CHAPTER 16
Kulay kahel na ang kalangitan nang maka rating ang red team sa kanilang camp site. Pinag hiwalay ang dalawang grupo para raw mas matutukan sila. Naka upo ang buong red team, nag kukwentuhan, nag kakatuwaan at ang iba naman ay kumakain. Dumating ang kanilang adviser na dala ang mga kahoy.
"Halina't tulungan nyo akong gumawa ng campfire," yaya niya sa team.
"That'll be fun, po! But who's going to make gawa the apoy for us?" angal ni Angela sa kanyang guro at nag-pout. Nginitian lang siya ng guro at tumingin sa mga binata. Naka poker face lang si Zero habang pinag mamasdan siya ng guro, tila wala siyang interes dito.
"Zero, Tyrone at Caleb, since kayo ang mga binata sa grupong ito, kayo na lang ang bumalik sa camp para kunin ang mga tents."
Napailing na lang is Zero nang makitang nauna na ang dalawa niyang kaklase sa pag kilos. Binilisan niya ang pag lalakad para maka habol.
"Pre, may natitipuhan ka ba sa mga classmates nating babae?" tanong ni Caleb. Nagulat ang dalawa sa tanong ng kaklase. Si Caleb kasi ang tipong mahiyain. Pero habang tumatagal ay nagiging sociable na siya. Tiningnan lang siya ni Zero't nag kibit-balikat. Samantalang panay bungisngis naman si Tyrone.
"O? Ikaw, Tyrone? Sino nga ba yang pinupusuan mo at natatawa ka?" asar ni Caleb at umakbay. Ngumiti lang ulit ang binata.
"Secret. Ipag kakalat mo pa."
Napa taas ang kilay at natawa si Caleb sa sagot ng kaklase. Napa tingala ang mga binata nang unti-unting nang mag dilim ang daan dahil pakapal na nang pakapal ang kakahuyan na dinadaanan nila. Mabuti na lamang at may dala silang mga flashlights.
"Si ano crush mo, no?" tanong ni Caleb kay Tyrone.
"S-Sino?" nahihiyang sagot ni Tyrone na malamang ay namumula na.
"Si Arsela ba? Pansin ko kasi, lagi mo siyang tinitingnan."
"Aah-ha? H-Hindi, ah!" pautal-utal na sagot ni Tyrone pag katapos ay lumihis ng tingin. Malapit na sila sa Koch's Camp nang bigla silang maka rinig na naka bibinging ingay.
"Putok ng baril 'yon, a," pag hihinala ni Caleb. Tumango lang si Tyrone habang si Zero nama'y naka-poker face pa rin. Binilisan nila ang pag lalakad. Isinuot ni Zero ang kanyang headphones na naka saksak sa music player. Nainis si Caleb sa pag kabastos at pagka-walang bahala ni Zero. Kinuwelyuhan niya ito.
"Ano bang problema mo?" nag hahamong sigaw ni Caleb sa kaklase. Nag kibit-balikat lang si Zero kaya lalong napikon si Caleb. Hinatak niya ang headphones ni Zero't pinutol ito at saka pibulot. Nag patuloy sa pag lalakad si Zero samantalang bumalik naman si Claeb para hanapin si Tyrone.
Naka upo si Tyrone sa putol na puno para mag pahinga. Hindi siya maka paniwala na nagawa pang mag-away ng dalawa niyang kasama. Lumipas ang ilang minuto bago tumayo ang binata para mag patuloy. Mariin siyang napa lunok nang mapagtanto niyang nawawala na pala siya. Sininagan niya ng flashlight ang paligid pero hindi pa rin niya malaman kung nasaan na siya. Nabitawan niya ito nang muling maka rinig ng putok ng baril mas malakas kaysa sa nauna. Napuno siya ng takot. Naka rinig siya ng mga yabag ng sapatos kaya napatago siya sa likod ng pinaka malapit na puno. Sa pag silip niya, nag taka siyang may taong nakasuot ng school uniform nila. Pinaparaan nito ang hawak na blade sa mga nadaraanang puno. Nabalot siya ng lamig at mas malalang takot habang palapit na nang palapit ang naka-uniporme.
Naka hinga siya ng maluwag nang mawala na ang tunog ng mga sapatos. Sa pag-aakalang wala na ang kanyang nakita, lumabas siya mula sa pinag tataguan. Napa hinto siya nang maka rinig ng naka pangingilabot na tawa sa kanyang likuran. Mariin siyang lumunok at lumingon. Napa sigaw siya nang makita ang naka-maskarang estudyante. Sinubukan siya nitong saksakin pero naka ilag siya. Nang maka hanap ng pag kakataon, kumaripas ng takbo si Tyrone para tumakas.
"Caleb! Zero! Asan na ba kayo?" paulit-ulit niyang sigaw habang tumatakbo. Napa tingin siya nang maka kita siya ng liwanag sa direksyong kanyang tinatakbuhan. Malapit na siya nang bigla siya mahulog sa pithole. Napilayan siya sa lakas ng pagka bagsak. Humingi ito ng saklolo pero walang sumasagot.
"Bakit ba kase ang tanga tanga mo, Tyrone? Pumunta ka pa rito . . ." naiinis niyang bulong sa sarili. Narumihan na ng alikabok ang suot niya. Wala siyang ibang magawa kundi tumingala at pag masdan ang langit. Napangiti siya nang maalala niya ang kanyang pamilya. Isa kasi ang kanyang pamilya sa mga mahihirap na pinag kalooban ng paaralan ng full scholarship bilang parte ng kanilang charity project. Hindi man siya kabilang sa mga top students, proud pa rin sa kanya ang mga magulang niya.
Kinilabutan si Tyrone nang marinig ulit ang halakhak ng estudyanteng naka-maskara. Tumingala ulit siya at nakitang may hawak-hawak itong gas container.
"Sino ka ba? Paalisin mo ako rito!" sigaw niya. Umiling lamang ang estudyante't tinawanan siya.
"Pakakawalan kita pero kumain ka muna ng lupa," utos niya sa binata na nasundan ng malakas na halakhak.
"Hindi ako magiging laruan! Patayin mo na ako kung papatayin mo ako!" matapang niyang sigaw. Tumayo si Tyrone at sinimulang kalmutin ang lupa para subukang maka gawa ng maaakyatan. Tinawanan lang muli siya ng estudyante.
"Hangal! Huwag kang mag panggap na malakas! Mamamatay ka ngayon dahil mahina ka katulad ng magulang mo!" nang gigigil na sigaw ng babaeng naka-maskara at saka siya hinagisan ng mga litrato.
Nanlumo si Tyrone nang makita niya ang bangkay ng kanyang mga magulang sa unang litrato. Puno ng saksak ang mga katawan nito. Bukod dito ay ang class picture nila. Siya naman ngayon ang mayrong markang ekis sa mulha. Tumulo ang kanyang luha't mas lalong pinag-igihan ang pag gawa ng matutungtungan para maka alis mula sa pit.
Napa ngiti ang estudyanteng nasa likod ng maskara nang makita niya ang desperasyon ng binata. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang naka-maskarang estudyante't walang alinlangang ipinaligo ang gas kay Tyrone habang kumakanta ng nursery rhyme na Ring Around the Rosy.
"Pag sisisihan mo ito!" banta ng binata. Napa hinto ang naka-maskara sa kanyang ginagawa.
"See you in hell," sabi nito at pag katapos ay sumindi ng posporo. Alam ni Tyrone na mamatay na siya sa mga oras na iyon. Hinawakan niya ang litrato at ngumiti.
Sa huling pag kakataon, naalala niya ang kanyang masasayang alaala kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
"God, kayo na pong bahala sakin," naiiyak niyang bulong sa sarili habang naka tingin sa malawak na kalangitan. Pag katapos ay mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata para mag dasal. Binitawan ng naka-maskara ang posporo. Pag dapo nito ay agad nag liyab ang apoy.
Halos mag kasabay na naka balik ng camp ang dalawang binata, bitbit ang pinapakuha ng guro. Nag tulong-tulong ang ibang miyembro sa pag tayo ng tent, pero agad din hinanap ng guro sa dalawa ang isa pa nilang kasama.
"Nasaan si Tyrone?"
"Hindi ko po alam," matipid na sagot ni Zero.
"Akala ko po nauna na siyang naka balik dito," paliwanag ni Caleb na naka hawak sa batok.
"S-Subukan nyo ngang tawgan," utos ng guro. Narinig ni Angela ang pag uusap kaya't siya na ang tumawag. May narinig silang ingay mula sa bag ni Tyrone. Binuksan iyon ni Angela at natagpuan doon ang academic phone ni Tyrone. Iniabot niya ito sa guro.
"Hindi maaari ito. Angela, bantayan mo mga kaklase mo at tatawagan ko ang mga kinauukulan."
Makapal ang usok na nang gagaling sa isang banda ng blue team camp. Agad iyong napansin nina Eugene sa kalagitnaan ng katuwaan.
"Kita nyo ba iyon? Mukhang may nasusunog!"
"Pupuntahan ba natin?" sagot ni Alyssa.
"Huwag! Masyadong masukal ang daan. At isa pa, baka mapahamak pa tayo," angal ni Cheska.
"Oo tama si Cheska, ang mga awtoridad na ang bahala. Sa ngayon, walang aalis, maliwanag?" paliwanag ng guro.
Pinatay ng babaeng naka-maskara ang apoy. Umupo siya't uminom ng soda. Kinuha niya ang kanyang handgun sa bag at pinaulanan ng bala ang natupok nang katawan ni Tyrone. Tuwang-tuwa siya habang ginagawa ito. Pag katapos noon ay nag bihis na siya at bumalik sa camp. Nadatnan niyang masayang nag kukwentuhan ang mga kaklase.
"O, saan ka galing? Ang tagal mo naman," tanong ng isa sa kanila. Ngumiti lang siya at pinakita ang kanyang hawak na soda.
"Nag palamig."
Inalok siyang maki sama sa kasiyahan. Hindi nag tagal ay pinatunog na ang horn, hudyat na dapat nang matulog.