Chereads / The Powerof Seven / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

"Pasensiya nga pala sa nangyari kanina Sir Ethan, wala talaga akong intensyon hawakan 'yung ano mo" nakayuko kong wika.

"No, it's okay, just don't remind me again. I forgive you na," tinapik niya ng tatlong beses 'yung ulo ko. "Did you like reading?" pang-iiba niya nang usapan.

Umupo kaming dalawa sa isang malambot na sofa. May nakapatong na lampara, sa kahoy na mesa na nasa tapat naming dalawa ni Sir Ethan. May kalumaan pala ang pagkakadisenyo ng silid-aklatan hindi ko siya napansin kanina kase naging abala ang mga mata ko sa gwapong mukha niya.

"Nagbabasa naman po ako ng libro pero hindi madalas, nakakatulog kase kapag nagbabasa nang matagal. Kayo po ba?"

"I read a lot. It's help me to understand what the world really is. Kumbaga, ang libro ay parang prutas, puno ng sustansya"

"Tama po kayo diyan, kung hindi dahil sa libro lumaki siguro akong walang alam" tumawa ako ng bahagya pero tumigil din nang mapansin na wala naman nakakatawa sa sinabi ko.

"Nakalimutan ko palang ipakilala sa'yo ang girlfriend ko" tumayo siya at may kinuhang pulang libro. "She's my girlfriend" nakangiti niyang wika.

Isang libro ang nobya niya pero bakit hindi ito nasabi sa akin ni Mr. Philip, wala ba siyang alam ukol dito. Mukha namang seryoso si Sir Ethan sa sinabi niya, mukhang ang turing nga niya sa librong ito ay kanyang nobya, okay na sana, mukhang wala nang kapintasan kaso may nobya palang papel.Kakaloka!

"Sigurado po kayo?" malay mo nagbibiro lang pala ang isang 'to.

"Oo, naman. Do I look not?" sabi ko nga seryoso siya.

"Libro po siya, paano ka nainlab sa isang libro? Ang ibig kong sabihin ay kay Sofia" umismid siya sa sinabi ko.

"May kanya-kanyang pananaw tayo pagdating sa love, sadyang mas naattract lang ako sa libro kumpara sa tao. Libro lang kase ang nakasama ko buong buhay ko" nagtalumbaba siya sa harap ko, pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Kahit saan anggulo pala, ang gwapo niya talaga. 'Di naman nakakapagtaka kung bakit, minsan masasabi mong napakaunfair ng mundo, eh. Kapag nakakakita ka ng ganitong nilalang, 'yung pinanganak na ngang mayaman, pinanganak pang gwapo.

Napalunok muna ako nang malalim, "Ano po bang meron kay Sofia at nagustuhan niyo siya?"

Umupo siya tuwid at biglang naging seryoso ang kanyang mukha. "Nagustuhan ko kase ang lahat nang nilalaman ng librong ito, lahat ng mga bagay na hindi ko na inaasahan na matutuklasan ko at lahat ng mga tanong tungkol sa akin... nasagot ng librong 'to. Sa tingin mo mali bang mahalin ko siya?"

Ang sabi ni Mr. Philip sa kanilang pito si Sir Ethan ang pinakamalihim at sa palagay niya maraming sikretong nalalaman ito tungkol sa anim. Madalas naman daw sila mag-usap nito sa tuwing dadalawin niya ang mga 'to sa pinagtaguan sa kanila, pormal naman makipag-usap pero mahirap nga lang basahin ang iniisip nito, marunong itong magtago ng emosyon kaya nahihirapan si Mr. Philip na hulihin siya kung nagsasabi ba ito ng totoo, nasasagot naman ni Sir Ethan ang lahat ng mga katanungan niya pero hindi parin siya kuntento.

"Malikot ang isip ni Mr. Hawker" wika ni Mr. Philip habang nilalaro ng kanyang daliri bolpen na pinapaikot niya sa table, "alam mo ba 'yung pakiramdam na para siyang nakasuot ng maskara kaya nahihirapan akong basahin kung ano iniisip niya. Sa tingin mo ba, Miss Ayeng, makukumbinsi mo siyang makipagtulungan sa akin?"  tinuro niya ko.

"Gagawin ko po ang lahat nang makakaya ko, Mr. Philip. Sabi nga ni itay walang sikretong hindi nabubunyag" taas noo kong sabi.

Tumayo siya sa kanyang table at naglabas ng ilang mga larawan, ito 'yung mga nangyari tatlong taon na ang nakalipas at ito rin ang dahilan kung bakit kinulong sila ni Mr. Philip. Ang mga larawan ito ang nagpapaalala sa lahat ng mga masasakit na kaganapan ilang taon na ang nakalipas pero sa tuwing pinapakita ito sa akin ni Mr. Philip hindi ko parin 'di magawang mahabag. Bakit kailangang sapitin nila ang lahat ng 'to?

"Umiiyak ka ba, Miss Ayeng?"

"Po?" Kinapa ko ang aking mukha at may tumutulo ngang luha sa aking mata.

Kusa talagang bumabagsak ang luha ko sa tuwing naiisip ko, kung gaano kasakit, kung gaano kahirap at kung gaano kabigat sa puso ang itago ang lahat ng mga masasakit na pangyayaring 'yon na ikaw lang mismo ang kumakaramay sa sarili mo. Alam kong kahit hindi niya sabihin, alam kong nasasaktan siya, alam kong nahihirapan siya at alam kong umiiyak siya sa tuwing sumasagi sa isip niya ang lahat ng mga nangyari kahit tatlong taon na ang nakalipas.

♛ ♛ ♛ ♛ ♛

Knight's POV

Alak ang dahilan kung bakit nawawala ang lahat ng mga masasakit na bigla ko nalang nararamdam mula dito sa pinakaloob ng puso ko, sinusubukan kong alalahanin at alamin kung ano ang dahilan pero nauuwi sa mga lumuluhang mga mata ang lahat. Umiinom ako para maibasan ang sakit, umiinom ako kase nakakalimot 'yung puso ko sa sakit na halos nararamdaman ko araw-araw. Ang gusto ko lang ay maging malaya at makalabas sa kulungang ito.

Abala ako sa paglaklak ng alak ng makita kong gising 'yung babaeng nakita namin na natutulog sa sofa, siguro padala ito ni Mr. Philip, siya naman kase ang dahilan kung bakit kami nakakulong dito, hindi ko nga alam sa lalaking 'yon kung bakit kailangan niyang gawin sa amin ang lahat ng 'to, hindi ba niya alam na gusto din namin na makalabas, gusto din namin na mag-enjoy at makihalubilo sa iba, makatagpo ng ibang tao at mas lalo pang makilala ang sarili.

"Bakit sobrang gulo naman sa kusina. Sinong may gawasa kanila nito? 'di man lang marunong ayusin ang iniwan niyang kalat" napakamot sa ulo 'yung ulo babae.

"Ako may gawa niyan!" sigaw kong sabi. Nagulat siya sa pagsigaw ko kaya nabitawan pa niya yung mansanas na hawak niya na pinatong niya sa loob ng refrigerator.

"Kayo po pala!" kumamot siya ulit sa ulo niya. "Magandang Umaga po pala, sir!" bati niya na may kasamang malapad na ngiti.

Buti nalang nginitian niya ko kung hindi sisigawan ko siya ulit, gusto kong magkalae, eh. Wala siyang magagawa, lasing ako at wala siyang magagawa.

"Bakit ganyan ang buhok mo parang walis?" napahawak sa kanyang buhok. "Diba, parang walis?" sinuklay niya ng kanyang kamay ang kanyang buhok sa harap ko.

"Buhaghag lang po talaga siya, sir" mukhang magalang naman siya pero magkaedad lang naman yata kami o mas matanda ako sa kanya ng isang taon. "Ilang taon ka na ba babae?"

"Ako po?" tinuto niya ang kanyang sarili.

"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" sarkastiko kong sabi at sa pangatlong beses muli siyang napakamot ng ulo.

"18 years old po, sir" mas matanda nga lang ako sa kanya ng isang taon. Lasenggo lang ako pero bata pa ako, ah.

"'Wag mo nga kong tawaging sir at 'wag mo din ako ma-po at opo diyan na babae ka. Ako si Knight Velasquez, eh. Ikaw?"

"Ako po?" tingnan mo 'tong babae na 'to, may sira 'ata ito sa ulo, parang sirang plaka lang.

"Oo, ikaw!" naiirita kong sabi.

"Ayeng Dela Cruz pero pwede niyo akong tawagin sa first name ko, 'Ayeng' nalang kase doon din naman ako nasanay na tawagin ng mga kaibigan ko sa labas" mukha naman siyang mabait at parang kilala ko 'yung suot niyang damit, 'di bale na.

Hinila ko 'yung kamay niya at sumama naman siya sa akin, sana lang talaga may angking talento itong si Ayeng, pakakantahin ko lang para naman may malibangan dito sa bahay, matagal tagal narin magkaroon ng bagong tao sa bahay. Sabagay, ito lang pala ang unang beses na nagpadala ng ibang tao sa loob itong  si Mr. Philip. Kinuha ko 'yung remote ng T.V. at binuksan iyon at pagkatapos ay nagsalpak ng mic sa vcd ito na magbi-videoke kami.

"Kanta ka nga, gusto kong sumayaw, gusto ko 'yung gaganahan akong sumayaw, gusto ko 'yung mapapaindak ako ng sobra, ah" paalala ko sa kanya bago ko ibigay 'yung remote ng vcd.

"Ano naman po 'yung kakantahin ko" kamot ulo niyang sabi.

"Kahit ano basta 'yung mapapasayaw ako, gusto kong sumayaw kaya kumanta ka"

Pumipindot na siya sa remote  at "Awitin mo at Isasayaw ko" ang napili niya. Iyan ang gusto ko, bagay na bagay sa amin 'to, mapapasayaw ako nento, nasasabik na tuloy ako.

"🎵Walang iba pang sasarap, sa pagtitinginan natin, sana ay di na magwakas, itong awit ng pag-ibig 🎵." Kumakanta na siya nabubuhayan ang lamang loob ko, sasayaw na talaga ako, heto na talaga, ito na!

Patuloy ako sa pagkembot at pagsayaw, ganito ang gusto kong mangyari, eh. 'Yung pakiramdam na parang 'di ka nag-iisa 'yung sasamahan ka sa trip mo, hindi man ito 'yung eksaktong naiimagine ko pero sapat na ang mga 'to para kahit papaano maramdaman kong may taong sasabayan lang ako sa kung anong hilig ko. Katulad nang mga nangyayari ngayon.

Kumembot kembot siya sabay tawa nang malakas "Ah-ha-ha, awitin mo at isasayaw ko, oh-ho-ho. Ah-ha-ha, awitin mo at isasayaw ko. Ah-ha-ha-ha-haaa"

Kasabay ng pag-indayog ng aming paa ay sumasabay din sa agos ngayon ang aming mga kamay sa indak ng musika. Ang sarap talagang sumayaw habang lasing!