CHAPTER 14
Alas kwatro pa lamang ng madaling araw pero gising na si Jeff. Naisipan niyang bumalik sa campfire, dala ng pag-aalala. Nauna na kasi siyang umuwi at hindi na naka sabay si Miles, iniisip na nauna na itong umuwi sa kanya pag katapos nilang mag hiwalay.
Sa campfire, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at agad inikot ang lugar.
"Miles! Miles!" paulit-ulit nyang tawag.
Sa sobrang pagod sa kaiikot ay nag desisyon siyang sumandal muna sa isang puno. Bumungtonghininga ang binata. Sa malapit ay nakita niya ang punong naka tumba. Nilapitan niya ito. Nanlumo siya nang makakita ng dugo sa mga dahon. Bukod doon, naramdaman niyang parang may tumutulo sa kanyang buhok. Tumingala siya at napa sigaw sa pugot na bangkay ng babaeng nakabitin sa sanga. At sa katabi nito ay ang isa pang bangkay na nakilala niyang si Hashikawa Lee. Kumaripas ng takbo si Jeff hanggang maka labas ng gulat, at napadpad siya sa tabi ng kalsada. Nanlumo siya at mapaupo nang makita ang ulo ni Miles sa ibabaw ng road sign.
"M-Miles?" pautal-utal na buong ni Jeff sa sarili. Mangiyak-ngiyak ito habang marahan sa pag-angat ang ulang naka tusok.
Pagewang-gewang siyang bumalik sa camp, na parang wala sa sarili, tangan-tangan ang ulo ng dating kasintahan.
"Nandito na tayo, Miles. Ligtas ka na," bulong niya sa mukha na hawak niya. Hinalikan niya rin ito sa labi at saka humalakhak na parang nasiraan na ng bait.
Napa atras ang sikmura ni Tiffany nang madatnan niya ito. Punong-puno ng dugo ang damit ni Jeff habang yakap ang putol na ulo.
"Je-Jeff...?" pautal-utal na tanong ni Tiffany. Ilang sandali pa ay hindi na ito nakatiis at nag simula nang mag sisigaw sa takot. Nag silabasan ang mga estudyante.
"O, bakit? Anong nangya-"
Naputol ang sinasabi ni Aliza nang makita niya ang nakita ni Tiffany. Napa takip sa bibig ang ilan. Ang iba ay nasuka. Sinubukang lapitan ni Tiffany ang binata.
"Ligtas na siya," bulong ni Jeff. Dahil sa sobrang takot, hindi sinasadyang matabig ni Tiffany ang ulo ni Miles mula sa mga kamay ng kaklase. Biglang nandilim ang paningin ni Jeff at biglang sinakal ang dalaga. Sinubukang umawat ng iba pero sadyang malakas ang binata. Gigil ito at nanlilisik ang mga mata.
"Walang sinuman ang pwedeng manakit kay Miles! Mamatay ka! Mamatay ka na!" paulit-ulit niyang sigaw. Nakakita si Aliza ng bote sa sahig at ipinukpok ito sa ulo ni Jeff na agad na nawalan ng malay. Naka hawak si Tiffany sa kanyang leeg at nag habol ng hininga. Inalalayan ng mag kapatid na si Aliza at Alina si Tiffany pabalik sa cabin.
Nang mag kamalay si Jeff, iniwan nila ito sa ibang mga kaklase para mas makapag pakalma.
"Ate, hindi ko na kaya tong mga nangyayari. Hindi kaya si kuya Jeff ang killer?" tanong ni Alina.
"Sabi ko na nga ba, walang magandang maidudulot yang mga transfereeng yan!" iritang sagot ni Aliza sa kapatid.
Sasagot na sana si Alina pero may nakita siya sa bintana. May bahagyang naka silip, natatakpan ng kurtina. Patuloy lang sa pag sasalita ang kanyang ate. Pasimpleng lumapit si Alina sa bintana para biglaang hawiin ang kurtina para makita kung sino ang nasa labas.
"A-Alam kong nandyan ka!" matapang na sigaw ni Alina, pero walang sumagot. Isinarado agad ng ate niya ang mga bintana't pintuan.
Sa may kalayuan, naka tambay sa isang kubo ang mag kakaibigang sina Erika, Arsela at iba pang Beasts, nag kukwentuhan habang pinapakinggan sa speakers ang mga paborito nilang kanta. Sa gitna ng pakikinig, biglang pinatay ni CJ ang radyo dahil naka rinig sila ng parang may nabasag. Napa kunot ang noo ni binata.
"Ang creepy naman!" wika ni Angela habang naka kapit sa balikat ni Samantha. Tumayo sila Angela at Sam at nagawa pang mag selfie-selfie. Sa pagka abala nila rito, hindi nila napansing nahuli na sila. Napadpad ang dalawa sa harap ng isang lumang cabin. Puro sapot at alikabok ang mga dingding at halatang marupok na ang mga kahoy na pundasyon.
Nag alangan silang pasukin ang cabin dahil sa kaba, pero sa huli, katapangan pa rin ang nanaig. Napa lunok si Angela at tumapat sa pinto. Nilingon niya si Sam at agad na sumenyas na umbante. Kumatok si Angela pero walang tumugon. Dahan dahang pinihit ni Angela ang doorknob at itinulak pabukas ang pinto.
Agad silang napa takip sa sumalubong sa kanilang mabahong amoy. Kinapa ni Sam ang switch. Pag kabukas ng ilaw, kinilabutan ang dalawa sa nakitang katawan ng babaeng naka bigti sa kisame. Sumigaw si Angela. Narinig ito ng iba nilang mga kaklase.
"Isn't that Angela's voice?" nag-aalalang wika ni Cathrine. Natahimik ang grupo. Pag karaan ng ilang sandali narinig nila muli ang sigaw. Tumakbo sila sa kung saan galing yon.
Palabas na sana ang dalawa sa cabin nang biglang sumara ang pinto. Paulit-ulit na pinipihit ni Angela ang doorknob pero naka-lock na ito mula sa labas. Naka kita ng maliit na siwang si Angela sa gilid kaya doon siya sumilip. Sa labas ng cabin ang dalawang pigurang may hawak na gas containers. Inikot nila ang cabin para mag hanap ng malalabasan. Hindi rin nila magawang i-text ang mga kaklase dahil walang signal sa loob. Si Sam ang sumunod na sumilip. Pero napa atras ito nang may tumusok sa kanyang mata. Nilapitan siya ni Angela para ilawan gamit ang academic phone. Nabigla ulit siya dahil naiwan pa rin sa mata ang itinusok at nag dudugo na ito. Napayakap siya sa kaibigan nang mahigpit, habang nag simula ang pag kakalabog sa pinto.
Napa kunot ang noo ni CJ nang makita ang dalawang naka-maskara sa tapat ng lumang cabin. Hindi niya masasabi kung ano ang kasarian ng mga ito dahil sa mga suot nila.
"Hoy! Tigilan nyo yan!" sigaw ni CJ habang tumatakbo palapit. Lumingon ang dalawa at nag simulang tumakas. Dumiretso si CJ sa cabin at saka sinipa ang pinto. Humabol din ang iba nila mga kaklase kaya tinulungan nila ito.
Nang matag puan nila ang dalawa sa loob, agad itinakbo si Sam sa clinic, at sinamahan naman ng iba si Angela sa cabin.
Kasalukuyang naka tambay mag-isa si Jeff sa ilalim ng puno. Naka ngiti ito sa sarili, at maya't maya ay biglang tatawa. Nag-iikot noon si Tyrone nang makita niya ang ginagawa ni Jeff. Nilapitan niya ito.
"Jeff, ayos ka lang ba, pre?" Hindi siya sumagot agad. Napansin ni Tyrone na may hawak itong aspile.
"Ako? Ayos na ayos! Lahat din naman tayo mamamatay dito, unahan lang talaga kung sino . . ." Napa atras si Tyrone. Nailang ito kaya umalis na lang at pumunta sa activity grounds dahil doon magaganap ang pulong ng klase kasama ang mga guro.
"I'll be expecting everyone's cooperation. Don't worry ang mga mananalo ay makakatanggap ng prizes," mahinahong pag papaliwanag ng adviser. Maliban sa activities, naging usap-usapan din ang pag kakaroon ni Samantha ng bandage sa mata. Maraming nag tatanong sa dalaga pero hindi ito kumikibo. Pumito ang kanilang guro.
"We're going to another camp tomorrow. There, we will hold a part of the outdoor survival training," paliwanag ni Ms. Lin.
Hati ang naging opinyon ng mga estudyante sa kanilang narinig. May mga na-excite, pero mayron ding mga natakot dahil nga sa pag kamatay ni Miles at Hashikawa.
Bago ipahanda ng guro ang kanilang mga gamit, inanunsyo niya sa klase ang pag kawala ng dalawa kagabi.
"Tama ba itong napasukan natin?" tanong ni Arsela kay Erika nang maka balik na sila sa cabin para mag handa.
"Huwag kang mag alala. Safe naman tayo kung di tayo hihiwalay sa klase," payo nito. Bahagyang napangiti si Arsela't tumango.