Chereads / Messing Up The Caste System / Chapter 21 - MUTCS 21: Michelle

Chapter 21 - MUTCS 21: Michelle

I woke up by the cold breeze that has been brushing through my face lightly. Maigi kong kinusot yung mata ko dahil sa malamig na hangin na humahapas dito. Pagkatapos ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung anong oras na.

Time Check: 5:25 a.m.

I sighed upon seeing the time. Mamaya pang 8'o-clock ang start ng second day ng intrams. Piste. Napaaga pa nga ako nang gising, di ko alam kung matutuwa o malulungkot ba ako dahil sa body clock ko.

Nag-cellphone muna ako nang ilang saglit bago tuluyang tumayo sa higaan at ginawa yung mga kailangan kong gawin. I wore my PE pants at ang t-shirt na nakatoka para sa second day ng intrams namin. Oo sis. Tatlo ang t-shirt na pinabili sa estudyante, tig-iisang shirt kada isang araw ng intrams.

I mean, ba't pa ba ako magtataka, mayaman naman sila, afford na nila yung 1, 500 pesos. Like ugh, dude? sana all. I mean, kahit papaano na-afford naman namin pero imagine? talagang bibili pa sila ng bagong t-shirt para lang sa intrams per day. Stressining ang depungal.

Pagkatapos kong magrant sa sarili ko ay bumaba na ako para kumain. Nandun si mama sa may kusina na nag-aayos ng mga pagkain, si Kuya Simon na bagong gising lang at paalis na ngayon at syempre yung tatanga-tanga kong bunsong kapatid na nasa may salas na nag-ce-cellphone ngayon.

Paglakad ko papunta sa kusina ay napansin naman na ako ni mama kaya pina-upo niya ako at inaalok na kumain na kasabay yung dalawa. "Hoy, Aljon at Sy, kumain na muna kayo dito bago kayo umalis." Sita ni mama sa dalawa.

"Pero Ate Mitch, kailangan ko nang umalis, late na ako, eh." Pagmamaktol ni Kuya Simon dito. Ngunit, imbes na palayasin ito agad ni mama ay sinamaan ito ng tingin at pinilit na pakainin muna bago umalis.

"Hindi. Bumalik ka dito, kumain ka muna."

"Pero Ate, baka pagalitan ako nun, kilala mo naman si Manager Lim."

"Ano ba, Simon. Ako na bahala kay Tan Lim, baka nakakalimutan mo mas—" At biglang napatigil si mama sa sinasabi nito kung kaya't biglang tumahimik ang buong bahay.

Naglabas nang isang buntong hininga si Kuya Simon at umupo na lang sa tabi ko at gayon din si Aljon. Hindi ko mapigilang tumingin at mapa-isip sa sinasabi at ginagawa ni mama. This past few days kasi she's acting so damn weird. Para bang may tinatago siyang sikreto na ayaw niyang ipaalam sakin, samin ni Aljon.

Breakfast went by quickly as much as I expected it to be. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pumunta na sa school kasabay si Aljon.

The school was quiet, dim, wala pang halos estudyante sa loob ng paaralan. I mean, sino ba naman kasing masisisi ko? Eh, mag-a-alas siyete pa lang naman ng umaga. Tamang lakad dito, lakad doon lang ang ginagawa ko. While walking down the path, someone suddenly placed their hands on my eyes.

Bigla akong napatigil sa paglalakad at hinawakan yung kamay na nakalagay ngayon sa mata ko. I tensed up. This scent—it smells so damn familiar. I couldn't help it. It feels nostalgic, yung amoy, yung scene, everything. "Hulaan mo kung sino ako."

I know this voice. I know this line. Alam ko kung kanino to galing. Everything is so familiar. Na para bang nangyayari na ito noon pa.

I tried removing the hand pero di siya nagpatinag. "Kung mahuhulaan mo kung sino ako, I'll give you a reward." I flinched upon hearing those words. I know this person.

Pero di ko matukoy kung sino pero kilala ko siya. And with that being said, I muttered, "Daniel," He removed his hand away from my eyes at dun tumambad ang isang Daniel Franz Aguillar.

"Charan!" He said habang nakataas pa ang kamay nito sa ere. "At dahil diyan, may chocolate ako para sayo." Pagtutuloy nito at kumuha ng candy sa pocket nito.

What shocked me the most is that it was my favorite chocolate dati nung bata ako hanggang ngayon actually. I took the chocolate from his hand hesitantly. Pero I shook off my thoughts at baka isang malaking coincidence lang iyon.

"So, Michelle, ba't ang aga mo ngayon? I mean maaga ka naman talaga napasok pero ba't napaaga ata masyado?"

"Ah," Saad ko dito habang nagbubukas ng wrapper ng chocolate. "Ewan ko rin ba. Nagulat nga din ako dahil 5 na ako nagising kanina."

He laughed. Hindi ko alam kung dahil ba sa kwento ko or dahil hindi ko mabuksan yung pakening wrapper ng chocolate na ito. Buiset, ayaw magpakain.

"Akin na nga 'yan, nakakaawa ka naman." Kinuha niya naman yung chocolate sa kamay ko at binuksan yun. "You're still the same as before, aren't you?"

I didn't payed attention dun sa binulong niya sa sarili niya bagkus kinuha na lang yung chocolate na nasa kamay niya at umupo dun sa may likod ng school, dun sa tambayan ng halos lahat ng estudyante.

Literal na maganda itong pagtambayan, madaming puno, hindi siya ganun kaaraw tyaka you can have your own self made picnic. You can either use the tables or umupo dun sa may damuhan, it's your choice pero kung ako yung tatanungin, I prefer the latter.

We both sat down under the tree. I was silently eating the chocolate he gave me kahit napaka-aga pa. And Daniel? He's currently feeling the cold breeze.

Habang tumitingin sa may buwan na dahan-dahang lumulubog, I let out a sigh na hindi ko man lang namalayan na pinakawalan ko pala. Which I guess caught his attention.

"You okay?" He asked. Making me quite shook.

Hindi ko alam isasagot ko. Should I tell him the truth or should I just lie na ayos lang ako? Hay, ewan. I mean ayos lang naman ako pero argh! Alam mo yun? Hindi ko maintindihan. Ang gulo ng isip ko ngayon dahil sa isang stupid maderpaker. Hmp.

I was about to give him an answer pero before I could open my mouth, sumingit na agad siya, "And I'll take that as a no." Tumingin siya sakin at ngumiti, "If you don't mind naman, you can tell me your problems."

"I—" Everything was silent. I don't know. A part of me doesn't trust him pero there's also this part of me na para bang I know him to the point na I can tell all of my problems to him.

"No need to force yourself either. Kung gusto mo lang naman."

"No, it's fine." And another awkward silence came. Sa lahat nang pinaka-ayoko is yung ganto. Yung hindi mo alam yung gagawin mo tas like ang tahimik pa? You know? Ah basta yun.

So therefore, I continued, "It's actually because of a guy."

"Frei?"

"Ano?!" Ano daw? Sino daw? Anong pangalan binanggit niya? Hala?!

"Si Fraizer ba?"

"F-Fraizer?!"

"Oo, si Fraizer Hanz Zackermore. Siya ba tinutukoy mo? Tyaka gulat na gulat ka? Halata naman."

I stopped. Halata ba?

"Yep. Halatang siya yung problema mo at halata ding gusto mo siya—ay nadulas! HAHAHAHA!"

I gave him a very disgusted look. Basta hindi ma-ipinta yung mukha ko ngayon. He was laughing, halatang tawang-tawa sa pinag-gagagawa niya sa buhay niya.

I was quite annoyed pero I don't know. Yeah, you can say that he's the reason why I'm like this pero ako? gusto siya? "Hah! As if. Yak."

"Yak pa nga!" He exclaimed and laughed again. Hindi ko na mapigilan kundi umirap at suntukin siya nang mahina sa may kaliwang braso nito.

"I don't like him, okay?" I said defending myself.

"I'm not buying it." He said with full confidence.

"Then don't, suit yourself. Basta ako? Hindi ko gusto ang isang Fraizer Hanz Zackermore. Not today and obviously, never."

"Okay, ikaw na mismo nagsabi. Sayo na mismo nanggaling. Basta boto ako kay Frei mah prend." Saad niya at nag-thumbs up pa. Ugh. Bakit nga siya yung una kong naka-usap ko ngayong araw? "Now tell me. What did Frei do to make you like that, Michelle?" Daniel asked while wriggling his brows.

Hindi kaagad ako sumagot at tumayo na lang. He was confused, I could tell. "I'm not telling you." Buo kong sabi sa kaniya kaya tumayo din siya. "Bakit naman?" He said with disappointment.

"Kasi una sa lahat, we're not even that close." I started off which I kinda felt guilty after. "Second, I kinda don't trust you." And mas lalo itong nadismaya kaya talagang mas lalo lang akong naguilty. Kaasar. "Kasi I mean, who knows? Tropa ka niya at baka sabihin mo lang sa kaniya kaya eag na."

Lumiwanag na naman ulit yung mukha niya kaya bumuntot na naman ito sakin. "Really? You can trust me, Michelle." Sabi niya habang nakataas yung kanang kamay niya as if na para bang papanata ito.

I raised a brow at him. "C'mon, kung tutuusin nga ako dapat yung isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan mo, eh."

"Ulol."

"Tunay! Swear! Kapag talaga nalaman mo yung buong katotohanan, kakainin mo lahat nang sina—"

"Katotohanan?" I interfered. "May tinatago ka ba sakin Daniel na kailangan kong malaman?" I turned and faced him. Tinignan ko siya diretso sa mata. I stepped forward para mas lalo siyang maka-usap nang maayos pero he can't give me a direct eye contact. Bakit? "Tatanungin ulit kita," I forwarded once again. "Ano yung kailangan kong malaman?"

He gulped. "Ah, about that," Pagsisimula niya at tumingin siya sakin. "I actually know kung bakit nagkaganun si Frei nung huli niyong paguusap."

My expression softened along with the atmosphere between the two of us. "Really?"

"Yeah."

"Why? Bakit?"

"You know the answer to that, Michelle. You know."

Nahulog yung balikat ko sa huling sinabi niya. Ayokong mag-assume at mas lalong ayokong tumama yung hinala ko. I mean, it can't be. Hindi ako yung tinutukoy niya. I misheared him. Imposible.

"Walang imposible sa mundo, Michelle." Pagtutuloy pa nito kaya mas lalo akong nadismaya. Hindi ko alam i-re-react ko. Kung matutuwa ba ako o ano. Buiset.

"Buiset." I muttered under my breathe na ikinatawa na naman niya.

Tsk, ano bang nakakatawa sa ginagawa ko? Naiinis na ako sa lalaking 'to, ha? We just kept on walking around the school habang nakikipagchikahan sa isa't isa. We've been like that for half an hour now.

We were talking to each other na para bang matagal na kaming magkakilala. I was at ease talking to him. Pero habang naglalakad kami, biglang napunta sa kaniya yung topic. "So, Ranz," Bigla naman siya tumawa upon hearing his nickname.

"Sabi mo your cousin was the one who gave you that nickname, asan na siya ngayon?" He stopped from his tracks nung marinig niya yung tanong ko sa kaniya. May sinabi ba akong mali? Hala? Shit? Anong ginawa ko? Did that cousin of him died? Putek. "You don't have to answer if it's quite personal."

"It's nothing personal. It's just that I kinda miss those two cousins of mine." He gave a bittersweet smile. I stayed quiet. Hindi ko alam kung babaguhin ko ba yung topic or makikinig lang ba ako. Pero dahil may pagka-daldal akong taglay, nagsalita ako.

"Miss na miss mo na sila nang sobra?"

"Duh." Sarkastiko niyang sabi kaya napa-irap naman ako nang wala sa oras.

With me talking to him for an hour now. Madami akong nalaman tungkol sa kaniya. Una sa lahat, he's a bully. Second, napaka-sarcastic niyang tao. Pangatlo, kahit gaano siya kabait, nakaka-inis siya. Bagay nga sila ni Fraizer. Pwe! Magsama sila!

"Those two were my comfort zones kapag may nangyayaring masama sa bahay pero ang kaso, isang araw bigla na lang sila nawala."

"Nawala? Bakit?"

"Basta, bigla na lang sila nawala."

"Like nawala talaga? Nahanap niyo naman?"

He stopped and faced me giving me the sweetest smile a person could ever give. "For years, wala akong naging kasama, my own brother was nowhere to be found pero he's one of the best, sadyang takbuhan ko lang yung dalawang yun," He sighed and ruffled my hair. "We found them and our duty as of now is to protect them."

Ngumiti naman ako sa narinig ko. "Buti naman nahanap niyo na sila."

He giggled while nodding. Tinungo naman namin yung classroom at habang nilalakad namin yung daan, may nakasalubong kaming talagang ayaw kong makita sa ngayon. He was wearing his usual poker face. Hindi man lang niya ako nagawang tignan at tuluyan nang pumasok ng classroom.

"Hey, Frei, pare. Agang-aga may kaaway ka." Pambabara ni Daniel dito na may kasama pang isang malawak na ngiti. Hindi naman ito pinansin ni Fraizer at nagpatuloy na lang sa pag-ce-cellphone niya.

Patuloy lang itong kinukulit ni Daniel and ako? Tahimik lang. Magsasalita lang kapag may tinatanong si Daniel. Di naman gaanong katagal at nagsi-datingan na din ang mga estudyante, including my friends.

Buti na lang ay tinawag ako nina Xerna papunta sa pwesto nila dahil sobrang di ako mapakali sa pwesto ko ngayon. I stood up at pumunta sa pwesto nila. Everyone was greeting everyone goodmorning tas nagtatanungan kung anong mga nangyari o ginawa. It was a normal morning that everyone could think of. Para sa kanila, it's normal.

Pero para sakin? Nah. May isang hindi tama sa umaga ko ngayon.

Mabilis naman na tumakbo ang oras at nagsimula na ang pangalawang araw ng intrams namin. By the time we knew it, it was already afternoon at kumakain na ng lunch. As usual, tamang tambay lang ulit kami dito sa may kubo, tamang nakain lang.

We were peacefully eating our lunch nang biglang may nag-salita sa speaker, "To all participants that will be playing for our billiards competition, please proceed to our Audio Visual Room as for the competition will start at exactly 1:25 pm." Nahinto naman kaming lahat at napatingin kay Enrike.

Inulit nung announcer yung sinabi niya kanina at binilisan naman ni Lino ang pagkain. "Huy! Huy! Enrike, bilisan mo na ang kain mo diyan! Bilis!" Pagmamadali ni Lino dito. Bigla namang sumingit dito si Xerna at binatukan si Lino. "Lino, wag mo ngang pagmadaliin si Enrike. Let him eat at ease at huwag mo siyang i-pressure."

Sumabat naman bigla si Lino hanggang sa ang ending ay nagkaaway na silang dalawa ni Xerna. "Hay, yawa, palagi na lang silang ganyan, 'di ba sila nagsasawa?" Pagrereklamo ni Casty sa gilid ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

I giggled hearing his complain. "Cute naman sila, hayaan na." Sabi ko dito na ikinagulat niya. "Sila?" Medyo gulat na tanong naman nito na ikinatawa niya. "Naku, kapag naging sila mausisa mo pina-Tulfo na ni Lino yang si Xerna." Pag-e-explain niya sakin na ikinatawa ko na lang.

All of us finished our lunch at dumiretso na sa AVR to witness the game of Enrike, and others. Sabi nina Casty, magaling daw mag-billiards si Enrike. He doesn't enter competitions like this pero dahil last year na sa highschool, he joined.

Wala naman akong kaalam-alam sa billiards. Basta ang alam ko, Enrike is winging it. Habang nanunuod sa gawi ni Enrike, may biglang pumasok sa loob ng AVR. Hindi ko naman na pinansin kung sino yung pumasok sa loob kundi ay pinanuod na lang nang maigi yung laro ni Enrike.

Pero dahil may galit sakin ang tadhana, hinayaan na naman niya akong makita yung isang taong iniiwasan ko. Halos lahat kami ay napatingin sa sumigaw sa gilid namin. It was Zakira, clinging onto Fraizer.

"Go Liam! You can do this!" Sigaw pa muli ni Zakira sa tabi ni Fraizer. Hindi ko naman talaga dapat sila papansin pero nakuha nila yung atensyon ko lalo na nun marinig ko yung binanggit ni Zakira.

"Frei," I flinched. Fraizer never let's anyone to call him by that nickname except kung ka-close niya talaga. "Can we go on a date later?"

I was expecting that Fraizer would shove Zakira away pero hindi. Nagulat ang halos lahat sa nasaksihan nila, including me at pati na din yung mga kaibigan niya. He isn't like this. And as much as I can remember ay nabubuiset ito kay Zakira. He then took the hair that has been bothering her face and placed it behind her ear.

"Sure, baby, let's go on a date later."

I was left dumbfounded right on my spot. I don't know what to feel at that moment. Kung matutuwa o madidismaya ba dahil hindi ako yung rason kung bakit nagseselos siya.