Kinabukasan, naka upo si Sakura sa kanilang sofa. Hindi na niya namalayang napapatingin siya sa upuan kung saan laging naka upo si Zoey. Nag buntonghininga muna siya bago sumandal sa sofa. Habang naka tingala sa kisame muli niyang naalala ang kanyang naka babatang kapatid.
"I'll avenge your death, Zoey."
Nag desisyon siyang buklatin ang kuwaderno upang alamin ang nilalaman nito. Sa ikatlong pahina, nagulat siya nang makita ang listahan ng mga pangalan ng kanyang mga kaklase na namatay na. Sa kasunod ng pahina, nakita niya nakaipit dito ang isang litrato, pero ito'y hindi lamang isang ordinaryong litrato. Ito ay ang kanilang class picture. Mayroong mga markang ekis sa mukha ang mga nabiktima nilang kaklase. Bago ipatuloy ang kanyang pag susuri, tumayo muna siya sandali at agad kinuha ang I.D. na may litrato ni Tiffany na kanyang natagpuan noon mga nakaraang araw. Nakuha niya ito sa classroom kung saan nag karoon ng engkuwentro si Chantelle sa killer. Mariin siyang napalunok nang mabasa na iba ang pangalan ni Tiffany sa I.D. sa kanyang nakuha.
"S-Shanna Mendoza?" nalilito niyang bulong sa sarili. Itinago muna niya ang kuwaderno sa kanyang bag bago lumabas ng kuwarto. Dumiretso siya sa venue ng programa noong araw na iyon para maka pagmasid-masid. Nag babakasakali siyang makakuha pa siya ng ebidensya na maaari niyang magamit para maresolba ang misteryo na kanilang kinakaharap. Nakita niyang naka tingin ang mga estudyante sa lumang classroom na gawa sa pinag tagpi-tagping kahoy. May kalakihan ang classroom na ito. Nababalot din ng iba't ibang seals ang bawat gilid ng classroom. Wala siyang ideya kung anong nang yayari kaya naisipan niyanag hanapin ang kanyang mga kaklase para mag tanong. Una niyang nakita sina Alex at Hunter kaya agad niya itong nilapitan para tanungin.
"A-Alex..." tawag niya sa pangalan ng kalase na agad din naman siyang nilingon.
"O, Sakura. Condolence, ha?" mahinhing bulong ni Alex sa kanya. Napangiti si Sakura at bahagyang yumuko sa kanyang narinig. Tinapik-tapik siya ni Alex sa kanyang balikat bilang sign ng pag-comfort. Nag buntonghininga si Sakura at sinimulan nang tanungin ang kaklase.
"Anong nang yayari? Bakit parang ang dami yatang tao ngayon? tanong niya sa kaklase.
"Susunugin yon," matipid na sagot ni Alex habang naka turo sa lumang classroom.
"Susunugin? Bakit?" sumunod niyang tanong sa kaklase na halatang walang kaide-ideya sa mga nangyayari.
"Ayon sa mga nasagap kong chismis, every year daw ginagawa ito ng St. Venille. Gumagawa ang school ng isang medium-sized classroom para lang dito. Halos lahat ng estudyante ay nag-o-offer ng kahit anong gamit na nag papaalala sa kanila ng bad memories. Kasabay ng pag-offer nila ay pag pirma nila sa isang seal na ididikit sa classroom. After that, tsaka nila susunugin ang classroom habang inaalayan ng dasal ng isang witch doctor. Ginagawa raw nila ito two months before the school year ends. Naniniwala kasi sila na this way, the gods will burn the negativity and replace it with positivity," paliwanag ng dalaga.
Bahagyang ngumiti si Sakura at naisipang makilahok sa programa. Kinuha niyang kutsilyong gunamit niya para mabasag ang screen ng monitor sa hallway kahapon. Naging emosyonal ang kanyang pagpila dahil naalala niya ang mga oras na mag kasama pa sila ng kanyang kapatid.
Pag dating niya sa harapan, sinalubong siya ng maamong ngiti ni Ms. Gomez. Niyakap siya ng guro at binulungan sa kaliwang tenga.
"Huwag ka nang umiyak. Magiging okay din ang lahat."
Bahagyang ngumiti si Salura sa kanyang narinig. Sabay nilang inilaga ang kutsilyo sa loob ng classroom.
Ang huling nag-alay ng gamit ay si Cameron. Nagulat ang kanyang guro nang makita na ang kanilang class picture ang gusto niyang sunugin. Tiningnan siya ng guro nang diretso sa kanyang mga mata at nakita ang labis na takot ng binata.
"C-Cameron..." nalilito niyang tanong sa estudyante pero napayuko na lamang ang binata.
"The new principal said that we can burn whatever we want. Huwag mo na lang po akong pakialaman. Tutal wala ka rin namang nagawa para mailigtas kami," prangka't naluluhang wika ng binata.
Sabay silang dalawa pumasok sa kuwarto upang ilagay ang litratong gustong sunugin ni Cameron. Inaayos ng guro ang mga gamit habang abala naman si Cameron sa pag dikit ng litrato sa pader. Sabay silang dalawa pumasok sa kuwarto upang ilagay ang litratong gustong sunugin ni Cameron. Inaayos ng guro ang mga gamit habang abala naman si Cameron sa pag dikit ng litrato sa pader. Sabay sana silang lalabas pero piniling mag paiwan ng binata dahil gusto niya makita kung ano ang inoffer ng iba niyang mga kaklase. Paglabas ni Ms. Gomez sa classroom, sinalubong agad siya ng dalawang pulis para tanungin kung ano ang kanyang nalalaman sa nangyayaring pag kamatay ng dalawa niyang estudyante kahapon. Pagkaalis ni Ms. Gomez sa venue, nakalimutan niyang sabihin na nasa loob pa si Cameron. Hindi rin namalayan ng mga facilitators kaya nakulong ang binata sa loob ng classroom. Agad namang napalingon si Cameron nang naramdaman niyang pinapako na ang pintuan mula sa labas. Dali-dali siyang pumunta sa harapan ng pinto. Paulit-ulit niyang pinag hahampas ang kahoy na pintuan dahil sa pag babakasakaling naririnig siya ng mga tao sa labas.
"Nandito pa ako! Buksan nyo ang pinto!" nag kukumahog na sigaw ng binata. Halos mawalan na siya ng boses na kasisigaw kaya nag desisyon na lang muna siya na umupo na muna sa isang sulok para makapag-isip. Napansin niyang mayroong isang babae na nakaupo rin sa kabilang sulok ng kuwarto. Napangiti siya dahil nakita niyang may makakatulong sakanya sa pag-isip ng paraan para maka labas sila ng kuwarto. Agad siyang tumayo at nilapitan ang babae.
"Akala ko ako lang mag-isa ang nasaraduhan dito. Ako nga pala si Cameron Lawrence ng Class 4-6. Ikaw, anong pangalan mo?" masiglang tanong ng binata. Unti-unti siyang tiningnan ng babae. Napa atras si Cameron nang makitang naka suot ang babae ng clown na maskara.
"Hi, Cameron," nakalolokong bati sa kanya na nasundan ng nakapangingilabot na ngiti. Nagulat si Cameron nang maramdaman niyang may tinusok ang babae sa kanyang tiyan. Hinawakan ni Cameron sa mukha ang babae para subukang alisin ang suot na maskara ng dalaga. Kahit na nanlaban ang dalaga, nagawa pa rin ng binata na mag tagumpay sa kanyang plano. Napa kunot ang noo ni Cameron sa gulat nang makita niya kung sino ang babaeng nag tatago sa likod ng maskara.
"Tiffany?"
Nginitian lang siya ni TIffany at tinawanan. Mabilis na kumalat ang gamot mula sa syringe sa dugo ni Cameron. Unti-unting namanhid ang buong katawan ng binata dahilan para mahirapan siyang gumalaw. Napahiga siya sa sahig habang unti-unting nangisay ang kanyang buong katawan. Naka ngiti lang ang dalaga habang pinag mamasdan ang kanyang kaklase na mag hirap.
"To kill is to be killed," misteryosong bulong ni Tiffany sa binata. Hindi makapagsalita si Cameron dahil sa pag kamanas ng kanyang mukha. Tanging mga putol-putol na ingay lamang ang lumalabas sa kanyang bibig. Buong lakas isyang hinatak ng dalaga papunta sa isang sulok ng kuwarto. Nag hanap ang dalaga ng tali na agad rin naman niyang nakita. Bukod dito, kinuha niya rin ang dinikit na litrato ni Cameron sa pader.
"Look what I just found? A remembrance that you'll take with you to the other side!" excited na wika ni Tiffany. Labis ang kanyang tuwa kaya nag tatalon siya habang papunta sa direksyon kung saan naka sandal si Cameron. Inalalayan niyang tumayo si Cameron bago niya tuluyang isagawa ang kanyang plano. Tinalian niya ang kaklase sa leeg bago hatakin ang kabilang dulo ng tali. Hindi niya ito masyadong isinagad dahil gusto pa niyang pahirapan ang kaklase. Kailangang tumingkayad ng binata upang hindi siya tuluyang masakal ng tali na naka pulupot sa kanyang leeg. Napabungisngis ang dalaga't dinilaan ang binata sa kanyang pisngi. Kinikilig siya habang pinagmamasdan ang labis na pag hihirap ng binata. Bago lisanin ang kuwarto, ini-stapler muna ni TIffany ang kanilang class picture sa damit ni Cameron. Kabilang na si Cameron sa mga estudyanteng may marka ng ekis sa kanilang mga mukha.
"See you in hell," paalam ng dalaga. Dali-dali siyang tumayo at agad binasag ang makapal na salamin sa bandang likuran. Kumaripas siya ng takbo palayo sa kuwarto at agad humali sa mga taong nanonood. Pag katapos ng programa, agad nilang pinaliyaban ang kuwarto.
Nanlaki ang mga mata ni Cameron nang makita ang unti-unting pag lamon ng apoy sa buong kuwarto. Dahan-dahang natutuklap ang kanyang balat sa iba't ibang parte ng kanyang katawan dahil sa sobrang init. Tila priniprito siya nang buhay dahil sa mga bulang pumuputok sa kanyang balat, isang side effect ng gamot na isinaksak sa kanya kanina. Bahgya siyang ngumiti't tumawa. Nag buntonghininga siya't mariing ipinikit ang kanyang mga mata. Marahan niyang ibinaba ang kanyang mga paa sa sahig dahilang para sumikip ang lubid sa kanyang leeg. Wala pang kalahating minuto, tuluyan nang binawian ng buhay si Cameron.
Naka ngiti si Tiffany habang pinapanood ang nasusunog na kuwarto. Napalihis ang kanyang tingin nang maramdaman niyang may humatak sa kanya palayo sa venue ng programa. Napakunot ang kanyang noo nang makitang si Sakura ang humatak sa kanya. Dinala siya ng dalaga sa likod ng school garden kung saan silang dalawa lang ang nandoon.
"What the hell, Sakura?" naiinis na tanong ni TIffany.
"Tiffany, are you afraid of death?" misteryosong tanong ni Sakura. Napaatras si TIffany sa kaklase at halatang kinabahan sa tanong ni Sakura.
"N-No, Sakura. What are you talking about?" naiilang na sagot ni Tiffany. Napailing lang si Sakura sa kanyang narinig habang madiing naka sara ang kanyang dalawang palad. Halata sa mga mata ng dalaga ang pag kainis sa mga ipinapakitang kilos ni Tiffany sa kanya.
"Don't play dumb with me! I already know all of your secrets. Shanna Mendoza!" nang gigigil na sigaw ni Sakura. Unti-unting dinukot ni Tiffany ang naka tagong ice pick sa kanyang bulsa at agad itinutok sa direksyon ni Sakura.
"Looks like you found out my real name," bulong ni Shanna. Isang mapaglarong ngiti ang kumurba sa kanyang labi. Kumaripas ng takbo si Shanna sa direksyon ni Sakura upang sugurin ang dalaga. Kukunin sana ni Sakura ang kanyang kutsilyo pero naalala niyang nai-offer na pala niya ito kanina, Sinubukang sasakin ni Tiffany si Sakura pero hindi niya matamaan ang dalaga. Lubhang maiksi ang mga kilos ng dalaga kaya nagawa niyang mailagan ang bawat pag-atake ng kaklase.
"I don't need weapons to finish you," malamig na bulong ni Sakura. Nanlaki ang mga mata ni Shanna nang bigla siyang tinisod ng kaklase. Naunang bumagsak sa lupa ang ice pick bago ang kanyang katawan, dahilan para bumulwak ang matingkad na kulay ng dugo sa kanyang mga mata. Nag sisisigaw si Shanna sa sobrang hapdi at sakit. Naka ngiti lang si Sakura habang pinag mamasdan ang pag hihirap ng kaklase. Habang naka luhod si Shanna sa sakit, binunot ni Sakura ang ice pick mula sa mata ng kaklase. Hindi nakuntento si Sakura at sinaksak pa niya ng tatlong beses sa likod ang dalaga. Hindi na nakontrol ni Sakura ang sarili at tila nilamon na ng kanyang galit. Pinag sisipa niya si Shanna nang walang humpay.
"This is for Zoey's death!" buong lakad na sigaw ng dalaga. Itinulak niya si Shanna sa kalapit na bangin para matuluyan ang kaklase. Napangisi siya nang makitang nakahiga't hindi na gumagalaw ang katawan ni TIffany sa ibaba ng bangin. Kinuha niya ang kanyang academic phone sa bulsa at tinawagan ang pulisya. Tumakbo siya palayo upang balikan ang kanyang mga kaklase. Masaya siya ng tapos na ang laro. Wala na si TIffany o Shanna Mendoza. Patay na ang killer.
Pag balik ni Sakura sa kanilang classroom, nakita niya ang kanilang adivser kasama ang mga natitira niyang mga kaklase. Halos bakante na ang mga upuan dahil sampu na lamang silang natitirang estudaynte sa klase. Hindi na nag dalawang-isip pa si Sakura na ipamalita ang magandang nangyari. Bukod dito, sinabi niya rin ang kanyang mga nalmaan tungkol sa notebook ni Erika.
"We're safe! Tapos na ang impyernong pinag daanan natin dahil patay na si Tiffany. TIffany was the masked girl who was responsible for the death of our classmates," matapang niyang anunsyo sa harap ng klase. Pinaliwanag ni Sakura kung paano naging si TIffany ang killer. Hindi pa nag tagal ay sinang-ayunan siya ng lahat maliban kay Alyssa. Kapansin-pansin sa mukha ng dalaga ang pag kalungkot sa kanyang narinig.
"Lyssa, okay ka lang ba? Hindi ka ba masaya na we're all going to be safe?" tanong ni Angela sa kanyang seatmate.
"Don't mind me, I'm fine," nang hihinang sagot ni Alyssa.
Mahahalata sa kanyang mukha na mayroon siyang malalim na iniisip. Sumunod namang nag-anunsyo si Ms. Gomez. Naluluha ang kanilang guro at tila hindi maka paniwala sa kanyang nabalitaan.
"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon, pero masayang-masaya ako ngayon alam kong magiging ligtas na kayo," Bawat batch dito sa St. Venille ay naka gawian nang gawin ang party tradition. Ten days before sumapit ang araw ng pag tatapos, nagse-celebrate muna sila with a party. Pinaniniwalaan nila na mag dudulot daw ito ng suwerte sa pag pasok sa college. Let's have a small celebration, then! Kahit tayong sampu lang kasama si teacher, okay na?" masigla niyang yaya sa mga kaklase na sinang-ayunan din naman ng lahat.
"It's settled! The sixth class will have a party!" excited na anunsyo ng guro. Lahat sila'y nag hiyawan matapos marinig ang approval ng kanilang guro. Hindi maalis ang ngiti ng guro habang kaharap ang kanyang mga estudyante. Pinaalalahanan niya rin sila na mag-aral nang mabuti dahil pag katapos ng lahat ng nangyari, kailangan parin nilang ipasa ang kanilang mga exams bago naka-graduate.