Chereads / Messing Up The Caste System / Chapter 13 - MUTCS 13: Michelle

Chapter 13 - MUTCS 13: Michelle

I'm currently seating inside in a fancy restaurant with a guy. Na hindi ko po alam ang pangalan. Grabe, di na ako magugulat kung biglang papatayin na pala ako nito.

He's currently looking at the menu habang ako na walang dalang pera ay nakatingin lang sa kaniya. Ngayon lang din naman ako makakapasok sa ganitong klaseng restaurant. Hanggang McDo lang kaya namin, eh. Ba't ba?

Naglabas naman ito ng hininga at ibinababa ang menu bago tumingin sakin. "Alam ko namang masarap ako pero maniwala ka, di ka mabubusog sa kakatitig lang sakin." Napa-tawa na lang ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Oo, natingin ako sayo pero di ibig sabihin nun, masarap ka na. Hindi ka nga kaaya-aya tignan, eh. Tyaka san moko gustong tumingin? Sa menu? Hindi naman ako oorder, wala akong pera."

Napatingin naman ito sakin ng seryoso at sumagot. "Alin ba sa mga katagang libre ko ang pagkain na kakainin natin ang hindi mo maintindihan?"

Hindi ko na ito tinugon at nagbigay naman ng isang malangiting aso ang taong nasa harap ko ngayon kaya hindi ko napigilang bumasangot ang mukha.

Then nagtawag na siya ng waiter at nagsabi ng kung ano-ano. Kamalayan ko ba naman sa sinasabi niya. Basta ang alam ko lang, chicken. Nang mailista na ng waiter yung mga kakainin namin ay humarap ito sakin at tiningnan ang mga mata ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya mas lalong lumawak ang ngiti nito.

"So, Ms. Cruz, kung hindi ako nagkakamali."

"Bakit? May problema ka sa pangalan ko, Mr. Zackermore?"

"Wala naman, and stop calling me that, may pangalan ako." He was eyeing me as if na parang gusto niyang makipag-away. I didn't got swayed by his gaze. Akala niya, ah.

He was about to speak ng biglang dumating yung pagkain namin, I heard him say thank you and with the click of his tongue by annoyance of probably him being interrupted.

Pinagdududahan ko pa muna ito bago kumain, mamaya pala singilin ako nito sa huli.

Sobrang tahimik namin habang kumakain which made it much more awkward than before. Para sakin, ewan ko lang sa lalaking to, medyo makapal-kapal ang mukha nito, eh.

Oh, diba, makapal nga mukha, biglang nagsalita ng bigla-bigla.

"You should take care of yourself lalo na bukas." Hindi ko mapigilang maitaas ang isa kong kilay. Anong meron bukas? I've also noticed it, para bang may mali. "Bakit? Ano bang pwedeng mangyari bukas?" I asked in a calm yet demanding tone

Hindi naman niya ako sinagot, bagkus tinapos muna ang pagkain at biglaang tumayo. Naglakad papalabas ng restaurant, dire-diretso papunta sa sasakyan niya. Hindi ko mapigilang kumunot ang noo.

Sinundan ko ito papalabas ta naabutan ko siyang bubuksan ang kotse pero he stopped at tumingin sakin.

"When I tell you to be careful tommorow. I mean it, Michelle." His gaze was on mine. I couldn't but to be threatened. It was powerful and immense. Pumasok na siya sa loob at binuksan ang makina at umalis na papalayo sa lugar na iyon.

The only thing that could function in my mind was, What in the world is he talking about?

Kahit na medyo naguguluhan, pilit ko munang tanggalin yun sa isipan ko at tumawag na muna ng tricycle namin.

Hindi naman ganoon katagal yung biyahe kaya nakarating na ako agad sa bahay namin. Dumiretso papunta sa kwarto ko para makapagbihis at makapagpahinga.

Nawala din yun sa isipan ko ng mapagbalingan ko ang aking cellphone. Na biglang tumunog, symbolizing na may tumatawag sakin.

It went like that for the whole day hanggang sa nakatulog na din ako sa huli.

~*~

Maririnig mo ngayon ang tawanan at bulungan sa paligid. Lahat ng estudyante ay yun ang ginagawa. Dejavu pa nga at dito sa loob ng cafeteria ulit nangyari.

Bakit?

Gawa lang naman ni "Master" Zakira na tinapunan ako ng juice ng hindi niya daw sinasadya. Alam kong hindi ako pwedeng pumalag kaya umalis ako papalayo para magpalit.

I went inside the washroom na may dala-dalang extra uniform. Buti na lang at meron sa loob ng locker. Buti na lang at sa damit ko ang tapon, kundi, kailangan kong maligo ng bongga.

After nun ay tumingin ako sa salamin, reminiscing the things that happened earlier pati na rin yung sinabi niya sakin kahapon.

Kasabay kong pumasok si Michael. Naghiwalay din kami ng direksyon. Pumunta ako sa loob ng classroom, feeling all the tension that's been surrounding the whole room right now.

Umupo ako sa upuan ko, katabi ang magaling kong seatmate-slash-partner. I felt all the tension once again dahil nakatingin sila sakin lalo na si Zakira. She was killing me with her eyes.

Siguro matagal na akong patay sa isip nito. Laki ng galit sakin, eh.

I tried looking for Casty and I never failed. Pero what's bothering me was the expression on his face. Para itong kabadong-kabado.

And with that the a voice was heard on the speaker.

"Good morning, Caltexians. Here we are, once again, waiting for the time where we can finally bid on someone. It's the most awaited moment every year.

I won't make any more announcement and let the Caste System, begin."

With that, a loud bang echoed around the school.

"Oh, right, before we proceed to the actual biddings. I must first explain the mechanics. To our dear, transferees. I want to welcome you to the annual Caste System event which is held every year. You students are divided into three categories.

The alpha's which are the highest of the highest. They are the students who has the highest standards. The sons and daughters of our great CEO's.

The beta's, the stock holders or the share holders of the companies. The usual partners of the CEO's.

The omega's. They are the kids of the usual high standard works. They have their own world but has a common job. Like, being a kid of a doctor, engineer, lawyer etc.

And lastly, the outcasts. The one who works under for someone and usually the commoners. For example, the kids of the secretaries, managers and such.

Alpha's and Beta's are the only one who can bid and the rest, will get into the bidding.

The bidder can only have a maximum of 5 bids.

That's it. You may now start."

May lumabas sa screen lahat ng rankings namin and there, I saw my name being plastered at the very bottom. The outcasts. Nasa pinakadulo ako.

May bigla namang tumayong babae.

"Xerna Javier, A beta, would love to bid on. Casty Burgos, Jillian Ferrer, Julie Ferrer, Lino Cayetano and Enrike Hugo." Napatingin ako kay Casty pati na din siya. He was mouthing sorry to me. But I couldn't pick up the pieces of the puzzle.

May tumayo pa muling isang lalaki at pumunta sa unahan. "In the count of three and no one dares to compete with Ms. Javier. The biddings will be hers." He then started counting one to three at walang pumalag. Umupo na sila looking happy and all.

Nagpatuloy tuloy lang yun hanggang sa si Zakira na mismo ang tumayo. "I, Zakira Vern Jeronimo, bid onto you," tinignan niya ako na May kasamang ngiting aso. "The lowest of the lowest, Michelle Adellaine Cruz."

And then dun nag-sink in sakin lahat. I am now officially the slave of this bitch.

Napabuntong hininga na lang ako bago lumabas ng restroom. I saw Casty running towards me at dun napataas ang isang kilay ko.

He was saying sorry the whole time. Kaya nga tinulugan ko siyang kumalma at tinanong kung bakit. "Kasi naman, I couldn't help you from Zakira plus, hanggang lima lang ang pwedeng i-bid. Si Xerna, she's our friend.

A high class one, kaya nga simula nung una she bade on us, as her friend. Walang slave slave or master basta kaibigan.

I'm sorry I couldn't bring you to our group, really. I'm sorry."

I shook my head dahil wala naman siyang ginawang masama. It's part of this stupid game na pati ako ay nakasali.

We then went out at dun niya pinakilala sakin ang mga kaibigan niya.

Xerna Javier. A beta, Isang stockholder ng isang malaking kumpanya. She's a really sweet girl. Has green eyes na mas lalong dumadagdag sa kagandahan niya.

Jillian Ferrer and Julie Ferrer. Magkambal sila pero fraternal naman kaya di na mahirap sakin makilala kung sino si sino and they're omega's. Parehas na Engineer ang parents nila. Parehas ding masiyahing pareho pero mas tahimik si Julie kesa kay Jillian.

Lino Cayetano. A beta. Hindi siya simpleng beta lang. Isang beta ng kung saan puro doctor ang pamilya nila kaya medyo umangat siya. Kahit daw ganun, habulin siya ng kababaihan.

Enrile Hugo. Isa ding omega kagaya nung kambal. A really mysterious one. Basta tahimik siya.

Sila lang ata yung grupong walang pake sa lintik na Caste System na to basta maayos sila.

Sila lang ang kasama ko sa buong isang linggo at sa sumunod. Sila din nag nandiyan sa tabi ko everytime na binu-bully ako ni Zakira. Tatlo kami actually. Pero ewan, wala naman akong pake.

Hanggang sa dumating ang Friday. They kidnapped me na hindi ko man lang alam kung papaano.

Basta ang alam ko natutulog ako sa loob ng classroom at pagkagising ko is nasa loob ako ng isang garahe na nakatali sa upuan na may takip ang bibig. Wow, never thought they would go this far.

May nakita akong figure ng tatlong tao. Dalawang babae at isang lalaki. Lemme guess, Isa sa kanila is Zakira and damn I was right.

Maririnig mo ang tawa niya sa buong paligid. "Psh, pathetic. Kamusta ka naman? Anong feeling na nandiyan ka? Fits you right. Huwag kang magalala in no time. Mawawala ka na din sa mundong ito."

Umalis siya at bumalik na may dala-dalang trashcan at tinapon sakin ang basura nito. I couldn't feel but to be surprised. "Serves you right."

They did everything they can para lang masaktan ako pero mukhang namamanhid na ako. They threw balls at me. Smashed me with bats which is medyo masakit talaga. Pinagsisipa at pinagsusuntok at sampal nadin. Lutong ha.

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming ganyan. Hanggang sa may binuksan itong camera at nagsimulang lumapit yung lalaki, taking off his shirt at dun na ako tuluyang makaramdam ng takot.

I tried to scream and all pero naiiyak na talaga ako hanggang sa napapikit ako ng mata ko.

•••

Fraiser Hanz Zackermore

Pumasok ako sa loob ng classroom at napagpasiyahan na tumambay muna dun. Walang kwenta mga tropa ko. Lalakas ng trip, mas lalo lang akong naiinis.

It's been a week simula nung nagstart yung Caste System kuno. I've never been part of it. Kahit kelan. Pandagdag lang yan sa sakit ng ulo ko.

Habang nakatingin sa bintana, may nakita akong dalawang babae at isang lalaki na may buhat-buhat na Isa pang babae. I can't help but crease my brows.

Para silang nagmamadali na ewan.

I tried to sleep pero bigla namang nagbell at dumating na ang mga kaklase ko. I sighed dahil naging sobrang ingay ng paligid.

I could hear the murmurs of people inside the room hanggang sa may narinig akong isang balita. That got my attention.

"Wala din dito si Michelle? Saan naman kaya pwedeng pumunta yung babaeng yun. Malapit ng magklase."

"I know, I know. Yun na nga eh. Weird, ngayon lang siya naging late ng ganito. Usually naman is nandito lang yun."

"Hay, ewan. Dadating din yung babaeng yun."

Tinunghay ko ang ulo ko to see who's talking beside me. Sa gilid ko pa talaga. Hindi ko maiwasang mag-isip kung nasan na din yun.

Kung tutuusin, pagkatapos kong umobob is dadating na din yun ilang minutes na lang.

What's much more weird is tatlong oras na siyang wala sa klase hanggang sa mag-lunch. And there narinig ko na naman ang usapan nung magkakaibigan.

"Ano na? Out of reach parin?" Sabi nung maliit na lalaki sa kanila.

"No, wala talaga. Nagriring pero walang nasagot."

"Ano ba naman yan, tatlong oras na siyang nawawala. Tatlo and look, lunch na pero wala parin siya."

"Shouldn't we try looking for her--?"

Bigla namang pumunta yung isa kong kaibigan. Si Liel. "Ano ka na? Lunch na, di ka ba sasama samin?" Tumayo ako at tinignan yung isang grupo dun na medyo natataranta na.

I waved off my thoughts at sumama na sa kanila. Dire-diretso kami papuntang cafeteria. Sila lang ata ang nagkakaintindihan dahil hindi ako naimik.

Umupo ako sa dati kong pwesto, magisa. Hindi ako nakain paglunch. I just use my phone every now and then. I was scrolling through my phone when I suddenly overheard something.

"Sissy, Ang creepy talaga ano? May tumitiling babae sa loob ng garage pati na din pati na din isang tawa."

"It's probably Zakira na naman, sa Special Class. Kawawa naman yung nabibiktima nu--"

They were shook nung biglaan akong tumayo at humarap sa kanila. "Saang garage yang pinagsasabi niyo?" Tanong ko sa kanila pero walang sumagot. Buiset, mga pipi ba mga ito? "Sagot!"

"S-Sa may malapit po sa water fountain dun sa may field ng T-Tennis."

As soon as I heard her answer I quickly ran papunta dun sa sinasabi nila. I know that place for effins sake. May kutob akong siya yung nakita ko kanina. She must be it. Wala si Zakira kanina along with her friend pati na si Michelle.

Tsk, such a freaking troublemaker.

I tried contacting her pero no use. Kagaya lang din ng sinabi nila, nagriring pero walang nasagot.

Nang matanaw ko na ito ay hindi ko kaagad ito mabuksan dahil naka-lock kaya nga sinira ko at bago makapasok sa loob and there I saw a girl tied up on a chair, crying.

I saw Zakira and a girl pati na yung lalaki. She was so frightened to see me. I quickly punched the guy at ilang beses pa yun naulit.

Kinalas ko yung pagkatali kay Michelle at inalalayan itong tumayo. She was covered with bruised at nanginginig ito. The girls were trying to escape pero diko pinalampas.

"Zakira Vern Jeronimo. Nice to meet you on this kind of setup."

"F-Frei."

"I'm sorry to tell you but this girl was never been yours. She's my property from the very start, kaya if I were you. Fuck off.

Or gusto mo ng official statement? Fine, Ill give you one. I, Fraizer Hanz Zackermore. The highest of the highest of the Alpha's certainly bid on this girl. Take her once again and you'll never get out alive.

I heard you have three bids. Hindi naman masama kung kukunin ko pabalik ang isang sakin naman talaga diba?" I gave her the face and she nod.

"Move! Bago pa kita mapatay." Galit kong sigaw dito and with that nahimatay na siya and the good thing was nasalo ko siya. Right in my arms.