Nagulat si Hunter nang makitang naka bitin si Alex sa puno ng balete. Pilit na itinatanggal ni Alex ang pag kakasakal niya sa naka pulupot na lubid sa kanyang leeg. Tumuntong si CJ sa kalapit na malaking bato upang iligtas ang kaklase. Pag kaputol ni CJ ng lubid, agad sinalo ni Hunter si Alex. Nag hahabol ng hininga dahil sa labis na pamumutla ng kanyang mukha. Naka hawak siya sa kanyang leeg at napansing nag marka ang mahigpit na pag kakasakal ng lubid sa kanya. Marahan siyang niyakap ni Hunter na alalang-alala sa kanya. Sa kanilang pag-alalay kay Alex papuntang clinic, naka salubong nila si Angela sa hallway.
"Anong nangyari sayo, Alex? Promise me you won't leave me like Lacus did," nag-aalalang wika ni Hunter habang naka tingin nang diretso sa mga mata ni Alex.
"O, what happened?" nag luluhang tanong ni Angela sa mga kasama. Nginitian siya ni CJ at inakbayan.
"Late ka na, girl. Nag paka-spiderman si Alex sa puno ng balete," bulong sa kanya ng binata. Inalalayan ng mga lalaki si Alex papuntang clinic. Habang nag lalakad, naisipang i-open ni Aliza ang topic tungkol sa mga kababalaghang nangyari sa kanilang seksyon.
"Don't you think it's kinda weird around here?" tanong niya sa binata habang naka halukipkip. Tinaasan siya ng isang kilay ni Hunter at natawa ng mahina.
"Don't you think it's kinda late for you to say that? I don't know, but I'm actually enjoying it. Knowing that someone's after you is kinda thrilling." pabulong niyang sagot sa dalaga. Inirapan lang siya ng dalaga na nasundan ng pag-pout. Muling bumalik ang kanyang ngiti nang maisipasng asarin ang binata sa kanyang mga nagiging kasintahan.
"You should stop dating girls who love to hang themselves, Hunter," biro niya sa binata na nasundan ng mahihinang hampas sa braso ng kaklase. Tiningnan siya ni Hunter ng seryoso at nag buntonghininga.
"Kailangan mo rin sigurong iwasang mangialam sa buhay ng iba. Don't act strong kung hindi naman talaga. It makes me sick. Iyang pinapakita mo sa labas, alam kong cover-up mo lang yan. Feeling mo ang lakas-lakas mo, pero deep inside, takot ka rin tulad ng iba," prangkang wika ng binata bago bilisan ang kanyang pag lalakad.
Mag kasamang nag lakad papunta ng school's convenience store sina Alyssa, Zoey, Zero at Sakura. Kinuha ni Alyssa ang isang pack ng Oreo sa kanyang royal blue slingbag at agad itong binuksan. Sa kanilang pag lalakad, nakita ni Sakura ang maraming taong nag kukumpulan sa labas ng boundary ng paaralan. Ibinaba nang kaunti ni Alyssa ang kanyang blue flash lens shades para mas makita kung anong nang yayari at bakit maraming tao sa boundary ng paaralan.
"Oh, Anyare rito?" curious na yaya niya sa mga kasama. Ngumiti lang si Zoey at tiningnan ang kanyang ate Sakura.
"Sige, pero pag katapos nito, we need to go back to school na, ha. Baka kanina pa tayo hinahanap ng mga kaklase natin," paliwanag ni Sakura sa mga kaklase. Tumango naman ang lahat bago sila dumiretso sa tapat ng telephone booth. Hindi sumama si Zero sa kanila dahil pinili ng binatang magmasid mula sa malayo kaysa puntahan ito. Nag buntonghininga ang binata habang naka sandal sa pader ng convenience store. Palihim niyang binuksan ang kanyang academic phone. Bahagya siyang napangiti nang makita ni Tiffany. Siya kasi ang ginawa niyang background ng kanyang academic phone. Naka suot ang dalaga ng skater skirt at copped floral top. Naka lugay ang buhok, naka suot ng bamboo shades at naka pose na peace sign. Dahan-dahan niyang inilapit ang phone sa kanyang bibig at palihim na hinalikan ito.
"I wish I could, but I can't," nanginginig niyang bulong sa sarili. Na-timingan naman na palabas si Tiffany sa convenience store dahilan para makita niya ang kaklase. Napa ngiti si Tiffany at kumaripas ng takbo nang makita niyang naka sandal sa gilid ng store si Zero.
"Hoy, lalaki! Saan ka ba galing, ha? Kanina pa kita hinahanap, e," bati niya sa binata habang kinakaway-kaway ang kanyang dalawang kamay.
"Tss. I've been here this entire time," pa-cool niyang sagot sa dalaga. Nag-pout lang si Tiffany habang naka halukipkip.
"O? Ba't mag-isa ka nanaman? Nasaan na mga kasama mo?" nag bago ang tono ng boses ng dalaga at biglang naging seryoso. Tiningnan ni Tiffany ang kanyang paligid upang mag simulang mag masid. Napa kunot ang noo ng binata nang mapansin ang mabilis na pag bago ng mood ng dalaga.
"Nandoon sila, e," matipid na sagot ni Zero habang naka turo sa kanto.
"Shit. This is bad," bulong ni TIffany sa sarili. Malakas ang pandinig ng binata kaya agad niyang tinanong ang dalaga tungkol dito.
"Is everything all right, Tiffany?" tanong ng binata pero isang ngiting nag-aalinlangan lamang ang kanyang natanggap na sagot ng dalaga. Hinawakan ni Tiffany ang kanyang kanang kamay at hinatak ang binata papunta kina Alyssa. Halos lahat sila ay hindi maka paniwala sa kanilang nakita. Naka handusay sa sulok ng telephone booth ang katawan ni Arsela. Maraming tao rin ang naka paligid dito kaya nahihirapan silang sumiksik para maka punta sa harapan. Palihim na binulungan ni Sakura si Zoey sa kanyang tenga para maisagawa niya ang kanyang pinaplano.
"Pakisabi kay ate Alyssa mo na salubungin nyo sina Tiffany para madali nilang matunton kung nasaan tayo. Hintayin ko na lang kayo rito," utos niya sa kapatid. Nginitian siya ng kapatid at tumango. Hinawakan ni Zoey si Alyssa sa pulso bago tuluyang ilayo siya sa telephone booth para hanapin si Tiffany. Isang mapaglarong ngiti ang kumurba sa labi ni Sakura nang makitang papalayo na ang kanyang kaklase. Ngayon mag-isa na lamang siya, mas makakakilos na siya ng maayos. Tiningnan at sinuri niyang mabuti ang insidente hanggang sa makakita siya ng ebidensya. Nakita niya ang color green na cellphone ni Arsela na medyo nakaluwa sa kanyang bulsa.
Palihim niya itong kinuha dahil alam niyang mayroon siyang makukuhang ebidensya rito. Lumipat siya ng puwesto kung saan naroon at butas ng salamin. Pasimple niyang inilusot ang kanyang kanang kamay dito para kunin ang cellphone ni Arsela. Laking tuwa niya nang wala masyadong naka pansin sa pag kuha niya rito. Dali-dali niya itong binulsa at tumayo na para bang walang nangyari.
"Let the real game begin," bulong ni Sakura sa sarili na nasundan ng mapaglaro't misteryosong ngiti. Sa kanyang pag lingon, nakita niyang papunta na sila Zoey sa telephone booth. Imbes na kitain ang mga kaklase, nag desisyon si Sakura na palihim na bumalik na ng paaralan para suriin ang nakuhang telepono.
Sa pag dating ng grupo nila Zoey sa harap ng telephone booth, napa hawak nang mahigpit si Zoey sa braso ni Alyssa habang umiiyak. Naalala niya kasi si Arsela, isa sa mga tinuring niyang tunay na ate sa kanilang seksyon. Agad bumitaw si Zoey sa kanyang pag kakahawak nang makita si Tiffany. Kumaripas siya ng takbo papunta kay Zero at nag tago sa likod ng binata. Yinuko ni Zero si Zoey at ngumiti. Kitang-kita niya ang takot sa mukha ni Zoey kaya hinawi't ginulo-gulo niya ang buhok nito.
"Don't cry, Zoey. Everything's going to be all right. Your Kuya Zero is here."
Unti-unting napangiti si Zoey sa kanyang narinig. Napa kunot ang noo ni Tiffany sa ipinakitang pagco-comfort ni Zero sa kaklase. Tumingkayad si Zoey at pilit na inaabot ang mukha ni Zero. Natawa lang si Zero rito kaya siya na mismo ang naglean para kay Zoey. Nag-pout ang binata nang biglang pinisil-pisil ni Zoey ang kanyang pisngi.
"Kuya Zero, ang cute mo pala kapag ngumingiti ka, e."
Natawa ang binata nang mahina at tiningnan si Zoey sa kanyang mga mata. Maaring snob, laging seryoso at hindi palakausap si Zero sa iba niyang kaklase pero malapit ang puso niya sa mga bata. Minsan, kapag wala siyang pasok palihim siyang pumupunta sa kalapit na park ng paaralan. Uupo lang siya sa isang bench habang pinagmamasdan ang mga bata na maglaro. Kapag nakikita niyang naka ngiti ang mga ito ay napapangiti na rin siya sa tuwa.
"Si Kuya Zero muna ang bahala sayo ha? Balik na tayo sa St. Venille at baka hinahanap ka na ng ate Sakura mo," wika ni Zero. Tumango't napaplakpak si Zoey sa alok ng binata. Nagulat siya nang biglang pinasan niya ang binata sa kanyang likuran. Isinandal ni Zoey ang kanyang ulo sa braso ni Zero. Malapit ng lumubog ang araw kaya kailangan na nilang bumalik ng paaralan. Hindi pa sila nakakalayo pero agad silang pinigilan ni TIffany.
"Z-Zero..." mahina niyang tawag sa pangalan ng binata. Nasa likuran ni Tiffany ni Alyssa naka hawak sa balikat ng dalaga. Napahinto sa pag lalakad sila Zero't nilingon ang dalawa na naka-poker face.
"Ano yon, Tiffany?" malamig na tanong ng binata sa dalaga.
"K-Kami nang bahala kay Zoey. Mauna ka na muna sa school. May pupuntahan lang kami," pautal-utal niyang paliwanag sa binata. Tinaasan sila ng isang kilay ni Zero dahil sa pag susupetsa sa kanilang dalawa. Dahan-dahan niyang ibinaba si Zoey at agad hinawakan ng mahigpit sa kamay.
"It's getting dark. Saan naman kayo pupunta? Hindi na ligtas para kay Zoey. Sorry, but we're going back to St. Venille together," angal ng binata sa dalawa. Nagulat si Tiffany dahil ito ang unang beses na ni-reject siya ni Zero. Biglang sumulpot si Erika sa likuran ng binata na may hawak-hawak na bato. Napasigaw si Tiffany nang biglang itinaas ni Erika ang bato na tila ihahampas sa ulo ng binata.
"Huwag!" sigaw ni Tiffany pero itinuloy parin ni Erika ang kanyang plano. Agad napahiga ang binata sa sahig at unti-unting nabitawan ang pag kakahawak kay Zoey. Hindi maka paniwala si Zoey ang kanyang mga nasaksihan. Umupo siya sa tabi ni Zero habang yinuyugyog ang katawan ng binata.
"Kuya Zero, gising na. Sabi mo babalik na tayo kina ate Sakura? Kuya, wag mo po akong iwan dito," pakiusap niya sa binata habang umiiyak.
"Why the hell did you do that?" galit na galit na tanong ni Tiffany kay Erika.
"Bakit? I only did that for our plans. Huwag mo sabihing you fell for that jerk," pabalang na sagot ni Erika. Nag buntonghininga si Tiffany at napayuko. Mapapansing may mga luhang marahang bumagsak sa kanyang mga mata.
"Don't even try to compete with me, Erika. You better know your limits," babala ni Tiffany sa dalaga. Natawa lang nang mahina si Erika at hindi maka paniwala sa sinabi ng kaklase.
"Watch your mouth, Tiffany. I know everything about you. And I'm not afraid to expose your shitty acts to the whole school," nag mamatapang niyang sagot sa kaklase. Hindi nag pakita ng takot si Tiffany at nginitian lang si Erika.
"Go ahead. See if I care," palabang sagot ni Tiffany. Hindi na nag salita si Alyssa sa nangyari at nginitian lamang si Erika. Nag tulungan sina Tiffany at Alyssa sa pag buhat kay Zoey papunta sa kanilang kotse. Pag kaalis ni Tiffany, nag desisyong bumalik na ng paaralan si Erika. Sa kanyang pag lalakad, nagulat siya nang maka tanggap siya ng text message mula sa isang unregistered number sa kanyang cellphone.
You're next.
Napalunok si Erika sa kanyang nabasa at agad nanginig sa takot. Dali-dali niyang inayos ang sarili at kumaripas ng takbo pabalik ng paaralan. Sa kanyang pag balik, agad siyang dumiretso sa principal's office. Alam niya na madalas mag-overtime ang kanilang principal sa kanyang opisina. Bago siya kumatok, nag-sign of the cross muna siya't bumulong ng isang maikling dasal. Kumatok siya ng tatlong beses bago dahan-dahang binuksan ang pintuan para pumasok.
"Oh, Erika? Ba't ka naparito? Anong oras na, a?" mahinahong bati sa kanya ng punong-guro. Pumunta sa harapan ng prinicipal's desk si Erika at nag-bow bilang sign ng pag galang. Umupo siya sa upuan sa tapat ng principal's desk. Nag buntonghininga siya dahil hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang kanyang balak na pag siwalat ng lihim ni Tiffany.
"I need to tell you something... but please, sana po ay walang makaka alam na ako ang nag sabi sa inyo nito," nanginginig na wika ni Erika. Punong-puno ng takot sa buong katawan nang dalaga dahil hindi siya mapakali at matindi na ang panginginig ng kanyang dalawang kamay. Hindi nagsalita ang prinicipal, tiningnan lang siya ng ilang segundo't tumango bago itinuloy ang kanyang ginagawa.
"A-Alam ko po kung sino ang responsible sa lahat ng pag patay dito sa St. Venille," kinakabahang bulong ni Erika. Napatigil ang principal sa kanyang ginagawa't tinitigan si Erika nang diretso sa kanyang mga mata.
"I know," matipid at seryosong sagot ng principal sa dalaga na ikinagulat ni Erika. Dali-dali siyang pumunta sa harapan ng pintuan at nag badyang lisanin ang kuwarto. Bago pa man siya tuluyang maka labas, isang babala ang iniwan sa kanya ng punong-guro.
"Don't even try to tell your classmates about this. Tandaan mo, Erika, malaki ang utang ng pamilya mo sa Mendoza. Keep quiet for your family's sake. The game's not yet over," babala ng principal. Hinawakan ni Erika ang malamig na doorknob at dahan-dahan itong binuksan. Bago siya lumabas napatingin siya sa isang salamin sa gilid na kung saan makikita kung ano ang ginagawa ng principal. Nakita niyang naka ngiti siya sa kanya na nasundan ng katakot-takot na pag bulong
"You're next."