Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 32 - CHAPTER 31

Chapter 32 - CHAPTER 31

Mabilis na tumatakbo si Catherine dahil sa sobrang pag katakot. Hindi niya maiwasang isipin ang posibilidad na siya na ang isusunod ng killer. Napangiti siya nang makita niya sa Eugene na naka sandal sa gilid ng pintuan ng kanilang kuwarto. Nilapitan niya ang binata at agad ikinuwento ang kanyang nasaksihan.

"Eugene, you've got to help me. Erika's dead-" hingal na hingal niyang pag kukuwento pero medyo hindi naintindihan ni Eugene ito dahil paputol-putol ang kanyang mga salitang binitawan.

"Calm down, Cath. Mag pahinga ka na muna. Bukas na lang natin ito pag-usapan, okay?" mahinahong bulong ni Eugene. Bahagyang ngumiti si Catherine at marahang niyakap ang binata.

"Thank you for always being there for me," mahinhing bulong ng dalaga. Pinapasok na ni Eugene si Cathrine sa loob ng kanilang kuwarto upang mag pahinga. Pinili ng binata na mag paiwan muna sa labas para i-enjoy ang katahimikan sa paligid. Sa gitna ng kanyang pag mamasaid, napayuko siya nang makakita ng isang babaeng naka-maskara. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang may hawak na palakol ang misteryosong babae. Kinaladkad ng dalaga ang palakol sa sahig habang nag lalakad papunta sa Academic Building. Mariing napalunok si Eugene nang makitang huminto ang dalaga. Kumaripas siya ng takbo pabalik sa kanilang dorm nang makitang nilingon siya ng babaeng naka-maskara.

Kinabukasan, nagulat si Zero nang magising siya sa loob ng isang kuwarto. Kasabay ng kanyang pag bangon ay ang pag karamdam niya ng matinding pag kahilo. Marahan siyang tumayo at nag lakad sa banyo para manalamin. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nalagyan na ng paunang lunas ang kanyang sagot sa ulo. Naraming tanong ang agad pumasok sa kanyang isipan. Nag desisyon siyang bumalik sa kama at humiga. Naka tingin lang siya sa kisama habang malalim na nag-iisip. Makalipas ang ilang minuto, napabangon siya mula sa pagkakahiga nang marinig ang pag bukas ng pintuan. Nakita niya si Ms. Gomez na maya nang makitang maayos na ang pakiramdam niya.

"O, kamusta na pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ng guro sa kanyang estudyante. Tiningnan siya ni Zero sa mga mata. Walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha at pinagpatuloy lang ang pag titig sa mga mata ng guro.

"Si Zoey? Nasaan na si Zoey?" pabalik ng tanong binata sa kanyang guro. Kumunot ang noo ni Ms. Gomez nang marinig ang tanong ni Zero.

"Hindi ba't kasama mo si Zoey?" pag babalik ng tanong ng guro. Dahan-dahang tumayo si Zero at nag lakad papunta sa direksyon ng pintuan. Hindi pa masyadong magaling ang sugat ni Zero kaya magiging delikado kung agad mag kikilos ang binata ng husto.

"O, saan ka pupunta? Hindi pa masyadong magaling ang sugat mo. Mag pahinga ka muna."

Napahinto si Zero sa kanyang narinig at agad nilingon ang guro.

"I need to find Zoey," matipid na sagot ng binata bago tuluyang lisanin ang kuwarto. Pag kalabas ng binata sa kuwarto, marahang lumuhod si Ms. Gomez sa tapat ng naka sabit na krus sa pader at nag simulang mag dasal.

Tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha sa mata dahil sa pag kabagabag ng kanyang konsensiya.

"O, Diyos ko! Sana po ay mapatawad nyo ako sa aking kapabayaan. Kung una pa lamang ay tinulungan ko na sila, sana hindi na rumami ang mga buhay na nawala. Sana po ay gabayan at iligtas nyo po ang aking mga estudyante sa kasamaan sa lahat ng oras," mangiyak-ngiyak na dasal ng guro. Matapos ang kanyang pag darasal, nabalot ang kuwarto ng naka bibinging katahimikan. Agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha nang makarinig ng mga yabag ng sapatos galing sa labas. Mariin siyang napalunok nang makitang dumulas papunta sa kanyang gilid ang isang pulang sobre. Nagulat siya nang makita niya ang mga litratong nakapaloob dito. Isa sa mga ito ay ang kanilang class picture. Lahat ng mga namatay na estudyante ay may mga markang ekis sa kanilang mga mukha. Nag sisigaw siya sa takot nang mapansing mayron narin markang ekis sa mukha nina Eugene at Zoey. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang guro kaya nag desisyon siyang bumalik na ng paaralan. Kahit na may kalayuan, kumaripas siya ng takbo papunta sa direksyon ng St. Venille.

"If I can't save myself, maybe I can save them. No matter what happens, it's a teacher's obligation to look out for her students. Buong buhay akong naging sunod-sunuran sa iba. Siguro, ito na ang oras para kumilos ako. I might not be one of the smartest, but at at least I'm one of the bravest."

Tahimik na naka upo sa kanilang mga upuan ang mga estudyante ng pang-anim na seksyon sa kanilang classroom. Dama ng bawat isa ang lungkot na nadarama dahil sa pag kamatay ni Erika. Nag lagay sila ng tig-iisang pirasong bulaklak sa bawat upuan ng kanilang mga namatay na kaklase, isang senyales ng kanilang pag luluksa.

Nabuhayan sila ng loob nang makitang pumasok si Zero sa loob ng ng kuwarto. Sinalubong siya ng kanyang mga kaklase dahil sa pag katuwa na ligtas siya. Kahit na pinag kakaguluhan, agad napansin ni Zero na wala sa classroom sina Tiffany, Alyssa at Zoey. Nagtungo si Zero sa harapan at agad tinanong si Zoey sa knayang mga kaklase.

"Where's Zoey?"

Napatigil bigla si Sakura sa pag lalaro ng rubber band sa kanyang dalawang hintuturo matapos marinig ang tanong ng binata.

"Huwag mong sabihing hindi mo siya kasama?" nakakunot-noong tanong ni Sakura. Nag buntonghininga lang ang binata at napayuko. Nanghina si Sakura sa kanyang narinig at agad tumayo sa kanyang kinauupuan. Dali-dali siyang lumabas ng classroom pero agad din siyang napahinto nang marinig niya ang mapaglarong halakhak ng isang babae sa speaker.

"Hi, Sakura. Let's play a game."

Nanlaki ang kanyang mga mata matapos marinig ito. Nakaramdam si Sakura ng kaba sa kanyang dibdib habang inaalala ang kalagayan ni Zoey. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kung mawawala pa si Zoey sa kanya.

Samantala, naiwan si Eugene at Angela sa loob ng classroom. May nakitang isang box ng cupcakes si Eugene sa gilid na agad napag-interesan. Palihim niya itong kinuha at tinago sa ilalim ng kanyang upuan para sa kanyang sarili. Wala siyang balak na i-share ito sa iba dahil paborito niya ang mga ito. Kinalabit niya si Angela sa likuran pero hindi agad siya nito pinansin dahil abala ang dalaga sa paglalagay ng contact lens sa kanyang mga mata.

"Psst, Angela. May nakita akong cupcakes, o. Want some? It's about time for this shitty school to give me free food," excited niyang pag-aalok sa dalaga. Halata sa kanyang mga mata ang pag kasabik na kaninin ang mga ito dahil mula pagkabata ay pinag babawalan siya ng kanyang mga magulang na kumain ng sweets. Kaya naman hindi masisi ni Angela ang kaibigan kung bakit ganon na lamang ang kanyang excitement kapag nabibigyan siya ng chance makakain ang mga ito.

Pag kabukas niya ng kahon, agad sumalubong sa kanya ang limang chocolate cupcakes na may iba't ibang kulay ng frosting. Bawat cupcake ay pinaliguan ng sprinkles, nuts at marshmallows. Dahil dito, mas lalo siyang natakam sa kanyang nakita. Napansin niyang silang dalawa lamang ni Angela ang nasa loob ng classroom kaya sinamantala na niya ang pag kakataon. Pakagat pa lamang siya nang bigla itong naudlot nang tumayo si Angela sa kanyang kinauupuan.

"Eugene... Wanna go outside? Nandoon kasi silang lahat at baka hanapin nila tayo. Let's go?" yaya ni Angela sa kanya. Bahagyang ngumiti si Eugene habang mahigpit na naka hawak sa box ng cupcakes.

"Sure? I... I'll be there in a bit. I'll just finish these cupcakes," pag rarason ng binata. Tinanguan lang siya ni Angela bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Nag bungtonghininga muna si Eugene bago kumuha ng isang cupcake sa loob ng box.

"I deserve this," bulong niya sa kanyang sarili bago umpisahang kagatan ang cupcake. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang parang nabilaukan siya. Agad niyang inilabas ang kanyang dila at pilit na iniluluwa ang cupcake sa kanyang bibig. Mayroong mga makahalong thumbtacks at maliliit na kinakalawang na perdible sa cupcake na kanyang kinagatan. Nag dulot ito ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng kanyang bibig. Napaluha siya sa sakit nang sinubukan niyang tanggalin ang mga thumbtacks at perdible na sumabit sa kanyang dila na bitak-bitak na dahil sa rami ng sugat.

Nag simula na siyang mag-panic nang maramdaman nyang mayroon nang dugong tumulo mula sa kanyang bibig. Nakita niya ang kanyang water bottle sa sahig kaya dali-dali niya itong kinuha upang inumin. Nag babakasakali siya na maiibsan ang pag dudugo kapag uminom siya ng tubig. Hindi na niya napansin ang kakaibang kulay ng tubig dahil sa sobrang takot. Mabilis niya itong ininom hanggang sa maubos ang laman ng bote. Napahinto isya't napa upo sa kanyang upuan matapos uminom. Naka labas ang kanyang dila habang naka tingin nang diretso sa kanilang blackboard. Kapansin-pansin din ang kanyang mga ngipin na ngayon ay nababalot na ng sarili niyang dugo. Mahigpit siyang napahawak sa kanyang uniporme nang maramdaman niyang unti-unting sumisikip ang kanyang dibdib. Huli na nang mapansin niyang mayrong drogang hinalo sa kanyang ininom na tubig. Bumagsak ang kanyang katawan sa sahig at nag simulang mangisay. Kasabay ng pag hinto ng kanyang pangingisay ay ang kanyang pag kamatay.

Sa labas ng kanilang kuwarto nag kukumpulan ang mag kakaklase sa harap ng maliit na screen na naka dikit sa kisame. Isang footage ng CCTV camera ang kasalukuyang ipinapanood sa kanila. Nagulat ang lahat nang ipakita sa video ang dalawang stuffed toy nila Zoey at Sakura na pinugutan ng ulo. Sumunod na ipinakita sa video ang sitwasyon ni Zoey. Naka higa ang dalaga sa kahoy na kasing laki niya. Mariing naka pako ang mga kamay at paa rito para hindi siya maka takas. Panay iyak lamang ang dalaga habang isinisigaw ang pangalan ng kanyang kapatid na si Sakura.

"Ate Sakura, tulungan mo ako! You promised na hindi mo ako pababayaan. But if I don't survive this, ate... Always remember: I love you," pag hingi ng tulong ni Zoey na halatang nahihirapan na sa kanyang sitawasyon. Napa upo si Sakura sa sahig dahil sa kanyang nakita. Hindi niya rin mapigilang maiyak ng tuluyan dahil sa sinabi ng kanyang kapatid sa kanya.

"Parang awa mo na... Wag si Zoey! Ako na lang. I'm willing to die for my sister. Ako na lang ang ipalit mo sa sitawasyon niya. Tutal, wala namang kuwento itong buhay ko. Patayin mo na ako! I'm begging you. Ako na lang ang patayin mo! Huwag mo nang idamay pa ang kapatid ko rito," pag mamakaawa niya sa harap ng monitor pero tinawanan lamang siya ng babae sa likod speaker. Mabilis na inilabas ni Sakura ang kutsilyo sa kanyang bulsa ata agad itong inihagis sa monitor. Tumama ito sa gitna dahilan para tuluyang mabasag ang buong salamin nito.

"Ahhh!" nababaliw na sigaw ni Sakura. Nag katinginan ang mga mag kakaklase at agad nilapitan si Sakura. Sinubukan nilang bulungan si Sakura na maaayos din ang lahat, na maililigtas nila si Zoey, pero sadyang nawawalan na ng pag-asa si Sakura. Nagulat sila nang biglang bumukas ang lahat ng monitor sa hallway. Bawat screen ay ipinapakita ang madugong kalagayan ni Zoey.

"Aw, nakaka-touch naman. But that won't stop me from playing with dumb little sister! Parehas kayong pakialamera! Now, allow me to let you feel my hell, Sakura," nababaliw na bulong ni Tiffany sa mic na nasundan ng mapaglarong ngiti. Lubos siyang natuwa habang pinag mamasdan ang labis na pag durusa ng mag kapatid sa mga screen sa kanyang harapan.