Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 23 - CHAPTER 22

Chapter 23 - CHAPTER 22

Naka handusay si Cheska sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Maraming sugat ang kanyang katawan. Nanlumo si Tiffany sa napansing bear trap na umipit at dumurog sa paa ng kaklase. Nag hahabol ng hininga si Cheska. Akmang bubuksan nito ang pinto nang hawakan nang mahigpit ni Pau ang kanyang braso.

"Huwag! Mapapahamak lang tayo!" babala niya. Hindi siya pinansin ni Tiffany at itinuloy ang pag bukas. Nag hihingalong gumagapang si Cheska papunta sa kanya. Sinundan ni Tiffany ng tingin ang dulo ng beartrap at nakitang pababa ito mula sa balkonahe. Napansin niya ring naka kabit ang dulo sa isang pulang kotse. Nanginig ang kanyang buong katawan. Tumingin-tingin siya sa paligid at parang nakita niya ang babaeng naka-maskara. Inisip na lang niyang namamalikmata siya. Idinilat niya muli ang kanyang mga mata at wala na ang babae. Hinatak si Pau ng hysterical na si Tiffany papasok ng dorm, pero nag pumiglas ito.

"I'm willing to die for the sake of others. This way, I can say that I died for a good reason."

Wala nang nagawa pa si Pau kung hindi bitawan ang kaklase. Nginitian siya ni Tiffany at dali-daling itinulak papasok ng dorm. Nagulat si Pau sa inasal ng kaklase pero inintindi na lamang niya ito. Bago isara ni Tiffany ang pinto, nag paalam siya sakanyang mga miyembro.

"I promised na po-protektahan ko kayo kahit anong mangyari at ayokong sirain ang pangakong iyon. Goodbye, classmates, and good luck!"

Tiningnan niya muli ang bear trap. Hinawakan niya sa pisngi ang kaklase at niyakap.

"Everything's going to be fine. Huwag kang susuko okay?"

Pag papakalma niya sa kaklase. Hindi maka tingin sa kanya si Cheska nang diretso dahil sa pag sisisi na sana ay sinunod na lamang niya ang payo ni Tiffany.

"Dito ka lang, ha? Sandali lang ako. Hihingi lang ako ng tulong sa mga lalaki," paalam niya. Tumango si Cheska.

Dinig sa Room 2084 ang sigawan pero ayaw ni Erizel makialam sa takot na madamay sila.

"Hindi ba natin sila tutulungan? nangongonsensyang tanong ni Alyssa.

"I can't afford to risk our lives," malamig na sagot nito. Napailing si Alex.

"Eh sino pa bang ibang tutulong?" tanong ni Alex. Yumuko si Erizel at napa lunok.

"I'm sorry, but they're on their own," nang hihina niyang sagot. Halata sa mga mata ni Erizel na gusto niyang tulungan ang kanyang mga miyembro.

"Paano yon? Hahayaan na lang natin silang mamatay?"

Nanginginig na tanong ni Zoey. Napa tingin si Sakura sa kapatid at inilabas ang isang kutsilyo.

"Subukan nila at ipapakita ko kung paano makipag laro si Sakura," bulong nito sa kapatid. Napailing si Alyssa sa mga sagot ni Erizel. Gusto niya talaga lumabas para tulungan ang iba. Ayaw niyang tumunganga't mag kulong sa kuwarto lalo na't alam niyang may nanganganib na buhay sa mga oras na iyon.

"If you even won't try to save them, then I will," matapang na bulong ni Alyssa. Napa tingin si Erizel sa kanya habang mahigpit na hawak ang susing naka sukbit sa kanyang leeg. Ngumiti siya't tumayo upang pag buksan ang dalaga.

"Sige, lumabas ka. Pero heto'ng tandaan mo: the moment you step outside, hindi na kita responsibilidad. If you think it's being selfish para isipin ang kaligtasan natin, then you're free to go!" sigaw ng dalaga. Napa atras si Alyssa at tila ba natauhan. Nag simula siyang umiyak na parang bata. Niyakap siya ng kanyang mga kasama upang mapatahan.

Tahimik ang iba na nag-isip ng solusyon ngunit napa sigaw nang maka rinig ng sunod-sunod na kalabog. Nag tuturuan sila kung sino ang sisilip sa labas. Unti-unting lumapit si Pau sa salamin. Napa lunok ang dalaga dahil sa kakaibang katahimikang bumalot sa paligid. Biglang bumitaw si Cheska sa harap ng salamin. Sumesenyas na pag buksan siya ng pinto. Litong-lito si Pau sa kung anong dapat gawin. Tiningnan niya ang paanan ni Cheska at nakita ang bear trap.

"Ano bang ginagawa mo? Tulungan na natin siya!" sigaw ni Resha. Napa upo sa sahig si Pau sa lakas ng pag kakatulak sa kanya. Akmang bubuksan ni Resha ang pinto nang tumayo agad si Pau para pigilan ito. Hinatak niya ito sa buhok para ito naman ang mapa upo. Sumigaw uli si Cheska. Nakita nilang kinaladkad ito pababa ng building. Nang maka tayo si Resha ay agad niyang binuksan ang pinto para habulin ang kaklase, pero natigilan siya sa nakita. Durog na ang katawan ni Cheska. Nag kalat at nag kanda-pira-piraso ang kanyang mga lamang loob sa sahig. Napa tingin si Resha sa pulang kotseng nasa gilid. Bumukas ang headlights nito. Nang hina siya nang humarurot ito at sagasaan ang ulo ni Cheska. Kumaripas siya ng takbo pabalik sa loob ng dorm room.

"Pau, si Cheska-"

Naudlot ang kanyang sinasabi nang makita ang kutsilyong hawak ng dalaga. Nanlisik ang mga mata nito. Humawak si Resha nang mahigpit sa grills ng balkonahe at nag simulang mag sisigaw.

"Anong gagawin mo? Ikaw ba ang may kagagawan nito?"

Umiling lang si Pau at nilapitan ang kaklase. Tinangka niyang itulak si Resha pero nabigo ito. Ilang sandali pa ay mayrong nang mga paparating. Tumingin siya sa hallway bago tumakbo pababa ng building. Nakita niya sina Erika sa kabilang dako ng hallway. Lumabas ito para salubungin sila. Tinanong siya kung nasaan ang kanilang mga kasama pero walang maisagot si Resha. Kahit na iniligtas siya ni Erika, wala pa rin siyang tiwala sa dalaga. Sabay silang bumaba ng building. Ayaw niyang bigyan ito ng iba pang impormasyon dahil sa kawalan niya ng tiwala rito. Dumiretso sila sa Room 2056, ang dorm nina Arsela. Kumatok sila sa pinto. Sumilip sa bintana si Arsela at saka lamang nag bukas ng pinto pag katapos makumpirma ang mga tao sa labas. Bumungad sa kanya ang mga marurungis na kaklase.

"Kailangan nyo kaming tulungan, Arsela." pag mamakaawa ni Resha. Lumingon si Arsela sa kanyang mga kasama at nakitang parang ayaw silang patuluyin ng mga ito.

"S-Sorry, Resha ha? Mukhang ayaw nilang pumayag, e." 

Hindi na nakaya pa ni Resha ang mga nang yayari kaya napaluhod siya't umiyak.

"Kapag hindi mo kami pinatuloy, baka mamatay na kami," naiiyak na bulong ng dalaga. Napa lunok si Arsela. Dumungaw ang kanilang guardian na si Aliza na halatang surang-sura na.

"Ano ba, Arsela? Alam ba nila ang ibig sabihin ng hindi pwede?" sigaw nito. Wala nang nagawa pa si Arsela kundi ang sumunod sa utos. Inalalayan niyang tumayo si Resha at niyakap nang mahigpit.

"Pasensya ka na talaga, Resha. Subukan nyo sa Apollo, baka sakaling payagan kayong pumasok," malumanay niyang rekomenda sa kaklase. Pinunasan ni Resha ang kanyang mga luha't tumango. Bago pa man sila maka alis, nakita niyang dumungaw si Pau sa loob ng dorm. Hindi na siya maka pigil at nag simulang mag sisigaw sa harap ng kuwarto habang kinakalampag ang kanilang salamin.

"You monster! Bakit nyo siya pinatuloy diyan? Hindi nyo ba alam na muntik na niya akong patayin? Go ahead and let the predator take your precious lives."

Napa kunot ang noo nila Angela at Catherine sa kanilang narinig. Ayaw nilang sinisiraan ang kapwa nila Beast.

"How dare you! Hindi porke hindi namin kayo tinanggap eh gagawa ka na ng kuwento!" kompronta ni Angela.

Hindi na nag salita si Resha. Ito ay dahil sinabihan siya ni Erika na huwag na silang patulan. Habang nag lalakad sa hallway, naramdaman nilang parang pinapanood sila.

"Erika, ang bigat ng pakiramdam ko," bulong ni Resha. Napangisi lang si Erika. Mas lalo tuloy itong kinabahan.

"Huwag kang matakot. Nanadito naman ako, e," malamig niyang bulong. Umatras si Resha.

"You can't fool me! Alam kong ikaw ang pumatay kay Jeff," sigaw ni Resha. Nanlaki ang mga mata ni Erika. Dinukot niya ang laging dalang gunting mula sa kanyang bulsa at itinutok sa dalaga. Tinawanan lamang siya nito imbes na matakot.

"Sometimes you need to play the game to survive," misteryosong bulong ni Erika. Mariing lumunok si Resha bago kumaripas ng takbo.

Sa dulo ng hallway, nakita ni Resha ang bukas na pintuan ng isang kuwarto kaya agad siyang pumasok doon para mag tago. Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi marinig ang kanyang pag hingal. May nakita siyang pocket knife sa sahig kaya agad niya itong pinulot. Hinawakan niya ito nang mahigpit habang nanginginig sa takot.

"You can run, but you can't hide," maka panindig balahibong sabi ni Erika. Nakita ng dalaga ang sapatos ni Resha sa ilalim ng desk. Napangisi siya rito sa pag-aakalang mapapatay niya si Resha. Yumuko siya pero hindi na niya nakita ang dalaga. Sa kanyang pagtayo, nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nasa harap na niya si Resha.

"Katapusan mo na!"

Agad pinaraanan ni Resha ng kutsilyo ang pisngi ni Erika. Napa atras si Erika na hawak-hawak ang kanyang pisngi. Napag tanto ni Resha na pag kakataon na niya ito para maka takas. Tumakbo siya palabas ng kuwarto. Sa kanyang pag takbo ay mayron siyang naka bunggo. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at napa ngiti sa kanyang nakita.

"Ikaw pala, Tulungan mo ako! Gusto nila akong patayin," pag mamakaawa nito habang hatak-hatak ang t-shirt ng binata.

"Tara. Sumama ka na sakin sa dorm," yaya ng binata sa dalaga. Naka-akbay siya habang hinahatid ito doon. Sa likod niya ay ang isang kamay na may hawak na kutsilyo.

"Salamat ha..." mahinhing bulong ng dalaga.

"Wala iyon," malamig na tugon ni Cameron habang naka tingin sa malayo.