Kapag nailigtas natin siya, maaaring siya na ang maging sagot sa lahat ng katanungan natin laban sa mga Mendoza," paliwanag ng guro. Hindi siya binigyang pansin ng dalaga dahil hindi pa rin siya makapaniwala na patay na ang kanyang ina. Kahit na nalulungkot sa mga nangyari, sumama pa rin si Alex sa kanyang guro. Nagtungo sila sa lugar na sinabi ni Alyssa. Laking tuwa ni Ms. Gomez nang makita niyang naroon din si Zero sa harap ng nasabing building.
"Bilisan natin at wala na tayong oras," yaya ni Zero sa dalawa. Hindi na sila nag-aksaya ng oras at agad nang pumasok sa building. Madilim, madumi at nababalot ng nakabibinging katahimikan: ilan lamang ito sa mga salitang naglalarawan sa kanilang paligid. Napapalibutan ang building ng mga lumang gamit at basura. Nagulat silang tatlo nang bumukas ang ilaw sa bandang gitna ng kuwarto. Nakita nila rito si Alyssa na nakagapos sa mga taling konektado sa apat na poste. Bukod sa pagkakagapos, nakapiring din ang kanyang mga mata at mayroon ding mga litrato na naka-stapler sa kanyang uniporme. Ito ay ang mga litrato ng mga taong pinatay niya. Hindi napigilan ni Alex magwala nang makita niyang naka-stapler sa damit ni Alyssa ang litrato ni Hunter at ng kanyang ina.
"Hayop ka, Alyssa! You'll pay for this! Ako mismo ang papatay sa yong demonyo ka!" nanggagalaiting sigaw ni Alex na pilit na pinapakalma ni Ms. Gomez.
Natahimik sila nang makitang bumukas ang pintuan sa bandang likuran ng kinauupuan ni Alyssa. Lumabas dito ang isang babaeng nakasuot ng puting baro at maskarang napupuno ng mga puting balahibo ng ibon. Kapansin- pansin din ang hawak niyang latigo na puno ng malalaking tinik sa kanyang kanang kamay.
"Bonjour, mes amis! Je t'ai manqué?" bungad ng misteryosong babae. Marahang hinubad ng dalaga ang kanyang maskara.
"Tiffany?" naguguluhang tanong ni Alex habang nakatingin sa dalaga. Bahagya lang na ngumiti si Shanna at napailing.
"My name is Shanna... Shanna Mendoza. I changed my name to Tiffany the moment I entered St. Venille. It's funny what you can make people do in exchange for money. Lahat talaga ng bagay dito sa mundo may katapat lang na presyo," paliwanag ni Shanna habang naglalakad papunta sa direksyon kung saan nakaupo si Alyssa.
"And, of course, all of this wouldn't be possible without Alyssa," dagdag niya. Inalisan niya ng piring si Alyssa. Gulat na gulat naman at halatang hindi alam ang kanyang sasabihin nang makita ni Alyssa na nasa harapan niya si Shanna. Hindi niya inakala na buhay pa pala talaga ang kanyang kaibigan.
"T-Tiffany? I thought you were dead?" pautal-utal na tanong ni Alyssa. Bahagyang ngumiti si Shanna at agad sinampal ng malakas ang kaklase sa kanyang mukha.
"Bobo! Hindi ako sİ Tiffany! At isa pa, hindi pa ako patay. Hindi mo ba ako nakikita? Buhay na buhay ako ngayon dahil sa hatangahan ni Sakura. Sabi nga nila, ang masamang damo ay hindi basta-bastang namamatay," naiiritang wika ni Shanna. Sinubukang pigilan ni Ms. Gomez si Shanna dahil naniniwala siyang kaya pang itigil ito ng dalaga.
"S-Shanna, huwag mo na ituloy ang mga binabalak mo. Hindi ito makabubuti para sa 'yo. Hindi pa huli ang lahat para magbago," pagkukumbinsi ng guro sa kanyang estudyante, pero tinawanan lang siya ng dalaga.
"Isa ka pang tanga! Did you ever think na ngayon pa talaga ako titigil? Kung kailan malapit ko na makuha ang inaasam asam kong hustisya?" pagbabalik niya ng tanong sa guro. Napasigaw si Alyssa nang maramdaman niyang pumalo ang latigo ni Shanna sa kanyang likuran. Kasabay ng pagdikit ng latigo sa kanyang balat ay ang pagbaon din ng mga malalaking tinik na nakapalibot dito. Hindi maipaliwanag ang ngiti ni Shanna habang pinagmamasdan ang unti-unting pagtuklap ng balat ni Alyssa sa bawat pinapakawalan niyang hampas.
"I thought we were friends," mangiyak-ngiyak na bulong ni Alyssa habang nakatingin kay Shanna.
"Friends? Alyssa, we never became friends. Nilapitan lang kita kasi alam kong tanga ka't madali kang magpagamit. And right now, wala ka nang kuwenta para sa akin. Kailangan na kitang itapon kasama nila," paliwanag ng dalaga na nasundan ng kahindik-hindik-balahibong tawa.
Magsasalita sana si Alyssa pero buong lakas na hinataw ni Shanna ang kanyang hawak na latigo. Tumama ito sa lalamunan ng dalaga dahilan para agad dumanak ang dugo mula rito. Kumapit ang mga tinik sa kanyang lalamunan na ikinatuwa ni Shanna. Lumapit siya kay Alyssa at pinalupot ang kanyang latigo sa leeg ng dalaga bago ito buong puwersang hatakin. Tanging ang halakhak lang at putol-putol na ingay na sinasabi ni Alyssa ang maririnig sa kuwarto. Hindi makapaniwala ang tatlo sa kanilang nakita. Mukhang wala nang pag-asa si Shanna magbago. Tuluyan na siyang kinain ng kanyang galit.
"Demonyo. Isa ka nang demonyo!" sigaw ng guro habang nanghihinang pagmasdan ang unti-unting pagkamatay ni Alyssa. Ibinaling ni Shanna ang kanyang tingin sa guro habang diretsong tinitingnan siya sa mga mata.
"Don't play dumb with me! Kayo ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Sampung taon na ang nakakalipas noong nag-enroll ang kuya ko sa St. Venille. I remember his smile na puno ng pag-asa dahil naniwala siya na ang school na ito ang magiging daan patungo sa kanyang mga pangarap sa buhay. He was one of the top performers ng school, pero lahat ay nagbago simula nang malipat siya sa sixth class during his senior year. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, isang madugong trahedya ang nangyari sa paaralan. Isang buwan na lamang bago ang kanilang graduation ceremony, sa isang private party para sa kanilang klase.. Isa-isang pinatay ang mga estudyante ng pang-anim na seksyon. May mga nilason, pinagsamantalahan, pinagbabaril at ang malala pa rito'y ang iba'y binalatan ng buhay at pinaglaruan ang kanilang mga laman-loob. Sa mura kong edad, ikinuwento sa akin ito ng aking kuya. Kahit na madugo ang nangyari, nagawa pa rin niya itong tingnan nang positibo dahil nakaligtas siya sa kabila ng maraming sugat na kailangang tahiin sa kanyang katawan," paliwanag ni Shanna na bahagyang napangiti nang maalala niya ang kanyang kuya.
"Masaya, buo at walang problema ang pamilya ko noon. Lahat ng iyon ay unti-unting naglaho pagkatapos mamatay si Kuya. Sampung araw bago ang kanilang graduation day, inimbitahan kami ng mga teachers sa isang party para sa mga senior students na magtatapos. Kasama kong umattend si Mommy at Kuya sa event... pero mukhang hindi pala party ang napuntahan namin. Nadatnan namin silang may mga hawak na armas na nakatutok sa amin. Halos lahat ng guro, estudyante at magulang ng pang-anim na seksyon ay nakatingin nang masama sa amin. Pilit nilang sinisisi si Kuya sa pagkamatay ng kanyang mga kaklase. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang walang-awang pagpatay nila kay Kuya. Sinaksak, pinagtatadyakan habang minumura. Halos ituring nilang parang hayop si Kuya. Wala kaming nagawa ni Mommy sa nangyari kung hindi panoorin nilang patayin si kuya. Pinili ni mommy na huwag makialam dahil alam niyang baka kami ang susunod na papatayin nila. Naramdaman ko ang matinding lumbay sa mga mata ni Mommy sa mga oras na iyon. Kahit na hindi siya umiiyak, alam kong masakit para sa kanya ang lahat ng ito. Nagulat na lang ako nang hinatak ako ni mommy papasok ng sasakyan. Pinaharurot niya ang kotse pauwi ng bahay. Paliwanag pa niya, laro lang daw ang lahat ng aking nakita. Na balang araw, babalik si Kuya sa bahay at muling magiging buo ang aming pamilya. Pero lahat lang pala ng iyon ay purong kasinungalingan. First year high school lang ako noon pero buo na ang aming plano. Kontrolado ni Mommy ang kapulisyahan kaya nagawa niyang pigilan ang pag-interfere ng labas sa mga nangyayari sa St. Venille. Naging madali rin ang lahat dahil sa mga academic phones na pinatupad sa paaralan. Hindi man ganoon kadali, pero... gagawin ko ang lahat para makuha ang hustisya," naluluha't naghihinagpis na pagkukuwento ng dalaga.
"Mga demonyo kayo! Parehas kayo ng kuya mong demonyo! Pamilya kayo ng mga mamamatay tao!" naghuhumagpis na sigaw ni Alex. Tiningnan ni Shanna si Alex nang diretso sa mata bago tawanan ang dalaga.
"Monsters are not born. They are created. Makalipas ng ilang buwan ng pag-iimbestiga, nalaman nila kung sino ko. I'm doing this para ipadama ko ang mga totoong killer. Napagbintangan lang ang kuya inyong lahat kung paano mawalan ng isang bagay na sobrang mahalaga sa'yo. Pinatay nila ang kuya ko nang walang kalaban-laban. Now, I'm just returning the favor. Lahat ng estudyante na kasama sa sixth class ay may connection sa mga taong na-involve sa pagkamatay ng kuya ko. Sa wakas, malapit ko nang matapos ang laro," nababaliw na pagkuwento ni Shanna.
Binunot niya ang isang handgun sa kanyang belt at agad itong tinutok kay Alex. Tiningnan muna niya si Ms. Gomez bago sunod-sunod na paputukin ang kanyang baril. Dahan dahang bumagsak si Alex sa sahig at agad nawalan ng buhay dahil sa rami ng tama sa kanyang katawan. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Shanna at sunod nang tinutukan si Ms. Gomez.
"Shanna, walang magandang maidudulot ang paghihiganti mo. Hindi maibabalik ang buhay ng kuya mo kahit na mapatay mo pa kaming lahat dito. At isa pa, paniguradong malulungkot ang kuya mo kapag nakita ka niyang nagkakaganyan dahil sa kanya," pagpupumigil ng guro sa balak gawin ng dalaga. Yumuko si Shanna at nanahimik ng ilang segundo. Mariing napalunok si Ms. Gomez nang marinig niyang bigla na lamang tumawa ng pagkalakas-lakas ang dalaga na tila nawawala na siya sa kanyang sariling katinuan.
"Ngayon pa ba ako aatras kung kailan huli na ang lahat? Hindi n'yo alam kung gaano kasakit tiisin ang mapait na katotohanan halbang nabubuhay ka sa mundong ito. And besides, isn't death beautiful? Lalo na ngayon... Kinikilig ako kapag tinitingnan ko ang mga mata mong unti-unti nang nawawalan ng pag-asa. Ang unti-unting pagtanggap sa mapait na katotohanan na mamamatay ka na. Before I kill you, I want you to remember this... 'an axe forgets what the tree remembers," malamig na bulong ni Shanna sa kanyang hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at tuluyan nang binaril ang guro nang tatlong beses. Nanlaki ang mga mata ni Shanna nang makita niyang biglang humarang si Zero sa kinatatayuan ng guro.
"Zack!" sigaw ng guro. Pilit na nginitian ni Zero si Ms. Gomez bago pa man siya tuluyang bumagsak sa sahig. Unti-unting namugto ang mga mata ni Shanna nang makita niyang bumagsak ang binata. Pinunasan niya ang kanyang mga mata at naglakad palapit sa dalawa. Muli niyang itinutok ang baril kay Zero at muli itong binaril ng tatlong beses. Bahagyang napangiti si Shanna nang makita niyang wala nang buhay ang binata. Sumunod niyang binigyang pansin ang kanilang guro. Kinuha niya ang isang black envelope sa kanyang bulsa at marahan itong iniabot kay Ms. Gomez. Ramdam ni Shanna ang matinding kaba na nararamdaman ng guro dahil sa kanyang mga nanginginig na kamay. Marahang binuksan ni Ms. Gomez ang envelope at nakita ang kanilang class picture ang nakapaloob dito. Lahat sila ay may mga markang ekis sa mukha maliban kay Shanna. Bukod dito, napansin din niya na ang may pinakamalaking ekis na marka ay ang kanyang mukha. Bukod sa kanilang class picture, nakita rin niyang nakapaloob dito ang litrato ng kanyang Kuya Sean na ikinagulat ng guro.
"H-Huwag mong sabihing... si Sean Mendoza ang kuya mo?" naguguluhang tanong ng guro kay Shanna. Hindi siya makapaniwala na si Sean, isa sa mga naging manliligaw niya dati ang kuya ni Shanna. Alam niya ang madugong sinapit ni Sean noong araw na iyon pero wala makilahok siyang nagawa. Pinangunahan siya ng takot at napilitang sa nangyaring pag-frame up kay Sean dahil na rin sa pagpe-pressure sa kanya ng kanyang mga guro't kaibigan. Isa siya sa mga ginamit na pangpain para masigurado nilang a-attend talaga si Sean sa araw na iyon.
Hindi namalayan ng guro ang unti-unting pagbagsak ng kanyang mga luha sa mata. Marahan niyang tiningala si Shanna at nakitang umiiyak na ang dalaga. Bahagya siyang ngumiti at marahang nilapit ang kanyang noo sa bunganga ng hawak na baril ni Shanna.
"Sorry kung wala akong nagawa noong mga oras na iyon para iligtas si Sean. Pero kung ito ang magiging paraan para mapatawad mo ako at para mapatawad ako ng iyong pamilya, so be it. Malugod kong tatanggapin ang parusa ng aking mga kasalanan." Dahan-dahang ipinikit ni Ms. Gomez ang kanyang mga mata habang inaalala ang mga panahong kasama niya si Sean.
"Game over," malamig na bulong ni Ms. Gomez sa kanyang sarili. Nagbuntonghininga si Shanna at marahang ipinihit ang trigger ng baril. Tumagos ang bala sa ulo ng guro na agad niyang ikinamatay. Napaupo si Shanna sa madugong sahig ng kuwarto habang mayroong suot na malapad na ngiti sa kanyang labi. Hindi niya mapigilang magsisisigaw sa tuwa nang maramdaman niyang naging matagumpay siya sa pagtupad sa planong paghihiganti ng kanyang pamilya para makamit ang hustiya sa pagkamatay ng kanyang Kuya Sean.
Three months later...
Isang babae ang pumasok sa classroom na nakaagaw ng atensyon sa lahat ng estudyante na nasa silid. Mayroon siyang hawak na soda sa kanyang kanang kamay. Paupo na sana siya sa kanyang upuan pero pinigilan muna siya ng kanilang guro.
"Excuse me, miss? Are you new here? Can you introduce yourself to everyone first para makilala ka rin ng buong klase?" paliwanag ng guro sa dalaga na nasundan ng matamis na ngiti. Bahagyang ngumiti ang dalaga sa guro at agad naglakad papunta sa harapan. Inilapag muna niya ang kanyang hawak na soda can sa teacher's desk bago simulang magpakilala.
"My name is Shanna. Shanna Mendoza. Sana maging kaibigan ko kayong lahat dito! Please treat me well, masiglang pagpapakilala ng dalaga sa kanyang sarili."
Halos lahat ay namangha sa kanyang malambing na boses at maamong mukha. Pagkatapos niyang magpakilala ay agad siyang dumiretso sa kanyang upuan. Bago pa man magsimula ang klase, isang anunsyo ang kanilang narinig galing sa administration ng paaralan.
"Attention, students! Class pictures will be taken tomorrow.
Halos lahat ng estudyante ay naging excited sa kanilang narinig maliban na lamang kay Shanna. Isang mapaglarong ngiti ang kumurba sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang masasayang mukha ng kanyang mga kaklase.
"As long as I'm still breathing, the game's not over yet," malamig na bulong ni Shanna sa kanyang sarili.