Kasalukuyan akong nasa canteen ngayon, na mostly tinatawag ng students dito ay cafeteria. Arte 'noh? Parehas lang din namang binubuksan at kinakainan.
After ng nangyari sa classroom ay wala na ulit na kaguluhang nangyari sa buhay ko. Sa totoo lang sanay na ako sa ganun. I used to be bullied when I was in elementary back then. Yung tipong, ampon lang daw kami ni Aljon gawa ng wala daw kaming tatay at hindi namin kamukha si mama.
And so on and so fort.
Hindi na gaanong kadami ang nakapila sa counter gawa ng pinalipas ko muna ito. Dahil tumambay pa ako sa classroom dahil alam ko ng magkakagulo ang tao sa cafeteria. Ayoko pa man ding nakikipagsiksikan.
As soon as I landed my eyes on the prices ay literal na bumagsak ang balikat ko pati na rin ang aking panga.
Huy, no shit.
Isang spaghetti costs like 65 pesos. Tapos ang baon kong pera ay 100 lang. May pamasahe pa akong babayaran. Narinig ko namang kumulo ang tiyan ko ng kaunti pero no choice talaga, eh. Hindi ako makakakain.
Humarap na ako pabalik sa exit ng biglang may humarang sa harap ko. "Hi, Michelle." Ani ni Zakira na may halong kaartehan.
Zakira Vern Jeronimo. Isang mataray at napaka-arteng sosyaling babae. Siya lang naman ang tumawag sakin ng bitch ng napakalutong. Yeah, she's the one.
I didn't try to bother answering her again, lalong-lalo na kung ganito makatingin ang estudyante samin.
I've also known for a fact that she's super popular. She became really popular because of her looks and the activities she participates in. Base lang naman yun sa mga naririnig ko.
Aalis na talaga ako ng tawagin niya ako muli. "Wait lang, Michelle. Hindi ka kumakain. Gusto mo?" Alok niya sakin ng spaghetti. I, of course denied her offer. Mamaya may lason na pala ditong nakahalo.
Mas lalo pang lumakas ang tensyon at bulong-bulungan sa paligid and yet, wala man lang pakialam ang staff sa nangyayari. "Sorry, pero full pako, next time na lang. Salamat nga pala sa offer mo."
"Busog ka pa? Eh, hindi nga kita nakitang kumain. Here, Oh!" Pilit niyang ibinibigay sakin yung spaghetti hanggang sa napalapat na lang ito sa jacket ko.
Hindi agad nagrehistro sa utak ko ang nangyari habang yung mga nanunuod ay parang expected na nila 'to.
No! Hindi pwede! Isa 'to sa mga paborito kong jacket! Aluh, mantsa ang abot nito! Padabog kong sabi sa kaloob-looban ko. Tinanggal ko yung spaghetti na natira sa jacket ko pero it's no use.
What made my blood boil more is when I heard her snickered and the fact that she just freaking defended herself. Seryoso ba talaga siya sa pinaggagagawa niya?!
"Oops. Sorry, natapon. Kaw kasi, eh, ang likot mo masyado. Tara na nga girls, mukhang ayaw niya talaga, eh." Sabi nito at tumawa pa ng mahina.
I'm in the verge of shouting at her pero I didn't do it. Mas inalala ko muna yung jacket ko at pumunta sa room para ayusin ito dahil may wet wipes ako sa bag. Ngunit, mas masamang balita pala ang naghihintay sakin sa classroom dahil hindi ko makita yung bag ko.
I tried looking for it everywhere in the room hanggang sa may biglang pumasok na lalaki sa loob ng classroom na dala-dala ang gamit ko na basa.
Mabilis kong pinuntahan ito at tinignan kong gamit ko ba talaga ito at hindi ako nagkakamali. Akin nga. Napangisi na lang ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko. Napa-upo na lang talaga ako sa sahig at tinignan ang gamit kong nakakalat sa sahig.
"Nakita kong dala-dala nina Zakira yan kaya sinundan ko." Napatingin ako sa kaniya at bumuntong hininga. "Salamat na lang pero kung may kailangan ka sakin kaya mo ito ginawa. Sorry pero wala akong maibibigay." Ani ko dito at pumuntang CR para ayusin ang hinayupak kong jacket. Pinunasan ko ito at pinagpag muna bago tiklupin.
Saktong pagkalabas ko ay nahagilap agad ng mga mata ko yung lalaking nagbigay ng bag ko.
Inabot niya ito sakin at ngumiti. "Mabilis ko silang nakita kaya mabilis ko din itong nakuha. Pinatuyo ko na agad ito saktong pagkakuha ko." Kinuha ko yung bag ko sa kamay niya.
Don't tell me na inayos pa niya ito? Iniwan ko kasi itong nasa lapag lang talaga ng classroom. Aalis na sana ako pero napatigil ako ng marinig ko siyang magsalita ulit.
"Tyaka, hindi ako katulad ng sinabi mo. Isa lang din naman akong biktima nila."
Hindi ko na inabala pang harapin siya muli at dumiretso na sa loob ng classroom. Akala ko makakapag-drama ako sa loob pero mukhang hindi matutuloy, gawa ng may iba pang tao sa loob.
Yung katabi ko.
Na tulog na naman ulit. Psh, paano naman kaya 'to napalagay sa Special Section, eh, patulog-tulog lang. Kanina pang umaga yan, ha.
Umupo ako sa tabi nito dahil dun yung silya ko. Dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko ay napatingin na lamang ako sa katabi ko. Ini-imagine ko kung anong magiging mukha niya. Hindi ko kasi nakita yung mukha niya kanina kaya sobrang curious ako.
I have this habit of mine kung saan paglalaruan ko yung buhok ng lalaki dahil sobrang cute at soft lang nito. I was about to do that without realizing it.
My hands were so near from his hair nang biglang nag ring yung bell ng school. Meaning, tapos na ang recess namin. Kasabay nun ang pagpasok ng mga kaklase ko sa loob ng classroom habang ako ay minumura na ang sarili sa kaloob-looban.
That was so fuckin' stupid.