Juno's POV
Kasalukuyan akong nasa loob ng library kausap si Ethan parehas kami ng nararamdaman tungkol sa babaeng pinadala ni Mr.Philip, iba ang kutob namin rito dahil marami siyang nalalaman tungkol sa pagkatao namin parang kabisado at kilalang-kilala na niya kami. Hawak na naman niya ang kanyang girlfriend at paulit-ulit na binabasa ang mga nilalaman no'n, hindi ko alam kung bakit ayaw niyang tigilan ang pagbabasa no'n na sa tingin ko ay matagal na niyang matapos, sadyang nahulog knag siya mga letra, titik at pangungusap na nakapaloob roon.
"Nagkita narin pala kayo ni Ayeng," sabi niya na ang tingin ay kay Sofia. "May napansin akong kakaiba sa babaeng 'yon, marami siyang alam na hindi natin nalalaman"uminom siya ng kape na tinimpla niya kanina.
"Ayoko sa kanya, masyado siyang mabait at nakakapanghinala" sa kanilang anim si Ethan ang pinaka nasasabihan ko ng lahat ng mga hinaing ko tungkol kay Mr.Philip. "Mag-ingat ka sa kanya dahil baka hindi mo malaman nakawim niya ang pinakaminamahal mong si Sofia" napayakap siya nang mahigpit kay Sofia
"Pwes, hindi ko hahayaan na mangyari ang bagay na 'yon walang sinuman ang makakapaghiwalay sa amin, siya na ang nakasama ko nang matagal, nakadiskubre ng iba't-ibang bagay na hindi ko inaaasahan" hinalikan niya si Sofia. "Magsasama kami habambuhay kahit sa kamatayan"
Alam kong mahirap paniwalaan na nahulog siya sa isang bagay kagaya ng libro, 'di ko rin ito inaashaan mula sa kanya, malalim na tao si Ethan palaging pinapairal ang isip kaysa puso, marunong din itong magtago ng emosyon, ngumiti ng pilit, tumawa ng hindi totoo at magpanggap na masaya kahit hindi. Marami akong natutuhan sa pagkatao niya, marami akong natuklasan kaya hinahangaan ko siya roon, sa kanya ko lang rin nagagawang magpakit ng aking mukha na hindi ko magawa sa iba hindi ko alam kung bakit basta't malaki ang tiwala ko sa kanya.
"Muntikan na pala niya kaming makitang nag-uusap ni Darrex" nag-aalangan pa kong sabihin 'yon dahil parehas kami ng tingin kay Darrex, isang kaaway.
"Nakita niya ba ang lahat ng mga nakapaskil sa kwarto mo?"
"Hindi ako sigurado pero nakita ko ang pagbabago ng reaksyon ng kanyang mukha niya ng bahagyang makita ang loob ng kwarto ko, siguro hindi naman niya iyon nakita ng malinaw kase madilim sa loob ng kwarto, hindi nakabukas ang lampshade dahil ayoko sa liwanag" napasipsip ng kape si Ethan sa mga nasabi ko.
"Sa susunod mag-ingat ka 'wag mo hayaang magpakin sa bitag niya dahil baka pare-parehas tayong hindi na makawala sa kulungang ito. Matagal-tagal narin na hindi napapadalaw si Mr.Philip sa Square wala akong ideya kung bakit pero kailangan parin natin manigurado, mahirap na at baka maisahan tayo" tumayo si Ethan at may kinuha mula sa kanyang bulsa, maliit itong notebook.
"Ano ito?" tanong ko nang iabot niya sa akin ang maliit na bagay na 'yon.
"Galing sa kanya 'yan, isang maliit na notebook kung saan nakalista ang pangalan nating pito, mukhang matagal nang inoobserbahan tayo ni Ayeng, kanang-kamay nga siya ni Mr.Philip ayon sa mga nakasulat diyan. Ikaw na ang mag-abot sa kanya niyan baka maghinala siya kapag ako ang nagsauli" tumayo na siya at nagsimulang magkalikot ng ilang libro.
"Babalik na ko sa kwarto ko baka mahuli pa niya tayong nag-uusap"
Pagkalabas ko ng library ay nakita ko na naman ang babae sa looby na naging kwarto na niya dahil wala naman siyang kwarto sa Square, suot niya ang damit na kulay itim na t-shirt na may imprentang nirvana, sa palagay ko damit ito ni Darrex, mukhang magkasundo 'ata ang dalawa, nagagawa pang magpahiram ng lalakeng 'yon ng damit sa mangkukulam na 'to. Hindi parin talaga nagbabago ang itsura niya, buhaghag ang buhok na parang 'di nagsuklay ng ilang taon, mahilig parin itong bumukaka na hindi tulad sa ibang babae at kung kumilos parang laki sa lansangan.
"Kayo pala Sir Juno" kumaway siya sa akin, agad akong tumungo para hindi niya makita ang mukha ko, 'di ko namalayan na nakatitig pala ako sa kanya, "may pag-uutos po ba kayo?" lumapit lang ako ng bahagya atsaka binato sa mukha niya ang maliit niyang notebook.
"Napulot ko" pagsisinungaling ko at kaagda na nilayo ang tingin at umakyat ng hagdan papunta sa aking kwarto.
"Salamat po!" nagawa pa niyang mahabol ang mga salitang iyon bago ako makaakyat sa taas, masyado talaga siyang mabait kaya naiinis ako sa kanya.
Wala namang nagbago sa kwarto ko nandoon parin nakapaskil ang ilang mga dyaryo, magazine at larawan na may kinalaman sa nangyari tatlong taon na ang nakalipas, kahit kailan hindi ko malilimutan ang araw na 'yon kung saan nagbago ang takbo ng buhay ko, ang sumira ng pagkatao, ang nagwarak ng lahat ng mga masasayang araw ko. Pinunasan ko ng aking mga braso ang luhang bigla nalang tumulo sa mga mata ko, masakit parin pala, hindi parin pala nawawala ang sakit, parang sariwa parin sa mga alaala ko ang lahat kahit gusto ko na itong makalimutan.
♛ ♛ ♛ ♛ ♛
Darrex's POV
Nasisira talaga ang araw ko kapag nakikita ko ang mukha ng duwag na 'yon, minsan hindi ko talaga maintindihan, kung bakit bigla nalang kumukulo ang dugo ko sa kanya, parati nalang kase siyang nakayuko hindi man lang maiangat ang ulo, parang may kapansanan sa pag-iisip, parang abnormal. Putangina!
Paborito na yata ng babaeng 'to ang pinahiram kong damit sa kanya, suot nalang niya palagi, kundi ba naman kase bobo pupunta dito sa Square ng walang damit, puro lang talaga hita pero walang laman ang utak. Kapag bumababa ka talaga siya agad ang bubungad sa'yo palagi kaseng nasa lobby ginawa na yata niyang kwarto, pagtabihin ko kaya sila ni duwag sa iisang kwarto para naman matanggal ang pagiging duwag no'n, akala mo kase ginto ang mukha na palaging tinatago dati yatang bingot kaya gano'n.
Naagaw ng mga hakbang ko ang atensyon niya, madiin yata ang mga naging hakbang ko mga baitang, kaya napansin niya akong nababa ng hagdan, ngumit siya sa akin na palagi naman niya sigurong ginagawa 'di lang sa akin kundi sa aming pito.
"Wala parin nagbago sa'yo kung ano ka dati gano'n parin, panget na mas lalong napanget habang tumatagal" walang buhay kong sabi at nagawa pang humikab sa kanya.
"Kung pwede ko lang tirisin 'tong lalake na 'to" mahina niyang bulong pero narinig ko, bobo nga talaga.
"Bulong ba 'yung ginagawa mo? bakit hindi mo nalang isigaw sa akin nang marinig ko nang maayos" umupo ako sa sofa at pinatong ang paa sa mesa.
"Bulong ba 'yung ginagawa mo? bakit hindi mo nalang isigaw sa akin nang marinig ko nang maayos" bumulong na naman siya nang naririnig ko at nagawa pa niyang ulitin ang sinabi ko na may pagkasarkastiko.
"May sinasabi kaba?!" pasigaw kong sabi.
"Wala po, sabi ko kamukha ko si Kathryn Bernardo!" nakagat ko ang dila ko sa sinabi niya.
"Tangina!" napamura ako dahil 'yung taong crush na crush ko kamukha raw niya, hindi ko matanggap "kilabutan ka nga sa sinasabi mong babae ka! kailan pa naging mukhang kabayo si Kathryn?" humarap ako sa kanya, nasa likod siya ng sofa.
"Sabi kase ng itay ko kamukha ko raw si Kathryn, mula ulo hanggang paa halos iisa ang gandang taglay namin" paglalarawan niya sa kanyang sarili na kasama pa ang reaksyon ng kanyang mahabang kamay.
"Tumigil ka sa sinasabi mong babae ka!" dinuro ko siya gamit ang daliri ko, "mahiya ka! kahit saan anggulo ka tingnan walang Kathry Bernardo" lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mukha at sinuri kong ng kabuuan ang kanyang mukha, "Bulag yata ang tatay mo, kamukha raw saan banda" binitawan ko ang kanyang mukha ng parang nandidiri pa pagkatapos hawakan.
"Basta kamukha ko siya, kahit anong sabihin mo hindi ako maniniwala sa'yo atsaka hindi bulag ang tatay ko, malinaw pa ang mata niya, mas malinaw pa sa mga mata mo" padabog niya akong inalisan ng tingin papunta sa kusina, "Kamukha ko si Kathryn Bernardo!" pahabol pa niyang sabi bago tuluyang makapasok sa loob ng kusina.
Napapraning na yata ang babaeng 'to, eh. Kamukha raw niya si Kathryn Bernardo, hindi na nahiya, 'yung crush ko pa talaga, ayaw pa kaseng tanggapin na panget siya, kahit tumingin pa siya sa salamin, makikita niya ang katotohanan, gusto pa niyang palabasin na ako pa ang sinungaling, siya nga 'tong nasisiraan ng ulo.
"Darrex!" sigaw niya pagkalabas sa kusina, "sorry po!" ginaya niya yung unang pagkikita ni Kathryn at Daniel na pinapanood ko palagi kapag sumasapit na ang gabi ang Got to Believe, nang-aasar talaga ang babaeng 'to, ah.
Napangiwi ako nang makagat ko ang dila ko sa labis na galit, "tangina mo!" malakas kong sabi sa kanya, pumasok lang ito sa loob ng kusina at hind man lang pinansin ang sinabi ko.
Patakbo akong pumunta sa kusina para harapin siya at bawiin ang sinabi niya, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nagkasubong kami sa pinto, napamura ako sa aking isip dahil sa nangyari, gulat na gulat siya at maging ako. Nagturuan kami gamit ang aming mga kamay.
"Bakit mo ko hinalikan?" sabay pa naming sabi kahit naman alam naman naming aksidente lang ang lahat.