Chereads / The Powerof Seven / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Darrex's POV

Nagawa pa niyang tumalikod eh, nakita niya naman na ang lahat. Buti nalang wala akong pake kung may makakita sa akin na hubo't-hubad, kahit pangalandakan pa ng iba na nakita na nila ang katawan ko, wala parin akong pake. Kung nagagandahan sila sa katawan ko, edi wala akong pake, kung pagnasahan man nila ang katawan ko, wala parin akong pake, kung wala silang pake mas lalo akong walang pake.

"Humarap ka ng babae ka!" pautos kong wika sa kanya.

Nakapikit siyang humarap sa akin. Ano bang kalokohan tong ginagawa niya? akala ba niya nakahubad parin ako.

"Idilat mo nga yang mata mo, baka kapag nainis ako tusukin ko pa 'yan"

Dumilat siya pero dilat na dilat. Putangina, ano ba ginagawa niya? nayayamot na ko sa kabobohan na ginagawa nito, ah. Magpapadala nalang ng babae si Tanda 'yong may sayad pa.

"Bakit po, sir?" magalang niyang wika.

"Huwag mo nga kong gamitan ng po, kung hugutin ko kaya 'yang dila mo" napabuga ako ng hangin, "Sino ka ba?"

"Ayeng Dela Cruz. Ang maid na pinadala ni Mr. Philip para paglingkuran kayo"

Basang-basa siya, naligo ba siya sa pool? ang lakas ng loob niyang maligo doon ng walang pahintulot sa amin. Kapal din pala ng mukha ng babaeng 'to, hindi na nga kagandahan, hindi pa maganda ang ugali.

"Anong nangyari sa'yo? bakit basang-basa ka?"

"Tumalon po kanina ay wala palang po dapat. Tumalon kanina si Sir Juno, akala ko magpapakamatay gusto lang pala lumangoy" nakanguso nitong wika habang nagsasalaysay ng kwento kung anong nangyari.

Iyon pala ang nangyari kaya basang-basa ang mokong na 'yon, hanggang ngayon pilit parin niyang itatago ang mukha niya, parang may mangyayari naman sa ginagawa niya. Hindi na nagbago, duwag parin, nagtatago parin sa madilim niyang nakaraan, kung ako sa kanya habambuhay nalang siya magtago, tutal 'yon naman ang gusto niya, magtago ng magtago ng magtago. Nakakapikon siya, tangina!

"Marunong ka naman siguro, umakyat ng hagdan, diba?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

"Automatic ba 'yong hagdan? okay lang naman sa akin na akyatin ko nalang" suhestiyon niya.

Putangina, bobo nga! automatic? saan naman niya nakuhang 'yong gano'ng ideya? hindi pa ba obvious na sarkastiko 'yong pagkakasabi ko, lahat na yata ng utak sa ulo niya sa biyas lahat napunta.

"Umakyat ka sa taas, ikuha mo ako ng masusuot" sumunod naman siya, "Saglit! alam mo ba kung saan ang kwarto ko?"

Tumango siya bilang sagot, nagkibit-balikat nalang ako at umupo sa sofa dito ko nalang siya hihintayin. Hindi sumagi sa isip ko na magkakaroon siya ng silbi, maganda din palang may utusan ka, utos sa ganito, sa ganyan. Ganitong buhay ang gusto ko, ngayon mukhang may kabuluhan na ang pananatili ko sa square, kahit nakakabagot parin, kung pwede lang suntukin ko yung mukha ni Tanda hanggang sa madurog ko gamit ang matigas kong kamao, eh. Kaligayahan sa akin gawin ang bagay na 'yon. Humanda lang siya sa akin, kapag nagkita kami ulit masisigurado ko nang tatama na ang kamao ko sa mukha niya.

"Ito na,"marahas kong kinuha ang mga damit ko. "Pwede ba akong maligo, basang-basa na kase ako, kung pahihintulutan niyo lang, sana"

"Sige, basta't bilisan mo lang at may gusto akong ipagawa sa'yo"

"Maraming salamat"

"Ba't di ka pa naalis? hindi pa ba sapat na nakita mo kong nakahubad kanina. Baka pati kung paano ako magbihis gusto mo rin makita!" pagalit kong wika.

"Wala pala akong damit, pwede bang makahiram ng kahit isang pares lang ng short at damit"

"Sige, sige. May magagawa pa ba ako? Basta't bilisan mo ang pagligo kundi babawiin ko 'yong mga damit na pinahiram ko sa'yo!"

Madali naman siyang kausap, madali nga lang siyang mataranta, ganito siguro ang mga babae, madaling mataranta. Kahit na hindi pinalad sa kagandahan, bawing-bawi naman sa tangkad ang babaeng 'to, mahaba ang biyas niya, nagkulang nga lang yata sa talino. Ang haba-haba ng buhok 'di man lang nagsusuklay balak yatang maging susunod na mangkukulam, lagi yatang nauubusan ng suklay sa bahay nila, eh. Makabihis na nga lang!

Binuksan ko ang T.V. at paakbay na nanood sa sofa habang nakapatong ang mga paa sa salamin na mesa, ganito talaga ang gusto kong buhay, 'yong walang ginagawa, tamang nood lang ng mga teleserye. Pinakapaborito ko ngayong teleserye ay Got to Believe ni Kathryn Bernardo, hindi ko alam kung paano ito nagsimula pero gustong-gusto ko siya umarte, gandang-ganda ako sa kanya at seksing-seksi naman kay Angel Locsin, sila 'yong mga pangarap kong babae na gusto kong mapangasawa kapag nakalabas na ako dito sa square.

"Nanonood ka din niyan?" nakanganga niyang wika.

"Masahiiin mo nga ang mga paa ko pero bago 'yon kuha mo ng popcorn at coke sa doon sa kitchen, dali!" pang-uutos ko.

Nagmamadali niyang nilapag ang coke at popcorn sa mesa at binaling ang tingin sa telebisyon habang minamasahe ang paa ko, 'di na masama, magaling siyang magmasahe, dati yatang manghihilot to, eh. Nanay siguro nito albularyo tapos yung tatay naman niya anak ng mangbabarang. Napatawa tuloy ako nang malakas sa mga naiisip ko tungkol sa babaeng 'to.

"Babae, nag-aaral ka pa ba? buti pumayag kang huminto sa pag-aaral para lang maging katulong" wika ko habang pumapapak ng popcorn.

"Nag-aaral pa ko atsaka hindi naman ako huminto, may kontrata akong dalawang buwan kay Mr. Philip kaya pagkatapos ng bakasyon ay makakauwi narin ako sa amin" kwento niya habang ang tingin ay sa telebisyon.

"Maganda ba sa labas?"

"Syempre, naman. Pwede kang pumunta kahit saan sa parke o mga kalapit probinsiya, may magaganda din tayong isla kagaya ng Boracay at Palawan" wika niya na sinasabayan pa ng pagkumpas ng kamay niya ang paglalahad ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Nakapunta ka na ba sa mga sinabi mong lugar?"

"Hindi pa, mahal kase ang pamasahe papunta doon"

"Sinungaling ka pala, eh. Paano mo masasabing maganda ang lugar kung hindi mo pa napupuntahan. Syempre, kailangan munang ikaw mismo sa sarili mo masaksihan at makita mismo ng mga mata mo kung gaano kaganda ang lugar"

"'Di naman kase minsan kailangan na mapuntahan mo mismo ang lugar, sapat nang masabi ng mga taong mismong nakaranas o nakasaksi kung gaano kaganda ang lugar atsaka marami naman kaseng mga picture na lumalabas online kung gaano kaganda ang mga isla"

"Manood ka na nga lang!" asik ko.

Masarap din pala kausap ang babaeng 'to, hindi nga lang nauubusan ng sasabihin parang tambutso, may mga gusto pa sana akong itanong pero tinatamad na akong makinig, mas gusto ko nalang matulog at magpahinga.

"Darrex ang pangalan niyo, tama?"

"Paano mo nalaman ang panglan ko, sinabi ba sa'yo ni Tanda?!" asik niya.

"Edi, tama nga ang hula ko, ikaw nga si Darrex"

♛ ♛ ♛ ♛ ♛

Malaki ang paalala sa akin ni Mr. Philip ukol kay Darrex Lavisto, may problema kase ito sa pisi ng kanyang konsensiya, madalas raw silang magtalo nito at nauuwi sa away, bibihira nalang sila magkita nito pero doon pa nauuwi ang usapan. Wala naman raw magiging problema basta't sundin ko lang kung ano ang papagawin nito at 'wag na 'wag ko raw sasabayan ang init ng ulo nito dahil sa huli baka ako lang din ang mamobrelama, iyon ang mga huling bagay na laging pinapaalala sa akin ni Mr. Philip kapag ang usapan ay tungkol sa lalaking mainitin ang ulo.

May napansin ako sa taas kanina, mukhang maling kwarto yata ang napasok ko maraming mga dyaryo ang nakapaskil at nakalagay sa mga dingding, lahat ng 'yon ay may kinalaman tatlong taon na ang nakakalipas. Kapag nilibot mo ang iyong paningin sa buong paligid ay malalaman mo ang buong kwento, kwento kung paano nagsimula ang lahat. Sigurado ako, kung may isa mang nagdurusa sa kanilang pito malamang ito ang taong 'yon.

Nakakamangha lang talaga ang bahay akalain mo na may pito palang kwarto sa taas, lahat sila ay may kanya-kanyang kwarto, gusto ko sanang bisitahin ang bawat isa kaso nakasarado ang pinto ng iba, tanging may dalawang kwarto lang na bukas. Ganito pala mamuhay ang pito kaya pala nahihirapan si Mr. Philip na kumbinsihin sila na magkaisa para sa kapakanan ng bawat isa, kaso sa sitwasyon nila ay mukhang imposible kase may kanya-kanya silang prinsipyo at pananaw sa buhay na mahirap nang baguhin.

"Malalaman ko din, balang-araw kung ano ang balak mo at bakit ka narito. Sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay sa binabalak mo" pagbabanta ni Darrex.

Mukhang minasama yata niya na nalaman ko ang pangalan niya, malamang sinabi sa akin lahat ni Mr. Philip, siya lang naman ang nakakakilala sa kanilang pito.

"Wala naman akong masamang balak sa inyo, nandito ako kase binigyan lang ako ng trabaho" sabi ko.

"Hindi parin ako naniniwala, pero sa ngayon masahiin mo muna ang mga paa ko. Isunod mo narin ang likod ko"

Ang dami pang sinasabi gusto lang pala akong utusan, wala naman akong magagawa, eh. Katulong lang nila ako dito atsaka sana'y naman na akong magmasahe kase naaalala ko kapag galing si itay sa trabaho ako yung boluntaryong nagmamasahe ng likod niya, sa ganoon paraan ko kase pinaparamdam ang paglalambing ko sa kanya.

Nakatulog si Darrex sa ginawa kong pagmasahe sa kanyang likod ganito pala ang itsura niya kapag mahimbing na natutulog mukhang anghel parang 'di mainitin at bugnutin. Sana habambuhay nalang siyang matulog. Biro lang!