Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 31 - CHAPTER 30

Chapter 31 - CHAPTER 30

Pag kalabas niya sa principal's office, umupo muna siya sa gilid ng staircase sa hallway. Nag-isip si Erika kung paano niya masasabi ang buong katotohanan sa kanyang mga kaklase. Naalala niya ang kanyang dark blue notebook na naka tago sa kanyang locker. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinakiramdaman ang kanyang paligid. Nakarinig siya ng mahihinang hakbang kaya agad siyang kumaripas ng takbo papuntang P.E. building para maisagawa ang kanyang pinaplano. Walang kaalam-alam si Erika na palihim na pala siyang pinagmamasdan nila Tiffany mula sa di kalayuan. Bago sundan ang kaklase, dumiretso muna si Tiffany sa principal's office. Marahang binuksan ni Tiffany ang pintuan bago siya tuluyan pumasok sa opisina ng punong-guro.

"Any news for me?" bungad na tanong ni Tiffany bago siya umupo sa antique chair sa harapan ng principal's desk.

"Y-Yes. Erika told me everything," pautal-utal at kinakabahang sagot ng principal.

"I need you to do something for me," mapaglarong wika ng dalaga. Kumuha si Tiffany ng isang ballpen at isang pirasong papel.

"What can I do for you this time, Tiffany? Hindi pa ba kayo nag sasawa sa mga gi-"

Naputol ang sinasabi ng punong-guro nang biglang malakas na ibinagsak ni Tiffany ang kanyang mga palad sa principal's desk.

"At sinong nag sabi sayo na maaari kang mag reklamo? Tandaan mo, sa eskuwelahang ito, ako ang batas. Kung hindi ka susunod pwede ka nang mag paalam sa pamilya mo," babala ng dalaga. Mariing napalunok ang punong guro sa kanyang narinig. Marahang tumalikod ang punong guro at palihim na kinuha ang nakatagong kutsilyo sa isa sa kanyang drawer. Agad niyang tinutok ang hawak na kutsilyo pag kaharap ni Tiffany. Imbes na matakot, tinawanan lang siya ng dalaga't ngumisi.

"You've got to be kidding me. Do you really want to die that much?" nahihibang na tanong ni Tiffany sa punong-guro habang naka tingin sa naka tutok na kutsilyo sa kanya.

Nanginig sa takot ang punong-guro sa kanyang nasaksihan. Bigla niyang nabitawan ang hawak na kutsilyo dahil sa naipong kaba sa kanyang dibdib. Tumawa muli nang pag kalakas-lakas si Tiffany at umupo na mismo sa prinicipal's desk.

"Hmmm, let's make this more... interesting," malamig na bulong ni Tiffany bago niya ilapag ang isang baril sa desk.

"Syempre, hindi naman magiging masaya ang laro kung hindi ako makikipaglaro sayo, hindi ba? Simple lang naman, e. Pipili ka lang sa dalawa," mapaglarong wika ng dalaga. Tumayo si Tiffany sa kanyang inuupuan at nag lakad papunta sa sofa. Marahan siya ritong umupo habang pinagmamasdan ang punong-guro.

"Kill yourself, my dear principal, or your family will be killed," walang buhay niyang utos sa punong-guro na nasundan ng katakot-katakot na ngiti.

Hindi alam ni Tiffany na tahimik palang nakikinig sa labas si Ms. Gomez. Hindi siya maka-paniwala na Tiffany ang salarin sa pag patay sa kanyang mga estudyante. Ipinikit ng guro ang kanyang mga mata at bumulong.

"Diyos ko, tulungan mo po ang aming mahal na punong-guro sa mga oras na ito. Huwag nyo po siyang papabayaan," nanginginig na bulong ng guro sa sarili.

Dahan-dahang kinuuha ng principal ang baril sa kanyang harapan. Marahan niyang ipinasok sa ito sa kanyang bibig habang naluluha. Dahil sa pag kainip, kinuha ni TIffany ang naka display na vase sa kanyang gilid. Tiningnan muna niya nang masama ang principal bago ito ihagis ng malakas sa harap ng kanyang desk.

"Ano ba? Gagawin mo ba o ano? Naiinip na ako. Marami pa akong kailangang gawin," sigaw niya sa punong-guro. Alam niya na kaya niyang mapatay si Tiffany dahil hawak niya ang baril sa mga oras na yon pero nangangamba siya na baka gantihan ng pamilyang Mendoza ang kanyang pamilya. Mariing ipinikit ng punong-guro ang kanyang mga mata bago paputukin ang baril. Kasabay sa pag putok ay ang masasayang halakhak ng dalaga. Labis na tuwa ang nasa kanyang mga mata nang makitang kumalat ang dugo ng punong-guro sa buong kuwarto. Namantsahan ang mga libro, mga dokumento, at ang mga paintings ng kanyang pamilya sa likod ng kanyang desk.

Napa upo sa sobrang panginginig ng tuhod si Ms. Gomez matapos marinig ang putok ng baril. Tumayo si Tiffany at nag simulang mag lakad palapit sa bangkay ng punong-guro. Pinadulas niya ang kanyang hintuturo sa dugong tumalsik sa desk at napangiti. Marahan niyang pinasok ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig at tila nilalasap at ine-enjoy ang nangangamoy metal na dugo. Napatingin siya sa gilid at may nakita CCTV camera na naka lagay sa isang sulok ng kuwarto. Ngumiti siya rito at kumaway-kaway na parang bata. 

"It's a good thing na sira na ang mga CCTV cameras na ibinigay ni Dad sa school," mahina niyang bulong sa sarili. Kinuha niya ang kanyang bag at agad lumabas sa opisina ng prinicpal na parang walang nangyari. Sumalubong sa kanya sa labas si Ms. Gomez na kasalukuyang naka upo sa sahig at umiiyak. Ngumiti lamang siya rito at nilapitan ang guro.

"You've become a monster," nangingnig na wika ng guro.

"We are all monsters. We are the product of our own sins," wika ni Tiffany bago mag lakad papalayo mula sa guro.

Nasa loob pa rin ng girl's locker room si Erika. Hawak-hawak niya ang kanyang notebook na nag lalaman ng mga madudugong sikreto ni Tiffany. Tahimik niyang inilagay ang kanyang notebook sa loob ng locker. Bago lumabas, nilagyan niya ng passcode ang kanyang padlock. Dumiretso siya sa katabing banyo ng locker room para gawin ang kanyang susunod na plano. Kumuha siya ng tissue mula sa isa sa mga cubicle at agad sinulat ang passcode ng kanyang locker. Palabas na sana siya pero napalingon siya nang biglang bumukas ang dulong cubicle ng banyo. Dahil sa pag pa-panic, nag desisyon siyang iipit ang tissue sa isa sa mga upuan ng locker room. Matapos niyang maitago ito, agad siyang kumaripas ng takbo pabalik ng Dorm B. Sa kanyang pagtakbo, napahinto siya nang makita si Tiffany sa dulo ng hallwaay. Naka ngiti ang dalaga habang pinagmamasdan siya. Alam niya na kapag hindi pa siya kumilos ay mapapatay siya ni Tiffany.

Dumiretso si Erika sa harap ng kuwarto ni Aliza para humingi ng tulong. Pilit niyang ginigising ang mga kaklase pero nabigo siya. Napaupo siya sa dulo ng hallway nang maka rinig siya ng ingay mula rito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niiyang papunta sa kanyang direksyon ang dalawang naka-maskara na babae. Ang isang maskara'y masaya at ang isa naman ay malungkot. Mabilis siyang tumayo para tumakbo. Napahinto siya bigla nang bumaon ang kutsilyong hinagis ni TIffany sa kanyang likuran. Sa lalim ng sugat ay napaupo siya sa sakit. Wala siyang magawa mung hindi tingnan ang dalawang naka-amskarang estudyante na papalapit sa kanya.

"You think you can get away from me, huh?" mapaglarong tanong ni Tiffany habang sinisipa si Erika. Tinanggal ng isa ang kanyang maskara at ngumiti.

"Let's end her bago pa may makakita satin," bulong ni Alyssa sa kaibigan. Hinatak ni Alyssa ang kutsilyo sa likuran ni Erika at ngumiti. Buong lakas niyang itinaas ang kutsilyo sa hangin at agad tinutok sa direkyson ng ulo ni Erika.

"Any last words?" tanong niya sa kaklase.

"It's not too late for you, Alyssa, puwede ka pang magba-"

Hindi na naituloy pa ni Erika ang kanyang sinasabi dahil mariin nang ibinaon ni Alyssa ang kutsilyo sa kanyang ulo. Dinala ng dalawang dalaga ang bangkay ni Erika sa isang liblib na lugar ng paaralan.

Huli na nang magising si Aliza. Sa kanyang pag labas, nagulat siya nang makitang puno ng dugo ang kaninang malinis at maputing sahig.

"A-Anong nangyari rito?" nag tataka niyang tanong sa sarili. Muli siyang pumasok sa loob ng kuwarto upang gisingin ang iba niyang mga kasama.

"Cath, you need to see this. There's blood all over the floor outside," natatarantang sigaw ni Aliza pero hindi siya nito pinansin at bumalikwas lamang.

"You must be seeing things, Aliza. Go back to sleep. It'll be over tomorrow," nasusurang angal ni Cathrine. Umupo si Aliza sa couch at nag isip-isip. Imbes na bumalik sa kanyang hinihigaan, pinili niyang maging matapang para mag-imbestiga. Bago lumabas, kumuha muna siya ng flashlight at nag bulsa ng pocket knife.

"I can't let them do this to my other classmate," matapang niyang bulong sa sarili. Sinundan ni Aliza ang dugong nasa sahig. Dinala siya nito sa bandang likuran ng paaralan. Napalunok siya nang makitang nawala ang dugo sa sahig. Dahan-dahan niyang itiningala ang kanyang hawak-hawak na flashlight. Sa sobrang gulat niya sa kanyang nakita ay napa upo siya dahil sa sobrang takot. Naka bitin ang bangkay ni Erika sa puno ng balete. Nag simula siyang mag sisigaw matapos sunod-sunod na tumulo ang dugo ni Erika sa kanyang mukha.

Nasa gitna ng pag mamasid si Cathrine nang marinig niya ang sigaw ni Aliza. Kumaripas siya ng takbo at nakitang naka upo si Aliza sa harapan ng isang babaeng naka bitin sa puno. Agad niyang pinuntahan si Aliza at niyakap. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Erika pala ang babaeng naka bitin dito. Dahan-dahan niyang inalalayan tumayo si Aliza at inutusan bumalik ng dorm.

"Bumalik ka na ng dorm. I'll try to call the cops para tulungan tayo," mahinahong bulong ni Cathrine. Tumango si Aliza at kumaripas ng takbo pabalik ng dorm. Kinuha ni Cathrine ang kanyang phone sa bulsa para tawagan ang pulisya. Laking tuwa niya nang mayron agad sumagot sa kabilang linya.

"Hello, is this the police? You need to help us! There's a dead body here in St. Venille. Please, tulungan nyo kami... parang awa nyo na," pag mamakaawa ni Catherine sa kanyang kausap. Napakunot ang kanyang noo nang tawanan lang siya ng tao sa kabilang linya.

"Don't be scared. Nakikita kita ngayon. Akong bahala sayo."

Napalunok siya sa kanyang narinig at hindi namalayang nabitawan na pala niya ang kanyang cellphone dahil sa sobrang takot.