I'm currently staring at my food habang kasama ang tropa. Lutang ako, and I've gotta admit that it was because of her.
I couldn't get her out of my head. An image of her laughing. That was a first. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa o ngumiti. Everytime she's with me, palagi siyang nakasimangot.
I sighed which caught my friends attention. "Di naman siguro halatang pagod ka." Usal ni Rain habang nakatingin sakin.
"Kung ayaw mo nung pagkain, pwede mo namang ibigay na lang sakin." Pagtugon ni Lanz at kinuha na lang bigla yung plato ko.
Liam kept on looking at us back and forth na parang walang clue sa mga nangyayari. Wala naman talaga akong balak sabihin sa kanila ng biglang nagsalita si Daniel na nasa tabi ko.
"Hmm, pansin ko na din yun lalo na nung kasama mo si Michelle." With me hearing her name, I flinched. And alam kong napansin nila yun.
"Siya ba ang dahilan kaya ka nagkakaganyan?" Daniel asked me straightforward at kahit totoo yung sinabi niya, I lied.
"Tsk, siya? Magiging dahilan kung bat ako nagkakaganito? Not a chance." Pagbibiro ko dito.
"Just asking," Usal pa lalo ni Daniel, "Mukha ka kasing mahihimatay na kanina nung nalaman mong nahulog siya."
"Someone fell? Sino?" Tanong ni Rain. "Tyaka si Frei? Concern sa isang tao? That sounds like tea to me." Nakangising sabi pa nito.
I became cautious nung sinabi niya yun at sa sobra ko ding gulat ay napainom ako. Nanuyo yung lalamunan ko sa sinabi niya at mas lalo akong nagpanic nung tumingin silang lahat sakin.
"Ano?" Maangas kong sabi sa kanila pero bigla naman akong pumiyok. Fuckshit. Narinig ko naman silang nagtawanan habang ako naman ay napafacepalm na lang.
King Inasal talaga.
Maya-maya pa ay dumating na yung jowa ni Rain. Si Cali. Her name isn't actually Cali. It's Angel Catalina Vergara pero we call her Cali to make it much more simple and well, shorter.
"Hello, babe." Bati ni Cali na hinalikan lang ni Rain.
Bigla naman akong napatingin kay Lanz. He looked calm. Na medyo na ipinagtaka ko naman. I've been observing Lanz for a long time now and if ever my suspections were right. Kailangan naming pag-usapan yun.
Cali seated beside Rain at kumain na din kasama kami. We met Cali in our 8th Grade tapos nung nag Grade 9 kami, we became classmates kasama ang tropa, along with her. Which explains why we're really close with each other.
Kinuha ko naman yung phone ko to browse on it. I was busy playing with my phone when a certain group of friends caught my attention. It was Michelle's friends. I tried to not focus my attention on their talk pero I couldn't help but to listen to them.
"So, Xern, kailan natin gagawin yung pinapagawa satin for our club?"
Xerna leaned to her placing both of her hands on to the table. "I don't know din, Cali, eh. I've been really busy these past few days lalo na at kasali ako sa lalaro sa intramurals." She looked guilty saying that to her kaya the only thing Cali did was to nod. I mean, she does have a valid reason for her not to attend.
"Sige, ayos lang. Basta we have to finish it before the deadline." Cali noted her. "Of course, Cali. Masusunod." Xerna said and smiled.
Nagpalingon-lingon si Cali na para bang may hinahanap. "Ba't kulang kayo? Nasan yung babaeng isang kasama niyo?"
"Michelle?" And doon, napatingin na talaga ako sa kanila. Away from my phone.
"Right, about that," Tinignan ni Xerna yung kaibigan niya. "Any news about Michelle?"
"Err--she said she was already eating lunch at wag na daw siyang intindihin pa." Napataas naman ng kilay si Xerna on what Lino have said. "She still hasn't replied kung saan siya nakain--Oh, wait! She's typing!"
Kahit na alam ko na yung sagot, hinintay ko parin yung sasabihin niya pero sa sinabi ni Lino, nagulat ako.
'May pinapagawa pa sakin yung teacher tas sabi niya kumain na daw ako, I have to finish this quickly, carry on'
"Yun yung sabi niya na may kasama pang smiley face."
Awtomatikong kumunot ang noo ko. What's he talking about? That's impossible. Nasa clinic siya ngayon, nagpapahinga.
I stood up with me startling them. Napatingin silang lahat sakin. I fixed myself before speaking, "Excuse me, I still need to do something." I left after saying that.
As soon as na makalabas ako ng cafeteria, I ran to the clinic. Binuksan ko yung pintuan, went towards her bed and there, I saw her eating her lunch.
Tumingin ito sakin bago kumain ulit. I sat down beside her at tinignan siya. This girl is messing my mind up. I thought before talking to her.
"Huy, don't exhaust yourself tyaka if ever man na may magpagawa sayo, wag mong gagawin and also, sino namang tanga ang uutusan ang isang taong may pilay? You suck at lying." Usal ko dito habang tuloy-tuloy lang siya sa pagkain. She didn't even bother to give me a glance, grabe.
I sighed, staring at her. I studied her face at masasabi kong napakatagal nito kung saan pwede na siyang matunaw.
Bwisit, ano bang nangyayari sakin?
I mean, aaminin ko na, she's pretty, wait, no, she is pretty and I won't and can't fucking deny that. She's not like any other girls out there na puro makeup ang mukha, siya kasi natural lang.
You seriously can see the outline of her face, her true beauty. Ah, ewan, basta yun yun. Aalis na sana ako ng tingin ng bigla siyang umubo.
"Ano bang kailangan mo sakin? May dumi ba mukha ko? Kanina ka pa nakatingin sakin." Flat nitong pagkakasabi habang nakakunot ang noo.
I shook my head as my response. I mean anong sasabihin ko? Na nagagandahan ako sa kaniya making me stare at her? Ang creepy ko pakinggan dun, ah.
"Wala, napapaisip lang ako kung gaano ka katakaw pero ang liit-liit mo naman tyaka ang payat mo pa." Usal ko pabalik dito na inirapan lang ako at tumuloy na sa pagkain niya. Natawa na lang ako sa naging asal nito.
Hours had passed by real quick at uwian na before we knew it. I spent most of my time doon sa loob ng clinic, yeah, you've got it right. Sinamahan ko si Michelle most of the time hanggang sa makalabas ito.
"Michelle, are you sure kaya mong umuwi?" At sa simpleng tanong ko na iyon ay napairap agad ito.
Tsk, ako na nga itong nagmamagandang-loob.
"Nagkaroon ako ng sprain, okay? Hindi ako nalumpo or napilayan, ano ba, kaya ko yan. Uuwi lang, eh. Kung ikaw nga hindi ka marunong mag-commute."
I smirked at her as I heard her response. "Commute? What for kung may sasakyan naman ako?" At inirapan niya lang ulit ako with her blabbering about something na hindi ko marinig.
Maya-maya pa ay nakita ko yung kapatid niya, kasama ang kapatid ko. Nice, ganda ng plot, ah. They look like they're bickering over something kaya medyo natawa ako. Gantong-ganto din ang setup naming dalawa ni Michelle halos.
They stop ng bigla silang mapatigil sa direksyon namin.
"Ate," said by Aljon.
"Kuya," said by Eliot.
Nagkatinginan naman silang dalawa at ngumiti si Aljon habang umirap naman si Eliot.
Grabe, ganito din ba kaming dalawa ni Michelle kapag nagaaway? Nagmumukha pala kaming mga tanga. I snickered at my own thought.
"Anong nangyayari sayo? Bigla-bigla ka na lang natawa?" Saad nito ng may halong pagdududa.
Hindi ko siya pinansin at tumingin kay Aljon. "Ikaw na bahala sa ate mo, ah? Alam mo naman patanga-tanga kaya nagkaganyan."
Tumawa naman si Aljon sa sinabi ko at kumunot ang noo ni Michelle sa aking sinabi. "Ako? Patanga-tanga? Hoy, FYI, aksidente yung nangyari, okay?" Madiin niyong pagkakasabi.
"Talaga? Sige, pagbigyan natin." Ang sagot ko dito na mas lalo lang niyang ikina-inis.
"Ikaw na din bahala kay Eli, bayaw." Nagulat naman ako sa narinig ko, wtf, bayaw daw. Kumindat naman ito kay Eliot bago tuluyang umalis at doon, napatawa na lang ako ng wala sa oras.
"Di ko inaasahan yun sayo. Di naman ako na-inform na may boyfriend ka na pala, Eli." Pang-aasar ko pa lalo dito at tuluyan ng umalis pagkatapos.