CHAPTER 23
Naka sandal sa balikat ni Cameron si Resha habang nag lalakad sa hallway. May crush si Resha sa binata kaya magaan ang pakiramdam niya. Alam niyang kayang gawin ni Cameron ang lahat para sa kanyang kaligtasan.
Napansin ni Resha ang pag kapadpad nila sa madilim na daan papunta sa isang lumang classroom. Kahit na nababahala, hindi na lang niya ito inintindi dahil malaki ang tiwala niya kay Cameron. Tumingin si Resha sa mukha ng binata at nakitang napaka seryoso nito. Habang nag lalakad, napayakap ito sa binata nang biglang kumulog. Pag katapos noon ay sumunod na ang malakas na pag buhos ng ulan. Muling tiningnan ni Resha ang binata, at sa pangalawang pag kakataon, naka ngiti itong pinag mamasdan siya. Medyo nahiya si Resha kaya napa yuko, pag katapos ay nahihiyang inilihis ang tingin.
Huminto sila sa harap ng isang lumang classroom sa second floor ng Academic Building. Walang kaalam-alam si Resha kung bakit sila naroon. Ang alam lang niya ay magiging ligtas na siya. Dahan-dahang binuksan ni Cameron ang pinto at pinaunang papasukin ang dalaga.
"Bakit ba tayo naririto? Akala ko ba pupunta tayo sa dorm nyo?"
Hindi sya pinakinggan ni Cameron na kasalukuyang abala sa pag hahanap ng switch ng ilaw sa kuwarto. Nang makapa niya ito, agad niya itong binuksan, dahil para lumiwanag ang buong kwarto. Nanlaki ang mga mata ni Resha nang makita niya ang lubid na naka tali sa kisame. Madumi ang paligid ng buong classroom. May mga naka sulat sa mga papel na naka kalat sa sahig pero hindi nya ito maintindihan. Hindi niya alam kung anong binabalak ni Cameron pero biglang bumigat ang kanyang pakiramdam. Yumuko ang dalaga at pilit na iniiwasang tingnan ang binata.
Hindi pwede. Hindi pwedeng si Cameron ang killer, paulit-ulit niyang sigaw sa kanyang isipan. Tiningnan siya ni Cameron nang may pagka dismaya sa kanyang sarili. Napailing lang ang binata't nag simulang mag lakad papunta sa direksyon ni Resha.
"Anong ibig sabihin nito, Cameron? G-Gusto mo na rin ba akong patayin-"
Naputol ang kanyang sinasabi nang biglang inilapat ni Cameron ang kanyang hintuturo sa labi ng dalaga.
"Hindi, Resha. Hindi kita kayang patayin," bulong ng binata. Itinulak ni Resha si Cameron. Sa lakas noon ay napa upo sa sahig ang dalaga.
"Pero anong ibig sabihin nito? Tell me!" pasigaw na tanong ni Resha habang unti-unti nang naluluha.
"Ayokong mamatay ka tulad ng pag kamatay nila," nang hihinang sagot ni Cameron. Niyakap niya ang dalaga at nag simula na ring mamugto ang kanyang mga mata. Kahit na nalulungkot sa mga nang yayari, kailangan niyang maging matatag. Dahan-dahang tumayo si Resha at muling itinulak ang binata.
"Gusto mong mamatay na ako? Ganon ba?" buong tapang niyang tanong sa binata. Nagulat siya nang biglang lumuhod si Cameron sa kanyang harapan.
"Resha, ayokong patayin ka nila na parang hayop katulad ng ginawa nila sa iba nating classmates. Gusto kong mamatay ka nang hindi ka nahihirapan. Gusto kitang iligtas, Resha. Maniwala ka," emosyonal na paliwanag ni Cameron. Sarkastikong tinawanan lang siya ni Resha't napailing. Nag buntonghininga ang dalaga at bahagyang nginitian si Cameron.
"Death? As salvation? Are you out of your mind, Cameron? Mamamatay ako kung mamamatay ako, pero I won't go down without a fight. Now I feel stupid for thinking that you're different from the rest! Isa ka rin pala sa mga self-centered jerks who only care about themselves!"
Tumayo ang binata nang marinig niya ang pag-angal ni Resha. Pakiramdam niya'y may binabalak ang dalaga laban sa kanya. Kinapa niya ang dalang kutsilyo sa bulsa at hinawakan ito nang mahigpit.
"Cameron," mahinang tawag ni Resha.
"Paminsan-minsan, kailangan nating sumali sa laro para mabuhay," sabi nito sa binata bago niya ito tuluyan sugurin. Nang mahawakan na niya si Cameron para saksakin, nagulat siya nang may biglang tumusok sa kanyang tiyan. Walang nagawa si Cameron kung hindi protektahan ang kanyang sarili. Bahagyang ngumiti si Resha at tiningnan ang binata nang diresto sa kanyang mga mata.
"S-Sorry," pautal-utal na bulong ng dalaga habang unti-unting yumakap sa binata. Hindi magawang tumingin ni Cameron kay Resha. Naka hawak pa rin siya sa kutsilyong pinangsaksak niya rito habang patuloy na umiiyak. Pag hatak niya sa kutsilyo ay mabilis na sumirit ang dugo mula sa sugat ng dalaga. Humakbang ng tatlong beses paatras si Resha kay Cameron habang naka hawak sa kanyang malalim na sugat. Tuloy-tuloy ang pag danak ng dugo mula rito, at alam niyang madali siyang mauubusan ng dugo kapag hindi pa niya ito naagapan. Sising-sisi si Cameron sa kanyang ginawa kaya agad niyang nilapitan ang dalaga. Hinawakan niya si Resha sa mukha habang tinitingnan ito sa kanyang pag hihingalo.
"Resha, sorry. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya, Resha. Patawarin mo ako. Huwag mo akong, iwanan, pakiusap," mang iyak-ngiyak na bulong ni Cameron. Isang matamis na ngiti lamang ang binigay sa kanyang sagot ni Resha bago nito tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata. Napa kunot ng noo si Cameron at sinubukang pakiramdaman ang pulso ng dalaga. Biglang sumabog ang mga luha sa kanyang mga mata nang hindi na niya maramdaman ang pulso ni Resha. Ang masaklap pa noon ay siya ang naging dahilang ng pag kamatay nito. Dahil sa mag kahalong kaba at takot, nag desisyon na muna siyang bumalik na lang sa kanilang dorm at iwanan ang bangkay ng dalaga sa kuwarto. Para siyang patay na nag lalakad sa gitna ng hallway. Wala siyang pakialam kahit na nababasa na siya ng malakas na ulan habang nag lalakad paballik sa kanilang dorm. Bago pumasok ng kuwarto, tiningnan muna niya ang kanyang orasan. Nakita niyang mag-a-alas onse na pala ng gabi. Kumatok muna siya ng tatlong beses sa pintuan. Pinag buksan siya ni Hunter na halatang gulat na gulat na makita ang kanyang sitwasyon.
"O, pre? Ba't ngayon ka lang? Anong nangyari-"
Naputol ang sinasabi ni Hunter nang makita niya ang mantsa ng dugo sa damit ni Cameron.
"Papasukin nyo na yan at umuulan pa naman. Kapag nag kasakit yan, lagot tayo kay Aliza," seyosong wika ni CJ. Halatang wala ang binata sa mood dahil lagpas na ng kanilang curfew nang makauwi ang kasama. Sinubukan siyang tanongin ng kanyang mga kaklase pero kahit isa rito ay hindi niya binigyan pansin. Dumiretso na lamang siya sa banyo upang maligo't mag bihis. Hinintay muna nilang matapos si Cameron bago nila napag desisyonang mag-lights out. Hindi na kinuwestiyon pa ni CJ ang binata dahil alam niyang hindi rin naman siya sasagutin nito. Napag desisyonan na lamang niya na i-report ang insidenteng ito kay Aliza kinabukasan.
Sa gitna ng kanilang mahimbing na tulog, nabagabag ang mga tao sa Room 2078 dahil sa malalakas na kalabog mula sa kanilang pintuan. Nagising silang lahat dahil sa ingay na idinulot nito. Napa tayo si Erizel sa kanyang higaan at agad tinipon ang kanyang mga kasama.
"Guys, mukhang may nang yayari sa labas," nangangambang wika ng dalaga. Bumangon na rin si Alex at nag unat-unat ng katawan. Tiningnan niya ang kanyang orasan at napa buntonghininga habang naka tingin kay Erizel.
"Gosh! Alas dos pa lang, Zel. Sino ba yan?" naba-badtrip na angal niya sa kaklase.
"You don't need to shout, Alex," mahinahong reklamo ni Zoey nna halatang kagigising lang din. Naka tayo na si Erizel habang abala sa pagche-check sa kanilang mga kasama. Tinuturo niya isa-isa habang binibilang kung lahat ay nasa kuwarto. Napa kunot ang kanyang noo nang mapansing wala si Alyssa sa hanay.
"Guys nasaan si Alyssa? nag-aalalang tanong niya sa mga kaklase.
"Sinong Alyssa?" biro ni Alex pero hindi natuwa ang kanyang mga kasama rito. Dumiretso si Erizel sa kanilang storage room para kunin ang susi ng kanilang pintuan at ang flashlight na kanyang gagamitin para hanapin ang kanilang nawawalang kasama. Bago pa man niya buksan ang pintuan, nilingon muna niya ang kanyang mga kaklase para mag paalam.
"Dito lang muna kayo, ha? Hahanapin ko lang si Alyssa," mahinahong paalam ni Erizel sa pag hahanap.
"Gusto kong sumama. Feeling ko kasi magiging masaya ito," misteryosong wika ni Sakura. Napa tingin si Zoey sa kanyang ate habang hawak-hawak si mister Nameless at Mika. Napa tingin si Sakura kay Zoey at bigla siyang hinawakan ng kapatid sa braso.
"Ate, huwag ka nang sumama. Baka kasi mapahamak ka," nag-aalalang wika ni Zoey. Hindi sumagot si Sakura at nginitian lang niya ang kapatid. Ginulo-gulo ni Sakura ang buhok ni Zoey habang naka ngiti. Nag-pout lang si Zoey at nag kunot ng noo.
"Sigurado ka ba na sasama ka, Sakura?" tanong ni Erizel sa kaklase habang tinitingnan si Zoey.
"Oo, sigurado na ako," diretsong sagot ng dalaga.
"Bumalik ka, ate, ha? Mag-promise ka," nag-aalalang wika ni Zoey. Ngumiti si Sakura't mahigpit na niyakap ang kapatid.
"Promise. I'll be back, alive and breathing," bulong ni Sakura sa kapatid. Niyakap ni Sakura si Mika nang mahigpit.
"Mika, siya muna bahala sayo, ha?" paalam ni Sakura kay Mika bago ito muling i-abot sa kapatid. Lumabas na ang dalawa upang hanapin si Alyssa. Kahit na parehas silang may hawak na flashlight, medyo nahirapan silang suriin ang paligid dahil sa makapal na hamog na gawa ng ulan. Nabuhayan ng loob si Erizel dahil naisip nitong madali na nilang mahahanap si Alyssa nang makita niyang tumatakbo papunta sa kanilang direksyon si Tiffany.
"O, Tiffany? Anong nangyari sayo?" bungad sa tanon ni Erizel. Hindi naman nag sasalita si Sakura dahil abala siyang pakiramdaman ang dalaga.
"A? Bumili lang ako ng soda," excuse ng dalaga.
"Gabing-gabi na, a. Nasaan na ang mga kasama mo?" sumunod na tanong ni Erizel. Nag simulang tumulo ang mga luha ni Tiffany pagkatapos marinig ang tanong ng kaklase. Nagulat si Erizel nang biglang napa luhod sa kanyang harapan ang dalaga.
"Sa totoo lang, hindi ko na alam, Erizel. Kanina lang, kasama ko sila, kaso nag kawatak-watak kami noong biglang may nag pakita sa aming babaeng naka-maskara," kinakabahang paliwanag ni Tiffany. Pansin ni Erizel ang takot ng dalaga dahil sa matinding panginig ng mga kamay nito.
"Bakit? Anong nangyari?" curious na tanong ni Sakura.
"Una si Cheska, tas hihingi sana ako ng tulong, pero..."
"Pero?" tanong ni Erizel na halatang interesado sa mga sumusunod na sasabihin ni Tiffany.
"Pero wala akong nakitang gustong tumulong sa akin. Lahat sila'y nag bibingi-bingihan at iniiwasan ako," paliwanag niya. Nakaramdam ng kalungkutan si Erizel kaya agad niyang inalalayang tumayo ang dalaga at niyakap ito nang mahigpit. Bahagyang ngumiti si Sakura at nag buntonghininga.
"Hanggang ngayon pa rin ba, iniiwasan pa rin nila tayo?" tanong niya sa kaklase. Pinunasan ni Tiffany ang kanyang mga luha at tumango. Kinuha ni Erizel ang kanyang panyo mula sa bulsa at agad itong ipinahiram kay Tiffany.
"Hindi ko nga alam, e. Ang akala ko nga rin ay okay na," paliwanag ni Tiffany, dahilan para matawa si Sakura. Mariing napa lunok si Erizel nang bigla siyang hawakan ng mahigpit ni Sakura sa kanyang kaliwang braso.
"Kailangan na nating umalis... naka tingin sila sa atin," kinakabahang bulong niya sa kaklase. Wala na siyang nagawa pa nang hatakin siya ni Sakura pabalik ng kanilang dorm. Pag dating nila sa harap ng kanilang dorm, agad nag pumiglas si Erizel sa pag kakahawak ng kaklase. Mahahalata sa mukha ng dalaga ang pag ka-badtrip sa ginawa ni Sakura.
"Why did you do that? And bakit iniwan pa natin si Tiffany?" naiirita niyang tanong sa kaklase.
"Akala ko sumunod siya," paliwanag ni Sakura habang naka yuko.
"I'm going back there for Tiffany and Alyssa. Who knows? Baka kung ano pang mangyari sa kanilang dalawa. Besides, kapag may namatay sa kanila, hindi ata kakayanin ng konsensiya ko," pag mamatigas ng dalaga.
"Sige. Go out there and tempt death yourself. Nag-promise ako sa kapatid ko na babalik ako at hindi ko iyon iri-risk para sa kanila," paliwanag ni Sakura. Naunang pumasok si Sakura sa loob samantalang pinili munang mag pa-iwan ni Erizel sa labas. Napasigaw na lamang si Erizel nang malakas dahil sa sobrang bad trip. Nag buntonghininga siya at tinutok ang kanyang flashlight sa dulo ng hallway para suriin kung naroon pa si Tiffany. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang isang babaeng naka-maskara na kumakaway sa kanya. Mariin siyang napa lunok nang makitang biglang nag patay-sindi ang hawak nyang flashlight. Dali-dali siyang pumasok sa kanilang kuwarto at mabilis na ini-lock ang pintuan. Napa sandal siya't nag buntonghininga habang mariing naka pikit ang mga mata.
"Sorry, guys, but I think you're on your own for now."