Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 37 - EPILOGUE

Chapter 37 - EPILOGUE

Paalis na kami nina Mommy and Kuya sa bahay para pumunta sa isang school event ni Kuya Sean. Excited na ako kasi papakilala raw sakin ni Kuya ang kanyang friends and ang lagi niyang kinekuwentong crush niya na may name daw na Eulzimara. Idol ko talaga itong kuya ko. Paano ba naman kasi, guwapo na, matalino pa. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maraming nagkaka-crush sa kanya. Gusto ko. someday, katulad ni Kuya ang maging man of my dreams ko. Ito ngang best friend kong si Chantelle, sa sobrang crush niya sa kuya ko, halos hindi mapakali tuwing nakikita niya si kuya sa bahay. Kaso nga lang, minsan, sa sobrang bait ni Kuya, inaabuso na siya ng ibang tao. Alam ko na hindi dapat ako makinig sa mga usapan ng mga matatanda, pero narinig ko sina Mommy and Daddy na sinisisi raw ng mga tao sa school si Kuya sa nangyari sa kanyang mga kaklase. Kahit na mabigat ang kinakaharap ng kuya ko, isa lang ang parati niyang sinasabi sa akin. Ito ay ang pagiging positibo sa kabila ng mga masasamang nangyayari. Hindi ko namalayang ginugulo na pala ni kuya ang buhok ko.

"Ano ba 'yan, Shanna! Ang dami mo kasing iniisip, e." Nag-pout ako sa harapan niya at nagpaawa effect. Alam kong hindi niya ko matitiis.

"Ang cute ko kaya. O, walang kokontra, ha? Sige ka, kakaltukan kita sa lungs." Napatigil siya sa pangungulit sa akin nang marinig niyang bumusina na ang kotseng susundo sa amin sa labas ng bahay.

"K-Kuya, aalis na po ba tayo?" tanong ko sa kanya habang hinihila ko ang dulo ng suot niyang polo. Tiningnan niya ako sa mga mata at nginitian. Muli niyang ginulo ang buhok ko kaya napagalitan tuloy siya ni Mommy.

"Sean, anak, 'wag mo ngang binu-bully ang princess natin. alam mo namang kakaayos ko lang ng buhok niyan, e. 'Di ba, darling?" sweet niyang pagkasabi kay kuya habang nakatingin wakin. Nginitian ko lang si mommy at tumakbo ako papunta sa kanya para yakapin siya.

"Mommy, where are we going po ba?" Hindi ko kasi saintindihan kung bakit kailangan pa naming mag-bihis ng peng-formal. Ang kati kaya ng tela nito sa balat at mainit pa. Tiningnan lang ako ni Mommy at nginitian.

"We're going to your kuya's party, princess. Ininvite nanaman kasi ako ng mga teachers niya today. Mukhang may makukuha nanamang award si kuya Sean mo," natutuwang pagkukuwento ni Mommy.

Halos tumalon-talon ako sa saya kasi may award nanaman si kuya. Kaso nga lang, agad itong naputol dahil sa pagka-negatron ni Kuya.

"Oy, Shanna. Mukhang mas excited ka pa kaysa sa makakakuha ng award, ha?" biro ni Kuya sa akin. Napahinto kami sa aming ginagawa nang tinawag na kami ng aming driver. Kahit wala si Daddy sa mga oras na iyon, palagi naman silang nag-uusap ni Mommy sa telepono. Ang lamig talaga dito sa loob ng kotse, feeling ko tuloy nasa Antartica na ako. Nakita ako ni Kuya na nilalamig kaya niyakap niya ako nang mahigpit. Sa gitna ng aming paglalakbay, nagtinginan kami ni Kuya nang biglang nag-play ang aming favorite song: ang kantang "With a Smile" ng Eraserheads. Sobrang saya ko sa mga oras na iyon kasi kahit si Mommy, sumasabay sa pagkanta namin ni Kuya. Oras na makarating kami sa school ni Kuya, nakita kong mariing napalunok si Mommy habang tinitingnan ang mga taong nag-aabang sa amin sa labas. Ercited ako kasi mukhang may pa-welcome pa sila para sa kuya ko. Napansin kong medyo nag-aalala si Mommy pero hindi ko maintindihan kung bakit. Napatingin na lamang ako kay kuya nang makita kong hinawakan ni Mommy ang mga kamay ni Kuya nang mahigpit. Samantalang ako, heto, sing-along pa rin kahit mag-isa na lang akong kumakanta. Napahinto ako nang marinig ko ang bulong ni mommy kay kuya Sean. Oo, bata lang po ako pero sadyang malakas na talaga ang mga pandinig ko.

"Sigurado ka ba rito, Sean? Alam mo namang mainit ka pa sa mga mata ng tao," nag-aalalang bulong ni Mommy. Pero nginitian lang siya ni kuya at nagawa pang magbiro sa kanyang narinig.

"Oo naman, Ma. Ang hot ko kasi, e. Hindi ba, princess?" biro niya sabay tingin sa akin. Grabe talaga itong si Kuya. pati ako dinadamay kahit wala naman akong kamalay-malay sa pinag-uusapan nila ni Mommy. Ewan ko ba pero tumango na lang ako. Hindi nagtagal ay tumigil na ang sasakyan namin para i-park. Excited na akong makita ang award na makukuha ni Kuya. Gusto ko, paglaki ko, maging katulad ko si Kuya: matalino, mabait, talented, at siyempre, maganda. Isa-isa kaming bumaba sa sasakyan at naglakad papunta sa venue. Sa gitna ng aming paglalakad, hinatak ko ang dulo ng polo ni kuya para makuha ko ulit ang atensyon niya.

"Kuya, galingan mo, ha? Pogi points?" magalak kong sinabi with matching kindat at kagat labi. Siyempre hindi puwedeng mawala ang pogi points sign: ang paglagay ng daliri mong naka-tsek sa ibaba ng iyong mukha.

"Tss, ako pa ba? Sige, princess. Pogi points!" masaya niyang tugon sa akin at siyempre ginawa rin niya ang ginawa ko. Napangiti ako nang makita kong napasaya ko siya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong kinarga. Alam ko namang may kabigatan ako pero may tiwala ako sa muscles ng kuya ko. Pagdating namin sa harapan ng venue, napapalakpak ako nang makita kong maraming tao ang sumalubong Ang iba ay namumukhaan kong mga schoolmates niya. Ang sa amin. iba naman ay mga teachers and parents ng mga classmates ni kuya. Lahat sila'y may mga nanlilisik na mga mata habang nakatingin kay kuya. Nakita ko ang itsura ng kuya ko. Halata sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala. Pero bukod dito, nangibabaw pa rin sa kanya ang kanyang matamis na ngiti. harapan ko. Marahan niya akong ibinaba sa pagkakakarga at lumuhod sa

"O, princess, paano ba 'yan? Mukhang kailangan muna ni Kuya sumama sa kanila. Basta, kahit ano'ng mangyari, be a good girl, okay? Listen to Mommy and Daddy. May kailangan lang tapusin si Kuya Sean mo, pero... huwag kang mag-alala dahil lagi naman akong nasa puso mo, e. I love you, princess!"

Nakita ko sa kanyang mga mata ang mga namumuong luha kaya napaiyak na rin ako dahil dito. Para bang nag- papaalam na siya sa akin na ewan. Nakita ko si Mommy na umiiyak na rin pero clueless talaga ako sa mga oras na iyon. Kiniss ko siya sa pisngi at binulungan sa kanyang taenga,

"Kuya, mag-iingat ka, ha."

Bahagya lang siyang ngumiti at tumango. Pupuntahan niya sana si Mommy para kausapin pero hinatak ko ulit ang dulo ng damit niya. Tumalikod siya para sa akin habang suot pa rin ang kanyang matamis na ngiti. Kitang-kita ko ang mga namumugto niyang mga mata.

"Pinky promise?" tanong ko sa kanya habang ine-emphasize ko ang right hand ko. Tanging hinliliit lamang ang nakatayo sa aking kanang kamay. Natawa siya nang makita niya ito pero big deal kasi ito sa akin. Gusto kong mag-promise siya na babalik siya sa amin pagkatapos ng gagawin niya. Nag-lean siya towards me at agad ni-lock ang kanyang hinliliit sa aking hinliliit. Nakita ko ang bahagya niyang pag-ngiti kahit na may mga luha nang bumabagsak sa kanyang mga mata. Muli siyang tumalikod para puntahan ang mga taong nag-aabang sa kanya. Bago tuluyang lapitan ang mga ito, muli niya akong nilingon habang kinakawayan ako. Kahit na umiiyak na si Kuya, nagawa pa ring niyang ngumiti. Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya na sumigaw ng "babay!" sa aming dalawa nina Mommy. Habang sinusundan ko siya ng tingin, nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari. Wala pa siya sa gitna ng venue nang bigla siyang inalipusta ng mga taong nakapaligid sa kanya. Narinig kong sinabihan siya ng "sugo ng demonyo, mamatay-tao, walang puso, criminal" at kung anu-ano pang masasakit na salita. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang biglang pagsaksak ng kanyang adviser sa likuran ni Kuya. Pinagtulungan ding bugbugin ng mga magulang ng kanyang mga classmates si Kuya habang pilit na sinisisi siya sa pagkamatay ng kanilang mga anak. Tatakbo sana ako para lapitan si Kuya pero pinigilan ako ni Mommy. Gusto kong tulungan si Kuya pero hindi ko magawa. Masakit pala ang pakiramdam na makitang unti-unting nawawala ang isang bagay na sobrang importante sa 'yo. Sigaw lang nang sigaw si Mommy at pilit na pinipigil sila sa ginagawa sa kuya ko. Napaupo sa sahig si Mommy nang makita niyang hindi na gumagalaw ang katawan si Kuya. Patay na ba talaga si Kuya? Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kung sakaling mawala siya. Mariing napalunok si Mommy nang makita niyang sa amin na nakatingin ang mga taong bumugbog kay kuya. Mukhang may balak silang kami ang isunod kaya bigla akong ikinarga ni Mommy at ipinasok sa kotse. Mabilis niyang inutusan ang aming driver na paandarin ang kotse para agad nang umuwi ng bahay.

Pagkahatid sa akin ni Mommy sa kuwarto ko, hindi ko alam, pero lahat nang nangyari kanina ay tila paulit-ulit sa aking isipan. Lagi kong na-i-imagine ang lahat ng ginawa nilang pagpapahirap sa kuya ko. Inosente si kuya, pero bakit nila ginawa iyon sa kanya? Siya ang Superman ng buhay namin at alam naming hinding-hindi makakaya ni kuyang pumatay ng tao. Pumunta si Kuya sa party para patunayang inosente siya pero hindi siya pinakinggan. Hinayaan nilang mangibabaw ang galit kaysa sa pag-intindi. Sinayang nila ang mga pangarap ni Kuya! Sinayang nila ang pagkakataon namin na maging isang buong pamilya! Isinusumpa ko, magbabayad sila sa ginawa nila sa amin! Hindi ako titigil hangga't hindi ko naipapadama sa kanilang lahat ang mga malalim na sugat na iniwan nila sa pamilya ko.

"Mamamatay kayong lahat! Papatayin ko kayong lahat!" bulong nang batang babae sa kanyang sarili na nasundan ng isang katakot-takot na ngiti sa kanyang labi.

wakas