Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Powerof Seven

🇵🇭Aftoktonia
--
chs / week
--
NOT RATINGS
32.8k
Views
Synopsis
Kilalanin si Ayeng Dela Cruz, isang anak mahirap at mag aalaga ng pitong anak na pinakamayayaman sa bansa. Matiwasay at tahimik lang ang buhay niya kaya sino bang mag aakala na may isang malaking oportunidad na darating sa buhay niya. Handa nga ba siya sa kanyang haharapin? Lalo't hindi lang isa ang aalagaan niya kundi pito na mas kilala sa tawag na " Power of Seven. "
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologo

MAYROON akong pitong aalagaan hindi sila mga bata— dahil sila'y mga binata na. Bukod doon ay anak din sila ng mga pinakamayayaman sa bansa, hindi lang dito sa Pilipinas kilala ang pito maging pati narin sa ibang bansa.

Juno Buenavisto. Ang pinakamayaman sa pito, mayroon silang malalaking mall na halos makikita mo sa bawat lungsod mula Luzon, Visayas at Mindanao. Hindi nga lang daw ito mahilig magsalita, palaging nagkukulong sa kwarto, ayaw niyang madadampian ng sikat ng araw pero hindi naman siya allergic dito ah. Mas gugustuhin lang talaga ng lalaking ito na magkulong sa kanyang kwarto kaysa makihalubilo at makipag-kaibigan sa iba, mabuti nalang at nandiyan ang anim.

Mino Pakorn. Half Filipino at Half Thai naman ang isang ito, ang kanyang tatay ang may dugong ibang lahi at ang kanyang nanay naman ang Pilipina. Sobrang mahilig ito sa musika iyon kase ang gusto niyang i-pursue kapag nakapagtapos na siya ng pag aaral, syempre hindi sang-ayon dun ang pamilya niya dahil ang gusto ng mga ito ay pagtuunan nang pansin ang pagpapalaki ng kanilang business, kaya kahit siya ang pangalawa sa pinakabata sa kanilang pito maagang namulat ang kanyang kaisipan na maaaring hindi na niya matupad ang lahat ng kanyang minimithing pangarap.

Ethan Hawker. Half Australian at Half Filipino, halata naman sigurong imported ito kase kita naman sa kanyang pangalan. Siya ang pinakamatalino sa pito, sa katunayan mahilig siya magbasa ng libro at pangarap niyang makapagtayo ng sariling National Library sa ating bansa kase naniniwala siya sa kasabihan na "Knowledge is Power." Ang pagbabasa ng libro ang tangi niyang libangan sa buhay bukod doon ay wala na akong nalalaman na iba pa tungkol sa kanya may pagkamalihim daw kase ang lalaking ito.

Darrex Lavisto. Pinaka-maingay sa pito, mahilig makipagtalo at mahina ang pasensiya bukod doon ay hindi lang asal ang nakakabanas sa lalaking ito pati narin ang bisyo niya na manigarilyo. Ang pinaka ayaw ng lalaking ito ay hindi nasusunod ang gusto niya dahil magkakaroon ng World War Three kapag hindi nangyari ang gusto niyang mangyari, matigas talaga ang ulo niya pero hindi ko alam kung pati ang puso niya iyon lang kase ang nalalaman ko sa ngayon.

Jazerou Isler. Sa kanilang pito ito siya ang pinaka mahilig sa babae kase kaligayahan nito ang manuod ng mga babaeng nakahubad sa iba't-ibang porno sites, may isa pa akong nalaman tungkol sa kanya dahil ayaw raw nito ang nagsusuot ng damit at salwal hindi daw kase siya komportable na may suot kaya mas maigi kung nakahubo't-hubad daw siya. Ang totoo nga niyan ay minsan pati ang pagsuot ng undies ay nakakalimutan nito, ayoko na sana sabihin kung ano ang pinakapangarap niya sa buhay dahil sikreto lang daw ito pero gusto niya talagang maging sikat na porn star.

Knight Velasquez. May dugong amerikano at pinoy naman ang isang ito na ang hilig ay uminom ng alak kase nakakalimutan daw niya ang lahat ng kanyang mabibigat na problema sa tuwing nakakainom ng alak. Ang pamilya kase nito ay Liquor Industry ang pinakasentro ng negosyo kaya naging ganoon nalang ang naging hilig nito sa alak.

Titus Devour. May dugong amerikano at pilipino din ang isang ito, siya ang pinakabata sa kanilang pito. Ang hilig niya ay maglaro ng mga video games at online game, dito raw kase nito natagpuan ang kasiyahan na hindi niya matagpuan sa kanyang pamilya, maaga kaseng pumanaw ang kanyang ina kaya nang makapag-asawa ng iba ang kanyang ama ay hindi nito matanggap, sa ngayon hindi ko pa alam ang dahilan pero hindi naman na importantate 'yon.

At ako naman si Ayeng Dela Cruz, ang mag-alalaga sa kanilang pito. Syempre, ang akala ko din nung una'y bata lang talaga ang aalagaan ko, 'yung tipong kailangan mo pang salpakan ng tsupon sa bibig para makatulog pero sa kaso ko hindi pala, kaya laking gulat ko nang malaman na pitong binata pala ang aalagaan ko. Pero dahil sa kahirapan, sa bahay't lupa na ipamimigay nila at sa isang milyong salapi, sinong tatanggi sa ganoong inaalok? Malamang, wala, walang magdadalawang isip kapag narinig ang mga mabubulaklak na salitang iyon, kaya gagawin ko talaga ang lahat sa abot ng aking makakaya.

Walang hindi makakaya sa ngalan ng pera. May kasamang demonyong tawa yun ah.

Plagiarism is a crime

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is intirely coincidental.

Authors Note: