Juno's POV
"Sino 'yan?"
Napasulyap muli ako sa mukha ng babaeng nakahiga sa sofa, mahimbing itong natutulog na nakabukaka pa ang mga paa habang nakaunat naman ang mga kamay nito. Parang 'di babae kung matulog, tulo laway pa.
"Sino ba 'yan?!" asik ni Darrex dahil walang pumapansin sa kanya abala lang kami sa panonood sa babaeng natutulog.
Sa tagal na pamamalagi namin dito sa Square ay ngayon lang ako uli nakakita ng babae. Babaeng 'di marunong magsuklay at parang 'di yata naliligo, nakakainis siyang tingnan sa itsura niya, mukhang dating pulubi.
"Bakit kailangan mong sipain?!" pananaway ni Mino kay Darrex na patuloy parin ang pagsipa sa babaeng natutulog.
"Para magising, obvious naman, diba?" sarkastikong niyang sabi at binigyan niya ng malakas na sipa sa hita ang babae bago niya ito iwan.
"Sa tingin ko pinainom 'yan ng pampatulog," singit sa usapan na wika ni Ethan "tingnan niyo siyang maigi kahit sinipa na nang ilang beses hindi parin magising" at muli niyang binaling ang tingin sa librong binabasa.
"Kagagawan na naman ni Tanda!" nakakunot-noo na sabi ni Darrex sa kawalan.
Mukhang bagong pakulo na naman ito ni Mr. Philip ang lalaking may kagagawan kung bakit kami nakulong dito sa square. Tatlong taon narin ang nakalipas ng simulan niya kaming ikulong sa lugar na 'to, ito raw ang makakabuti para sa aming lahat, hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit niya kami kinulong dito, basta't ang alam namin ay mortal namin siyang kalaban na pito. Ang gusto niya ay nasusunod ang lahat ng mga patakaran niya dahil wala naman kaming nagagawa kundi sundin 'yon kase siya ang nagmamay-ari ng bahay na 'to.
"Can I touch her?" nakaakma nang wika ni Jazerou.
"Tumigil ka, sa binabalak mo Jazerou. Mamasamain ka sa akin" pagbabanta ni Darrex na binigyan siya nang masamang tingin.
"Wala akong balak gahasain siya, gusto ko lang hawakan yung alam niyo na" tinuro nito ang nasa pagitan ng legs ng babae.
"Pati ba naman ang madungis na babaeng 'yan?" tinaas nito ang dalawang butas ng ilong ng babae. "Mas maiging putulin mo nalang yang pototoy mo, brad" nadismaya wika ni Knight saka umalis at iniwan na kaming anim na panoorin ang babaeng natutulog sa sofa.
"Nag-walk-out na siya, siguro iwan ko narin kayo, nauuhaw na naman ako" ang tinutukoy ni Titus ay alak na siyang naging bisyo na niya sa loob ng square.
Nag-alisan na ang lahat hanggang sa ako nalang ang matira, mukhang hindi sila interesado sa babaeng natutulog sa sofa, nadismaya yata sila sa itsura ng babae, ang akala yata nila ay kagaya nila Kathryn Bernardo at Angel Locsin ang ipapadalang babae ni Mr. Philip. Palibhasa, kahit kailan hindi pa nila nasubukang makalabas ng bahay, 'di naman lahat ng napapanood nilang mga drama sa telebisyon ay parehas sa labas ng mundo. Makaalis na nga rin!
"Sino ka?! Nasaan na si bouncer?! at si— ano Mr. Philip?!" nagsisigaw na wika ng babae nang magising mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Bakit ngayon pa, oh!
Patakbo akong lumayo sa kanya at tinakip ko ang aking mukha ng suot kong hoodie jacket, ayoko sa lahat ay nakikita ng iba ang mukha ko lalo na yung mga taong ngayon ko palang nakilala. Ano ba naman kase ang naisip ni Mr. Philip at nagdala ng babae sa loob ng square? kahit kailan 'di na siya nagbago, napakamakasarili niya talaga.
"Sir Juno, kaya po ba 'yan?" napahinto ako nang marinig ko ang aking pangalan.
Kilala niya ko? bakit naman niya ko kilala? saan niya ko nakilala? paano niya nalaman ang pangalan ko? sino ba siya?
Humarap siya sa akin na dahilan para dumistansiya ako palayo sa kanya, ngunit itong babae patuloy sa paghakbang papalapit sa akin, sumenyas ako gamit ang kanang kamay ko. Nakinig naman siya at huminto ito sa lakad.
"Ako po pala si Ayeng, ang magiging maid niyo po Sir Juno. Nice to meet you po!" magiliw niyang wika. Nakatingin kase ako sa sahig kaya nalaman kong yumuko siya ng ilang beses.
Patakbo akong pumunta sa pool para iwasan siya pero hanggang doon ay sinundan parin niya ko, kaya tumalon ako sa ilalim ng pool at doon nagtago palayo sa kanya. Pero, tumalon din siya at mukhang balak parin akong sundan kahit sa ilalim ng tubig. Nagkakakampay siya at pilit na inaabot ng talampakan niya ang sahig ng pool matapos tumalon sa pool hindi yata siya marunong lumangoy. Eh, kung gano'n naman pala ay bakit pinilit parin niyang tumalon, siraulo ba siya? Hinayaan ko siyang magkakampay tutal 'di naman yata siya malulunod sa 9 feet na tubig. Sana nga!
Sabi ko nga hindi siya marunong lumangoy, lintik na babaeng 'to ang tapang tumalon duwag naman pala sa matatas na tubig
Iniangat ko siya sa tubig pero wala na siyang malay, nakainom na yata siya ng tubig, sinubukan kong gawin 'yong mga first aid na ginagawa ng iba kapag may nalulunod, kailangan i-pump yung dibdib niya para lumabas 'yong tubig na nainom niya. Sa kasamaang palad ay wala parin itong malay, sinuri ko ang tibok ng puso niya sa kanyang pulso humihinga parin naman siya.
Nakakadiri ah, kailangan talaga maglapat ang mga labi namin. Eh, mukhang kulang nga sa ligo ang babaeng 'to pero nakaligo na siya matapos tumalon sa tubig. Siguro naman kahit papa o maiibsan ang pandidiri ko sa babaeng 'to. Lintik na buhay to! bakit ka pa kaseng tumalon na babae ka!
Kaya ko 'to!
Nilapat ko ang aking bibig sa kanya at doon ay sinubukang higupin ang tubig na nainom niya sa pool pero sa unang beses na subok ko ay wala parin itong malay, gusto yata ng paulit-ulit at sa pangalawang beses ay sa wakas matapos kong i-pump ang dibdib niya para maidura ang nakabarang tubig sa kanyang hingahan ay nagkaroon na siya ng malay.
"Papatayin mo ba akong lalaki ka! bakit ka tumalon sa tubig? anong naisip mo at tumalon ka? Kala ko mababa lang 'yong tubig, malalim pala" bigla itong humagulgol nang malakas matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon.
Sa minamalas ka nga naman, may isip bata pang pinatuloy sa loob ng square si Mr. Philip. Ang gusto ko lang naman ay mabuhay nang mag-isa ng walang umiistorbo sa ginagawa ko, hindi pa ako mapagbigyan. Kung makahagulgol naman ang babaeng 'to ang akala mo pinalo nang malakas ng sinturon ng kanyang ama.
"Sorry," usal ko.
"Ang akala ko magpapakamatay ka kaya tumalon ka sa tubig, natakot ako nang sobra. Kapag namatay ka kahit kailan hindi mo na makikita ang mga mahal mo sa buhay"
"Sana nga," walang buhay kong sabi.
Matapos kong sabihin iyon ay dumiretso ako pasok sa loob at iniwan ko siyang nakaupo at panoorin akong tumatakbo ulit papalayo sa kanya. Ang akala mo talaga concern talaga siya sa akin. Eh, hindi pa nga niya ako kilala, ngayon pa nga lang kami nagkita. Ano bang alam niya sa buhay ko? Pangit na nga, tanga pa.
♛ ♛ ♛ ♛ ♛
Pasalamat nalang ako at may puso pa pala si Sir Juno, hindi niya ko hinayaang malunod, tumalon ba naman kase ako sa pool ng hindi nag-iisip, eh. Kala ko kase magpapakamatay siya, malay ko ba na gusto lang niyang lumayo sa akin, kung mas nalaman ko lang nang mas maaga edi sana hinayaan ko nalang siya sa ilalim ng tubig, hayaan ko siyang makulong doon habambuhay.
Ang akala ko pangit siya sa personal kung makatakip ba naman sa mukha niya kanina eh, ang akala mo may malaking peklat sa mukha na tinatago wala naman pala. Sa katunayan ang kinis nga ng mukha niya, nakaangat pa ang ilong, mapula at manipis ang labi niya. Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit ayaw niyang nakikita ng iba ang kanyang mukha, tama nga si Mr. Philip, tinatago nito ang kanyang mukha sa suot nitong hoodie jacket sa gano'ng paraan kase ay matatakpan nito kahit papaano ang kalahati ng mukha niya. Napansin ko din na hindi ito marunong makipag-eye contact, palagi siyang nakatingin sa sahig, 'di ko alam kung nandidiri ba siya o hindi lang niya talaga kayang tumingin sa mga mata ko.
Gwapo nga, weirdo naman. Sayang!
Pumasok na ako sa loob ng bahay bumungad sa akin ang malaki at malawak nitong espasyo, kung nananaginip lang ako malamang isa na ito sa pinakamagandang napanaginipan ko. Ngayon ko lang masinsinan nasuri ang mga kagamitan at ang disensyo sa bahay, kapansin-pansin ang malaking chandelier na matagal nang pinakita sa akin ni Mr. Philip gamit ang larawan, maganda nga talaga ang bahay 'di hamak na mas maganda itong makita sa personal kumpara sa larawan. May dalawang hagdan sa loob ng lobby na pinapagitnaan ng pinto na yari sa salamin, kung saan ako galing, sinabi sa akin ni Mr. Philip na may pitong kwarto sa taas para sa isa't-isa, ganoon sila ka spoiled pero hindi parin magawang pakiusapan na magkasundo para lang sa isang layunin, sa kapakanan ng bawat isa.
Kung ang lobby ang nasa center ng bahay ay sa harap nito ang dining area at kitchen, samantalang sa kaliwang bahagi ang malawak na library at sa kanang bahagi makikita ang music room at gaming room. Syempre, sa labas ng lobby ay pool area kung saan ako galing kanina.
"Gising ka na palang, babae ka!" wika nito na nakapamewang pa habang nakatapis lang ang pang-ibaba.
"Opo, sir." maiksi kong usal.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nahulog ang tapis niya at nakita ko ang kabuuan ng harap ng kanyang katawan. Nakasimangot siyang tumingin sa akin na tila ako pa yata ang balak niyang sisihin sa pagkakahulog ng towel niya, agad akong tumalikod pero huli na ang lahat nakita ko na ang 'di dapat makita.
Buti nalang nakasimangot din ang bagay na nasa pagitan ng hita niya.