Walang tigil sa pagpupumilit si Knight na magrequest ng kanta, sobrang pagod na ko pero siya parang hindi parin, 'di na nga rin mabilang kung ilang bote ng alak ang naiinom niya, buti nakakaya pa ng atay niya. Pagod na akong sumayaw habang kumakanta, nahihilo narin ako sa ilang beses na nang pag-ikot niya sa akin habang hawak ang aking kamay. Nasusuka na nga ako, eh.
"Sayaw pa," napangiwi ako sa sinabi niya, hanggang kailan ba siya magsasawa sa kakasayaw, ni hindi nga siya marunong kumembot ng tama, kaliwete pa ang paa tapos gusto parin niyang sumayaw. Diyos ko po!
"Pagod na ako, Knight" usal ko, "hindi ka parin pa napapagod kase ako pagod na pagod na, gusto ko nang makapagpahinga" hinihingal ko pang sabi, palibhasa'y kanina pa ko sumasayaw kaya ganito nalang ang paghinga ko.
"Okay, okay." aniya.
Salamat naman papatayin yata ako ng isang 'to sa kakasayaw, tao ako hindi robot, may atay ko, balumbalunan, puso at isip kaya may karapatang akong mapagod.
Pinatay niya ang telebisyon at vcd, naupo siya sa sahig at pinagpatuloy ang pag-inom, tumalikod pa ito sa akin na parang nagtatampo. Pinakiramdam ko lang ang ginagawa niya hanggang sa ilang minuto ay may narinig akong pagsinghot ng sipon na siya ang may gawa.
"Knight, okay lang ba kayo?" tatapikin ko sana siya sa kanyang likod pero nahiya ako.
Umiiyak ba siya? ano naman ang iiyakan niya? may nagawa ba akong bagay na dahilan para umiyak siya.? Naku, mukhang umiiyak nga siya, anong nang gagawin ko?
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harap at pagsilip ko sa mukha niya ay umiiyak siya, susubukan ko sanang lapitan siya para aluin pero bigla siyang humiyaw ng iyak na parang bata, panay ang pagtulo ng sipon niya kaya panay din ang pagpunas niya rito gamit ang kanyang suot na damit. Sisinga, sisinghot at iiyak ulit.
"Umiiyak na naman ako, Ayeng, sumasakit na naman 'yung dibdib ko. Alam mo ba 'yung pakiramdam na wala namang masakit sa katawan mo pero parang ang bigat ng loob mo, 'yung parang may tumutusok mula dito" tinuro niya ng madiin ang kanyang dibdib, "bakit ako nasasaktan ng walang dahilan? bakit ako umiiyak ng walang dahilan? Ayeng, bakit?!" pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay tinungga niya ang isnag bote ng alak.
Lumapit ako at humarap sa kanya, "sorry, sorry... talaga Knight!" tumango-tango ako ng ilang boses.
"Ano bang ginawa mo sa akin at nagso-sorry ka?"
"Kase, wala akong magawa para maibsan 'yung sakit na nararamdaman mo"
"Inaantok na ko, pwede bang kantahan mo ako habang nakapatong yung ulo ko sa legs mo?" tumango bilang sagot. "Sana balang araw malaman ko rin kung anong dahilan kung bakit laging sumasakit itong dibdib ko" napahawak siya sa kanyang dibdib ng madiin, "sana matulungan mo akong magawa ang bagay na 'yon." Nginitian ko siya bilang sagot na pumapayag akong tulungan siyang malaman kung bakit palaging sumasakit ang dibdib niya.
Malungkot nga sigurong manirahan sa bahay na 'to, wala ka na ngang makausap, mabigat pa 'yung pinagdadaanan mo, iniisip ko parin kung ano ang naging bahagi ni Knight sa nangyari tatlong taon na ang nakalipas at kung bakit palaging sumasakit ang dibdib niya. Hindi ko man nararamdaman kung ano ang nararamdaman niya ngayon pero alam ko kung gaano kabigat sa dibdib ang lahat ng 'yon, kung gaano kahirap ang lahat ng mga nangyari.
♛ ♛ ♛ ♛ ♛
Juno's POV
Natutulog ang mangkukulam na 'to sa mesa na nakapatong lang ang ulo, ang gulo-gulo pa ng paligid niya, mga nagkalat na bote ng alak, nakabuhaghag na wire ng mic at mga tubig na nagkalat sa sahig. Kung katulong talaga ang pinasok niya dito bakit hindi niya magawang pangatawanan, ginagaya niya sa buhaghag niyang buhok ang square, 'di ba niya alam na dati ng wala pa siya dito ay ako ang naglilinis sa kalat na ginagawa ng anim, simplenb paglilinis lang ang gagawin hindi pa magawa, mangkukulam talaga.
"Nakausap ko siya, kanina sa library" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Ethan. Katulad ng dati ay pormado pa rin siya at talagang marunong pagdating sa fashion.
"Ano naman ang pinag-usapan niyo?" nakatungko kong sabi.
"Alam mo ba na malaking problema ang babaeng 'yan para makalabas tayo dito sa square, alam kong marami siyang alam pero nagpapanggap lang siya na hindi. Kapag nagkataon na magtagumpay siya sa kanyang plank dito isa lang ang posibilidad na mangyari"
"Ano?"
"Kahit kailan 'di na naman makikita ang labas ng square" pagkatapos niyang magsalita ay naglakad na siya paalis.
"Sino pong kausap niyo, Sir Juno?" nagpupungas pa ng mata na sabi ng mangkukulam.
Hindi ko siya pinansin at 'di man lang binalingan ng tingin, tumalikod ako at umakyat ng hagdan pabalik sa kwarto ko, hindi ko inaasahan na makita doon sa loob na nakahiga pa habang ginagawang unan ang kanyang palad na si Darrex. Ang hindi ko pinakakasundo sa kanilang anim, mabigat ang loob niya sa akin na hindi ko malaman kung ano ang dahilan, palagi niya akong sinasabihan ng duwag at masasakit na salita na parang kulang nalang ay pangalandakan niya sa mukha ko na wala akong kwenta.
"Bakit nasa loob ka ng kwarto ko?" nakatungo kong sabi, ayokong tingnan ang matatalim niyang mga mata na parang laging nag-aalab sa galit kapag 'di sadyang nagkakasalubong ang mga mata namin.
"Masama bang pumasok sa kwarto mo, duwag!" asik niya. Hindi talaga nagbabago ang tono ng pananalita niya palaging pasigaw.
"Pwede ka nang lumabas kung gano'n" napabuga siya ng hangin sa mga sinabi ko. Nagulat nalang ako na nakasandal na ako sa dingding habang kinukuwelyuhan niya.
"Tandaan mo, ikaw ang may kagagawan kung bakit kaming lahat nandito, ikaw ang may gawa kaya magdusa ka! papasok ako sa loob ng kwarto mo sa ayaw at gusto mo" binitawan niya ko.
"Nagsorry na ako ng ilang beses, bakit ba hindi mo parin ako magawang mapatawad? hindi ko sinasadyang mangyari ang lahat, kung pwede ko lang baguhin ang lahat bakit hindi, magiging matapang na ko, hindi na ko magiging duwag"
"Tanginamo!" asik niya. "Ito pala ang nangyari tatlong taon na ang nakalipas," nilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid. "Kaya pala, siguro ng mga oras na 'to, takot na takot, sa sobrang takot mo wala kang nagawa" tumawa siya ng malakas na tila nang-aasar, "Wala ka talagang pinagbago, kahit ngayon duwag ka parin, ano bang akala mo sa sarili mo isa kang pagong, at itong kwarto ang hawla mo. Isa ka talagang malaking duwag, duwag!" nanlalaking mata niyang sabi.
"Hindi ako duwag!" tutol kong sabi. "Wala kang karapatan na sabihin akong duwag dahil walang gustong mangyari ang bagay na 'yon, humihingi nga ako ng tawad, diba? bakit ba hindi mo parin matanggap 'yung paghihingi ko ng tawad? kailan mo ba ako mapapatawad?" naluluha ko nang sabi. Sa tuwing nagtatalo kami ni Darrex hindi ko mapigilan na 'di bumagsak ang luha ko, naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako na sana namatay nalang ako.
"Sir Juno!" malakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko, "sir, sir? may naririnig po akong ingay sa labas, okay lang po ba kayo?"
Tumingin sa akin si Darrex at binigyan ako ng nakakalokong ngiti, "Buksan mo ang pinto, para malaman ng babaeng 'yan kung ano ang tinatago mo sa loob ng kwarto mo"
"Sir, sir, sir?" usal niya habang patuloy parin sa pagkatok ng pinto, "Buksan niyo po ang pinto, okay lang po ba kayo?"
"Buksan mo!"
Naguguluhan ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, bubuksan ko ba ang pinto pero kapag binuksan ko, malalaman niya ang lahat ng mga tinatago ko sa loob ng aking kwarto, hindi niya pwedeng malaman 'yon, wala siyang pwedeng malaman at wala siyang karapatan malaman ang lahat ng mga 'yon. Ang tagal kong tinago ang lahat ng katotohanan sa loob ng kwarto ko, ang tagal kong nilihim ang lahat ng pwedeng itago. Kung ano man ang nangyari tatlong taon na ang nakalipas hindi na dapat pang malaman 'yon, hindi na dapat ungkatin pa at dapat nang ibaon sa limot ang lahat ng mga 'yon.
"Maayos lang po ba kayo?" nag-aalala niyang sabi na parang may pakialam talaga siya sa akin. Bahagya ko lang binuksan ang pinto para isiwang ang ulo ko.
"Sa susunod, 'wag ka ngang kakatok ng paulit-ulit hindi ako bingi" madiin kong sabi sa kanya, sana naman maintindihan niya 'yon at pumasok lahat sa kokote niya ang lahat ng sinabi ko.
"Sinundan ko po kayo sa taas, tapos narinig ko po na parang may kausap kayo, natakot lang po ako kaya kumatok ako sa pintuan niyo kaya—" hindi ko na ipinatapos siya sa kanyang sasabihin at sinara ko na nang malakas ang pinto sa harap niya. Ayoko makinig sa kung anong sasabihin niya tutal wala naman nagbabago.
"Kahit kailan duwag ka talaga, bakit 'di mo siya hinayaan na pumasok sa loob ng kwarto mo dahil natatakot ka? natatakot ka na makita niya kung gaano ko ipamukha sa'yo n duwag ka at wala kang silbi"
"Hindi ako duwag! 'di ako duwag!" nanggagalaiti kong sabi.
Biglang bumukas ang pinto at doon ay nakita kong nakatayo ang babae na parang gulat na gulat sa nakita niya. Hindi ko pala nalock ang pinto.