CHAPTER 15
Maagang ginising ang mga esudyante. Hinati sa dalawang grupo at saka pinapila. Si Ms. Gomez ang magha-handle sa red team, at si Ms. Lin naman sa blue. Tumayo ang mga estudyanteng naka suot ng pulang shirts para isa-isang mag pakilala sa harap. Sabay-sabay nilang isinigaw ang: "We are the red team!"
Pag katapos nito, sila ay nag palakpakan at nag hiyawan. Sumunod ang blue na ganon din ang ginawa, maliban sa cheer nilang "We are the blue team!" Nag hirang ang advisers ng isang leader sa bawat grupo: si Angela para sa red, at si Hunter naman para sa blue.
Pag tapat ng alas onse, saka i-dinismiss ang dalawang pangkat para mananghalian. Sa lakeside pumuwesto ang red team, at ang blue naman ay sa katabing greenhouse.
Masaya ang lahat, maliban kay Alex na ka-team ang karibal niyang si Lacus. Mag katabi sila sa mesa at walang kibuan, hanggang sa maisipan ni Alex na asarin ang katabi.
"He's mine," bulong nito at napa harap si Lacus.
"You wish." Naka tingin lang siya kay Alex, siya ay ngumiti at nakakalokong kumindat pa. Sa halip na patulan, inirapan na lang niya ito.
Nagulat sila nang biglang hampasin ni Hunter ang mesa.
"Blue team! Let's do this thing!" sigaw nito kaya nag simula nang kumilos ang mga kasamahan niya. Maingay din sa grupo ni Angela. Kinuha niya ang kanyang pink na mic.
"Let's show them how cheering is supposed to be done. Red team for the win!" Abala ang dalawang grupo sa kakapraktis ng kani-kanilang cheers. Pag katapos ng ensayo ay nag bigay ng anunsyo ang mga advisers na dinig mula sa mga speakers sa paligid.
"Class 4-6, please proceed to the recreational area. Make sure you're all prepared before we start."
Pag kadating sa venue, ginamit nila ang natitirang oras para ayusin ang kanilang costumes at puliduhin ang mga steps. Nagulat ang dalawang grupo nang makita nilang mayron pala silang audience.
"First of all, I would like to thank our friendly councilors and their students for joining us today. After the performances, we will approach you one-by-one to collect your votes," masiglang panimula ni Ms. Lin. Sumunod na nag salita si Ms. Gomez.
"Choreography and execution is worth forty percent. Synchronization and rhythm is worth twenty percent. Costume and props will be worth fifteen percent. Clarity and content will be worth five percent, and lastly, overall impact will be worth five percent as well, for a total of one hundred percent."
Unang tinawag ang grupo ni Hunter. Sila kasi ang naka kuha ng mas maikling stick sa bunutan. Inayos nila ang kanilang formation. Bawat miyembro ng blue team ay naka suot ng blue shirt, pantalon at sneakers. Mayron ding suot si Hunter na warrior headdress, at headband naman para sa kanyang members. Bukod dito, mayron din silang inilagay na facepaint.
Bago mag simula ang kanilang performance, nginitian ni Hunter si Angela't napailing.
"Hold on to your seats, red team, for blue team's coming to bring home the ace."
Sinalubong ng masigabong palakpakan ang kanilang performance.
Bago matapos ang routine nila, pumuwesto ang mga babaeng miyembro sa harapan. Lahat ay naka-kulay asul na dress at may kanya-kanyang hawak na microphone. Sabay-sabay nilang kinanta ang chorus sa tono ng I Saw The Signs ng Ace Of Base. Nag hiyawan ang audience dahil magaganda ang kanilang mga boses at suwabe ang mga binibitawang steps.
Pag katapos ng performance, kinuha ni Hunter ang isa sa mga microphones at nag presenta ng acrostic.
"'B' for 'brave'!" sigaw ni Tiffany na nasundan ng malakas na pag suntok sa hangin.
"'L' for 'loving'," malambing na wika ni Arsela na nasundan ng pag lapat ng kanyang palad sa dibdib.
"'U' for 'unique'," confident na wika ni Cameron na nasundan ng papogi points sign niya.
"And 'E'' for 'exquisite'," huling banat ni CJ.
Natapos ang kanilang performance na may ngiti sa kanilang mga labi. Nag palakpakan ang audience. Tinipon ni Hunter ang kanyang mga miyembro at nag akbay-akbay hanggang sa maka-form ng bilog. Saba-sabay nilang itinaas-baba ang kanilang mga nakakuyom na palad sabay sigaw ng "Fight! Blue team, fight!"
Sunod naman ang red team. Kinabahan si Angela dahil makinis ang performance ng kalabang grupo. Mariin siyang lumunok at bumuntonghininga. Pag katapos ay hinarap niya ang mga kasama.
"Ready?" Tumango ang lahat.
"Let's show them how it's done!" Pumunta silang lahat sa kanilang formation. Bago mag simula, tumingin si Angela kay Hunter tulad ng ginawa ng binata sa kanya kanina. Kinuha niya ang mic.
"Watch out, blue team, because red is going to blue you away," pag katapos ay hinipan niya ang kanyang pink whistle. Maliban sa red outfits ng grupo, ang bawat isa ay may suot ding koronang gawa sa pulang papel; kumikinang dahil balot ang mga ito ng glitters.
Sabay-sabay nilang isinigaw ang kanilang cheer. Sumunod ang patugtog ng kantang Royals ni Lorde. Nag hiyawan ang lahat. Puwesto ang mga dalaga sa harap para i-lead ang performance. Katulad ng blue team, nag labas din ng placards ang red. Sa bawat isa ay may letrang naka sukat.
"'R' or being 'ravishing' inside and out!"
"'E' for being always 'ebullient'"
"And 'D' for 'dauntless'!"
Pag katapos ay nag hawak-hawak sila ng kamay at sabay-sabay na nag-bow. Natapos ang performance ng dalawang grupo na puno ng hiyawan at palakpakan. Alam ng dalawang lider na parehas na maganda ang kanilang mga peformances. Isa-isang kinuha ni Ms. Lin ang mga boto ng audience. Kinabukasan ang anunsyo ng panalo.
Alas kuwatro na nang matapos ang activity. Pinag handa ang mga estudyante para sa camping in the woods ng gabing iyon. Excited ang lahat dahil dito sila tuturuan ng wilderness at survival skills.