CHAPTER 18
Kinabukasan, purong takot at pangamba ang nangibabaw sa dalawang grupo. Nang hina si Ms. Gomez nang mabalitaan ang nangyari. Wala nang umintindi ng activities at kung sinong grupo ang nanalo. Nag desisyon ang natitirang adviser na maagang lisanin ang Koch at bumalik sa St. Venille. Inutusan niyang mag handa na ang mga estudyante para sa pag-alis.
Makalipas ang ilang oras, dumating na ang mga bus na mag hahatid sa kanila.
Bago sila umalis ay binuksan ng driver ang radyo para kontakin ang paaralan. Naka upo na ang lahat nang biglang may marinig silang kakaibang ingay. Napa takip sila ng tenga sa sumunod na nag halong sigawan at halakhak mula sa radio.
Biglang may ibang boses ng lalaki na humihingi ng tulong. Agad bumaba ang guro't ineksamin ang paligid. Tumayo si Sam at pumunta sa harapan.
"Kailangan natin kumilos!" sigaw niyam Lahat ay sumang-ayon maliban kay Zoey. Napa kunot ang noo nito nang lumingon sa bintana at nakitang may kung anong mga papalapit sa direksyon nila. Nang mas maka lapit pa ang mga ito nang kaunti ay napa sigaw si Zoey.
"Ate Sam, alis diyan!" sigaw niya. Lumingon si Sam sa labas at nanlaki ang kanyang mga mata. Sa isang iglap, nabasag ang harapang salamin ng bus at nag liparang ang mga bubog kay Sam. Namatay ang driver dahil sa tumamang matulis na salamin sa kanyang leeg. Dahan-dahang humarap si Sam sa kanyang mga kaklase. Naka nganga ito at napa hawak sa tumagos na sibat sa kanyang tiyan bago ito matumba at mabawian din ng buhay.
Tumakbo sino Lacus at Erizel papunta kay Sam. Wala na raw itong pulso. Nag-panic ang buong klase. Biglang pumito si Angela. Mapapansin sa katawan ng dalaga ang matinding panginginig ng kanyang mga kamay pero pinilit niyang mag tatapang-tapangan upang pakalmahin ang mga kasama. Sinabihan niya ang mga ito na maupo muna sa sahig at huwag dudungaw sa bintana sa pangambang baka may sumunod pang atake. Sa pag kakayuko ay may bigla itong naalala.
"Si . . . si Eugene. Wala siya rito," sambit nito. Narinig ito ng iba niyang mga kaklase, nag halo ang takot at pag tataka sa kanilang mga mukha.
Patakbong bumalik ang adviser sa kanyang mga estudyante. Narinig nito ang sigawan. Nanlumo itong nakita sa loob ang mga bangkay ng dalawang biktima. Napa ikot siya at nakita ang nag kalat na mga litrato sa paligid. Mga kopya ng class picture ng kanyang mga estudyante na puro ekis ang mga mukha.
Pinag madali niyang pumasok sa pantry ang mga estudyante. Doon ay nabanggit ni Angela ang tungkol kay Eugene. Nakumpirma nilang nauna na ito: sumama umano siya sa ibang camp pabalik ng siyudad. Pina upo muna ng guro ang mga estudyante habang kinokontak ang mga kinauukulan. Dalawang oras ang lumipas bago dumating ang mga bagong bus. Habang nasa daan ay nasalubong nila ang mga pulis na nag-iimbestiga.