Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 35 - CHAPTER 34

Chapter 35 - CHAPTER 34

Dalawang buwan na ang lumipas. Sampung araw na lamang at darating na ang araw ng pag tatapos. Ang buong paaralan ng St. Venille ay excited sa party para sa kanilang graduating students. Samantala, pinili namang mag plano ng sariling party ang mga estudyante ng pang-anim na seksyon. Ito ay para umiwas narin sa ibang mag-aaral na hanggang ngayon ay galit parin sa kanila. Kahit na naka bukod ang kanilang party, hindi maitatanggi na masaya at excited parin sila rito. Natahimik ang mga estudyante nang makita nilang pumasok sa kuwarto ang kanilang guro.

"Ready na ba kayo para sa party mamaya?" mahinhing tanong ng guro sa klase.

"Yes ma'am!" excited at sabay-sabay na sagot ng mga estudyante. Napalingon ang guro nang marinig niya ang tatlong mag kakasunod na katok mula sa pintuan. Nakita niya ang kanilang guidance councelor na naka ngiting pinag mamasdan siya. Nilapitan niya ito ata napag-alamang ipinapatawag siya ni Ms. Lim, ang bagong principal ng paaralan.

"Class, I'll be right back. Sandali lang at pinapatawag ako sa office," paalam niya sa klase. Tumango ang iba pero ang karamiha'y abalang nag kukwentuhan para sa magaganap na party mamaya.

Sinalubong si Ms. Gomez ng dalawang pulis at isang abogado sa opisina ng bagong punong-guro. Naka ramdam siya ng kaba nang mapansin niya ang naka kalat na mga litrato ng kanyang mga estudyante sa lamesa. Pinaupo muna ang guro sa sofa bago simulang tanungin. Gusto nilang malaman kung sangkot ba siya sa mga nangyayaring patayan sa hinahawakan niyang seksyon.

"Ms. Eulzimara Gomez, mayroon kaming mga nakitang dokumento na ilegal sa pamamahala ng nakaraang punong-guro. Maaari mo bang ipaliwanag sa amin ang ibig-sabihin ng mga ito?" tanong sa kanya ni Ms. Lim habang isa-isang ipinakita ang mga litrato ng mga bangkay ng kanyang mga estudyante.

"W-Wala po akong alam at kinalaman sa mga pinag sasabi niyo," nanginginig na sagot ng guro. Pilit niyang iniiwasang tingnan si Ms. Lim dahil sa sobrang kaba. Napangiti ang abogado sa kanyang napansin. Tinabihan niya ang guro sa kanyang kinauupuan at sinubukang tingnan si Ms. Gomez nang diretso sa kanyang mga mata. Marahang inilapag ng abogado ang isang red folder sa lamesa bago bulungan sa tenga ang guro.

"Maari mo bang buksan ang folder sa iyong harapan?" malamig na bulong ng abogado. Kahit na kinakabahan, sinunod ng guro ang kanilang inutos. Marahan niyang binuksan ang folder at nakita ang lahat ng pangalan na sangkot sa mga nangyaring pag patay. Mariin siyang napalunok nang agad niyang makita ang kanyang pangalan sa listahan. Sa kanyang pag tataka, ilang pangalan ang hindi niya nakita rito. Wala ang mga Mendoza sa listahan.

"Napilitan lang po akong manahimik dahil sa pera. Tinakot din lahat kaming mga guro na kapag nangialam o nag sumbong kami ay tatanggalan kami ng trabaho at idadamay ang aming mga pamilya sa oras na malaman nilang nangialam kami," naluluhang sumbong ng guro. Napatayo si Ms. Lim sa kanyang kinauupuan dahil sa galit. Hindi na niya napigilan ang sarili nang malakas na ibinagsak ang kanyang dalawang kamay sa lamesa.

"Isa lang sa mga estudyante mo ang puno't dulo ng lahat ng ito, pero hindi mo man lang nagawang madisiplina? Anong klaseng guro ka? Trabaho nating mga guro ang hubugin ang mga estudyante na mag bigay karangalan sa kanilang bansa. At higit sa lahat, lumaki silang maayos at may respeto sa kanilang kapwa," reklamo ni Ms. Lim.

"Masakit mang isipin, pero kung kayo ang nasa kalagayan ko, panigurado'y gagawin nyo rin ang aking nagawa alang-alang sa kaligtasan ng inyong pamilya," mangiyak-ngiyak na sagot ng guro. Tinapik-tapik siya ng abogado sa kanyang likot at muling tinanong.

"Maaari mo bang sabihin saamin kung sino ang estudyanteng iyon?"

Sasagutin na sana niya ito nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone sa bulsa. Kinuha niya ito't nakitang nakatanggap siya ng isang text message mula saisang unregistered number:

Some secrets are better left untold.... because some secrets just might kill you.

Pag katapos basahin, napalingon si Ms. Gomez at nakitang pinag mamasdan siya ng nanay ni Tiffany mula sa labas. Nginitian siya nito at kinawayan na agad niyang ikinatakot. Naalala niyang isa sa mga pinaka makapangyarihang pamilya sa bansa ang mga Mendoza. Hawak ni Mrs. Mendoza ang buong kapulisyahan habang isa sa mga leading business leaders naman ang kaniyang mga kalaban, mas pinili parin ng guro na isiwalat sa lahat ang kanyang nalalaman.

"Bibigyan ka namin ng isang araw para pag-isipang mabuti ang lahat ng ito. Mag pahinga ka na muna at subukan mong alalahanin ang nangyari sa iyong mga estudyante," mahinahong paalala ng abogado sa guro. Marahang tumayo si Ms. Gomez sa kanyang kinauupuan at agad lulabas para subukang kausapin ang nanay ni Tiffany. Nag buntonghininga siya nang makita niyang wala na si Mrs. Mendoza. Sa kanyang pag lalakad pabalik ng classroom, napahinto siya nang maka tanggap ng isang text message mula kay Angela.

Hi, ma'am. We've already left the classroom na po para mag-prep for the party later. Salamat po.

Napa ngiti siya sa kanyang nabasa at nag tungo na lamang sa faculty room. Nag madali siyang kunin ang kanyang gamit dahil napansin niyang pinag titingnan siya ng iba niyang mga kapwa guro. Sa kanyang pag baba ng Academic Building, naka salubong niya sa hallway ang isang babaeng naka yuko. Pilit niyang tinitingnan ang babae pero hindi niya maaninag ang mukha ng dalaga dahil nag tatago ito sa kanyang mahabang buhok. Dahil sa pag mamadali, nag kabungguan ang dalawa sa daanan. Bumagsak ang mga gamit ng guro sa sahig pero hindi manlang siya hiningian ng pasensya ng estudyante. Sa kanyang pag pupulot ng mga gamit, mariin siyang napalunok nang makita niya ang kanilang class picture. Agad niyang napansin ang isang babaeng may letrang ekis sa mukha, walang iba kung hindi si Tiffany Mendoza. Nilingon niya ang babae pero malayo na ito sa kanya. Sa halip na habulin, inayos na lang niya ang kanyang mga gamit para makauwi na rin agad.

Pag dating niya sa kanyang bahay ay sinalubong siya ng sampung kulay itim na envelope sa sahig. Bawat envelope ay may kalakip na numero. Una niyang binuksan ang envelops na may number 1. Napa kunot siya ng noo nang makita niya ang kanilang class picture. Kasama ng class picture ay ang litrato ni Aliza na mayroong marka ng ekis sa kanyang mukha. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone sa bag. Kailangan niyang makontak ang kanyang mga estudyante sa mga oras na ito. Sinubukan niyang tawagan si Aliza pero tila hindi sinagot ng dalaga ang kanyang tawag.

Nag saya sa isang party ang mga estudyante ng pang-anim na seksyon sa isang bar na may kalapitan sa paaralan. Ginawa nila itong exclusive party para sa lahat ng estudyante ng St. Venille. Kumanta't nag sayawan sola kasabay ng tugtog ng musika. Sa gitna ng kasiyahan, hindi napigilan ni Aliza na sabihan ang mga kaklase nang makita niyang nag hahalikan sa kanyang harapan ang mga ito.

"For the love of God, get a room, Alex. Hindi yung pinangangalandakan niyo yang kalandian niyo sa public," mataray na rant ni Aliza. Tumigil si Alex at tinaasan ng isang kilay ang kaklase. Halata sa namumulang mukha ni Alex na medyo tipsy na siya dahil sa rami ng nainom na alak.

"Naiinggit ka ba? Do yourself a favor by escorting one of the guys downstairs para manahimik ka, hindi yung nangingialam ka sa love life ng may love life. Kaya namatay si Alina, diba? Dahil sa—"

Hindi na naituloy pa ni Alex ang kanyang sinasabi nang bigla siyang sampalin ni Aliza. May balak sanang gumanti ni Alex pero agad siyang pinigilan ni Hunter.

"Huwag mong idadamay dito si Alina! And please, wag mo akong itulad sayo. Iniluwa na nga ng iba, kinain mo pa," pag tataray ni Aliza bago mag-walkout. Lumabas muna siya ng bar para mag palamig. Sumandal siya sa isang poste na kalapit ng bar at kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa. Nakita niyang tumatawag sa kanya si Ms. Gomez. Nag buntonghininga siya't napairap sa kanyang nakiya. Ni-reject niya ito dahil ayaw muna niya makausap ang guro habang hindi pa bumababa ang kanyang pag kainis sa kaklase.

"Psst. Aliza."

Agad siyang napalingon nang marinig ito. Pamilyar ang boses na iyon kaya naman gusto niyang malaman kung sino ang sumitsit sa kanya. Napa kunot ang kanyang noo nang makita ang babaeng naka-uniporme ng St. Venille.

Nag lakad ang babae papunta sa isang kalapit ka iskinita. Hinawi ni Aliza ang kanyang buhok at sinubukang sundan ang babae. Tanging ang liwanag lang ng buwan at isang patay-sinding street light ang mag bigay liwanag sa daan ng iskinita. Narating niya ang dulo ng iskinita pero nabigo siyang makita ang babae rito.

"Ate? Tinatawag mo ba ako?" naka kunot-noong tanong niya. Ilang saglit pa ay tuluyan nang napundi ang ilaw ng street light. Naka ramdam siya ng matinding kaba at agad kinuha ang phone para magamit ito bilang ilaw sa madilim na paligid.

"A-Ate? Nasaan ka na?" paulit-ulit niyang tanong habang tinututok ang flashlight ng phone sa iba't ibang direksyon ng iskinita. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang may biglang bumaon sa kanyang bandang likuran. Nabitawan niya ang kanyang cellphone dahil sa sobrang gulat. Nanlaki ang mga mata ni Aliza nang maramdaman niyang katabi na sakanya ang hinahanap na babae.

"I'm here."

Napasigaw si Aliza sa takot matapos marinig ang bulong na ito. Patakbo na sana siya pero agad nahagip ng babae ang kanyang buhok. Halos manginig ang kanyang buong katawan nang maramdamang dumiin ang isang nag babagang sigarilyo sa kanyang kaliwang mata. Napaupo siya sa hapdi habang tinatakpan ag sugat sa mata. Nginitian siya ng babae bago idiin ang isa pang sigarilyo sa kabilang mata. Sinubukang manlaban ni Aliza pero agad siyang nawalan ng malay matapos mahampas ng baseball bat sa ulo. Nang sandal pa'y tuluyan nang pinaulanan ng saksak sa gitna ng lalamunan si Aliza, dahilan para mamatay ang dalaga.

Sa bahay ng mga Gomez, tahimik na naka upo ang guro sa kanilang sofa habang hinihintay na sagutin ang kanyang tawag ng kanyang mga estudyante. Nagulat siya nang makitang ni-reject ni Aliza ang kanyang tawag. Sinubukan niya ulit tawagan si Aliza pero naka patay na ang telepono ng dalaga. Sumunod niyang tinawagan is Angela. Habang nag hihintay sa pag sagot ng estudyante, binuksan niya ang pangalawang envelope. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Sakura naman ngayon ang mayroong markang ekis sa mukha. Napa tayo siya't nabuhayan ng loob nang marinig ang boses ni Angela sa kabilang linya.

"Hello, Angela? Nasaan kayo? Huwag kayong mag wawatak-watak at nanganganib ang mga buhay ninyo. Kahit anong mangyari, tingnan nyo ang isa't isa. Pupuntahan ko kayo. Hintayin nyo ako," natatarantang paalala ng guro sa dalaga pero hindi siya masyadong narinig ni Angela dahil sa lakas ng ingay sa loob ng club.

"A-Ano po yon, maam? I can't hear you," wika ng dalaga habang dinidiin ang kanyang cellphone sa tenga. Hinold muna niya ang call dahil bigla siyang kinalabit ni Cathrine.

"Angela, tama na yan. Come on, let's have some fun!" yaya sa kanya ng kaibigan. Inagaw ni Cathrine ang cellphone ng dalaga at agad binaba ang tawag. Hinatak niya si Angela sa dancefloor para maki-party sa ibang mga tao.

Tahimik lang na naka upo sa kabilang table si Sakura. Mapapansin ang kalungkutan sa kanyang mga mata habang pinag mamasdang mag saya ang iba niyang mga kasama. Naisip niya kasi na kung sakaling buhay pa ngayon si Zoey, panigurado'y magiging masaya siya sa mga nangyayari. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanya ang pag kamatay ng kapatid. Nag desisyon siyang mag hilamos na muna upang mahimasmasan at maka pag-ayos na rin ng sarili.

"CJ, magsi-CR lang ako, ha? Pakibantayan na lang muna ang bag ko," paalam niya sa kasama.

"Sige. Bilisan mo lang, ha? Uuwi na rin tayo maya-maya," paalala ng binate. Tinanguan lang siya ni Sakura bago mag lakad papunta sa banyo. Habang nananalamin, sinubukan niyang ngumiti. Hindi pa nag tagal ay unti-unting bumagsak ang kanyang mga luha. Pagod na siyang mag panggap na malakas sa ibang tao. Akala niya na kakayanin niyang mawala si Zoey, pero mukhang imposible pala.

"Dapat ako na lang ang namatay. Hindi ka na sana dapat nadamay, Zoey," pag sisisi niya sa sarili. Sinabunutan niya ang kanyang sarili't walang humpay na pinag sasampal. Nag buntonghininga siya't muling nag hilamos ng mukha. Sa kanyang pag-angat, nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang mayroong babaeng naka-maskara sa kanyang likuran. Papatalikod pa lang sana siya nang bigla siyang paulanan ng saksak sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Piniling hindi manlaban ni Sakura dahil naniniwala siyang kapag namatay siya ay makakasama niya muli ang kanyang kapatid sa kabilang buhay.

Samantala, sa loob ng VIP room, nag handa na ang mga mag kakaklase na umuwi. Inayos nila ang kanilang mga gamit at sinimulang hanapin ang iba nilang mga nawawalang kasama.

"O, nasaan na ang iba?" tanong ni Hunter sa kanyang mga kasama habang may hawak na baso ng tubig sa kanyang kamay.

"Hindi ko alam, pero alam ko nag-CR lang si Sakura." Paliwanag ni CJ.

"Nag text sakin si Sakura, oh. Sabi niya, nauna na raw siya," wika ni Caleb bago ipakita sa lahat ang text message ng kaklase.

"O, nauna na pala siya, eh. Uuwi narin kami since may maaga pa kaming pupuntahang lakad for tomorrow," paalam ni Cathrine sa mga kasama na sinang-ayunan din ni Angela.

Inayos na nila ang kanilang mga gamit at sabay-sabay na lumabas ng bar. Mayroon naring kalaliman ang gabi kaya kailangan narin nilang umuwi. Nag book na ng trip pauwi si Angela sa isang carpooling app sa kanyang cellphone. Habang hinihintay ang kanilang driver, hindi maiwasan ni Angela na tanungin ang kaklase tungkol sa mga naganap na imbestigasyon sa mga nang yayaring patayan sa kanilang seksyon.

"Cath, do you really think we're like, safe na talaga?" nangangambang tanong ni Angela. Bahagyang ngumiti si Cahtrine at mahigpit na niyakap ang kaibigan.

"Oo naman. Don't stress yourself out too much. Look on the bright side. At least ga-graduate na tayo. Sooner or later, we're going to leave that school naman na," enthusiastic na sagot ni Cahtrine. Nginitian siya pabalik ni Angel at tumango. Ilang sandal pa, huminto sa kanilang harapan ang kotseng susundo sa kanila. Unang sumakay si Angela at sinundan naman ng kaibigan. Parehas silang nasa backseat habang patuloy parin ang pag kukwentuhan. Pinaandar na ng driver ang sasakyan at nag simula nang mag drive pabalik ng paaralan. Sa gitna ng kanilang trip napa hinto si Angela sa kanyang pag kukwento nang makaramdam siya ng pagka hilo sa amoy ng air freshener na inispray ng driver pag kasakay na pag kasakay nila.

"Manong, nakakahilo naman po yata yang pabango nyo sa sasakyan," reklamo ng dalaga nang may namumutlang mukha. Naka ramdam ang mag kaibigan ng unti-unting pag sikip ng kanilang mga dibdib. Sinubukang buksan ni Cathrine ang bintana pero tila stuck ito at ayaw bumukas. Napansin din nilang dinaan sila ng driver kabaliktaran ng itinuro nilang destinasyon.

"Manong, bababa na lang po kami. Pakitabi na lang po ang sasakyan nyo." Pag i-insist ni Cathrine pero hindi siya pinansin ng drvier at nilakasan lang ang tugtog ng kanta sa sasakyan. Inirapan ni Cathrine ang driver dahil sa pag kainis.

"Hoy manong! Ano ba? Wag ka mag alala at mag babayad parin kami, noh. Paki tabi nalang po sa gilid- teka . . . Class picture namin yan, ah?" nagtatakang tanong ng dalaga habang nakaturo sa nakaipit na litrato sa gilid ng salamin ng sasakyan. Sa litratong ito, tuluyan na siyang nilamon ng takot nang makita niyang lahat ng kabilang sa class picture ay mayroong ekis sa mukha maliban na lamang kay Tiffany. Tiningnan ni Cathrine si Angela at nakitang tuluyan nang nawalan ng malay ang kaibigan. Sinubukang kunin ni Cathrine ang inhaler ni Angela sa bag pero hindi niya ito makita. Nagulat siya nang biglang binuksan ng driver ang pintuan niya at agad tumalon palabas ng sasakyan. Nagsimula nang mag-panic si Cathrine sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Binuksan niya rin ang kalapit niyang pintuan at akmang tatalon na rin para makaligtas.

"Angela! Wake up! We need to go!" nagpa-panic na sigaw niya sa kaibigan. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makitang bubunggo sila sa isang puno sa gilid ng daan. Sinubukan niyang hatakin ang kaibigan pero hindi niya magawa. Kahit na mabigat sa kanyang kalooban, tuluyan na siyang bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ng kaklase at mag-isang tumalon palabas ng sasakyan. Nagtamo siya ng mga sugat sa kanyang mabilis na pagtalon. Hindi niya mapigilang maluha nang makitang tuluyan nang bumangga ang sasakyan sa puno. Sa pagbangga ng sasakyan, mabilis tumalsik ang katawan ni Angela dahil sa lakas ng puwersa. Nauntog ang kanyang ulo sa makapal na kahoy ng puno at medyo nabuksan din ang anit ng dalaga dahil sa manipis na paghiwa rito ng salamin na kanya ring natamaan. Samantala, nakadapa pa rin si Cathrine habang patuloy sa paggapang para mapuntahan ang kanyang kaibigan. Napahinto siya nang makita niyang mayroong naglalakad papunta sa kanya. Dahan-dahan siyang tumingala pero matandang lalaki. Mahigpit siyang sinabunutan nito at kinaladkad papunta sa kalapit na kagubatan. Sinubukang manlaban ni Cathrine pero agad din siyang nanghina pagkatapos siyang paulanan ng suntok ng lalaki. Agad din siyang pinatay sa pamamagitan ng isang putok ng baril sa kanyang ulo.

Nasa parking area si Caleb nang makita niyang tinatawagan siya ni Ms. Gomez sa kanyang cell phone. Napailing siya't nagbuntonghininga bago sagutin ang tawag.

"Yes, ma'am?" bungad na tanong ni Caleb.

"Nasaan ka? Pupuntahan ko kayo. May importante kayong dapat malaman," tense na wika ng guro sa kabilang linya.

"Nandito po kami sa Alcohol Lab, dalawang sakay mula sa paaralan. Huwag na po kayong pumunta dahil papauwi na rin po kami," magalang na paliwanag ng binata habang tinitingnan ang mga kotseng naka-park sa kanyang nadaraanan.

"Caleb, makinig ka. Ikaw na ang isusunod niya. Kahit ano'ng mangyari, 'wag kang bubukod sa mga kaklase mo." Napakunot ang noo ng binata at natawa sa kanyang narinig.

"Huh? Ano ba pinagsasasabi n'yo, ma'am? Mukhang tama nga ang sinasabi ni Mr. Lim tungkol sa inyo. Mukhang nababaliw na nga ata kayo," aroganteng pagkasabi ng binata bago babaan ang guro sa kabilang linya. Sa kanyang paglalakad, napakunot ang kanyang noo nang makitang umilaw ang kotseng katabi ng auto niya. Humarurot ito't tumutok sa kanya. Nabitawan niya ang kanyang cell phone at nagsimulang tumakbo palayo nang makitang may balak siyang sagasaan ng nagmamaneho ng kotseng ito. Papunta cana siya sa exit pero napahinto siya nang salubungin siya ng isa pang sasakyan. Hindi na nakatakbo pa si Caleb at tuluyan na siyang nasagasaan ng sasakyang ito. Mabilis na sumirit ang dugo sa mga nadurog na braso ng binata. Nagulungan ang kanyang ulo't katawan dahilan para agad siyang bawian ng buhay. Dahang-dahang kumorte ang isang nakapanlilinlang na ngiti sa mukha ng babaeng nagmamaneho nang makita ang sinapit ng binata. Hindi niya napigilang ngumisi nang makitang nagkalat ang mga laman-loob ni Caleb sa sahig. Bumaba siya sa kanyang kotse at pinulot ang nahulog na cell phone ni Caleb. Sinamantala niya ang pagkakataon at tinawagan si Ms. Gomez mula rito.

"Hello, Eulzimara Gomez. Kung sa tingin mo ay tapos na ang laro, puwes, nagkakamali ka! Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya!"

Biglang ibinaba ni Ms. Gomez ang kanyang cell phone nang marinig ang boses na iyon. Dahil sa kanyang narinig, bumalik ang kanyang hinala na buhay pa si Shanna... si Tiffany Mendoza.