Chereads / Class Picture (Tagalog Novel) / Chapter 18 - CHAPTER 17

Chapter 18 - CHAPTER 17

CHAPTER 17

Madilim na ang kalangitan nang mag simulang magtayo ng tent ang blue team. Abala ang lahat sa pag tatayo ng tent at pag-aayos ng iba pang mga dalang gamit.

Nag plaskitan na naman sina Alex at Aliza kaya sinuway sila ni Tiffany. Ipinilit ng iba na mag-games na naman pero hindi na iyon pinahintulutan ni Ms. Lin.

"Gabi na. Delikadong mag laro sa gubat."

"I agree. Lalo na't ang dilim-dilim," dagdag ni Chantelle.

"Why? Natatakot ka ba sa multo?" pang-aasar ni Aliza.

Napayuko si Chantelle sa hiya habang pinag tatawanan siya ng ibang kaklase. Tumayo ito sa kinauupuan at nag kulong sa loob ng tent. Sinundan siya ng guro para kausapin pero hindi ito pinag buksan ng dalaga.

Naka bibingi ang katahimikan. Hindi na itinuloy ng guro ang activities at pinatulog na lamang ang mga estidyante. Pumasok na rin si Ms. Lin sa kanyang tent para mag pahinga, pero doon siya naka tanggap ng isang text: Miss Lin, please proceed to the main office. There is someone looking for you here.

Matapos mabasa ito ay pinuntahan niya si Hunter upang pansamantalang ipagkatiwala sa kanya ang kaligtasan ng kanyang mga kaklase.

"Hunter, I'll be right back. Pinapatawag kasi ako sa camp, may nag hahanap daw sakin. Ikaw na munang bahala, ha? Don't worry, this will be quick."

Tumango ang binata. Hindi na nag paalam si Ms. Lin sa ibang mga estudyante.

Tinipon ni Hunter ang lahat upang ipaliwanag ang biglang pag-alis ng kanilang adviser.

"O, ano? Ituloy na ba natin ang game?" excited niyang alok sa ka-team. Pumalakpak si Arsela at itinaas ang kamay. Nag sitaasan din ng kamay ang iba.

"Hide and seek!" enthusiastic na anunsyo ni Hunter sa kaklase.

"Ooh, that'll be fun. Just make sure hindi ako ang taya, a," pabebeng pag-interject ni Alex.

"Hunter, hindi ba delikado?" angal ni Erizel, dahilan para mapatingin sa kanya si Alex na nagtaas ng kilay.

"If you don't want to join, that's fine. Who wants to play with some boring detective wannabe, anyways?"

"Anong sabi mo?" sigaw ni Erizel sa dalaga. Hindi na sumagot si Alex at nginitian lang siya. Agad silang sinaway ni Hunter at itinuloy na lang sa pag-explain ng dynamics ng version nila ng taguan.

"Dalawa ang taya. Regular hide-and-seek rules apply. Yun nga lang, bawal lumayo ng vicinity. Ang area natin ay sa loob lang ng apat na lightposts na nakapaligid."

Sumang-ayon ang lahat. Kumuha si Hunter ng soda bottle at ipinaikot ito. Ang dalawang matatapatan ay magiging taya. Napa ngiti si Hunter nang huminto ang bote tumapat kay Erizel. Ang pangalawa naman ay si Lacus.

Isa-isa silang tumayo sa kinauupuan para simulang na ang laro. Nag takip na ng mata ang dalawang taya at nag simulang mag bilang. Nag kanya-kanyang tago ang mga estudyante.

Sa kalagitnaan ng excitement ay hindi na namalayan nina Cameron at Resha na naka lagpas na sila sa boundary. Napadpad sila sa isang lumang bahay sa gubat. Mula sa terrace nito ay kitang-kita ang mga tala sa malawak na kalangitan. Pa-simpleng hinawak ni Cameron ang kamay ni Resha.

"Ang ganda," bulong ni Cameron.

Kahit kinikilig ay mas nangibabaw ang kaba kay Resha.

"Cameron, bumalik na tayo."

"Huwag kang matakot. Kasama mo naman ako, e. Hindi kita iiwan."

Naputol ang kanilang usapan dahil sa malalakas na yabag ng sapatos sa paligid. Agad hinatak ni Cameron ang dalaga papasok sa loob ng buhay at nag tago sa loob ng kwarto. Nag buntonghininga siya't napa sandal nang makitang si Jeff lang pala ito.

"Si Jeff lang pala. Tara na, labas na tayo," yaya niya sa binata. Tatayo na sana siya nang muli siyang hinatak pababa ni Cameron. Napa higpit ng hawak nito sa kanyang braso.

"Ano ba! Nasasaktan na ako, ha!" napa lakas niyang angal sa binata. Tiningnan siya ni Cameron sa mata at inilapat ang hintuturo sa labi niya.

"Hindi lang siya. 'Wag kang maingay."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Muli, nilapitan niya ang butas para sumilip. Si Erika naman ang sumunod. Naka pangalumbaba si Jeff at abala sa tila isa pa nilang kausap.

"Ang ganda ng view dito, Miles! Ang saya-saya ko lalo't kasama kita," bulong niya. Papalapit nang papalapit si Erika kay Jeff habang palihim na may hawak na bote sa kanyang likuran.

"I love you, Miles!" sigaw ni Jeff sa kawalan na siya namang lapit ni Erika para bulungan ang binata.

"I love you, too!"

Napa lunok ang binata sa kanyang narinig at agad napa harap sa dalaga. Nakita niya si Erika. Binuksan ng dalaga ang hawak na bote at ibinuhos ang laman nito sa ulo ng binata. Napa takip ng mga mata si Jeff habang sumisigaw sa hapdi ng asido. Bahagyang napa ngiti si Erika sa walang kalaban-labang binata. Inilabas niya ang baong kutsilyo para saksakin ang kaklase. Humakbang siya nang paatras para maka ilag, pero dahil hindi na nakapag tansiya nang maayos ay napa sobra ang hakbang nito, dahilan para mahulog ito mula sa terrace. Sumilip si Erika at nakitang naka tagos sa lalamunan ng kaklase ang bakal na kinasasabitan ng blue team flag. Ngumisi siya at binasag ang hawak na bote. Sumandal siya sa pader, tila nahimasmasan at nag-iba ng persona. Nag simula siyang umiyak.

"S-Sorry, Jeff! Kailangan ko talagang gawin ito, e," nanginginig niyang bulong sa sarili. Nanginginig siyang tumayo at nag simulang mag lakad palayo sa terrace.

Samantala, hindi maka paniwala si Resha sa kanyang nasaksihan. Naka hawak siya sa kanyang bibig habang pinapanood ang pag patay. Sinubukan itong kausapin ni Cameron pero natahimik na lang ito sa ilalim ng iniisip. Inalalayan niya ang dalaga para maka balik na silang pareho sa kinaroroonan ng kanilang team mates, pero nadatnan nila ang buong team na naka palibot sa flag.

"S-Si Jeff!" nanginginig na bulong ni Cameron sa sarili.

Nanlaki ang mga mata ni Resha sa wasak ng lalamunan ng binata at ang halos lusaw na kutis nito sa mukha. Hindi nag-aksaya ng panahon si Hunter at agad iginrupo ang natitirang team mates para hanapin si Ms. Lin.

Natagpuan nila itong naka gapos sa isang pillory na gawa sa salamin. Ang kanyang ulo't mga kamay ay naka pasok sa mga maliit na kung anong bilog. Kapansin-pansin ang kanyang bibig. Napa luha ang marami sa kanila.

"T-Tulungan nyo ako!" utal-utal niyang sigaw habang dumadanak ang mga dugo mula sa sariwang sugat. Nag hahabol siya ng hininga't umiikot na rin ang kanyang paningin.

Nataranta ang mga estudyante. Ang iba ay sumaklolo, habang ang iba nama'y sinubukan tawagan ang adviser. Nagulat sila nang marinig ang malakas na boses mula sa speaker.

"Blue team, let's play a game."

Nag tinginan ang bawat isa. Sa pag kakataong iyon ay iba naman ang boses: buo't nababang boses ng lalaki.

"Kung sino ka man, tigilan mo na 'to! Maawa ka samin!" pakiusap ni Hunter habang naka upo naman sa sahig si Erika at umiiyak. Hindi maiwasan ni Cameron na mainis sa dalaga, pero noong oras na iyon, kailangan nilang gumawa ng aksyon para mailigtas si Ms. Lim.

"Mayroon kayong limang minuto para iligtas ang madaldal nyong guro mula sa pillory! At kung hindi kayo umabot, alam nyo na ang susunod na mang yayari!"

Napa lunok si Hunter, pero naniniwala siyang kaya nila iyong gawin bilang isang grupo. Ayaw niya na may mangyari pang trahedya sa kanila, lalo na't siya ang lider.

"Subukan nyo muna alisin ang sa ulo," suggestion ni Erizel. Bahagya nilang iginalaw-galaw ang ulo ni Ms. Lin mula sa pag kaka-trap nito sa pillory, pero bawat galaw ay salaming tumutusok sa kanya. Inalalayan nila ang likod ni Ms. Lin at dahan-dahang hinatak ang katawan nito mula sa mga butas ng pillory. Wala pa rin nangyari. Nadagdagan lang ang mga estudyante, hindi na alam ang gagawin.

"Time's up! Good night, teacher!" sabi ng boses mula sa speakers. Mayrong tunog ng makina na umalingawngaw.

"G-Goodbye..." paalam ni Ms. Lin. Nag sigawan ang mga estudyante nang biglang bumagsak sa ulo't mga kamay ni Ms. Lin ang mga malapad at matalim na blade mula sa tuktok ng pillory.