Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 22 - CHAPTER 21

Chapter 22 - CHAPTER 21

Kinabukasan, nag desisyon si Aliza na tipunin sa homeroom ang kanyang mga kaklase. Labis ang kanyang lungkot sa pag kawala ni Alina. Nang hihina ang kanyang katawan at tila wala nang lakas ng loob na lumaban.

"Hindi ko alam kung anong mayron sa seksyon na ito at kung bakit nang yayari ang lahat ng ito sa atin. Hindi tayo maaaring umasa sa mabagal na pag-aksyon ng iba. Marami pa tayo sa klase. Alam kong kaya pa nating gumawa ng paraan. May plano ako pero kailangan ko ang kooperasyon ng bawat isa," dagdag ng dalaga.

"Maasahan mong gagawin namin ang lahat para sa kaligtasan ng bawat isa," tugon ni Erika pero masama ang tingin nila Resha at Cameron sa kanya dahil sa ginawa niya kay Jeff. Hindi nila ito maibunyag sa takot na baka sila ang isunod.

Kumuha si Aliza ng chalk para gumuhit ng mapa sa pisara.

"Ito ang dormitories. Apat na kwarto. Isa sa panlalaking Dorm Apollo at tatlo naman sa Dorm Athena, para sa girls."

"Sino-sino ang mga mag kakasama?" tanong ni Resha.

"Dapat may curfew na tayo: eight o'clock. Bawal ang matutulis na bagay sa mga kwarto. Bawat kwarto may assigned na guardian. Sa Room 1065, ang mag kakasama ay sina Cameron, CJ, Caleb, Eugene, Hunter at Zero. Si CJ ang guardian."

Pumayag ang mga lalaki. Inabot ni Aliza ang susi kay CJ.

"For Dorm Athena, Room 2056: Angela, Arsela, Cathrine, Chantelle at ako. Ako ang guardian," pag papatuloy nito. Wala kumontra sa kanya. Kinuha ng dalaga ang susi at binulsa.

"Room 2077. Ang mag kakasama ay sina Cheska, Erika, Pau, Resha at Tiffany. Ikaw na Tiffany ang magiging guardian," sabi ni Aliza, sabay abot ng susi. Tumango ang ang ibang mga babae.

"And lastly, sa Room 2084. Alex, Alyssa, Erizel, Sakura at Zoey. Ikaw na ang bahala, Erizel."

Ngumiti si Erizel at dinampot ang susi sa mesa.

"Kailangan nating mag-doble-ingat lalo na't lahat ng buhay natin ay nasa panganib. Ang mga guardians ang dapat asahan sa kaligtasan ng ating mga kaklase. Walang pasaway, please?"

Matapos ang anunsyo ay dinismiss na niya ang mga kaklase para makablik na sa kani-kanilang assigned rooms.

Ang grupo nila Cheska ang unang nakapag lipat ng gamit. Lahat sila'y naka upo sa malaking sofa sa sala. Mabigat ang pakiramdam ni Resha dahil kasama niya roon si Erika. Habang nanonood ng TV, nag parinig si Resha.

"Sa tingin nyo, sino kaya sa mga kakalse natin ang kayang pumatay?"

Mariing napa lunok si Erika. Tumayo ito at nag paalam sa mga kaklase.

"A, eh . . . ewan ko? Sige, girls, doon muna ako sa kitchen, ha? Prepare lang ako ng food."

Napa ngiti si Resha sa reaksyon ng kaklase at bumulong sa sarili.

"Marunong din palang makiramdam ang mga mamamatay-tao."

Nang nag simula ang kwentuhan, biglang naalala ni Cheska ang kanyang academic phone. Kinapa-kapa niya ang kanyang bulsa pero wala ito roon. Saka na niya naalalang naiwan pala niya ito sa locker room ng gym. Kinonsulta niya ang mga kasama at nag paalam kung pwede niya itong kunin.

"Please? Baka kasi mawala, e."

"Hindi ko alam kung makapapayag ako sa gusto mo, Cheska. May bukas pa naman, e. Makukuha mo rin yon sa mga guards na mag tatabi," paliwanag ni Tiffany, pero nag pumilit ang dalaga.

Bumuntong-hininga si Tiffany at pumayag din. Tumayo ito para kunin ang susi, pero bago pa man niya mabuksan ang kwarto ay pinigilan siya ni Erika.

"Don't do this! Masyadong delikado."

Napa tingin nang masama si Cheska kay Erika.

"Erika, samahan mo na lang si Cheska sa pag kuha niya ng phone," utos ni Tiffany habang inilulusot ang susi sa doorknob. Pinihit niya ang doorknob at kinuha ang susi sa loob. Pinayagan niyang lumabas si Cheska dahil panatag ang loob niyang gagabayan siya ni Erika. Napa tingin si Erika kay Cheska pero hindi ito pinansin. Mabilis silang nag lakad papunta sa locker room. Pag dating doon, may naramdamang kakaiba si Erika.

"Bilisan mo ha? Para kasing may naka tingin," kinakabahang bulong nito.

"Masyado kang matatakutin," natatawang sagot ni Cheska. Sasagot sana si Erika pero dumiretso na agad si Cheska sa locker room. Naiwang naka tayo sa labas si Erika. Pag lingon niya sa dulo ng hallway ay nakita niya ang isang babaeng naka-maskara. Kasabay nito ang biglang pag-beep ng kanyang phone. May text message: You can run but you can't hide.

Nanlaki ang mga mata ni Erika. Hindi na niya natawag pa si Cheska at tumakbo na pabalik ng dorm. Hingal na hingal nitong ibinalita sa mga kasama ang nakita. Kumuha ng isang basong tubig si Tiffany para ipainom kay Erika.

Napatingin si Erika sa salamin dahil may napansin siyang dumungaw. Napa sigaw siya sa takot. Tumayo si Pau at hinawakan sa dalawang balikat si Erika. Sinampal niya ito para mahimasmasan. Nagulat sila nang maka rinig ng malalakas na kalabog sa pinto. Unti-unting lumapit si Tiffany para buksan ito. Kinilabutan siya sa kanyang nakita.