Chereads / Messing Up The Caste System / Chapter 19 - MUTCS 19: Michelle

Chapter 19 - MUTCS 19: Michelle

It was already 1 in the afternoon and kakatapos lang ng match nina Xerna. Volleyball girls. Calibers vs Dimetria. Xerna and Julie and the rest of Dimetria won. Mag-aadvance sila para sa finals sa susunod na araw and ang makakalaban nila ay ang team namin which is ang Avista Royale.

"Congrats sa inyong dalawa." I said habang nag-aabot ng tubig sa pawisang Xerna at Julie. Xerna nodded with a smile and Julie giggled while wiping her sweat.

Dumating naman ang kakambal ni Julie na si Jillian habang sinisigaw ang pangalan nito "Julieeeeeee!" while spreading her arms signaling for a hug.

I smiled seeing such a soft and sweet moment. Pagkatapos ng yakap ay inalog-alog nito ang balikat. "You won! Again! Gago, I'm so proud and happy for you! Mom and dad would also be happy kapag narinig nila ang chika na to!" ani Jillian na bagkus na halatang-halata sa mukha ang pagkatuwa.

"Eh ako Jillian? Wala man lang bang congrats, di naman nakakapagtampo, di talaga uy." Pagtatampo ni Xerna sa gilid na itinawa lang ni Jillian. "Eto naman, ay siya, congrats. Pa-blowout ka ha?" Pananalaw ni Jillian kaya tinapon lang ni Xerna ang tuwalya na nasalo naman ni Jillian.

"Ssob! Congrats sa inyong dalawa, mga idol!" Pang-co-congrats naman ni Lino habang nakikipag-apir pa dito sa dalawa.

Kasunod nito ay ang pagdating pa ng dalawa, sina Enrike at Casty. Casty gave a hug sa dalawa as soon na nakadating nito sa may bench kung saan naka-upo ang dalawa habang si Enrike naman ay ngumiti lang at nag-ani ng 'congrats'.

Napunta naman ang tingin ko sa gawi ni Lino habang pinapakita nito ang mga animo'y naging galawan daw nung dalawa. Tumalon-talon ito habang naghahampas pa sa ere na parang...tanga. Char, sige pagbigye, cute. "Tas nung pagserve ni Xerna! Hoy! Service ace ang lola mo! Wala silang nagawa eh! Tas si Julie, ang galing mong libero prend!" Tumawa naman ang dalawa bago nagpasalamat.

"Uy," Pagtawag nila ng atensyon namin. "Mag-bi-bihis lang kami at kami'y pawisang-pawisan lang, una na kayo sa canteen, susunod na lang kami." Pagpapaalam nila at tuluyan na ngang umalis.

Tumayo na kami at nagsimula nang maglakad patungong canteen at doon umayos ng upo. Binuksan na namin ang mga inorder naming pagkain sa labas. Oo, tumawag kami at nag-order. Sa McDo lang naman kami nag-order, sarap nga eh. May naging ipon naman ako kaya nakapagsabay ako ng pagkain sa labas.

Ilang saglit pa ay dumating na sina Xerna at Julie na nakabagong bihis na, suot-suot ang jersey shirt at short nila. They soon sat beside us at sumabay na ding kumain kasama kami.

It went smoothly. Nagsimula at natapos kaming nag-ku-kwentuhan at nagtatawanan. We spent a hour and a half pa sa loob ng canteen bago tuluyang lumabas dito. Nilibot ang buong campus nang nag-ku-kwentuhan.

I mean, wala naman na kasi kaming gagawin kundi ang mag-lakad-lakad at magkwentuhan. Tapos na yung mga larong aabangan namin tyaka wala na kaming balak pang gumawa pa ng kung ano-ano.

Bukas kasi puro mga indoor games na lang ang halos lahat ng lalaruin tyaka mga lose-to-lose games ng mga nilaro ngayong araw. Tapos sa susunod na araw ang mga finals.

"Speaking of you, Lino." Ang pagsasalita ni Casty na nakakuha ng atensyon ko. "Diba may laro ka bukas?" I looked at Enrike and was surprised to see him nod.

Gotta admit nagulat ako sa naging sagot nito. Out of kasi saming lahat siya ang pinaka-reserved at di ko halos ka-close pero nakaka-usap ko naman, minsan. "Anong oras ng laro mo?" Tanong ni Lino dito.

"Dunno. Kung kelan na lang siguro i-a-announce." Everyone nodded except me. Kung si Enrike na lang din naman ang pinag-uusapan, might as well ask him, "Matanong ko lang, ano ba ang lalaruin mo?"

"Puso ng mga kakabaihan, arayyy." Saad ni Lino at umakto pang nasasaktan.

"Tanginamo." Pagmumura ni Enrike dito na nasabayan pa ng pambabatok. Tumingin ito sakin at nagsabing, "Billiards."

Kung kanina'y gulat ako, mas nagulat pa ako ngayon. Naglalaro pala siyang billiards. Take note, billiards. "Ah." Ang tanging lumabas sa bigbig ko at tumango na lang ako. Dami talagang pasabog ng isang ito, grabe.

"Eh ikaw, Michelle?" Pagbabalik nitong tanong sakin kaya talagang mas lalo pa akong nagulat. "Anong sinalihan mo?"

Everyone's eyes are on me na para bang excited marinig yung sagot ko. Ngayong sinabi niya iyon. Sa totoo lang kasi, "Uh, haha, um," I squinted my eyes at ngumiti ng bahagya, "Wala eh." I said na medyo may pagkaprangka.

Kakahiya naman putangina, silang lahat may sasalihan tas ako, wala.

"Eh? For reals?" Paninigurado ni Jillian sakin na ikinatango ko lang. "Sayang naman, pwede ka pa naman sa volleyball at medyo may katangkaran ka and also, napansin ko din na mabilis ang reflexes mo." Ani Xerna na medyo kinagulat ko.

Ako? Mabilis reflexes? kaya pala palagi akong natataman ng kung ano-ano sa mukha, pwe.

"Sana nga." Saad ko dito bago tumawa.

Sa paglalakad namin ay napadpad kami sa tapat ng gym kung saan maririnig mo ngayon ang hiyawan ng mga estudyante. Tapos nagkatingan muna kaming lahat bago pumasok sa loob at doon mas lalong lumakas ang ingay na kanina'y nanggagaling sa labas.

Iba't ibang cheer ang maririnig mo. May nagsisigaw ng team nila, number ng suot ng jersey, o yung pinakamismong tao.

Maya-maya pa ay tumabi si Xerna sa isang babaeng tinawag niyang 'Cali'. The rest of the group waved hi including me kahit di ko siya kilala. "Psst, Casty." Tawag ko dito at kaagad naman niya akong nilingon.

"Bakit?" Tanong niya.

"Sino yun? Yung kinawayan ko lang kanina?" Tanong ko dito na ikinatawa niya. "Ba yan, Michelle, nakaway ka kung kani-kanino tas di mo naman kilala." I gave him a shrug at tumuloy sa pangungulit.

"Her name's Angel Catalina pero everyone calls her 'Cali', jowa ni Rain, yung tropa nung kaibigan mo." Pag-e-explain niya emphazing the word 'kaibigan'. I gave him a very sarcastic laugh at tumingin sa score board, as of now nangunguna ang team namin, ang Avista Royale.

Titingin na sana ako sa court ng biglang may nanggulat sakin, or kung considered man yung pang-gugulat.

"Ate!" Sigaw ni Aljon sa likod ko. Nilingon ko ito at hinawakan ang dibdib ko. "Wow, grabe, nagulat ako, ah." Flat kong pagkakasabi dito kung kaya't inirapan lang ako.

"Ang bait mo naman, di ka man lang umaktong nagulat man lang." Pagtatampo nito sakin kaya kinurot ko yung ilong. "Ewan ko sayo." Sabi ko dito bago ngumiti ng nakakaloka.

"Hoy, ikaw, kelan laro mo?" Pang-aakbay ko dito na bahagyang ginulo pa ang buhok.

"Ate naman, ngayon, ngayon ako naglalaro!" Sigaw nito sakin na ikinagulat ko. "Tanga ka ba? Kung naglalaro ka, bat ka andito?"

"Pinilit ko lang si coach, sinisigurado ko kung ikaw nga yan and need ko na bumaba baka masampiga pa ako ni sir. Sige ate! Bye ate! Labyu ate!" Sigaw nito at tumakbo na papalayo papunta sa baba kung saan pinapagalitan siya nung coach nila ngayon.

"Kahit kelan talaga pasaway." Bulong ko sa sarili ko.

Tinignan naman ako nung mga kaibigan ko at ngumiti. "Ikaw ha, laro pala nung kapatid mo, hindi mo sinasabi." Sabi sakin ni Xerna.

"Cute niya ha." Dagdag pa ni Jillian at sumigaw pa ng, "GO NUMBER 19! WOOH! ALJON!!" Na sinita ko naman.

At sa pagsigaw niyang yun ay nakarinig ako na nag-click ng tongue at doon ko nasilayan ang isang naka-upong Eliot, yung kapatid ni Fraizer. Dapat i-de-dedma ko lang eh. Dapat i-de-dedma ko pero bigla itong napansin ni Xerna at inakbayan at hinatak papunta sa kaniya.

"Eli! You're here pala, di kita napansin. Cheering for your kuya or for Aljon?" Pang-iinsulto nito dito. Pero flatly lang ni Eliot itong sinagot. "None."

"Anong 'none'? C'mon don't be shy." Pang-iintriga pa ni Xerna dito. "Put some more." At pagtutuloy naman ni Julie sa kanta.

Eliot sighed first bago tuluyang nagpatalo kay Xerna. "Fine, Ate Xerna." Inayos naman niya yung buhok niya bago tumingin sakin.

Wait, sakin? wtf?

"If you're here para kay kuya, well, sorry to tell you pero kanina pang tapos laro nila and sa kung hindi mamasamain ay nanalo naman yung team nila." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumingin ito sa gawi ni Aljon, sa loob ng court kung saan siya'y kasalukuyang naglalaro. "And dahil na din kay Aljon." He said habang nag-b-blush? what?

He cleared his throat bago ulit magsalita. "Anyways, I heard sa iba na nanalo daw kayong dalawa. Congrats, Ate Xerna and Ate Julie."

After him saying that ay bigla namang lumakas pa ang hiyawan kaya tumingin ako sa loob ng court at napansing nagbago ang score ng Avista.

Tangina, 3 points eh.

"WOOOH! ANG GALING NG KAPATID MO MICHELLE!! 3 POINTS! LET'S GO ALJON!!" Todo sigaw pa ni Jillian sa tabi ko, na sinakyan din nina Lino.

Wala nang nagtangkang umimik pa at nanuod na lang sa laro. Me, myself couldn't help but to scream and cheer na rin. Bigla ko na lang napansin na I was so into the game kagaya nila.

Mostly ay si Aljon at Daniel ang nakakapunto kaya talagang cheer na cheer ako dito. Buiset, di na ako magtataka kung pag-uwi ko mamaya ay wala akong boses. Nashook nga din ako nung nakita kong nag-c-cheer si Eliot, it was cute.

Nagsisigaw ako and all hanggang sa napansin kong last quarter na, last three minutes suddenly became 46 seconds, nakapuntos yung kalaban, pinasa, pigil hininga and biglang shet! Tres! Fuck! I couldn't help but to jump and scream out of joy. Di ko din namalayan na kasigawan ko na pala si Jillian. Everyone was cheering. And after all of those screams ay bumaba kami to congratulate, of course, kapatid ko, the team and Daniel.

Siya kaya yung naka-tres kanina. I saw Daniel and he opened his arms kaya I hugged him at binalik naman niya yung yakap. "Woy! Ang astig mo! Ang galing natin ah? Tres eh! Idol!" Pambobola ko dito na ikinatawa naman niya. "Congrats." Saad ko at ngumiti.

Kumalas naman ako dito at pumunta sa kapatid ko nung nasilayan ko. Niyakap ko at tumalon-talon pa ako. "Apakagaling naman po, ssob!" At inayos pa ang buhok at nagpose pa. "Well, isang Michael Aljon Cruz ata to tyaka ate OA ha? Di pa finals." Sabi nito na ikina-irap ko naman.

"Ako na nga itong nang-congrats at nagpapataas ng confidence mo, ikaw po tong maarte't epal." Pagmamaktol ko dito at tinawanan lang ako ni gago.

Magsasalita pa sana siya ay biglang dumating si Eliot na niyakap din ito. Medyo nagulat yung kapatid ko kung kaya ay hinayaan ko na lang yung dalawa at bumalik na lang ulit papunta sa pwesto nina Daniel kung asan sina Casty.

"Congrats ule ha?" Sabi kong muli dito habang nakangiti. Ginulo niya lang buhok ko at hinarap si Xerna.

Sa pag gulo niya ng buhok ko ay nahagip ng mata ko si Fraizer na papalabas ng gym. Nagpaalam naman ako kay Casty at sinabing may pupuntahan lang at duniretso na sa gawi ni Fraizer.

Sinabayan ko yun lakad nito pero bigla naman niyang bibilisan. Paulit-ulit lang kaming ganun kaya tinawag ko nang tinawag ang pangalan niya. I didn't stop kahit medyo naiinis na ako.

Ano na naman ba ang problema ng isang to?

"Fraizer." Tawag ko dito habang sinusundan pa ito.

Nang masabayan ko na ang paglalakad nito ay mas binilisan niya pa lalo kaya tinawag ko ulit yung pangalan niya. "Hoy Fraizer."

At pumunta naman ito sa water fountain kaya tumigil na din ako kasi uminom na siya dun. "Ba yan, Fraizer, kanina pa kitang tinatawag ah?" Sabi ko pero walang tugon, I mean, nainom siya eh.

I was expecting an answer pagkatapos niyang uminom at kinuha ang water bottle niya para lagyan nito ng tubig. "Fraizer, congrats nga pala sayo, narinig ko nanalo ka daw."

Wala paring tugon.

Kaya nabuiset na ako at hinarap ito sakin. "Fraizer ano bang problema mo ha? Bat ba di mo ko pinapansin?"

Tinakluban niya yung water bottle niya at tuluyan na lang ulit umalis, paulit-ulit ko siyang tinatawag pero walang epekto, walang nangyayari.

"Fraizer!" Hanggang sa hinawakan ko ang kamay nito at pinaharap sakin na binawi niya din agad. "Ano bang problema mo?!"

"Ano ba ding problema mo?" Pagtatanong nito sakin na nanlilisik ang mga mata.

"Ikaw, Ikaw ang 'anong problema mo'? Bigla-bigla ka na lang nagkakaganyan, kanina pa kitang tinatanong at kinakausap pero dinededma mo lang ako." Sabat ko dito na may halong inis na ang boses pero I tried to be calm as much as possible.

"Hindi mo talaga ako tatantanan, ano?" Pananakot niya sakin pero imbes na matakot ako ay tinignan ko lang din ito, mata sa mata. "Hindi."

"Fine, gusto mo talagang malaman?" Maangas nitong sabi at lumapit sakin pero tinapangan ko din, mas lalong tumalim yung mata niya at sinabi ang mga katagang hindi ko aakalaing lalabas sa bibig niya.

"Nagseselos ako, okay? Makaramdam ka naman." At iniwan niya ako doon sa ilalim ng puno na bagsak ang balikat na tila'y naguguluhan sa mga sinabi niya.