CHAPTER 26
Umaga pa lamang ay abala na sa pag-aayos ng mga booths ang mga estudyante. Kasabay nito ang pag-a-assemble ng mga carnival rides at attractions sa paaralan. Maagang nag kita-kita ang mga estudyante ng Section 6 para ayusin ang natitirang props. Mag-a-alas siyete na ng umaga nang makapag simula sila mag-ayos dahil nahuli ng dating si Ms. Gomez. Ipinagpatuloy pa rin ng pulisya ang pag-iimbestiga kahit na mayrong naganap na selebrasyon sa paaralan, lalo na't mayroon nanamang nakitang bangkay ng isang dalaga sa isa sa mga banyo sa dulo ng Academic Building.
"Hindi ako maka paniwala na nag pakamatay si Erizel," bulong ni Alex kay Hunter habang tinitingnan ang mga pulis na hawak ang suicide note na isinulat ni Erizel.
"Nakaka lungot. Dapat pala pinigilan ko siya kahapon. Kasama pa naman niya ako," bulong ni Erika sa sarili. Nag buntonghininga ang dalaga't muling ibinaling ang atensyon sa kanilang booth. Ang iba nilang kasama ay nawalan na rin ng tiwala kay Erika dahil siya ang pinag susupetsahan ng kanyang mga kaklase sa pag kamatay ni Erizel. Hindi sila kumbinsido na nag pakamatay ang dalaga.
Sinumulan ng pang-anim na seksyon ang kanilang pag gawa. Binigyan ng guro ang bawat estudyante ng kani-kanilang mga assigned tasks. Dalawang booth ang pinaunlakan ng principal na kanilang maaaring gawin. Ito ay ang photo booth at ang haunted classroom na suhestiyon nila Zero at Sakura. Pag katapos ng pag-a-assemble, agad nilang binuksan ang dalawang booths. Lahat ng mga bisita't estudyante sa St. Venille ay abala sa pag subok ng iba't ibang klaseng booths na naka kalat sa paaralan.
"O, guys, mag-makeup na kayo't mananakot pa tayo mamaya. Zero at Tiffany, kayo munang bahala sa photobooth natin ha?" wika ni Erika.
"Okay," matipid na sagot ng binata. Napa tingin siya kay Tiffany dahil napansin niyang naka tingin ito sa kanya. Napailing siya nang biglang inilihis ng dalaga ang kanyang tingin matapos siyang mahuli nito.
"Baka matunaw ako," bulong ni Zero sa sarili. Kahit na sa iba naka tingin, nagawa pa ring marinig ni TIffany ang binata.
"Huwag ka ngang feelingero dyan. Tara na nga at marami pa tayong kailangang gawin," excuse ng dalaga. Makikita sa mukha ni Tiffany ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Mag kasabay silang nag lakad papunta sa assigned location ng kanilang photobooth.
"Guys ako na at si Arsela ang mag-aasikaso sa harapan ng booth, ha. Ang mga members nila Tiffany at Zero, sundan nyo na sila para matulungan nyo narin," anunsyo ni Erika sa mga kaklase. Sa gitna ng kanilang pag-aayos, hindi maiwasanag mapansin ng guro ang pag ka-aligaga ni Erika.
"Ayos ka lang ba, Erika? Mukhang pressured na pressured ka, ha?" mahinang tanong ng guro sa estudyante. Nag buntonghininga lang si Erika na nasundan ng pag sandal niya sa pader.
"Oo nga eh, maam. I want everything to be perfect. Gusto ko kasi na ipakita sa kanila na may ilalaban ang section natin pag dating sa mga extracurricular activites," enthusiastic na wika ni Erika. Nginitian lang siya ng guro at inlapat ang kanyang kamay sa ulo nito.
"Don't worry, Erika. Everything's going to be fine," pag-a-assure ng guro sa estudyante. Napa ngiti si Erika sa kanyang narinig at tiningnan ang kanyang relo.
"It's showtime!"
Nag palakpakan ang lahat nang marinig ang anunsyo ng dalaga. Lahat ay agad pumuwesto. Handa na ang dalawang booths sa kanilang mga magiging customers sa araw na iyon. Lumabas si Erika ng kanilang booth upang samahan si Arsela sa front table. Nakita nyang naka ngiti ang dalaga habang nag hihintay sa kanya.
"O, ano? Anyare?" natatawang bati ni Arsela. Naka ngiti lang si Erika habang papa lapit sa kanya. Agad umupo ang dalaga sa tabi ni Arsela. Sumandal siya sa monobloc chair at nag buntonghininga.
"Ayon, may away ata ang Beasts," wika ni Erika sa nakapag tawag ng interes ni Arsela.
"Bakit? Ano nangyari sa Beasts? You make kuwento," may halong excitement na wika ni Arsela.
"Eh, kasi-"
Ikukwento pa lamang sana ng dalaga ngunit naundlot ito nang dumating sina Eugene at CJ sa harap ng table.
"Erika, may problema," aligagang wika ni Eugene habang naka tingin sa kanyang cellphone.
"Oo. Kailangan mo sumama sa amin," dagdag ni CJ. Agad tumayo si Erika dahil sa kanyang narinig. Nilapitan niya ang dalawang binata na tila halatang kinakabahan sa isusumbong nila sa kanya.
"O bakit? Saan? Ano?" tanong ng dalaga. Sinimangutan lang siya ng dalawa sa reaksyon nito, inisip na para bang nakikipag biruan lamang sila sa kanya.
"Joke lang, masyado kasing stressed. Lighten up a bit," biro ni Eugene sa kaklase. Yumot na yumot naman ang itsura ni Erika sa dalawa. Isang pekeng ngiti ang kumurba sa kanyang labi at saka marahang nilapitan ang dalawang binata. Pumunta siya sa likruan ng dalawang binata at agad pinag babatukan ang mga ito.
"Kayo talaga! Hindi ba't may kailangan pa kayong gawin?" tanong niya sa dalawang binata na tila natatawa.
"Mayroon naman. Basta ba ililibre mo kami," panirang wika ni CJ.
"Oo nga, Erika. Dali na't manlibre ka na ng soda't cupcake," dagdag ng binata na tila nagki-crave.
"Ayoko nga... and please, umalis na lang kayo if mambubwiset lang kayo rito," mataray na sagot ng dalaga.
"Wow Erika, ha? Uma-Alex ka na," bantiyaw ni Arsela sa biruan ng tatlo. Nilingon agad ni Erika na para bang natatawa rin dahil naalala niya ang banggaang Alex at Aliza.
"Arsela, tigil-tigilan mo ako ha," natatawang wika ni Erika. Hindi na nag tagal ay nag paalam na ang dalawang binata upang tulungan ang ibang kaklase sa haunted booth. Dinagsa ang dalawang booth kaya naging abala sila sa buong araw. Matapos ang apat na oras na pananakot ng mga estudyante, nag desisyon silang mag-lunch break na muna.
"Nasaan na ba si Erika? Anong oras na, o. Mag-e-eleven-thirty na. I'm starving already!" maarteng pag kasabi ni Alex habang naka tingin sa kanyang kuko sa kamay. Tinawanan lang siya ni Zoey dahil nakita niyang naka-pout ang dalaga habang paikot-ikot ito sa isang lugar.
"You should tell her nga. Besides, nasa labas lang naman siya, e. Kasama niya si Arsela," wika ni Zoey, na agad ding sinunod ni Alex. Napa ngiti siya nang makita niya agad si Erika sa front table katabi ni Arsela. Kahit na suot pa niya ang kanyang costume, kumaripas na agad siya mg takbo na kagustuhang makapag-lunch break na sila.
"Erika, anong oras na, o. Nagugutom na kami. Hindi pa ba kayo kakain?" pareklamong tanong niya sa dalaga.
"Eleven-thirty pa lang, pero... Sige, mag-break na tayo. Ang photobooth na lang muna mag-o-operate sa ngayon pero after nyo mag break, i-sub nyo ang mga tao sa photobooth para sila naman ang makapag-break. Arsela, ikaw muna mag sabi sa iba nating classmates, ha? Sabihin mo na after nilang mag-lunch, dumiretso sila sa photobooth natin," tuloy-tuloy ma paliwanag ni Erika. Tumango lang si Arsela habang nag lalaro sa kanyang phone.
"Okay, I'll stay here for a few minutes para ma-inform ko ang iba nating classmates in case na pumunta sila rito," sagot ni Arsela. Pumasok siya sa loob ng haunted classroom para i-dismiss ang ilang mga natitirang estudyante.
"Guys, di-nismiss na tayo ni president. You can take your lunch break na. Balik na lang kayo rito after thirty minutes," anunsyo ng dalaga.
"Gusto nyo ba na dito na lang tayo mag-lunch? Bonding narin nating magka kaklase," excited na yaya ni CJ sa mga kaibigan. Tumango naman ang lahat bilang sign ng pag sang-ayon sa kanya.
"Magandang ideya yan, para naman maging super close na natin ang isa't isa," wika ni Zoey sa binata.
"Go ahead... Iwanan nyo na lang muna ako rito. May hinihintay lang ako," mahinhing paalam ni Chantelle sa kanyang mga kaklase. Napa ngiti lang si Sakura habang nilalaro ang kanyang stuffed toy na si Mika nang marinig ang paalam ni Chantelle.
"Sige. Bibilihan ka na lang namin ng lunch mo," excited na wika ng binata. Sabay-sabay sina Eugene, Sakura, Zoey, Arsela at Erika na bumaba ng Academic Building para bumili ng kanilang lunch sa cafeteria.
Naiwang mag-isa si Chantelle sa loob ng classroom. Nakaramdam ang dalaga ng kakaiba sa kanyang paligid. Nag desisyon siyang mag hanap ng kahit anong armas na maari niya gawing panlaban. Ngumiti lang siya't natawa nang mahina nang mapansing may naka tingin sa kanya mula sa di kalayuan. Narinig niyang unti-unting bumukas ang pintuan habang tahimik siyang naka upo sa kanyang upuan. Marahan siyang tumayo at dahan-dahang nag lakad papunta sa classroom para hintayin ang kanyang inaasahan bisita.
"Looks like you're late..." mahina niyang bulong sa sarili na nasundan ng pagngiti.
"Hi, Chantelle. It has been years since the last time we talked, hasn't it?" tanong ng misteryosong babae habang naka tingin sakanya. Mayrong siyang hawak na mahabang kutsilyo sa kanyang kamay. Pinag lalaruan niya ito habang pinapadulas niya ang blade ng kutsilyo sa kanyang balat.
"Ihinto mo na itong kahibangan mo! Walang magandang maidudulot ito sayo," sigaw ni Chantelle habang mahigpit na naka hawak sa dulo ng kanyang t-shirt. Tinawanan lang siya nito na parang isang baliw. Humakbang si Chantelle ng tatlong beses paatras mula sa babae nang marinig niyang tawanan siya nito.
"I won't stop until I'm the only student left in this game," nang gigigil na sigaw sa kanya ng babae. Mas lalo itong nag dulot ng takot kay Chantelle. Hinawakan niya nang mahigpit ang gunting sa kanyang bulsa habang pinagmamasdan ang naka-maskarang babae.
"You'll never win this fight. Pag babayaran mo lahat ng ginawa mo!" babala ni Chantelle. Hindi na nag paligoy ligoy pa ang dalaga at bigla lamang siya nitong sinugod. Nakailag si Chantelle at kumaripas ng takbo sa harap ng pintuan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang sumalubong sa kanya ang isa pang babaeng naka-maskara pag bukas niya ng pintuan. Itinulak niya ito nang malakas palabas pero nahagip ang kanyang kanang braso ng kutsilyo. Laking tuwa niya nang makita niya agad sina Eugene, Sakura at Zoey habang tumatakbo siya sa hallway. Nagulat ang tatlo nang makita ang situwasyon ni Chantelle. Naibagsak ni Eugene ang kanyang dala-dalang pagkain at dali-daling tumakbo papunta kay Chantelle.
"O, anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni CJ. Hingal ng hingal si Chantelle at hindi makapagsalita. Ilang saglit lamang ay tuluyan nang hinimatay ang kaklase. Inalalayan siya ng tatlo papunta sa clinic. pag pasok nila, nadatnan nila rito sina Tiffany, Zero, at Erika.
"O, anong nangyari?" gulat na tanong ni TIffany. Nakakunot naman ang noo ni Erika at halatang walang alam sa mga nangyayari.
"Dali, ihiga nyo na siya riyan. Kami nang bahala sa kanya, Eugene. Salamat sa pagdala kay Chantelle rito," mahinahong bulong ni Erika habang nakatingin kay Chantelle.
"Drama," bulong ni Zero sa kanyang sarili habang pinag mamasadan ang kanyang mga kaklaseng nag-uusap. Naiwan sa clinic sina Tiffany, Erika at Sakura upang bantayan si Chantelle. Tiningnan ni Erika nang seryoso si Sakura sa kanyang mga mata.
"O sige na... makaka alis ka na. Kami na ang bahala kay Chantelle. Tutal, sarado naman na ang mga booths natin for today, e. Pakisabi nga pala kay Alex na we won't be having the haunted classroom for tomorrow. Mag po-photobooth nalang muna narin kami para sama-sama tayo. It'll be for safety purposes as well," paliwanag niya kay Sakura. Hindi masyadong pinakinggan ni Sakura ang pag papaliwanag ni Erika dahil abala siya sa pag tingin kay Chantelle.
"I know everything, Erika. I know all the secrets of this campus. We don't the past repeat itself, hindi ba?" misteryosong tanong ni Sakura sa kaklase na nasundan ng misteryosong ngiti. Agad lumabas si Sakura ng clinic para puntahan ang kanyang kapatid na si Zoey.
"Ano kaya pinag sasabi niya?" kabadong tanong ng dalaga kay Tiffany.
"Ewan ko ba. Weirdo talaga ang babaeng yon. Don't mind her, Erika. Ang importante, okay na si Chantelle," naka ngiting tugon ni Tiffany sa kaklase. Napa tingin ang dalawang dalaga nang biglang bumukas ang pinto ng clinic. Pumasok ang isang dalaga rito at dumiretso sa kama ni Chantelle. Umupo ang dalaga sa gilid ng kama at itinapat ang kanyang bibig sa tenga ng dalaga.
"Hi, Chantelle. Nandito na ako. Gising na't mag lalaro pa tayo," misteryosong bulong niya na nasundan ng katakot-takot na ngiti.