Chereads / Messing Up The Caste System / Chapter 2 - MUTCS 2: Michelle

Chapter 2 - MUTCS 2: Michelle

Kumatok muna kaming dalawa bago pumasok sa loob ng faculty. And there I saw my little brother with someone. Probably the person he won the award with.

Umupo kami sa tapat ng desk ni Ma'am, facing them. Tinignan ko ang kapatid ko ng matalim pero he just averted his gaze on me. The nerve!

Ilang saglit pa ay dumating na ang adviser namin at umupo sa kaniyang desk. "Sorry to disturb you at this time. Nagmamadali ba kayong umuwi?" Mahinahon nitong tanong samin pero ilong lang ang naging sagot namin sa kaniya. On sync pa yun, ha.

"Anyway, pinatawag ko kayong apat dito to talk about regarding to that. Unang-una sa lahat, I want to congratulate the four of you dahil isa kayo sa mga napili nilang students para makapag-exam sa NES.

Second. Before anything else, gusto kong malaman niyo kung paano gumagana ang system ng NES."

Tinignan niya muna kami na para bang nagtatanong kung sinong may alam tungkol doon sa pinagsasabi niya ng biglang magsalita si CeeJay sa tabi ko.

"Kung hindi po ako nagkakamali, kaya niya po kayong ilagay sa pinakamaganda at pinaka-elite na school sa buong Pilipinas, just by taking the test." Nginitian niya ito at tinignan kami isa-isa.

"Simulan natin from the registration fee papunta sa exam fees. Since, napili nga kayo ay hindi niyo kailangan problemahin pa iyon."

The guy beside him interrupted Ma'am kaya napatingin kami sa kaniya. "If ever pong hindi kami napili, magkano po lahat-lahat ang babayaran namin?"

"Hmm. Judging from the students who have gone and took a test from NES. Siguro aabot ng mga 1.5K."

"1,500 pesos?!" Gulat naming sagot lahat.

Grabe naman yun! 1,500?! Para lang sa lintek na exam na yun?! Naku, wag na! Kakaloka naman ang balitang binibigay ni Ma'am. Walanjo. Lalabas yung puso ko, eh.

"Lahat na kasi yun ng fees na posibleng pwede nilang bayaran." Pangkakalma samin ni Ma'am.

"So, ayun nga. Sunod namin ay ang pag-te-take niyo ng exam. May naka-asign sa inyong oras, date at pati na din ang number niyo.

Tandaan niyo! Basta malate kayo sa exam, hindi na kayo makakapagtake na. In short, kailangan niyo ulit mag-register for a new time, date and number for your exams.

Third, paano niyo malalaman kung nakapasa kayo. It's actually very simple to know if you pass the exam. May iba't ibang schools ang pwede niyong pasukan depende dun sa makukuha niyong grade.

Kung out of 500 questionnaires ang meron dun at naka-490 ka. Pwede ka ng pumasok sa elite schools."

Bigla namang pumalakpak ang taenga ko sa narinig ko. "Elite school po?"

"Yes, Michelle. Elite School."

~*~

Bumaba na kami ng tricycle, papasok na sana ako sa loob ng biglang hawakan ni Aljon ang kamay ko. Napatingin naman tuloy ako sa kaniya na nakakunot ang noo.

"Ano?" Medyo iritado na tanong ko sa kaniya.

"Ate, maawa ka sakin. Wag mo na talagang sabihin kay mama at talagang mapapatay ako nun!"

"As if! Manigas ka diyan!" Sigaw ko dito habang nagpupumiglas sa kaniya.

Pero dahil ayaw niyang magpaawat ay nagbangayan kami sa tapat ng pintuan namin. Akma ko na sanang bubuksan ito ng biglang si mama na mismo ang nagbukas.

"Mama!" Sabay naming sigaw.

"Pumasok na kayo at talagang para na kayong mga tanga diyan. Ang i-ingay niyo pa pati." Suway samin ni mama. Kaya habang papasok ng bahay ay masama ang tingin namin sa isa't isa.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at inilapag ang bag. Nagbihis muna ako bago lumabas ng kwarto. And there I saw my mom nagging at my brother, kasama si Kuya Sy.

"Ikaw na bata ka. Bakit ka na naman ba nakipagsuntukan, ha? Hindi ka na napagsabihan." Malumanay pero sarkastikong sabi ni mama kay Aljon.

"Hay, naku, Ma. Napagsabihan ko na din yan ng maraming beses sa school pero ayun hindi ako iniintindi." Sabat ko habang nakangiti ng malaki sa kaniya pero nginusuan lang ako.

"Ate Mitch," tawag ni Kuya Sy kay mama. Ang magpinsan namang ito, Oh. "Wag ka ng magalit. May maganda ngang balita yang dalawang yan para sayo, eh."

"At ano naman iyon, mga aber?"

"Ay, nga pala, Ma. Pinapabigay ni Ma'am itong form para sa inyo." Tinignan muna niya ako bago kunin ang form na hawak-hawak ko.

Pagkatapos niyang basahin yun ay mukhang hindi masaya si mama sa nabasa niya sa form kaya tinawag ko siya sa kaniyang pangalan. Ilang ulit pa bago niya ako tuluyang mapansin.

"Anak, C-Congrats. Bilib na talaga ako sa taglay mong talino."

"Eh, ako, Ma? Kasama din kaya ako diyan!"

"K-Kasama ka din?" Gulat na tanong ni Mama kay Aljon habang ngiting-ngiti naman ang ugok at ibinigay din ang form.

"Ma," Tawag ko kay Mama kaya napalingon naman ito sa direksyon ko. "Ayos lang po ba kayo? Bigla po kayong namutla, eh."

"Anuba yang pinagsasabi mo. Siyempre, okay lang si Mama. Natutuwa nga ako sa nging balita niyong dalawa, eh."

"Ate Mitch." Rinig kong tawag ni Kuya Sy kay mama, halata sa mukha nito ang pagiging concern dito kaya hindi na ako makisawsaw pa.

~*~

Nothing much happened in the past two months and a half. Hindi ko ng rin namalayan na magtatapos na ulit ang bakasyon and it sucks to know that fact.

In those past two months, nag-review-review lang kami ng kapatid ko. Nag-gala-gala kasama mga kaibigan namin o kaya naman ay tumambay kung saan-saan.

And before I knew it, araw na ng examination namin para sa NES. Yeah, you've read it right. Kasalukuyan kaming nasa loob ng tricycle kasama si CeeJay at kanina pa naming pinag-uusapan kung anong mangyayari after.

"Shelle, alam mo ba na may isang school na kasali sa NES ang never pang napasukan ng scholar na estudyante."

"Talaga?" Gulat kong tanong kay CeeJay.

"Oo. Sa sobrang ganda at mahal ng school na iyon, ang talagang makakapasok lang ay ang mga totoong mayayaman. To the point na dapat perfect mo ang NES at Entrance Exam nila para makatanggap lang ng scholarship galing sa school na 'yun." Mahabang litanya ni CeeJay na naging resulta ng aking pagka-nganga.

"Grabe naman kamahal ng school na 'yun. Yung tipong grabehan na kung makapasok."

"Sobra! Yung tipo talagang pati dapat sa card mo ang pinakamababa ay 97."

"Seryoso ka?! Grabe naman 'yan! Adik naman! Anong pangalan ng school na 'yan?!" Gulat kong tanong dito. Sasagutin na niya dapat ako ng bigla kaming itinigil ni manong.

Nasaan na ba kami?

"Kuya, Ba't po kayo tumigil?" Tanong ni CeeJay dito.

"Ah, patawad po pero hindi po pwedeng pumasok sa loob ang tricycle, kaya kailangan niyo pang lakarin yung papasok." Sabi ni Manong Driver kaya bumaba na kami.

Pumasok na kami sa loob at takte! Seryoso ba sila? This looks like a school! Ang laki niya masyado para lang sa isang examination chuvachernes.

"Huy, ate. Tara na sa loob, kailangan pa nating makuha ang number natin."

"Tsk, chill ka lang. As if namang mauubusan tayo." Ani ko dito.

Pinagmasdan ko yung paligid at masasabi oo ngang maganda ito. Madami-dami din ngayon ang tao dito. Yung iba naman ay nag-re-review habang yung iba naman ay nakatingin sa bulletin board.

Hindi naman nagtagal at nakuha na namin yung mga number namin. 1st Batch kaming parehas ng kapatid ko habang 2nd Batch naman si CeeJay.

At exactly 9:00 a.m ay mag-e-exam na kami. Room 305, Building A ang lugar kung saan ako mag-te-take ng exam habang Room 200 naman si Aljon.

Madami kaming mag-e-exam. For upcoming Grade 10 students ay siguro kulang-kulang na 10, 500 students ang nandito ngayon.

Kaya habang naghihintay sa oras ay lumabas muna ako para kumain. Merong malapit ditong Jollibee sa labas kaya doon ko na lang naisipang pumunta para tumambay.

~*~

Time check: 11:50 a.m

We're currently taking our last exam at pag nagsaktong 12 o'clock ay ipapasa na namin ang papers. Mapatapos man o hindi.

Science, Math, English at Filipino ang in-exam namin ngayon.

Math ang tine-take namin ngayon at sa hindi ko maintindihang bagay ay mukhang kukulangin pa ata ako sa oras. Isang number na lang, eh!

*Kring*

And there it goes. The sound of the timer ringing. "Everyone, please out your pens down and pass the papers."

Ginawa namin ang sinabi niya. Paalis na sana kaming lahat ng bigla niya kaming pinigilan at pina-upo.

"Before you guys go, I just wanna inform you some stuff about the schools. Merong itong apat na hati, the third class, second class, first class at Elite Schools. The results will be posted on our bulletin board, next week. Yun lang, you can now go."

Pagkatapos sabihin yun ng proctor namin ay tuluyan na kaming umalis. Naglabasan na lahat ng estudyante kaya naisipan kong tawagan si Aljon. I tried calling him again and again pero hindi niya sinasagot.

Naglalakad ako ng patalikod, hoping na sana makikita ko siya pero wala talaga. Saktong haharap ako ng biglang may nabangga ako.

"Oh My Gosh!" Sigaw nung nabangga ko. Oh my gosh talaga. Tsk, lagot na. Mukhang mataray pa naman ang isang ito.

"Sorry po." Sabi ko kay ate.

"Bakit ka ba kasi hindi natingin sa dinadaanan mo?!"

"Sorry po talaga."

"Grabe, sira na nga ang araw ko, sisirain mo pa lalo!"

"I'm really sorry. Hindi ko talaga sinasadya." Concern kong sabi dito.

OA naman nito. Nabangga ko lang naman siya tapos nag-sorry na nga ako sa kaniya, eh. Hindi ata uso patawad sa bokubolaryo niya.

"Well, you should be. You know what? Pasalamat ka at isa kang out cast at hindi ako napatol sa mga katulad ninyo. Excuse me nga." Sarkastikong pagkasabi niya.

Saktong bigla namang dating ni Aljon habang sinisigaw ang pangalan ko kaya mas lalo pa akong pinagtitinginan ng tao.

"Ate, sino ba 'yung kausap mo kani-kanina lang at tsaka ba't nila kayo pinag-ti-tinginan?"

"Dahil sayo." Prangka kong sagot dito.

"Dahil sakin?" Naguguluhan niyang tanong sakin.

"Oo, dahil sayo. Tara na nga, pahamak ka talaga kahit kailan."

~*~

It's already the 24th of May and guess what? Something weird just happened this morning.

So, pumunta nga kami sa venue kung saan ginanap ang NES para tignan ang naging resulta pero none of our names was there, kaming magkapatid.

Kaya ang ginawa namin ay pumunta kami sa oh-so-admin nila at nagreklamo. They asked kung anong pangalan namin at halatang nagulat sila sa sinabi namin at pinapunta kami sa Registrar's office.

They made us retake the test, lahat iyon. Tapos naging doble pa ang pinasagutan namin although magkaiba naman ang questionarres.

Naka-upo kami aa harap ng pinakamataas na staff dito ngayon.

"Good afternoon, sorry at naabala ko ata kayo." Sabi niya at umupo na sa upuan habang hawak-hawak ang exam papers ata namin.

Uso naman kasing umasa.

"Good afternoon din po." Bati ng kapatid ko na halatang na-wi-weirduhan sa nangyayari. Kahit nga ako.

"Ayoko nang magpa-ligoy-ligoy pa. This may sound absurd and not real pero you two,"

.

.

.

"Actually got in Caltex State University."