"Uh, Michelle, uhhhh—hi?" Ezekiel said while stuttering. Napataas naman ang kilay ko nung marinig ko siya.
Ngayon ko na nga lang to makikita, ganto pa. He's acting so damn weird. He then cleared his throat when he realized that he stuttered just a while ago.
Tinanguan ko naman ito nung kamustahin niya ako. Naghintay ako ng kaunting saglit bago umalis para bumili sa cafeteria pero no, bigla niya akong hinawakan sa may kamay ko.
I was shook when I found him holding my hand. Mukha siyang may sasabihin pero hindi na niya itinuloy.
Okay, anong nangyayari dine?
"Fraizer, kung may sasabihin ka, sabihin mo na, may kailangan pa akong gawin." Ani ko dito at narinig ko namang nagmaktol ito kahit pabulong lang.
"Pero kapag kay Daniel madami kang oras, tsk."
Nagulat ako ng bahagya sa narinig ko pero di ko pinahalata yun kasi baka isang malaking guni-guni lang yun.
"Anong sabi mo?" Paglilinaw ko sa aking narinig.
"Wala." Sagot naman niya sakin at tuluyan niya nang pinakawalan yung kamay ko. "Sige, mauna ka na." tuluyan niya pang sinabi sakin.
Nagdalawang-isip pa ako kung mauuna na ako or sasamahan ko siya. Ah, ewan. Pero bago talaga ako tuluyang umalis ay may sinabi muna ako dito na medyo ikinagulat niya at pati na din ako.
"Huy, galingan mo sa laro mo, manunuod ako." I smiled at tuluyan na talagang-talagang umalis.
Tatapikin ko pa sana siya sa kaniyang kaliwang balikat pero di ko na ito ginawa at dumiretso na talaga sa patutunguhan ko, sa cafeteria.
Madami akong bibilhin, puro snacks at drinks lang naman naming magkakaibigan na nakatambay ngayon sa may kubo sa gilid ng grounds.
Since the school ain't giving out plastics to the students, kailangan mo itong dalhin ng hawak-hawak ito.
I mean, ako lang naman ata ang gumawa nito, sino ba naman kasing bibili sa cafeteria ng napakarami, yung tipong parang nag grocery na.
Wala, diba?
While I was struggling on taking everything from the counter may biglang dumating para tulungan ako and when I looked at that person's direction.
I saw Fraizer's face with his usual expression, mas kalmado na ito ngayon kumpara sa kaninang naka-usap ko ito.
Tiningnan niya muna ako bago umika ng, "Tara." at ginawa ko naman ang sinabi niya. Sinabayan ko ito sa paglalakad at sobrang tahimik nang ginawa naming pagtahak sa daan.
Nang makarating kami sa may kubo, agad-agad kong inilapag ang mga pagkaing dala-dala ko at sumunod naman si Fraizer na medyo ikinagulat nila.
"Hey, kasama mo pala si Frei!" Sabi ni Xerna nang makita nito si Fraizer. Agad naman akong napalingon dito nang marinig kong tawagin ni Xerna na Frei si Fraizer.
Fraizer isn't fond of strangers calling him Frei. Literal na mga kaibigan at kadugo niya lang ang tumatawag sa kaniya niyan.
At ang tanging ginawa lang ni Fraizer ay tanguan ito. He then looked at me at ngumiti. I was shook nung makita ko yung ngiti niyang yan, he rarely does that.
Wait, no, scratch that, hindi niya yun ginagawa. He never did. Pati sa mga kaibigan niya palagi lang itong nakasimangot.
I also heard everyone simultaneously gasp pero si Xerna, nakangiti lang, na para bang normal na itong nakikita niya. She looked at us with a huge question mark on her face.
"Punta ka sa game and I promise you, hindi ka madi-disappoint sakin." He patted my head at ginulo yung buhok ko, he also waved goodbye bago siya umalis.
As soon as he left, tiningnan nila akong lahat na para bang nagtatanong na 'Anong meron?' 'Sis, anyare?'
And to answer their questions, hindi ko rin alam. Even I was left in awe. Yung tipong iniwan ka sa ere ng madaming tanong na gusto mong sagutin pero hindi mo magawa.
"Game pala ha." Mapanuksong saad ni Lino habang nakangisi at napatawa ng bahagya.
"Ikaw ha, di mo sinasabi sakin na nagkaka-develop-an na pala kayo." Banat pa ni Julie na nakipag-apir kay Jillian na ikinatawa naman ng lahat.
"Naku, kung tatanungin ako, approve na ako agad sa inyo." Ang dagdag pa ni Xerna.
"Ala, hindi po kasi, may napag-usapan lang talaga kami kanina." Pagtatanggol ko sa akin sarili pero binigyan lang nila akong lahat ng isang mapanuksong tingin. "Oo nga." sunod ko pang sabi.
"Teka, sino munang maglalaro mamaya sa basketball?" Tanong ni Jillian habang diniinan niya ang pagkakabigkas sa basketball.
"Ang una ay Calibers vs Escartes tas Avista vs Dimetria." Ang malumanay na pagkakasabi samin ni Enrile.
"Ah, yung dating mechanics. Last year ang champion ay ang Escartes tas second ang Calibers. Sino kaya ngayon yung champion?" Kuwestyon samin ni Jillian.
"Ano pa? Edi ang Escartes, palagi naman, eh. Nasaan ba ang MVP?" Pangbabara dito ni Lino.
"Okay, sorry, sabi ko nga." At ang bawi naman ni Jillian dito.
Speaking of MVP, sino nga kayang MVP ng school na to? Tanong ko sa sarili ko at dun naman biglang nagsalita si Casty sa gilid ko.
"Grabe naman to, di mo alam kung sino ang Junior Highschool MVP ng school, eh, palagi mo nga yun kasa-kasama."
"Sino?" Nakakunot noo kong tanong dito. I mean, sino ba lagi kong kasa-kasama? Sina Casty lang naman, ah?
Hindi ba? At tyaka paano naman nalaman nito mga pinagsasasabi ko? Nasabi ko ba yun nang malakas?
"Sino pa ba? Edi si 'Punta ka sa game and I promise you, hindi ka madi-disappoint sakin.'" Pang gagaya ni Lino sa boses ni Fraizer kanina.
Ah siya pala, hmmm. Kaya pala ganun siya ka confident. Okay, tignan natin kung gaano ka talaga kagaling, Mr. Zackermore.
Kinuha ko cellphone ko para i-text si Daniel, aba, papatalo pa ba kami? Huy, syempre, kampi ako sa team ko.
At nagreply naman ito para mas lalong lumawak ngiti ko. Tignan na lang talaga natin, Mr. MVP.