Juno's POV
Kinabukasan maaga yatang gumising ang babae, hindi ko inaasahan na makakasalubong ko siya sa kusina, sa minamalas ka nga naman oh, nagkataon pang makasakubong ko siya. Sinubukan ko siyang iwasan pero para kaming nagpapatintero kung saan ako pupuntang direksyon ay doon diin niya naiisip. Lintik na buhay talaga!
"Magandang umaga po pala, Sir Juno" magiliw niyang sabi pero wala naman akong pakialam. "Nagluto po pala ako ng pancake baka po magustuhan niyo" hindi ko siya pinansin at patay malisyang dinaanan lang siya.
Kahit batiin pa niya ako ng ilang beses wala parin akong balak na magpahulog sa bitag nila ni Mr. Philip, malakas ang kutob ko na may lihim na tinatago ang babaeng 'to kahit 'di niya aminin at kahit 'di niya sabihin, alam kong may lihim silang agenda. Sa ngayon nagbabait-baitan pa siya pero kapag nagtagal lalabas din ang baho ng alaga niya.
Tiningnan ko ang lahat na mga nakapaskil na dyaryo, magazine at ilang larawan sa dingding na ako mismo ang nagdikit, tatlong taon na pala ang nakalipas pero parang sariwa parin sa akin ang lahat. Sobrang sakit parin sa dibdib ang lahat nang nangyari, hindi ko alam kung bakit sa dami-daming tao sa mundo bakit sa isang tulad ko pa nangyari ang masamang bangungot na 'yon. Kung pwede lang maibalik sa dati ang lahat kahit buhay ko pa ang maging kapalit, handa akong magsakripisyo para lang sa kapakanan nila.
May narinig akong kumatok ng tatlong beses sa pinto, malamang yung alagad na naman ni Mr. Philip 'yon.
"Sir Juno, mahigpit na paalala sa akin na 'wag ko hayaang palipasin kayo ng gutom" wika niya sa likod ng pinto. "Iiwan ko nalang yung hinanda kong pagkain sa harap ng pinto. Alam ko pong may hindi kayo pagkakaintindihan ni Mr. Philip pero sana mapatawad niyo na po siya, gustong-gusto ka na niyang makausap"
Kailan ba ang huling beses na nag-usap kami? hindi ko na maalala, sa tuwing dumadating kase siya kaagad akong nagtatago sa loob ng kwarto ko, ayokong makita ang mukha niya at lalong ayokong makita niya ko. Atsaka, wala naman kaming dapat pag-usapan, matagal nang nangyari ang bagay na 'yon, siguro hindi na dapat pang ungkatin namin ang tungkol doon.
Kulang pa ba ang lahat ng ginawa niya? Hindi pa ba sapat ang lahat ng mga pinaggagagawa niya? Naikulong na niya kaming pito dito sa square siguro sapat ng parusa 'yon para sa lahat ng mga bagay na nangyari noon.
Inilapat ko muna ang aking tainga sa pinto para maniguradong wala na ang babeng buhaghag ang buhok, dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pagsiwang ng ulo ko sa labas ay tumingin muna ako sa kaliwa't kanan ko, umalis na talaga ang babae. Pagtingin ko sa sahig ay napansin ko ang tray na may nakapatong na pancake at kape, mukhang masarap naman ang pagkakagawa niya pero ayoko parin kainin ang gawa niya baka lasunin pa niya ko.
♛ ♛ ♛ ♛ ♛
Iniwan ko ang tray sa tapat ng pinto ng kwarto ni Sir Juno, alam kong mahihirapan akong kumbinsihin silang lahat dahil sa kanya palang nahihirapan na ako, palagi parin siyang nakatingin sa sahig, ayaw niyang tumitingin sa mukha ng ibang tao. Ginagamit parin niyang pantakip sa mukha niya ang kanyang hoodie jacket.
Mukhang mabait naman si Sir Juno, iniligtas niya nga ko sa pool nang muntik na kong malunod, sadyang maaga pa para kumbinsihin siya sa gustong mangyari ni Mr. Philip, maaari naman silang makalabas dito eh, kung magkakaisa lang sila sa gustong mangyari ni Mr. Philip para rin naman sa kapakanan nilang lahat ang mga 'yon. Ako mismo ang nakasaksi kung sino ang mga kalaban nila sa labas ng bahay na 'to.
Binalikan ko nang tingin ang hagdan sa taas baka sakaling makita kong bababa doon si Sir Juno at magpapasalamat na may suot na malapad na ngiti. Kaso, ibang tao yata ang bumaba.
"Babae! ikaw ba ang nag-iwan ng tray na may pagkain sa tapat ng kwarto ni Juno" aniya habang nababa ng hagdan, "Kinain ko na 'yong hinanda mo, mukhang sasayangin lang ng duwag na 'yon" tumigil siya ng saglit sa aking harap at tiningnan ako. "Ang panget mo parin!" umismid siya at naiwan akong nakatulala.
Pangit daw ako? Ang ganda ganda ko kaya, kahawig ko nga si Kathryn Bernardo sabi ni itay, siguro malabo lang ang mata mo at hindi mo makita kung gaano kagandang dilag ang tulad ko. Naalala ko tuloy sila, namiss ko naman umuwi ng bahay. Haist!
'Di bale palalagpasin ko muna siya ngayong araw tutal may utang na loob naman ako sa kanya kase pinahiram niya ako ng damit na masusuot kahapon. Nakakainis! naman si Mr. Philip 'di man lang iniwan 'yong maleta ko, tinupi pa ni itay ang mga damit na 'yon kase akala niya magagamit ko tapos hindi naman pala. Sana talaga tinabi lang nila 'yon dito kaya maglilibot muna ko sa loob ng bahay baka nandito lang 'yon.
Sinabay ko ang paglilinis at paghahanap ng maleta ko pero hindi ko talaga siya makita kaya sa huling punta ko ay sa silid-aklatan ako napunta. Kung tutuusin sobrang laki ng bahay na 'to, 'di man nakakaligaw pero maraming pwedeng puntahan at pagtambayan kaya sigurado ako na kahit sino ay malilibang na manatili sa bahay na 'to ng ilang buwan. Maganda naman ang pagkakaayos ng silid-aklatan, maging ang mga librong nakapatong sa shelves ay naka-ayon sa alpabeto, siguro, metikuloso talaga si Sir Ethan. Oo, nga pala, hindi. ko pa nagpapakita simula kahapon parang palagi nalang si Sir Juno at Darrex ang nakakausap ko.
"Kung taong libro lang ako tiyak na matutuwa akong makita kung gaano kaganda ang lugar na 'to" wika ko habang abala ang daliri ko sa pagkalikot ng mga librong madadaanan ko.
"Nagustuhan mo ba?"
Napahawak ako sa aking dibdib sa labis na gulat, nakita ko ang isang kamay niya na nakapatong sa estante malapit sa aking ulohan, marahan akong lumingon sa kanya at napaatras ako ng hakbang ng biglang bumungad sa akin ang mukha niya, umatras pa ako ng isa pang beses kaso napasandal lang ang likod ko sa mga estante. Balak ba niya akong halikan kase nararamdaman ko yung hangin na lumalabas sa bibig niya, alam ko naman na gwapo siya pero kailangan ba ganito siya kalapit sa akin.
"Pwede umatras ka ng kaunti" napakamot siya ng ulo sa sinabi ko.
Umatras siya, "oh, sorry... By the way, I'm Ethan Hawker nga pala. Nice to meet you!" pagpapakilala niya na sinabayan pa nang pagkindat. Inilahad niya ang kanyang kamay at nakipagkamay ako.
"Ayeng Dela Cruz po pala, Sir Ethan" ngumiti ako nang bahagya.
Iba ang suotan niya kumpara kay Sir Juno at Darrex, 'di hamak na mas magaling itong pumorma kumpara sa kanilang pito. Wala man akong alam pagdating sa fashion pero masasabi kong mukha siyang artista sa kanyang suot ngayon, napakagwapo niyang tingnan, parang kumikinang siya dahil sa kagwapuhan, ayaw ngang tumingin sa iba ng mga mata ko ang gusto lang niya ay gwapong lalaking 'to.
"Tulala ka yata, Ayeng. May dumi ba sa mukha ko?" kinapa niya ng kanyang mga palad ang kanyang mukha, sinuri kung may dumi. "I don't think there's dirt on my face" usal niya.
Ang gwapo naman pala niya, kung pwede ko lang kurutin yung pisngi niya eh. Rawr! kalma lang muna tayo, Ayeng.
"Wala naman po," nakatulala ko paring sabi. Hindi ko talaga mapigilan, eh. Gwapo talaga!
"Oh. okay," maiksi niyang sabi at binigyan ako ng sapilitang ngiti.
"Ang gwapo niyo naman ay, ay, este... maiwan ko na pala kayo Sir Ethan" taranta akong lumayo nang tingin sa kanya.
Ayeng, umayos ka! bakit ka ba natataranta ng ganyan, porket ba gwapo siya? porket ba parang kumikinang siya sa kagwapuhan? Kase naman eh, bakit ba ang gwapo niya? Pikit mata kaya muna ako. Ididilat ko nalang kapag nakalayo na ako sa kanya!
"Are you okay?" wika niya pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad habang nakapikit. "Why are you suddenly closing your eyes?" nagtatakang wika niya.
Kinapa ng mga kamay ko ang mga estante habang nakapikit ang mga mata ko, kaya ko naman siguro makalabas ng wala akong nakikita, diba? Pero, bawat estanteng mahahawakan ko ay may nahuhulog akong mga librong nakapatong doon, hindi ko nalang pinansin tutal aayusin ko nalang 'yon mamaya, ang mahalaga makalayo sa kumikinang na lalaking ito, kailangan kong labanan ang taglay niyang kagwapuhan.
"Teka, ano ba 'tong nahawakan ko? parang kakaiba 'to, ah? itlog ba tong nahahawakan ko, itlog ba to ng ano?" nakakunot-noo ko pang sabi habang minamasahe ng mga kamay ko ang kakaibang bagay na nahawakan ko.
"Ayeng, please... can you please stop what are you doin' now. It's not comfortable" aniya na nakikiusap.
Pagdilat ko bumungad na naman sa akin ang kumikinang niyang mukha pero parang namumutla yata siya, hindi niya magawang tumingin sa akin, may tinuro siya gamit ang kanyang hintuturo, may tinuturo siya sa baba. Tiningnan ko kung ano ang tinuturo niya, napasigaw ako nang malakas sa kung anong bagay ang hinahawakan ko, agad ko iyon binitawan.
Ang akala kong itlog ay itlog pala talaga, pero... itlog pala ni Sir Ethan.