CHAPTER 27
Nag desisyon si Sakura na puntahan ang classroom kung saan nasaksak si Chantelle. Marahan niyang binuksan ang pinto bago pumasok sa kuwarto. Tahimik, madilim at nakakapanindig ng balahibo. Ilang lamang iyan sa maaaring makapaglarawan sa aura na naka palibot sa kuwarto. Nag lakad-lakad siya at nag masid, nag bakasakaling makakita siya ng ebidensya laban sa killer. Palabas na sana siya ng classroom nang bigla siyang may napansin kumikinang sa ilalim ng teacher's table. Napa ngiti ang dalaga at agad itong sinuri. Nakita niya rito ang isang ID ng kanyang kaklase. May bakas ito ng dugo. Dali-dali niya itong binulsa para itago.
"Sinasabi ko na nga ba. Ikaw ang killer... I'm gonna make a show out of you," malamig na bulong ng dalaga sa sarili.
Tumayo siya sa pag kakaupo sa sahig at agad lumabas ng classroom. Dumiretso siya sa photobooth kung saan nadatnan niya sina Arsela, Zoey, Angela, CJ at Alex. Naiwan naman sa clinic sina Erika at TIffany. Sinalubong siya ni Zoey ng mahigpit na yakap. Makikita sa mata ng dalaga ang pag-aalala sa kanyang naka tatandang kapatid.
"Ate, saan ka ba nagpunta? Hindi mo ba alam na alalang-alala kami sayo? Paano kung napahamak ka? Paano kung ikaw na ang isunod ng killer? Ayokong maiwang mag-isa ate," mangiyak-iyak niyang bulong sa kanyang ate. Ngumiti lang si Sakura at ginulo-gulo ang buhok ng kanyang kapatid.
"Don't worry, Zoey. Kilala ko na kung sino ang killer," wika ng dalaga. Napa hinto ang lahat sa kanilang ginagawa nang marinig ang sinabi ng dalaga. Napa tayo si Arsela sa kanyang kinauupuan at unti-unting nilapitan si Sakura. Hinawakan niya ang dalaga ng mahigpit sa kanyang dalawang braso at diretso siyang tiningnan sa mga mata.
"Tell me, Sakura... sino ang killer?" tanong ni Arsela.
"The real killer is-" pambibitin niya sa kanyang mga kaklase. Naputol ang kanyang sinasabi nang dumating sina Erika at Tiffany. Dala nila ang ibang props na maari nilang magamit sa photobooth. Samantala, naka upo lang sa gilid si Alex habang pinapanood ang kanyang mga kaklase.
"How boring," mahina niyang bulong sa sarili habang tinitingnan ang kanyang mga kuko. Dinukot niya ang kanyang royal blue headset at agad itong isinaksak sa kanyang music player. Sinuot niya ang kanyang headset habang patuloy na pinapanood ang kanyang mga kaklase. Napa ngiti siya nang makita niya si Hunter, ang bago niyang boyfriend. Naka ngiti ang binata sa kanya habang nag lalakad papunta sa kanyang direksyon. Nag desisyon ang dalaga na tumayo sa na para salubungin ang kanyang kasintahan.
"O, saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap, e," nang-aakit na tanong ng dalaga. Nginitian lang siya ng binata habang hawak ang kanyang dalawang kamay.
"Diyan lang. Halika, sumama ka sakin," yaya ng binata. Napa ngiti ang dalaga sa kanyang narinig at agad din namang sumama kay Hunter.
Habang abala ang lahat sa pag-o-operate ng kanilang booth, nagulat si Arsela nang biglang mawala ang mag kapatid na sina Zoey at Sakura. Napabkunot ang kanyang noo nang mapansing mayroong maliit na mantsa ng dugo sa urimporme ni Erika. Humakbang siya ng tatlong beses palayo mula sa dalaga. Wala silang kaalam-alam kung nakita na lamang biglang tumakbo papalayo si Arsela mula sa kanila.
Mabilis na humiwalay ang dalaga sa grupo at nag desisyong mag-isang puntahan si Chantelle sa clinic. Pag pasok niya rito, sumalubong sa kanya ang naka susulasok na amoy. Napa upo't nag sisigaw siya sa takot nang makita ang bangkay nina Chantelle at ng nurse na naka-duty. Pinatay silang dalawa gamit ang mga syringe. Nanginginig na tinakpan ni Arsela ang kanyang bibig dahil sa pandidiri. Nanlumo siya nang makita ang kulay puting likido na patuloy na lumalabas sa bibig ng dalawang biktima. Bumubula ito at nag lalabas ng hindi kaaya-ayang amoy. Nag desisyon siyang lumabas ng clinic para humingi ng tulong pero nagulat siya nang maramdamang naka-lock na ang pintuan mula sa labas. Sinubukan niyang hampas-hampasin ang pintuan para gumawa ng ingay pero natigilan siya nang maaninag na ang tao sa tapat ng bintana. Hinawi niya ang kurtina at nakita si Erika na tumatakbo palayo ng clinic. Napa upo siya sa sahig at nag simulang pag dugtong-dugtongin ang mga naganap na patayan.
"I should have known from the start. Ikaw pala ang killer, Erika," bulong niya sa sarili. Kinuha ni Arsela ang kanyang wallet sa bulsa at agad itong binulatlat. Inilabas niya ang litrato nilang dalawa ni Erika na masayang mag kasama. Hindi niya matanggap na kayang gawin ito ni Erika sa kanya. Gulong-gulo ang kanyang isipan at hindi lubos mawari kung ano ang dapat gawin. Napa tingin siya kay Chantelle nang makita niyang gumalaw ang kamay nito. Tumaas ang balahibo ng dalaga dahil dito. Agad siyang tumayo at sinubukang lapitan ang kaklase. Alam niyang may nais sabihin si Chantelle sa kanya pero hindi niya ito magawa dahil hindi siya makapagsalita. Napa lingon siya sa bintana nang maka rinig ng mga yabag mula sa labas. Dali-dali siyang tumakbo sa banyo ng clinic para mag tago. Tinakpan niya ang kanyang bibig at umupo sa sulok. May nakita siyang maliit na butas mula sa loob kaya agad niya itong nilapitan para maka silip sa kung anong nang yayari sa labas.
Nakita niyang pumasok sa clinic ang isang babaeng naka-maskara. May hawak siyang syringe na may lamang pulang likido. Dumiretso ang dalaga kung saan naka higa si Chantelle. Walang alinlangang itinurok ito ng dalaga sa braso ng kaklase. Wala pang isang minuto ay nag-seizure na agad si Chantelle. Nakita niyang unting-unti tinanggal ng dalaga ang kanyang maskara.
"Sabi ko naman sayo, Chantelle, ako ang mananalo sa laban na ito. I won't make any exceptions, kahit na ex-best friend ko pa. I'm sure my mom will be proud of me," bulong ni Tiffany kay Chantelle. Gustong iligtas ni Arsela ang kaibigan pero hindi niya magawa. Alam niyang papatayin siya ni TIffany kapag nahuli siya nito. Dahil sa kanyang nasaksihan, mas lalong dumami ang mga tanong sa kanyang isipan. Agad isinuot ni Tiffany ang kanyang maskara at dali-daling lumabas ng clinic. Nanginginig na tumayo si Arsela sa malamig na sahig ng banyo at agad lumabas ng clinic. Hindi siya makapagsalita nang maayos dahil sa kanyang mga nalaman. Nadatnan siya ni Sakura sa hallway. Puno ng dugo ang damit ni Arsela habang pagewang-gewang siyang nag lalakad. Nagulat si Sakura sa kanyang nakita kaya agad siyang kumaripas ng takbo para salubungin ang kaklase.
"They killed her," matipid na bulong ng dalaga kay Sakura. Napa atras siya nang makita niyang tumatawa na parang isang bata si Arsela habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Nawala na sa sarili si Arsela. Tumatawa siya mag-isa habang kinakausap ang kanyang sarili. Sinamahan muna ni Sakura si Arsela mag bihis bago muling puntahan ang kanilang mga kaklase. Pag kabihis ni Arsela, tumungo sila sa kanilang photobooth. Napahinto si Arsela nang makita niyang nasa gitna si Erika. Halata sa mukha ni Erika ang mag kahalong pag-aalala at pag katakot. Nagulat si Arsela nang bigla siyang sinalubong ng yakap ng kaklase.
"Bakit nabuhay ka pa? You should have died there," mahinang bulong ni Erika sa dalaga.
"What can I say? I'm from the cursed class. I won't fall for your traps, Erika," pabulong na sagot ng dalaga na nasundan ng matamis at naka panlolokong ngiti.
"Arsela, please-"
Hindi pinatapos ni Arsela si Erika sa kanyang sinasabi dahil itinulak niya ang kaklase palayo sa kanya.
"You want me to keep your dirty little secrets form being revealed? For what, Erika? Para may mabiktima nanaman kayo sa klaseng ito? Huwag mo akong itulad sayo!" palabag bulong ni Arsela. Napailing lang siya't mataray na tinalikuran ang kaklase.
"One more thing . . . That's not the proper way to treat your best friend," paalam niya sa kaklase.
Hindi naka galaw si Erika sa kanyang kinatatayuan at tila hindi maka paniwala sa kanyang mga narinig. Tiningnan niya ang kanyang paligid at nakitang pinagtinginan siya ng buong klase.
"Shit!" sigaw ni Erika bago siya kumaripas ng takbo papunta sa kanyang dorm.
"Ang taray ni Arsela, ha? Lume-level up," sabi ni CJ dahilan para mag tawanan ang kanyang mga kaklase. Binatukan agad siya ni Cathrine habang tumatawa. Napa tingin agad ang binata sa dalaga at itinaas ang kanyang kaliwang kilay. Naputol din ang kanilang tawanan nang dumating ang kanilang adviser. Makikita sa mukha ng guro na mayron siyang malalim na iniisip. Tiningnan ng guro si Arsela at hinawakan nang mahigpit sa dalawang braso.
"Please, Arsela . . . I know you're a good girl. Huwag kang maingay sa mga nakita mo kanina," pabulong na paki usap ng guro na ikinagulat ni Arsela. Napa atras siya nang makita niyang lumuhod ang guro sa kanyang harapan. Lahat ng estudyante ay gulat na gulat at hindi maka paniwala sa kanilang nakita. Speechless si Arsela dahil sa mga nangyari. Nag-isip siya ng paraan kung papaano niya sasabihin ang kanyang mga nalaman nang walang mapapahamak. Nag simula na rin siyang mag duda sa lahat dahil sa kanyang mga nasaksihan.
"I . . . I'm sorry," pabulong na sagot ng dalaga bago tuluyang tumakbo papalayo. Dumiretso siya sa kanilang dorm para mag kulong. Ni-lock niya ang pinto at umupo sa sofa. Inisip niya ang mga posibleng outcomes ng kanyang mga magiging desisyon. Kahit na alam niyang involved is Erika sa mga patayan, naniniwala pa rin siyang mabait ang kanyang kaibigan. Sa gitna ng kanyang pag-iisip, nakarinig siya ng tatlong mag kakasunod na katok sa pintuan. Napahawak siya nang mahigpit sa kanyang hawak na unang habang naka tingin sa pintuan.
"Arsela, are you there? We need to talk. Let me explain, please?" nag mamakaawang wika ni Erika habang patuloy na kumakatok sa pintuan. Mariing napa lunok ang dalaga at mas lalong humigpit ang kanyang pag hawak sa kanyang unan.
"No need to explain, Erika! I already know everything about you and your secrets! Tigilan mo na ako, Erika... Please leave me alone!" buong lakas niyang sigaw.
"I'm sorry, Arsela. Please open the door. I promise na tutulungan kita na sabihin ang totoo sa kanilang lahat. Huwag na tayong mag-away, o," pakiusap ni Erika na nakumbinsi si Arsela sa kanyang narinig kaya naman agad siyang tumayo at nag simulang mag lakad papunta sa direksyon ng pintuan.
"Promise?" nanginginig na tanong ni Arsela.
"Promise," mahinahong sagot ni Erika. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at binuksan ang isang lock. Hindi muna niya binuksan ang chain lock para maka sigurado.
Nag-alinlangan parin siya dahil sira na ang tiwala niya sa kaibigan. Napa upo siya sa sahig nang biglang pilit na buksan ito ni Erika. Nakita niya rin na bukod kay Erika, mayron pang isang babaeng naka-maskara na naka silip sa kanyang likuran.
"Some secrets are better left untold, Arsela."