Chereads / Messing Up The Caste System / Chapter 15 - MUTCS 15: Michelle

Chapter 15 - MUTCS 15: Michelle

"Tsk, sinabi ko color red. Ba't blue ang dala mo? Tyaka sabi ko din banner, hindi tela! Ano ba naman yan, Michelle!" Sigaw na namang muli ni Fraizer sakin.

Sa sobrang hingal ko ay kumuha muna ako ng hangin bago kumontra sa kaniya. "Sabi mo kaya kanina telang blue! Tas ngayon naman red na banner?"

"Huh? Ang sabi ko, dalawang color yellow na tela, yung red na banner at isang blue na box! Kanina ka pa ha? Bumalik ka nga!"

I couldn't help but groan sa mga sinabi niya. Kainis lang naman kasi. Kanina pa kaya akong pabalik-balik sa storage room. Takte.

You must be wondering kung ano ang nangyayari. Well, easy lang naman. It's been three months simula nung last na naging issue ko dito. Which also means na tatlong buwan na din akong ginagawang alalay ng kurimaw na yun.

Kakatapos lang ng exams namin, mga two weeks ago na ang nakakalipas. Tas ngayon naman, naghahanda na kami for intramurals. Next week na siya actually.

Palagi na lang alas-singko ng hapon ako nakakauwi dahil sa pagtulong sa pag-aayos ng intrams. Wala na muna kami ngayong klase. Puro practices na lang kami tas yung mga walang ginagawa natulong sa pagaayos.

Alam mo pa kung ano ang nakakagulat? Si Fraizer ang nagiisip ng magiging ayos para sa intrams, along with Ivez. Kamakailan ko lang din nalaman na kasali pala siya sa Student Council at pinsan niya din si Ivez.

Binuksan ko na muli ang pintuan ng storage room at dun bumungad sakin ang mga kagamitan ng school. Nilapag ko muna sa isang table yung mga kinuha ko.

I tried searching for every thing that he had said. Nahanap ko na yung dalawa pero yung blue na box hindi ko makita. Kahit anong anggulo ko tignan wala talaga.

Hanggang sa napatingala ako sa may shelf at dun nakita yung mga boxes, medyo nakaisod sila sa likod kaya hindi mo masyado kita. Tinry kong kuhanin yun with matching may pagtiad pa pero bigo ako.

Kinuha ko yung isang upuan na nakatabi sa lamesa at dun tumongtong pero wala parin eh. Naaabot ko na yung pinakataas ng shelf pero yung box hindi.

I stretched my arm much more at dun nakuha ko siya pero bigla akong na-out balance sa upuan kaya naging isang malaking dagasa ako. Pati na yung laman ng box. Fuck.

Lagot na naman ako panigurado kay Fraizer nito. Bago ako makatayo ay may pumasok na isang lalaki sa loob ng room.

Pumunta ito sa direksyon ko tinulungan akong ayusin ang mga nahulog na gamit. No one was uttering a sound. Hanggang sa matapos na yung ginagawa namin.

I picked up the box at tumayo na, the same goes with him. I looked up to see his face clearly and there I saw his face much more clearer and there it sank in na katropa pala ni Ezekiel yung tumulong sakin and he was also quite shocked to see me.

"Oh, hindi ba ikaw yung alalay ni Frei?" Alalay. Hindi naman ako nakasagot agad sa mga sinabi niya at doon siya nakahalata. "Ah, sorry, that was rude of me. Ayos ka lang?"

"Yeah, salamat nga pala."

"Nah, maliit na bagay. Tulungan na kita diyan, san mo ba 'to dadalhin?"

"Basta, ayos lang."

"No, lemme." He said at kinuha ang mga bagay na nasa akin. I tried taking it back from him pero he was so stubborn, hindi niya ibinalik sakin. Sabi ko din na kahit isa lang ang ibigay niya, and so he did.

Bumigay din ito at ibinigay ang isang roll ng tela. Hindi na ako umangal pa at kinuha na lang ito, mamaya bawiin pa niya itong muli.

We started walking nang walang imik man lang. Ganun ang eksena namin hanggang makarating kami sa lokasyon ni Fraizer. He started talking without looking at us, akala niya siguro ako lang nandito.

"Nakabalik ka na? Ang tagal mo naman. Baka mamaya mali pa ulit yan ha? Tsk, hindi kasi tinitignan nang maa--yos." Fraizer then turned his head towards us. "Daniel, nandiyan ka pala," tumingin ito sakin at pabalik sa kasama ko. "And you're also with her."

Lumapit ito samin habang nakakunot ang noo. He gave the two of us a glare at kinuha yung box na dala-dala nung kasama ko. "Ako nang bahala dito." Sabi ni Fraizer at binigyan ako nang makahulugang tingin.

Napa-ikot naman ako ng mata sa inasal niya. Bago ako sumama kay Fraizer ay tumingin muna ako sa kasama ko at nginitian ito. Binaba ko yung tela at doon dumiretso na sa pwesto ni Fraizer.

"You know each other?"

"Hindi."

"Eh, ba't kasama mo siya? Tas dala-dala niya pa 'to."

"Baka kasi nagmamagandang-loob siya at tinulungan ako. Tyaka ba't ba ganyan ka? Di ka ba happy na nadala ko na talaga yung kailangan mo?"

"Tsk, ba't ba ang taray mo ha? Ako na nga itong concern para sayo. Bahala ka nga diyan."

Usal nito bago nag-walkout. Sinundan naman ng aking mga mata ito. Lumapit ito dun sa kasama ko kanina at nagpalitan ng bati.

"May kailangan ka pa?"

"Frei, pare, ang angas natin ngayon ah? Bawal ka na bang kamustahin?"

"Tol, alam mo namang madami akong kailangang gawin, diba?"

"Alam ko naman yun since day 1 pero bawal na bang kamustahin ka at tulungan yung babaeng nakita kong nahulog kanina na pagbalik pa niya is inaa--"

Pagputol naman ni Fraizer dito at tumingin sakin, making me raise an eyebrow. "Wait, wait. Nahulog ka? Where? Ngayon-ngayon lang? Ba't dimo sinabi?!" He asked shouting at lumapit ito sakin. "May masakit ba sayo? Nasugatan ka? Anywhere? Ano? Sumagot ka naman!"

Well, I was about to answer him pero sumingit naman si Daniel samin, pushing Fraizer away from me na hawak-hawak yung braso ko.

"Bro, you're hurting her, tyaka there's a proper way on asking a girl if she's okay."

Fraizer slapped Daniel's hands that was gripping onto his collar. "Fuck off, Daniel. This is my business with her. And stop, acting like a superhero all the time. Nakakasuka."

Fraizer then took my wrist dragging me away from Daniel going to the clinic, and as soon as we came inside, pinaupo niya agad ako sa kama.

The clinic nurse looked quite shook pero ng makita niya si Fraizer na sinesenyasan ito na lumabas, lumabas naman ito agad.

He sat down at the bed, massaging his temples. Lumipas ang ilang segundo at tumigil siya, tumingin ito sakin, trying to look for scratches pero I stopped him by holding his hand and looking directly into his eyes.

"Hindi ko alam kung ano ang gusto mong palabasin pero stop making a big deal out of it, ayos lang ako, nothing to worry about."

Tumayo pa ako at nagstretch pa, I also tried giving punches and kicks into the air pero something got triggered. I felt the pain surrounding my left foot.

He quickly stood up from his seat and inalalayan niya ako na makaupo ulit sa dati kong pwesto. "Ayos lang pala ha?" At sa sinabi niyang yun, I couldn't help but roll my eyes.

Napahiya ako dun, ah? Kamalayan ko ba?

He knelt down by his right leg habang nakaalalay yung left foot niya. He took off my shoe sa left foot ko and bago niya yun galawin, tinignan niya muna ako and there, I reacted at the pain shot by it.

"Masakit?" He asked having a wide smirked painted on his face.

Ay, Hindi! Tatanungin pa, eh. Halata na naman sa reaksyon ko, buiset.

"Looks like you've got a sprain, I couldn't proceed without any caution. You need Ate Liyanna's help." I was about to ask him kung sino yun pero bigla namang nagbukas yung pintuan ng clinic na niluwa ang isang babaeng nakacoat ng pang doctor na hingal na hingal.

Napakabata nitong tignan, kahit na may glasses siya, she still looks young. Pumunta ito sa direksyon ni Fraizer. "What happened? Bigla akong pinuntahan sa office ni Rianna telling me na may dala-dala ka daw na babae sa loob ng clinic."

Bigla naman itong napatingin sa pwesto naming dalawa. Ako na nakaupo habang nakatanggal ang sapatos ng kaliwa kong paa tas siya na naka luhod sa harapan ko na parang magpo-propose.

Oh, hep! Don't get the wrong idea! I'm just trying to make things much more clearer.

"What are you doing? Dito ka nangbababae?"

"What?!" Sigaw ni Fraizer na gulat na gulat. Kahit ako mismo, nagulat ako sa sinabi niya.

"Ate, anong nangbababae? Nagiisip ka ba? Ba't naman ako papatol dito? Plus, dinala ko siya dito kasi nahulog siya. Bawal na ba yun?"

Okay, gotta admit, masakit yung sinabi niya. Anong di papatol sakin? Aba! Grabe naman yung word of choice niya ha!

Pero maiigi na din yun, ayoko din naman sa kaniya.

"Well, hindi naman sa bawal pero ang rare lang ng ganitong types ng cases." Pinaalis niya si Fraizer sa pwesto nito at tinignan yung paa ko.

"This will hurt, okay? Tiis ka lang, sabihin mo sakin kapag di mo kaya yung sakit, ha?" I nodded at her at dun tinry niyang igalaw-galaw yung paa ko. It hurts, sobra.

May kaunti pa siyang ginawa and dun nilagyan niya ng benda yung paa ko. After everything was set, pinahiga niya muna ako. And tinanong niya ako kung ano ba talaga yung nangyari. So, I told her the whole story.

"Ikaw naman pala may kasalanan, eh." Sabi nito kay Fraizer na busy lang sa pag-pho-phone. "Well, buti na lang at hindi gaanong na-i-sprain and, buti na lang din at nakita ka ni Daniel para tulungan ka. Naku, if he wasn't there para dalhin yung mga gamit, your sprain might have gotten worse."

I smiled syempre, I mean tama naman siya. I should thank tomorrow or kahit bukas. He was a big help, really. Siguro, pilay na ako nito kung hindi niya ako tinulungan.

Pero syempre, charot lang. OA ko naman.

Tinignan naman ni Ms. Liyanna yung relo niya and with that saktong nagring ng napakahaba yung bell indicating na lunch na. She smiled and tumingin siya samin.

"Nakakain na ba kayo? I'm pretty sure hindi pa at sobrang focused kayo sa pagaayos for the intrams." Sinipa niya si Fraizer sa binti kaya napatingin ito ng masama.

"What? Needed talagang sipain ako?"

"Oo kasi alam ko namang hindi mo ko papansin kapag di ko yun ginawa." I heard him clicked his tongue nung sinabi niya yun. "Since ikaw naman pala may kasalanan kung ba't siya nagkaganyan, ibili mo siya ng pagkain, yung healthy ha?"

I, of course, stopped them from doing so. Wala akong pera pambili nun tapos ayoko din naman magkautang sa lalaking to kaya wag na, plus, may sarili akong baon.

"No need, kahit wag na, ako na lang kukuha ng pagkain ko." I was about to stand up pero Doc. Liyanna was quick to react and reflex at me.

"You should rest, di ka muna dapat nagtatatayo, pahinga ka lang diyan."

"Pero--" I tried to tell my reasons pero bigla akong inunahan ni Fraizer kaya napatingin kaming dalawa dito.

"Ako na kukuha ng bag mo tyaka I'm the one at fault, I was too harsh on you earlier. You have packed lunch, right?" Tanong nito sakin at tumango ako.

Paano naman kaya nito nalaman yun?

"San nakalagay bag mo?" I hesitated for a bit pero sinagot ko din naman.

"Sa gym, kung saan nakalagay yung bag nating dalawa, yung color black, na katabi nung sayo."

Walang kung ano-ano ay lumabas ito leaving the two us in silence. "Wow, anong nakain nun at naging ganun?" Surprised na tanong nito sakin. She looked at me and gave me the sweetest smile I had ever seen.

"Doc. Liyanna Perez, pleased to meet you." Saad nito.

"Michelle Adellaine Cruz po, Doc."

"Pshhh, doc? Kahit Ate Liyanna na lang din, you seemed very close kay Frei, ngayon ko lang nakita yung nagkaganun." She gave me a meaningful gaze. "Are you two perhaps--?"

"Hindi po." I answered her straight up. Na tinawanan niya lang. "So, you two aren't friends?"

Ah friends.

"Hindi po." Ulit kong sabi which is true naman talaga. Kailan ba kami naging magkaibigan nun? Hindi na ata yun mangyayari. Umupo ito sa upuan dun sa may mini-office niya.

"Y'know, Frei is actually a very sweet boy. Lalo na nung bata pa siya pero he changed. I mean, he's still the same pero mas tahimik na siya ngayon kesa nung dati." Saad nito at tumingin sakin habang nakangiti.

And with that, pumasok na ito na dala-dala yung bag ko with his. Umupo ito beside me. He gave me my bag. And dun kinuha ko yung lunch ko.

"Kaya mo bang kumain?" Bigla nitong tanong sakin kaya napahinto ako at napatingin sa kaniya na tinawanan ko din kalaunan.

"Oo naman, paa ko yung napurunan tyaka hindi din naman ganun kasakit kaya oo. Magtanong ka kung yung kamay ko yung nasaktan." Nanahimik naman ito and he cleared his throat.

"You're right. Nagtatanong lang." Tumayo naman ito at tumingin sakin. "Kakain na ako. Rest for awhile. Wala naman tayong klase." Mukhang may sasabihin pa to pero tuluyan ng umalis.

I glanced at Ate Liyanna na nakatingin lang samin habang nakangiti. I find it really awkward kaya kumain na lang ako.

Weird.