Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 26 - CHAPTER 25

Chapter 26 - CHAPTER 25

CHAPTER 25

Maagang nagising ang mga estudyante para sa isang announcement. Inanunsyo na sa lahat na bukas gaganapin ang foundation day ng St. Venille. Mag kakaroon ng iba't ibang mga programa at mag kakaroon din ng rides at attractions sa loob ng paaralan. Tatagal ang celebration ng dalawang araw. Alam ng laaht na hindi pa tapos ang imbestigasyon sa buong campus pero napag pasiyahan ng principal na ipag patulpoy parin ang activities. Nalaman din nilang clueless ang mga detective at pulis sa mga kaso dahil sa mag kakalayo't nahihinang ebidensya. Iba-iba ang mga pahayag na kanilang nakukuha kaya hindi umuusad ang imbestigasyon nila sa kasong ito.

Sa gaganaping two-day celebration, bawat seksyon ay kinakailangang mag karoon ng activity na maipe-present sa lahat ng makikilahok.

"O, bat parang wala pa masyadong tao sa labas? Magse-seven na, a?" tanong ni Arsela sa kaibigan per hindi siya nito binigyang pansin dahil abala siya sa pag babasa ng isang school poster. Tiningnan niya si Arsela at nginitian na tila bang nag kukunwaring marinig nang kanyang sinabi. Dinukot ni Erika ang kanyang cellphone sa bulsa at nag simulang inanunsyo sa lahat ang kanyang nabasa. Iniwan ni Arsela si Erika sa ere at nag desisyong mag lakad na muna mag-isa. Sa kanyang pag lalakad, nakita niya si Ms. Gomez na naka upo sa bench. Parang wala siya sa sarili at halatang mayrong malalim na iniisip.

"Maam? Okay lang po ba kayo?" tanong ng dalaga, bago umupo sa tabi nito.

"Oo, Arsela. Okay lang ako. Salamat," mahinhing tugon ng guro. Naalala ni Arsela ang ikinuwento sa kanila ni Chantelle kaya naman sinubukan niyang tanungin ang guro tungkol dito.

"Maam, may alam po ba kayo na nangyari sa St. Venille sa mga nakaraang taon?" curious na tanong ng dalaga. Nagulat si Ms. Gomez sa kanyang narinig at biglang napa lunok. Tumayo siya't napa hawak sa kanyang bag strap nang mahigpit.

"W-Wala, b-bakit mo naman yan naitanong?" pautal-utal na sagot ng guro. Nahalata ni Arsela na kabado ang guro base sa kanyang mga kilos. Hindi na hinintay ni Ms. Gomez ang kanyang sagot at agad nag lakad papunta sa Academic Building. Napailing na lamang is Arsela't nag buntonghininga habang pinag mamasdan ang papalayong guro. Sa may hindi kalayuan, nakita niya ang kanyang mga kaklase na nag pupulong-pulong.

"Tiffany, anong pinag uusapan nyo?" tanong niya sa dalaga. Napa tingin si Tiffany sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

"Wala. Nag-uusap lang kami kung anong gagawin nating activity. Si Paula Abila ang nag-utos, e, ang vice president ng student council mula sa section one. Kung hindi lang namatay si Grace, e di siya na sana ang nagma-manage nito," matamlay na pag kuwento ng dalaga na nasundan ng pag-pout.

"May naisip na ba kayo?" sumunod na tanong niya sa dalaga pero inilingan lang siya ng kanyang mga kaklase. Huli pa nang dumating si Erika sa pag pulong dahil inayos pa niya ang kanyang gamit sa locker room.

"At last! Erika! Where have you been?" bungas na tanong ni Alex sa kaklase. Tinawanan lang siya ni Erika't dumiretso sa tabi ni Arsela.

"Wala. Tinanong lang ako noong ibang pulis kung ano raw nangyari kahapon," sagot ng dalaga. Lahat ay umupo na sa kani-kanilang upuan bago simulang pag planuhan ang gagawing event para sa foundation day. Agad nag taas ng kamay si Aliza para sa kanyang suggestion.

"I have a plan."

Napatingin sa kanya si Alex at tinawanan siya nang mahina. Dumiretso si Aliza sa harap at agad ibinulong kay Erika ang kanyang plano.

"That's great! Ikaw na mag-explain sa kanila. Tutal, plano mo rin naman yan, e," utos ni Erika. Tumango si Aliza't kumuha ng chalk para isulat ang pangalan ng kanyang mga kaklase.

"We're going to have a jail booth," excited niyang sinabi sa harap ng mga kaklase. Nag taas agad ng kamay si Alex upang mag tanong.

"Are you sure no one's going to die this time, Aliza?" natatawang tanong ni Alex sa dalaga. Nag tawanan ang buong klase sa tanong ni Alex dahilan para mapahiya si Aliza. Mahahalatang nayamot ang dalaga sa ginawa ni Alex. Kumuha ng libro si Aliza at malakas itong ibinagsak sa teacher's desk.

"Don't worry, Alex... No one's going to die, excepet for you," nasusura niyang wika habang naka tingin kay Alex. Nagulat ang lahat nang biglang nag-walk out ang dalaga palabas ng classroom. Natawa naman si Erika sa harapan dahil sa away ng dalawa. Sinaway siya ni Arsela dhil baka mas lalo lang itong lumala. Sinundan ng tingin ni Alex si Aliza habang nakangiti.

"Feeling president kasi," bulong niya sa sarili na narinig ng kanyang katabi na si Angela.

"Any other suggestions?" tanong ni Erika sa mga kaklase. Halos lahat ay nagsitaasan na ng kamay. Bawat isa sa kanila ay mayroong iniisip na pakulo para sa foundation day. Binura ni Erika ang naka sulat sa blackboard at kumuha ng panibagong chalk. Naka rating din si Ms. Gomez sa classroom bago pa man sila mag simulang mag bigay ng kanya-kanyang suggestion.

"What's happening here?" magalak na tanong ng guro sa klase. Tumayo ang lahat upang batiin ang guro. Lahat sila'y nag-bow bilang sign ng pag galang.

"We're planning an activity for the foundation day po," sagot ni Erika. Bahagyang ngumiti ang guro bago siya umupo. Tiningnan ng guro si Erika at tumango bilang sign na ituloy na lamang niya ang kanyang sinasabi.

"So, guys, ano? Any other suggestions? I'm only going to pick five of you to come up here and share your ideas, okay na ba iyon?" tanong ni Erika sa buong klase. Unang tinawag ni Erika si Cameron. Sumunod naman ay si Sakura. Kasunod ni Sakura ay si Chantelle. Pag katapos ni Chantelle ay si Zero at ang huli niyang tinawag ay si Hunter. Sama-sama silang lima na pumunta sa harapan. 

"I'm planning to have a marriage booth," suggestion ni Cameron. Natawa sa kanya ang ibang estudyante kaya napa tayo ang kanilang guro para sawayin ang buong klase.

"A marriage booth is not a bad idea. You have my vote, Cameron."

Napa ngiti't nabuhayan ng dugo ang binata dahil sa pag puri sa kanya ng guro. Ang sumunod na tinawag ni Erika para iparinig ang kanyang suggestion ay si Sakura. Agad tumayo ang dalaga nang marinig ang kanyang pangalan.

"I want us to try something different. A haunted classroom booth would be nice."

Na-excite si Erika sa kanyang narinig.

"That's a great idea! It's something new and interesting! We can dress up and put on makeup and everything," masaya niyang wika sa harap ng klase. Sunod niyang tinanong si Chantelle.

"We can open a food stall and sell street food," matipid na wika ni Chantelle. Ang sumunod na tinanong ay si Zero. Naka poker face lamang ang binata at parang walang kaemo-emosyon habang sinasabi ang kanyang suggestion.

"I don't know. A photo booth, I guess?" bulong ng binata. Ngiting-ngiti si Tiffany habang abalang pinag mamasdan ang binata. Nakaita rin niyang nag kakasalubong ang kanilang mga tingin kaya nama'y agad niyang inilihis ang tingin mula sa binata. Sinangga ni Cathrine si Tiffany dahil napansin niya itong aligaga at parang wala sa kanyang sarili.

"Ikaw ha, luma-love life ka na," bulong sa kanya ni Cathrine. Natawa't napailing lang si Tiffany sa kanyang narinig. Narinig ni CJ ang sinabi ni Cathrine kaysa sumingit na rin ito sa usapan.

"Nako Tiffany, tigilan mo ako. Study first muna, hoy!" biro ng binata sa kaklase kaya naman mas lalong natawa si Tiffany dahil sa dalawa. Naputol ang kanilang pag-uusap nang itinuloy na ni Erika ang pag tatanong. Sumunod niyang tinanong si Hunter.

"How about a film showing?" suggestion ni Hunter sa mga kaklase. Halos lahat ng kanilang mga suggestion ay sang-ayon ang guro. Hindi maka pili si Erika kaya hiningi niya ang tulong ng kanyang mga kaklase.

"So, ano guys? What do you think?" tanong ng dalaga. Halatang lahat ay gulong-gulo kung ano ang kanilang pipiliin. Mayrong opinyon ang bawat isa sa kanilang mga mungkahi. Napa ngiti ang guro habang tinitingnan ang kanyang mga estudyante na nag-iisip.

"What if gawin na lang kaya natin lahat ng iyan? I'll talk to the principal about this. Hmmm, the booth still needs a name, Erika," wika ng guro.

"We'll call it the 'Sixth Booth,' para naman kilala nilang tayo ang may-ari ng booth na ito," wika ng dalaga.

"Ang corny naman ng name ng booth. Masyadong literal. Make it more intersting," reklamo ni Cathrine na sinang-ayunan din ng kanyang mga kaklase. Nag buntonghininga si Zero't tumayo.

"How about 'Booth #6,'" malamig na bulong ng binata na sinang-ayunan ng lahat.

"That sounds cool! We'll call it 'Booth #6,' then?" excited na wika ni Cathrine. Napa taas ang kilay ni Erika na tila gulong-gulo kung bakit sila sumang0ayon kay Zero at hindi sa kanya.

"Binaliktad niya lang ang sinabi ko ah? I don't get it," bulong niya kay Arsela. Tinawanan lang siya ng kaklase't napailing.

"You'll never understand how the cool kids roll. mag-prep na nga lang tayo," yaya niya sa kaklase kasabay ng pag-rinig ng school bell. Dumiretso ang buong klase sa kanilang puwesto para simulang gawin ang kanilang booth. Inayos naman ng kanilang adviser ang school papers na kakailanganin para sa booth. Bawat isa sa kanila ay may naka-assign na gawain. Habang abala ang lahat sa kanilang mga ginagawa, nag paalam muna saglit si Erizel para umihi. 

"Guys, magsi-CR lang ako, ha? Wait lang," paalam niya sa mga kasama. Tinanguan lang siya habang abala sila sa pag-aayos ng kanilang booth.

"Wait lang, Erizel, sasama ako. Guys, break muna tayo, ha? Balik kayo rito after fifteen minutes," anunsyo ng dalaga habang inaayos ang sarili. Agad umalis asng ilang estudyante nang marinig ang anunsyo ni Erika. Ang iba'y pumunta sa canteen para bumili ng maka kain. Ang iba nama'y piniling mag paiwan sa classroom para ipag patuloy ang kanilang ginagawa.

Sabay silang nag lakad papuntang CR. Naunang natapos si Erika kaysa kay Erizel. Naka harap siya sa salamin habang abala sa pag susuklay ng kanyang mahabang buhok gamit ang kanyang mga kamay.

"Erizel, una na ako, ha?" paalam niya sa dalaga habang nananalamin. Naka tingin si Erizel sa kisame hnang marinig niya ang paalam ni Erika. Mariin munang lumunok si Erizel bago niya sagutin ang kaklase.

"S-Sige. Hintayin mo na  lang ako sa labas. Patapos na ako."

Habang nasa labas si Erika, kinukusot niya ang kanyang mga mata. Kumatok siya ng tatlong beses sa pintuan ng banyo upang signal-an si Erizel na bilisan niya ang ginagawa. Napa tingin siya sa kanyang paligid nang makaramdam siya na parang may nag mamasid sa kanya mula sa malayo. Nag lakad siya palayo ng girl's bathroom hanggang mapunta siya sa harapan ng janitor's closet. Napa lunok siya nang marinig niyang mga kumakalabog mula sa loob nito. Tumakbo siya pabalik ng classroom dahil sa takot.

Naiwan si Erizel mag-isa sa banyo. Nag kulong siya sa loob ng isang cubicle habang may malalim na iniisip. Narinig niyang bumukas ang pintuan pero hindi na niya ito masyadong inintindi dahil sa kanyang iniisip. Hinawi niya ang kanyang buhok habang pinaikot-ikot ito sa kanyang hintuturo. Pag katapos niyang umihi, agad siyang lumabas sa cubicle. Nag hilamos muna siya sa lababo't nanalamin. Dahan-dahan niyang hinawakan ang doorknob ng pintuan. Palabas na sana siya nang bigla siyang may narinig na tawag galing sa kanyang likuran.

"Psst," mahinang sitsit sa kanya dahilan para mapalingon siya.

"S-Sino yan?" natatakot niyang tanong habang mariing nakasarado ang kanyang dalawang palad. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdamang naka-lock na ito. Inulit-ulit niya itong tinulak upang ito'y mabuksan pero nabigo siya. Agad niyang hinampas-hampas ang pintuan sa pag babasakaling may makakarinig sa kanya sa labas. Muli siyang naka rinig ng mga sitsit na sunod-sunod. Palakas ito nang palakas na para bang nagagalit. Tinakpan niya ang kanyang mga tenga't napa upo dahil sa takot.

"Psst! Psst! Psst!" pasigaw na sitsit sa dalaga.

"Leave me alone!" buong lakas niyang sigaw. Nanginginig ang kanyang buong katawan habang mahigpit na naka hawak sa kanyang damit. Binaybay ng kanyang mga mata ang apat na sulok ng kuwarto habang pinapakiramdaman ang nakabibinging katahimikan. Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng dulong cubicle. Bago pa man niya ito lapitan ay dinukot niya ang kanyang cellphone para maka hingi siya ng tulong sa kanyang mga kaklase.

"Argh! Kamalas-malasan nga naman oh! Ngayon pa nawalan ng signal," naiinis na bulong ng dalaga sa kanyang sarili. Nag-pout siya't pinatay na lamang ang kanyang phone. Sumandal muna siya sa gilid at nag buntonghininga. Pinagmasdan niya ang bumukas na cubicle nang biglang nag patay-sindi ang ilaw sa banyo. Napa kunot ang kanyang noo't inilihis ang tingin sa ilaw. Sa bawat bukas ng ilaw ay nakita niyang palapit nang palapit ang isang babaeng naka-maskara sa kanya na galing sa dulong cubicle. Napansin niyang may dugo ang uniporme ng dalaga. Nago tuluyang maka lapit sa kanya ay namatay ang ilaw. Sigaw lang siya ng sigaw habang kinakapa ang nasa kanyang harapan. Nagulat siya nang makaramdam ng pag saksak sa kanyang tiyan. Mariing bumaon ang isang gunting sa kanyang tiyan. Napa sigaw siya sa sakit nang biglang inilabas ang gunting sa pag kakabaon sa kanyang tiyan. Kinapa ni Erizel ang kanyang paligid at naramdamang mayrong tao sa kanyang harapan. Tinulak niya ito ng malakas at muling nag sisigaw ng tulong.

"Tulong! Somebody! He-"

Naputol ang kanyang pag sisigaw nang bigla siyang hinatak papasok sa dulong cubicle. Naramdaman niyang ibinalot ang kanyang mukha sa isang makapal na tela.

"Shh. I know it hurts. Don't worry... I'll take good care of you, Erizel," mapag larong bulong sa kanyang tenga na nasundan ng nakapangingilabot na tawa. Kahit na wala siyang makita, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na ililigtas siya ng kanyang mga kaklase.

"Ahh! I swear to God na mag babayad ka sa ginagawa mo," matapos niyang sigaw. Tinawanan lang siya nito't sinampal nang malakas.

"Shut up! You don't know anything!"

Biglang nag liwanag ang buong paligas sa pag bukas ng ilaw. Nginitian muna niya si Erizel bago simulang iuntog ang mukha ng dalaga sa inidoro. Halos mabiyak ang mukha ng dalaga dahil sa brutal at malakas na pag hampas sa kanya sa maramol na inidoro.

"See you on the other side," paalam ng misteryosong babae. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang maskara't itinago sa kanyang bag. Lumabas siya ng CR na para bang walang nagyari't iniwan lang ang dalaga.