Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 21 - CHAPTER 20

Chapter 21 - CHAPTER 20

CHAPTER 20

Kinabukasan, hindi pa rin mapakali si Cameron habang sana seminar siya ni Mr. Kelvin Gaen. Butil-butil na ang pawis niya sa noo dahil sa sobrang pag-iisip. Naalala niya ang mga pang yayari. Napatingin sa kanya si Hunter na agad siyang hinawakan sa balikat. Mariin siyang napa lunok. Nahalata ni Hunter na mayrong kakaiba sa kanya.

"Okay ka lang, dude?"

Matamlay na tumango si Cameron. Ilang saglit pa ay tinabihan ito ni Sakura. Nailang ang binata at aalis na sana nang biglang mag salita si Sakura. Papatayo na sana siya nang bigla siyang pinigilan ni Sakura.

"Alam ko kung anong ginawa mo," bulong nito. Nanlaki ang mga mata ni Cameron. Nag simulang manginig ang kanyang mga kamay. Nginitian siya ni Sakura at kinuha si Mika mula sa kanyang bag at sinimulang sakalin ito kunwari sa leeg.

"You don't need to kill to stay alive. She's still going to get us" bulong niya. Sumandal si Cameron sa kanyang upuan at pilit na dini-distract ang kanyang sarili sa ibang bahay. Patapos na sana ang seminar nang biglang inilabas ang kanilang class picture. Kumuha siya ng ballpen at isa-isang minarkahan ang mga nasawi nilang kaklase. Nag-smirk muna siya bago minarkahan ang mukha ni Cameron.

"You're next."

"H-Ha? P-Paano mo nasabi?" pautal-utal niyang tanong kay Sakura. Napa tingin si Zoey sa kanilang dalawa.

"Stop scaring him. Iyan ka na naman sa nonsense mo," saway niya kaya tumahimik na nag tuluyan si Sakura hanggang matapos ang seminar. Bago lumabas, nilapitan ni Zoey si Sakura. Kapansin-pansin ang namumuong tensyon sa pagitan nila. Nag labas ng patalim si Sakura, ang parehas na patalim na gamit ni Lacus.

"I don't play the game, sister. I just predict what comes next," bulong ni Sakura. Inirapan siya ni Zoey bago itinulak. Napalakas ito kaya napa upo si Sakura sa sahig. Sa pag bagsak ni Sakura ay siya naman bahagyang pag kakasugat nito sa tagiliran dahil sa hawak na kutsilyo.

"That's not the right way to treat your sister!"

Napa atras si Zoey at napa lunok.

"You'll never be my sister! Ampon ka lang! Ampon!" sigaw ni Zoey. Naka upo na rin iyo sa sahig na parang isang manika. Sa kabila ng sugat na natamo, unti-unting lumapit si Sakura kay Zoey at niyakap ito.

"I'll always be your ate, Zoey..." bulong ng dalaga.

Nagulat ang lahat dahil doon lang nila nakitang ganon si Sakura. Tumayo si Zoey at inalalayan si Sakura papuntang clinic. Ang totoong rason kasi ni Sakura kaya siya sumali sa exchange program ay para maprotektahan, mabantayan, at kahit papaano ay maka bawi kay Zoey. Mag kapatid kasi silang dalawa sa nanay. Si Sakura ay sumama sa kanyang tatay habang si Zoey naman ay sa kanilang nanay. Kahit ay hindi itinuring ni Zoey na kapatid si Sakura dahil sa pag kamuhi. Natatakot din siya dahil sa kakaibang hilig ni Sakura sa mga matutulis na bagay simula noong bata pa sila. Habang tumatanda ay nag-iba ang ugali ni Sakura dahik sa matinding pang-aabusong natatanggap niya sa kanyang ama. Pero sa huli ay natuto siyang lumaban.

"Sakura! Ano ba? Ang kupad mo talagang bata ka! Nasaan na ang kape ko?" sigaw nito sa walang kamuwang-muwang na batang babae. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanyang tatay upang ibigay ang tinimplang kape. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa takot. Sa sobrang panginginig ay di sinasadyang matapunan niya ang ama. Dahil doon ay walang kumpay na pinag sasampal si Sakura.

Umiyak si Sakura sa sulok. Nilapitan siya ng kanyang ama para muli siyang saktan. At dahil hindi na niya nakayanan ang pag mamaltrato sa kanya ay napagdesisyunan niyang lumaban. Palihim siyang kumuha ng kutsilyo at pinag sasaksak ito. Pag katapos ng trahedya ay kinupkop si Sakura ng pamilyang Velasco at doon siya pinalaki.

Kinuha ni Zoey ang dalawa nilang stuffed toys. Nilapag niya ang isa sa tabi ni Sakura.

"Salamat, ate. Huwag ka na kasing mag bibigay ng warnings. Kapag nag kataon, baka tayo na ang isunod niya," bulong ni Zoey. Napangiti si Sakura at tumango.

Palabas si Zoey nang makita niya ang isang envelope sa sahig. Pinulot niya ito at binuksan. Isang class picture. Sa likod nito ang isang mensahe: Sometimes, it's better if we keep our mouths shut.

Hindi niya ito masyadong binigyang pansin at itinapon na lamang. Sa daan ay may trail ng manipis na sinulid. Nag dalawang-isip ito, pero nangibabaw ang katapangan kaya itinumbok nita ang trail na umabot hanggang pangalawang palapag ng Academic Building. Nandoon si Erizel.

"Z-Zoey! We need your help!" hingal niyang sigaw. Pagod ito at marumi ang damit. Hinatak niya si Erizel sa dorm nila Alina. Sinubukan nilang buksan ang pinto pero hindi nila magawa dahil may nakaharang mula sa loob. Makikita sa bintana si Alina na naka upo, takot at umiiyak. Wala siyang ibang saplot sa katawan kundi underwear. May naka taling lubid sa kanyang paa't leeg. Puno ang sahig ng pako, bubog at mga litrato ni Alina na may ekis sa mukha. Bukod sa mga ito, kita ang manipis na sinulid, tulad ng nakita ni Zoey.

May mga nag sidatingang tao, lahat sila nag tataka. Galing sila ng convenience store batay sa bitbit nilang paper bags. Tumakbo si Erizel papunta sa kanila.

"Si Alina..." kabado nitong salubong sa kanila. Nabitawan ni Aliza ang kanyang mga dala. Napa takbo siya upang silipin ang kalagayan ng kapatid.

"A-Ate! Natatakot ako. Tulungan mo ako," pag mamakaawa ni Alina. Napa upo sa sahig si Aliza. Nag buntonghininga siya at pinunasan ang kanyang luha dahil ayaw niyang makita ito ni Alina. Tumayo ang dalaga at muling hinarap ang kapatid.

"Alina, nandito na si Ate. Sundin mo lang ang sasabihin ko, ha? Be strong. Lalaban tayo."

Tumango si Alina at tiningnan ang kanyang kapatid sa mata. Binasag niya ang salamin para mas lalo siya nitong marinig. Pupuwersahin na sana nila ang pinto nang bigla silang maka rinig na ingay. Mas lalong nag panik si Aliza.

"Alina, subukan mong buksan ang pintuan mula sa loob! Dali!"

"P-Pero ate!" angal niya habang naka tingin sa mga naka kalat sa sahig.

"Kailangan mong subukan!" nang hihinang wika ni Aliza. Napa lunok si Alina at sinubukang tumayo mula sa kanyang kina uupuan. Unang hakbang pa lamang ay agad na siyang nasugatan.

"A-Ate!" naluluhang pag mamakaawa ni Alina.

"Konting tiis, Alina, konting tiis..."

Pinag patuloy ni Aliza ang pag lalakad. Hindi pa siya naka abot ay punong-puno na ng sugat ang kanyang mga paa. Naka hinga siya nang maluwag nanag marating ang pinto. Hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang kapatid sa kamay mula sa butas ng bintana.

Naka hinga si Aliza. Sa wakas, ligtas na ang kanyang kapatid. Hinawakan ni Alina ang hindi maintindihang pag kakakandado ng pinto at nag-isip kung may magagawa ba siya para mabuksan ito. Kumuha siya ng kutsilyo mula sa kitchen para subukang buksan ang lock.

"Ate, help me," mahinhin niyang bulong kay Aliza habang naka hawak sa naka tali sa kanyang leeg. Ramdam niya ang unti-unting pag sikip nito. Kasabay ang pag tigil ng ingay ay ang biglang pag sakal at pag hatak kay Alina. Agad napahinga ang dalaga sa sahig dahilan para makaladkad siya sa mga pako't bubong na naka kalat. Kinaladkad ito hanggang sa pintuan ng dirty kitchen. Kutob niyang naroon ang killer kaya hinawakan niya nang mahigpit ang kutsilyo at dali-daling pinigtas ang lubid. Kasalukuyang nasa tapat ng ref si Alina, humingi ng tulong mula sa Diyos na sana ay maging maayos ang kanyang ate kung sakaling mawala na siya. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kaliwang kamay bilang senyas ng kanyang pag suko.

"Alina!" sigaw ng kanyang ate habang kinakalampag ang pinto. Ngumiti si Alina at ipinikit ang kanyang mga mata. Ilang saglit pa ay biglang bumagsak ang ref sa ulo nito na para bang may tumulak. Nadurog ang ulo nito sa lakas ng pag kakabagsak. Nag kulay pula ang buong sahig.

"Heto na ang susi ng kuwarto," marahang abot ni Chantelle kay Aliza. Nanginginig niyang inilusot ang susi at pinihit ang doorknob. Walang maka lapit sa bangkay ni Alina dahil sa mga matutulis na bagay sa sahig, kaya napa luhod na lamang si Aliza at nag sisigaw sa galit.