Marahas na sinaraduhan ako ng pinto ni Sir Juno, nagulat pa ako sa naging malakas na impact nito, malamig parin ang pakikitungo niya sa akin, sa tingin ko wala parin siyang tiwala sa isang tulad ko. Inaasahan ko naman iyon pero nando'n parin 'yung paniniwala ko na baka pagdating ko sa bahay ay 'di siya gano'ng klaseng tao, sinusubukan ko naman ang lahat ng abot nang makakaya ko para makasundo siya at maging magkaibigan kami pero mababa yata ang tingin niya sa isang tulad ko na katulong lang.
Binuhos ko nalang ang oras ko sa paglilinis pagkatapos kong magmukmok ng ilang minuto, hindi parin ako makapaniwala sa naging asal sa akin ni Sir Juno, parang nawawalan tuloy ako ng pag-asa na matatapos ko ang aking misyon sa loob lamang ng dalawang buwan. Sa kanya pa nga lang ay hirap na hirap na ako sa iba pa kaya, pinipilit ko naman maging positibo pero sa ganitong klaseng pagkakataon minsan nakakapagod din maging postibo.
Nagtungo ako sa silid-aklatan naalala ko 'yung tungkol sa sinabi ni Ethan na nobya raw niya, isang pulang libro 'yun na may kalumaan hindi ko alam kung paano siya nahulog sa bagay na 'yon at binigyan pa niya ng pangalan na 'Sofia.' Bumungad sa akin ang napakadaming libro sa silid pero sa pagkakatanda ko malapit sa pinag-upuan namin ng araw na 'yon itinago si Sofia, sa panglimang palapag sa gitna ng mga shelves, agad kong inisa-isa ang mga naroon.
"Magpakita ka sa akin, Sofia" paulit-ulit kong sabi habang masinsinan na iniisa-isang sinusuri ang bawat libro.
Nasuri ko na ang lahat ng librong sa bahaging pinagkuhanan ni Ethan pero hindi ko roon nakita si Sofia, inilagay yata niya sa ibang pwesto kaya wala na ito roon, inilibot ko ang paningin, kahit saang sulok ako tumingin ay puro libro ang nakikita ko, malamang kase silid-aklatan nga naman 'to. Naisip ko kung iisa-isanin ko ang bawat librong nasa silid ngunit baka abutin ako ng isang linggo bago ko makita ang hinahanap ko pero may magagawa ba ako, 'di ko naman alam kung saan niya tinago 'yung kanyang nobya.
Siguro, may mga ilang impormasyon doon na pwede kong malaman tungkol sa pagkatao ni Ethan, hindi naman siya mukhang kontrabida o sa madaling salita kaaway, may trust issue pa naman si Mr.Philip na hindi ko malaman kung ano ang dahilan ang sabi niya ako na raw ang bahalang tumuklas. Eh, tungkol saan naman kaya 'yung niya kay Ethan, mukha naman itong maayos kausap, pormal at hindi man lang mukhang mapaghihinalaan, malay natin si Sofia pala ang makakasagot sa tanong ko.
Pagkatapos ng mahigit tatlong oras ay sumuko narin ako sa paghahanap, bumalik nalang ako sa lobby tutal nabigo naman akong mahanap 'yung hinahanap ko, humiga ako sa sofa at doon ay pinagpahinga ang aking likod na sumakit sa maka-ilang beses na ginawang pagyuko kanina. Pinikit ko nalang ang mga mata ko baka sakaling dalawin ng antok, itutulog ko nalang 'yong pinoproblema ko tutal sumakit 'yung ulo ko sa pag-isa isa ng libro kanina.
Hindi pa nga ko nakakatulog ng biglang may naramdaman akong tumulong tubig sa mukha ko, nung una ay patak patak lang hanggang sa sumambulat ang napakaraming basong tubig na nabasa narin maging ang suot kong damit. Pagkadilat ko ng mata ay wala akong nakitang tao, hindi naman siguro ko nasisiraan ng ulo at magiilusyon na may bumuhos ng tubig sa mukha ko, nilibot ko ang aking paningin dahil tiyak akong nandiyan lang 'yung taong may gawa non, napakunot-noo ako ng makita kung nasaan ang salarin, may hawak itong pitsel at nagtatago sa likod ng sofa kung nasaan ako, pigil tawa siyang nakatingin sa akin na tila tuwang-tuwa sa kabastusan na ginawa niya.
"Yaya ka diba? bakit patulog tulog kalang diyan?" humanap pa ng katwiran ang isang 'to, siya nga 'tong may kasalanan balak pang baligtarin.
"Pwede ba sir, sa susunod pagsabihan niyo nalang ako at hindi basta basta bubuhusan niyo nalang ako ng tubig" mahinahon kong sabi pero pagalit ang tono ng boses.
"As if susunod ako sa gusto mong mangyari, yaya kalang. Kaya...." tinaas niya ang kanyang kamay kasabay ng paggalaw ng kanyang balikat, "wala ka paring karapatan" tumayo siya sa pinagtataguan niya.
May pagkamatalas ang dila ng isang 'to ah, base sa tindig at asal niya mukhang ang pinakabatang si Titus ang kaharap ko ngayon pero hindi ko inaasahan na ganito kapilyo ang isang 'to, kung buhusan ko rin kaya siya ng tubig gaya ng ginawa niya sa akin, baka manggalaiti din siya gaya ko. Salbahe! walang modo!
"Kung makatulog ka naman sa sofa akala mo naman ikaw si Sleeping Beauty hindi ka naman maganda" tumawa siya nang malakas sa ginawa niyang pangiinsulto sa akin. "Hindi ka pa nga nasusumpa ng witch, mukha ka nang nasumpa" tumawa ulit siya nang napakalakas, "ang masama pa doon mukha kang witch" halos mapaupo na siya sa labis na pagtawa niya, sana nga malagutan siya nang hininga kakatawa. Nanggigigil talaga ako sa lalaking 'to.
"Baka may sasabihin pa kayong iba, Sir Titus" madiin kong sabi. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko, hindi ko alam na magiging ganito ang reaksyon niya nang sabihin ko ang pangalan niya.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtataka niyang sabi pero nilayuan ko lang siya ng tingin at hindi pinansin. "Tinatanong kitang babae ka, paano mo nalaman ang pangalan ko?" sabi niya habang nakaturo pa ang kanyang daliri sa kanyang sarili.
"Secret," pang-aasar kong sabi. Hindi ko inaasahan na madali lang palang pikunin ang isang 'to, akala mo diyan ah.
"Sabi ko, paano mo nalaman ang pangalan ko?!" pasigaw na niyang sabi sa mukha ko. Hindi ako nagpasindak sa pagsigaw niya at nilayuan ko lang siya nang tingin.
"Secret!" napakamot siya ng ulo at nagpapapadyak padyak sa sobrang inis. Mababaliw 'ata ang isang 'to kapag hindi niya nalaman kung paano ko nalaman ang pangalan niya. Magdusa ka diyan dahil wala akong balak sabihin!
Nagdesisyon akong magpalit ng damit pero napakamot ako ng ulo nang mapagtantong wala pa akong masusuot, hanggang ngayon ay hindi parin sa akin pinapadala 'yung mga gamit ko tapos binasa pa ko ng pilyong lalaking 'yon, kung alam ko lang na bubuhusa niya ko ng tubig edi sana'y hindi nalang ako nagtangkang matulog sa sofa. Piniga ko nalang ang damit kong nabasa at muling sinuot wala naman magagawa dahil wala naman akong pampalit, ayoko naman humingi ng pabor sa taong 'to dahil tiyak na lalaitin niya ko kapag nalaman niyang wala akong dalang damit.
Pagbalik ko sa lobby ay nakita ko siyang pabalik-balik na naglalakad, tila iniisip parin niya kung paano ko nalaman ang pangalan niya, hindi ko siya pinansin nang tumingin siya sa akin, nilihis ko ang aking mata sa iba pero mapilit talaga siya at gumawa ng paraan para magpapansin.
"Sabihin mo na kase sa akin, bakit alam mo ang pangalan ko?" nanggugulo niyang sabi habang paulit-ulit na tinatabig ang kamay ko sa ginagawa kong pagpupunas ng salamin na pintuan.
"Secret nga," napabuga siya ng hangin sa sinabi ko.
"Hoy, babae! ako kaya ang amo, diba, yaya kalang kaya dapat mo akong sundin. Kakainis kang panget ka!" nakakunot-noo niyang sabi na nagpapapadyak-padyak pa sa sahig.
"Hindi naman ikaw ang amo ko, si Mr.Philip" tinigil ko ang pagpupunas na ginagawa ko at humarap sa kanya, "kung isumbong ko kaya kay Mr.Philip na binuhusan mo ako ng tubig tapos sabihin ko bilang ganti magpadala siya ng mga nakakatakot na maskara, sa tingin mo kaya anong pwedeng mangyari?" pambabanta ko, lumapit pa ako na halos isang dangkal nalang ang layo naman sa isa't-isa. "Ano? isusumbong na kita?"
"Paano mo na––laman na takot ako sa mga maskara? Paano. paano, paano?" hindi siya nagpasindak sa mga sinabi ko at mas tinaasan pa niya ng timbre ng kanyang boses.
"So, payag ka ngang isumbong kita. Tatawag lang ako Sir Titus sa telepono" binangga ko siya balikat. Naku! wala palang telepono sa bahay na 'to! "Nakakatakot na maskara ang sasabihin ko na ipadala 'yung maraming dugo tapos parang naaagnas na mukha" Hinawakan ko ang mga kamay ko kunwari kinilabutan ako, "nakakatakot sigurong makita ang mga 'yon!"
Agad na patakbong nagtago sa gilid ng sofa si Sir Titus, mukhang epektibo ang ginawa kong pananakot at pagbabanta sa kanya, akala niya siguro maiisihan niya ako na magpapasindak ako, alam ko kaya ang mga kahinaan niyo. Humalukipkip ako at lumapit sa kanya.
"Papadala ba ako ng mga nakakatakot na maskara, Sir Titus?" nakangisi kong sabi.
"Sige na, panalo ka na, alam mo na ang lahat ng tungkol sa akin basta 'wag ka lang magpapadala ng mga nakakatakot na maskara kay Mr.Philip" wika niya habang nakatago ang kanyang mukha sa sofa.
"Sasabihin ko parin kay Mr.Philip na magpadala ng mga nakakatakot na masakara" nagsusumigaw at nagpapapadyak siya na naiinis sa narinig niya.
"Sorry na, sorry kase binuhusan kita ng tubig. Pangako, hindi ko na uulitin 'yon" sabi niya habang nakadikit parin ang kanyang mukha sa sofa.
"Sige, pinapatawad na kita hindi na ako magpapadala ng mga nakakatakot na maskara kay Mr.Philip" inalis na niya ang pagkakatago ng kanyang mukha sa sofa. "Basta, ang pangako ay pangako ah." inabot ko'yung hinliliit ko sa kanya.
Nagpinky promise siya na hindi na niya ulit gagawin sa akin 'yon, mabuti nang malinaw dapat ang usapan, sana nga lang marunong siyang tumupad sa pangako. Sana nga!