I was walking down the corridor when my friend called me from behind. "Shelle!" And there I saw Ruby running after me.
"My gash, kanina pa kitang hinahanap." Sagot niya with an amazing hint of sarcasm. Which doesn't get old with her.
"Eh, bakit mo ba kasi ako hinahanap?" Tanong ko sa kaniya pabalik pero instead of answering, she just rolled her eyes on me. Grabe, maldita talaga 'to kahit kailan.
"Kasi naman yung bakla nating terror teacher nagrereklamo kung bakit daw ganito, ganyan. Yan tuloy, hinahanap ka!"
"Anong ganito-ganyan naman yang pinagsasabi mo?"
"Aluh, hindi ko din alam. Ibinuganga na lahat ang pwedeng ibunganga! Kasura, eh!"
"Luh, ano ga yun? Mamaya mapadamay pa ako diyan, ha!"
"Alam mo! Sumama ka na lang sakin at talagang malilintikan tayong lahat!"
Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ang kamay ko at tumakbo papunta sa Teacher's Faculty. Nang makarating kami dun ay halos magulat na lang ako ng makita ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa tapat.
Before I entered the faculty, I asked some students what had actually happened and guessing from their expressions, it doesn't look good.
At ang tanging alam ko lamang ay kadamay ang napakagaling kong kapatid.
Ano na naman bang kaguluhan ang ginawa ng lalaking yun?!
And upon entering, maririnig mo agad ang palakat ni Sir Ma'am sa loob ng faculty. Grabe namang komosyon ang ginagawa nito. Tinignan ko yung kapatid ko at nakaluhod siya ngayon. Tsk, serves him right.
Kaunti hakbang ko pa ay napansin na ako ni Sir Garciano. "Ms. Cruz! Mabuti naman at dumating ka na! Naku, itong kapatid mong tarantadong ito, gumawa na naman ng kalokohan!"
"Sir-"
"Ma'am! It's Ma'am Garciano to you!"
Feeling siya, uy. Wala namang matres. Mabuti pa yung mga bakla sa kanto namin, eh. Mas maganda na nga, mas mabait pa.
"M-Ma'am..."
"Yes?" Sagot niya habang nakataas ang kilay.
"Baka naman po pwede nating pag-usapan ito ng mahinahon. Ano po bang ginawa ng kapatid ko?"
"Hay, naku! Nakipagsuntukan na naman ulit! Nung mga ganyang edad ako, hindi naman ako nakikipagsuntukan!" Sabi nito habang nagpapaypay sa sarili.
"Nakikipagsabunutan ka kasi..." Narinig kong sabi ng kapatid ko kaya pinaglakhan ko ito ng mata. At mukhang lahat ata ay narinig ang sinabi nito.
Yung mga estudyante na nakikinig ay mga nagsitawanan at habang ang mga guro sa loob ay nagpipigil ng tawa. "Ano kako yun?! Hmm?! Nakita mo na, Ms. Cruz?! Ganyan ang ugali ng kapatid mo! Matalino nga, nakakasuka naman ang ugali!" Saad nito at umirap ng napakabongga.
"Si-Ma'am. Pagsasabihan ko na lang po ang kapatid ko at makaka-abot ito kay mama-"
"Ate!" Sabat ng kapatid ko pero mas lalo ko lang pinaglakhan siya ng mata.
"Tyaka, Grade 10 pa lang naman po siya, eh. Kamakailan lang din po ako nag-mature kaya kung pwede po ay pagbigyan niyo na yung kapatid ko."
Sasabat pa sana siya pero inunahan na siya ng pinsan kong teacher. "Oo nga naman, Jose. Pagbigyan mo na, mga bata pa naman yan, eh."
Tinignan ako ni Kuya Simon at nginitian ako. Naku, laking pasasalamat ko at naging pinsan ko ito.
"Sige na nga, wish kasi ni Simon." Aniya na animo'y kinikilig. Psh, matanda ka na, please. Kaya understand us more. "Pasalamat ka, kamag-anak mo si Simon kung hindi. Oh siya, gora na kayo!"
Pagkasabing-pagkasabi niya nun ay nagpasalamat agad ako at umalis na kami ng tuluyan.
Piningot ko kaagad ang tenga ni Aljon saktong pagkalabas na pagkalabas namin. Hindi ko iyon itinigil hanggang sa makalayo kami sa faculty.
"Ate! Aray! Sinabing masakit, eh! Ate!" Sambit niya bago ko tanggalin ang kamay ko pero hinampas ko pa siya sa balikat. Batang ito talaga, pasalamat siya at kapatid ko siya, eh.
"Ano ba naman yang naisipan mo, Aljon?" Sabi ko dito habang nakatingin sa kanya ng matalim. Kesa sagutin niya ang tanong ko ay kinamot niya ang kaniyang batok at humingi ng patawad.
"Ate! Huwag mong sabihin kay mama, please! Nagawa ko lang naman iyon dahil nainis na talaga ako sa kanya! Ang yabang kase!"
"Talaga?" Ani ko habang nagmumukhang naawa sa ginagawa niya. Nginitian niya ako pero sininghalan ko lang siya.
"Aljon, mag-ayos-ayos ka na nga! Mag-ge-grade 11 ka na this coming June!"
"Si ate, advance. Hindi pa nga natatapos ang March, iniisip na agad ang June!'
"Michael Aljon Cruz, magtino-tino ka nga! Pwede 'tong maka-apekto sa grades mo, lalo na sa pagiging top 1 mo!"
"Alam ko naman ate, eh! Sadyang last year pa kasi yun. Napuno na ako, lalo na nung dinamay yung girlfriend ko!"
"Che! Ewan ko sayo! Kay mama ka magpaliwanag!" Saad ko dito habang umaalis na papalayo.
Tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon. Diretso lang ang lakad ko at yun ay papunta sa classroom namin.
Dahil sa wala na kaming ginagawa at March na. Kaya ang maririnig mo na lamang na ingay ay ang kwentuhan ng lahat ng estudyante. Hindi na ako nagkanda-ugaga pa at pumasok na sa loob.
Pagka-upong pagka-upo ko ay lumapit ang mga echosero at echosera Log mga kaibigan. "Bro, ang lupet talaga ng kapatid mo!" Sabi ni CeeJay sakin.
"Oo nga, par. Talagang nasabi niya yun, ha! Sa harap pa mismo ni Sir!" Asik naman ni Kurt at sabay tumawa.
"Anong, sir? Ma'am daw siya!" Sabat ko dito na mas lalo pa nilang ikinatawa.
Nakikipagkwentuhan ako sa kanila ng biglang pumasok sa room yung adviser namin. And guess what? Biglang nag-transform ang lahat.
From being mga demonyo to being mga anghel, real quick.
Jusme, kami na talaga ang mga plastik.
"Alam ko namang nagpapakasaya kayo and I'm sorry to interrupt your party but I've got to announce some stuff before this school year ends." She gradually announced in front of all of us.
Pero dahil sa wala akong pake at magtatapos na nga ang School Year na ito ay nakipag-usap na lang ako kay na Ruby. Oh, Diba. Ang galing naming mga estudyante. Mga hindi nakikinig pag may announcement ang teacher.
Ganon lang ang naging set-up naming magkakaibigan nang biglang narinig ko ang pangalan ko. Napatingin naman ako sa kanila and there I saw mixed up reactions from my classmates.
Basta, in short, hindi ko siya ma-explain.
May mga natutuwa, may mga halatang naiinis at yung iba ay parang na-expect na may mangyayari ngang ganito.
"Michelle, narinig mo ba ako?" Tanong sakin ni Ma'am kaya nagulat ako at ang naging sagot ko ay isang malaking patanong din.
"Po?"
She sighed on what I said and just smiled. My gash, ano bang nangyayari? Antangi ko naman kasi. Ba't ba hindi ako nakinig kanina?
"Repeating on what I have said earlier. Magkakaroon nga ng isang special examination for entrance exams na nakalaan para sa TOP 1 and 2 natin.
Which is you, Michelle, at si CeeJay. This is because of what happened on the National Quiz Bee, last November 19.
They were actually astounded sa naging resulta na naipakita niyo kaya gusto nila kayong bigyan ng isang napakalaking chance na makapasok sa mas magandang school by answering in NES."
Wait, anudaw? Sorry, hindi nagprocess nang maayos ang utak ko sa sinabi ni Ma'am. Ang part lang doon na nagets ko ay yung Quiz Bee.
Lahat kasi ng grade level ay merong dalawang representative ng bawat school at ang National Quiz Bee only happens every 3 years for High School students.
Sakto, Grade 10 and 11 lang ang grade na nakapasok sa Round 5 na nagpe-present para sa school namin. At ang mas nakakagulat na balita ay ako at si Aljon ang nakapasok sa 1v1 round kaya ayun.
Sa kasamaang palad nga lang ay hindi namin nauwi ang trophy pero atleast nag-uwi ako ng gold medal at siya naman ay silver.
"N-NES, Ma'am? As in, National Examination for Scholarship?" Gulat na gulat na tanong ni CeeJay.
"Yes."
"What the-" Literal na yan lang ang lumabas sa bibig ni CeeJay habang naka-awang ang bibig.
"Anyway, you may continue what you are doing. Michelle and CeeJay, come to my office when you are free. Let's talk about that." Ang huling sambit niya samin at tuluyan ng umalis.