Minulat ko ang mata ko at ang tanging bumungad sakin ay isang kulay puti na kisame. Tumingin ako sa kanan at doon nakita ko yung kapatid ko na nag-ce-cellphone.
I tried standing up pero nabigo ako, masyadong mabigat yung katawan ko. Narinig ko yung buntong hininga ng kapatid ko at tumingin ito sakin. "Alam mo, ate. Ikaw na ata ang pinakamalakas na magnet ng gulo."
"Ang sakit ng katawan ko." Usual ko dito na ikinangisi niya. "Malamang, ikaw ba naman ang bugbugin ng ilang oras?"
At doon naalala ko lahat ang nangyari sakin at ang kahuli-huli kong naalala ay may tumulong sakin and then boom, black out.
Tumayo ito at umalis. Mga ilang saglit pa ay bumalik siya kasama ang isang nurse.
"How are you, iha? Masakit ang buong katawan?" Tinanguan ko ito bilang sagot sa kaniyang tanong. "Sadyang ganun, try resting for a bit muna then, tatawagan ko ang parents ni--"
I stopped her as soon as I heard the word 'call' and 'parents'. Hindi pwedeng malaman ito ni mama, lalo na at ilang weeks pa lang naman ako dito.
"No, huwag na. Can you not please do that? Please? Favor na lang po." She sighed at my answer while shaking her head.
"No can do, Ms. Cruz. It's part of the guidelines here in our school. Lalo na kapag malala ang natamong sugat ng bata."
"Pero--" I want to cut her once more pero bigo. Not until, another student came and told her to.
"You heard the patient, Nurse. Now, gawin mo na lang ang sinasabi niya. I also got a word from the principal. No more contradictions and that's it." Walang nagawa yung nurse kundi gawin ang mga sinasabi ni 'Zackermore'. What's he doing here?
Tignan ko ito ng nakakunot ang noo habang siya naman ay nakangiti lang sakin. "Ba't ka nandito?"
"Binibisita ka. Bawal na ba yun?"
"At ba't mo naman ako bibisitahin, ha? Ano bang pakialam mo? Pwedeng-pwede kang umalis, di ka invited." I then heard my brother calling me kaya napalingon ako dito.
"Siya kaya nagdala sayo dito nung nahimatay ka." Pumaling naman ito kay Zackermore pagkatapos. "Ako na nga pala mag-te-thank you at mag-so-sorry para kay ate. Salamat na lang ulit."
"Aljon, ano ba yang sinasabi mo?" Sabat ko sa kanila pero di man lang ako pinansin. Aba! Mga lalaking to.
"Ayos lang, buti ka pa nga eh. Mababa ang pride, hindi kagaya nung isa kong sinagip." Paawa effect naman ni gago.
"Bakit? Sinabi ko bang tulungan mo ako? Hindi naman ah."
Tumingin ito sakin at magsasalita na dapat ngunit nagsipasukan din sina Casty sa loob ng clinic. They were surrounding the whole space around me.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Julie sakin, sasagutin ko naman dapat siya pero sumabat si Lino dito.
"Tanga, malamang hindi. Nakita na ngang nabugbog tas tatanungin mo pa kung okay lang siya?" Inirapan naman ito Julie kaya medyo napatawa ako.
Sumingit na sa usapan si Xerna at tinignan ang mukha kong may kaunting sugat. "I'm really sorry sa nangyari. If I just knew much more sooner, edi sana. Sana, nasagip ka namin."
"I'm fine, Xerna. Wala kang ginawang mali kaya stop saying sorry. It's no one's fault." Isang ngiti naman ang binigay ko dito.
"True ba?" Sabat ni Jillian samin.
"Ang alin?" I asked in return.
"Na si Fraizer nga ang sumagip sayo?"
"Fraizer? Sinong Fraizer?" They then looked at their backs which where Fraizer stood. He raised an eyebrow at us kaya bumalik ang mga mata nila sakin.
"Fraizer ang first name niya?"
"Hindi mo alam? Wow, ikaw na." Ano Casty na halatang gulat na gulat.
"Tyaka kamalayan ko ba, bigla nalang akong nahimatay. Wala akong matandaan na matino-tino."
Nagkatinginan muna sila bago kuhanin ni Casty ang phone niya sa pocket at para bang may hinahanap. Until, they showed me a video.
I played it and it shocked me to see what it actually contains. "May isang student na nag-video niyan pero pina-turn over ni Ivez yung video tas pinakita samin."
"I took a copy for evidence kung ikaw nga yan and guess what, mukhang ikaw nga yan."
Napatingin naman ako sa direksyon ni Fraizer nung sinabi sakin lahat yun Xerna.
Seryoso ba to? He was carrying me in a freaking bridal style. Nakakahiya tapos sinisigaw-sigawan ko pa siya? Nasan na hiya mo, Shelle!
"It's good to know you're okay. Tyaka, sino nga pala yung isang lalaking yun?" Tanong pang muli sakin ni Lino kaya napatingin ako kay Aljon. Nandito parin 'to?
"Kapatid ko nga palang mas nakakabata sakin, si Aljon." Nginitian niya sila nung naipakilala ko siya sa kanilang lahat.
"I didn't know na may kapatid ka pala. Magkamukha kayo." Ani Xerna sakin.
Ilang saglit pa ay lumapit naman sakin bigla-bigla si Ezekiel at umupo sa tabi ko. He turned my face towards him at tinignan ang mga sugat ko sa mukha.
I could sense shock in their faces. "Ah sige na, Michelle. Aalis na muna kami, pagaling ka ha?" Said by Xerna in a really natatarantang boses.
At tuloy-tuloy nang nagpaalam silang lahat. What? No! Wag niyo akong iwan dito kasama ang lalaking to!
"Anong ginagawa mo?" I asked in a meeting malditang way.
"Turning back the favor you gave me. Remember? Yung araw na ginagamot mo yung mga sagot ko."
"Well, you don't have to, napag-utusan lang ako." Sabi ko dito habang kinukuha niya yung medkit sa lamesa.
"Ako din, I was also instructed to do this."
"Then stop, di ko kailangan. Sabihin ko na lang na tinulungan mo ako."
"I was instructed by myself to this, Michelle." He said giving me an intimidating gaze that I couldn't resist. Sobrang nakakapanghina. Pinangilabutan ako sa mga sinabi niya.
Wala akong nagawa kundi hayaan na lang siya. Patching up my wounds. Di ko namalayan na nakatitig na lang pala ako sa kaniya.
Gwapo nga mga mamser.
Matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahaba ang pilik, kissable lips, and his eyes are gorgeous. It's grayish brown. They're really pretty.
Well, Sana all, akin kasi puro eyebags na lang.
And then before I knew it, tapos na siya. Tinignan niya ako and nagsalita, "What? Alam kong gwapo ako, no need to say it." Napairap naman ako sa sinabi niya.
Gwapo nga pero nakakainis naman.
"Yung sinabi mo nung nasa warehouse tayo, pwede mo namang bawiin."
"Huh? Ah that." Tapos tumawa naman ito nang parang tarantado. "Sorry pero I meant that. You're mine now, Michelle. And you can't get away from my grasp."
Tumayo na ito at nag-ayos ng sarili. Nang paalis na sana ito bigla naman akong sumigaw. Putek, buti na lang kaming dalawa lang ang nandito.
"Thank you!"
Hindi na muli ito humarap sakin at dumiretso na papaalis. Psh, wala man lang 'you're welcome'?
Napahiga na ulit ako at hindi namalayang napangiti at naalala yung naiwan ko sa bahay.
Shet, may labahin pa nga pala ako samin.