I don't know how but we ended up in this kind of trouble pero buti na lang ay may dumating para awatin kami. Kung hindi, malalagot talaga kami.
Nasa loob kami ngayon ng clinic, ginagamot ang sugat na natamo naming dalawa ni Casty. Oo, nagtamo din ako ng sugat pero Casty was the one who got beaten up badly. Pinagtulungan kasi kaming dalawa.
"Ow." Casty hissed as soon Ivez pressed down the cotton with alcohol on his wound.
Casty Burgoz. One of the outcasts in this school. Mas maliit siya kesa sakin, he gets bullied most of the time dahil na nga sa timid siya at dahil na din dun sa walanghiyang caste system na yun.
Ivez Xavier. The school's student council president. The typical student council president. He belongs to the omega's. But then he's one of a big shot. Probably, mostly because of his looks.
"Casty, sasabihin ko na talaga 'to kay tita Cassy-" pinutol naman agad ni Casty ang sasabihin ni Ivez. "Ivez, don't. Please? Ayokong malaman 'to ni mama. Kilala mo naman 'yun."
Oh wait, did I forgot to mention? Magpinsan silang dalawa. Third cousins particularly. Kakwento lang din nila sakin.
"There, you're all fixed." Saad ni Ivez at tumayo sa kaniyang kina-uupuan. Tinignan niya ako at ngumiti. "You're Michelle, right? Ivez nga pala, the student council president." I took his hands and said my name. "Michelle."
Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. "Please do take care of Casty. Ngayon lang ulit siya nakikihalo-bilo sa tao."
"Ivez!" He soon bid us goodbye then ran off. Nakita ko naman na tinitignan ako ni Casty through my peripheral view. Kaya tinignan ko din ito.
Napangiti na lang ako sa pinapakita niya sakin. Para siyang pinapagalitan na aso. Nilapitan ko ito at tinapik ang balikat. "Kung mag-so-sorry ka lang sakin, huwag na." Napaangat tuloy siya ng ulo niya at gulat ng makita akong nakangiti.
"Tara na, malelate na tayo sa next subject natin." Iniwan ko siya doong gulat at nauna nang maglakad. Sumunod naman ito sa bilis ng aking paglalakad at nginitian ako pabalik.
We were walking so damn peacefully along the hallway ng marinig namin ang naghihiyawan naming kaklase sa labas ng classroom namin. I was about to go inside pero pinigilan ako ni Casty.
"I think it's better for us not to go inside yet." That's what he said pero dahil curious ako sa kung ano ang nangyayari sa loob ay pumasok ako and I wasn't that surprised to see what was going on inside.
My brows suddenly furrowed in anger and confusion. May nagsusuntukang dalawang lalaki ngayon sa loob ng room namin. They were spouting curses at each other na mas lalo pang nagpakunot sa noo ko.
A teacher suddenly came in to stop the fight. As soon as he yelled at the two boys, nag walk out naman yung color brown ang buhok at kung minamalas ka nga naman ay napansin ako nung prof namin at pinasunod sa kaniya.
I was about to make an excuse pero galit na galit na talaga siya kaya sinunod ko na lang ang gusto niya. I saw him turning at the end of the corner kaya binilisan ko ang paglalakad para mahabol siya tas pumasok siya sa loob ng clinic.
Wow, nice.
Kakalabas ko lang ng clinic tapos papasok ulit ako? Great. Tinignan ko yung loob and there I saw a nurse. She was talking to him pero dedma lang ang inabot nito sa kaniya. Mukhang pinabayaan lang nito ito kaya I decided to come in.
She looked at me gently at tinanong kung anong kailangan ko. I pointed at the guy whom I've been following since earlier. She look austoned on what I've answered. But soon later just laughed and had let me be.
I decided to get the first aid kit. Pinagmasdan ko muna siya bago bulabugin sa kaniyang pagtulog. Sinipa ko ang kama nito kaya napamura siya ng malakas.
Lumapit ako ng walang paalam pero he looked so cautious kaya tinanong niya ako kung ano ang ginagawa ko. "What the fuck do you think you're doing?" I shrugged and said, "Naglalakad?"
Tinignan niya muna ako ng ilang segundo at nagsalita muli para ika-irap ng mga mata ko. "Fuck off."
Instead na gawin ko ang sinabi niya ay lumapit ako sa kaniya at binuksan yung first aid kit na kanina ko pang dala. Kunot noo itong tumingin sakin at bumuntong hininga na para bang senyales na nagsasabing "Bahala ka sa buhay mo."
I took a small piece of cotton and put two drops on it. Inilayo nito ang kaniyang mukha ng bahagya, tinignan ko muna ulit ito bago idampi yung bulak sa mukha niya, he hissed as soon na lumapat yung bulak sa mukha niya.
It took him 3 minutes bago magsalita. "If you're doing this 'cause you want something from me. Then just stop, I won't do you any favors."
Bigla tuloy akong napaisip sa sinabi niya. Oo nga naman, ba't ko nga ba tinutulungan 'tong lalaking 'to? So weird.
"Hindi ba pwedeng dahil gusto ko lang gawin talaga 'to? Tyaka kung gusto ko man makakuha ng isang bagay na gusto ko. Mas prefer ko pang pinaghirapan ko 'yun." Tinapos ko na ang paggagamot sa kaniya. Ibinalik ko na din yung first aid kit.
"You shouldn't be getting to attached from me, not just me, but everyone who's higher from your position." Tinignan ko ito sa mata. I must say, his eyes is so fierce yet so damn empty.
"And so? I ain't letting these positions control my life. 'Cause I'm the only one who can control this life of mine."
I said,walking out of the clinic pero ang talagang kumuha ng attention ko ay ang huli niyang sinabi nung lumabas ako.
"The game is just about to begin, and the only person you can trust is yourself."
Yan yung huli niyang sinabi sakin nung lumabas ako. Hindi ko na muna iyon inintindi at bumalik sa classroom kung saan pinapagalitan sila or more likely, kami.
Dahan-dahan akong pumunta sa upuan ko. Hindi ko na inabala pang intindihin ang sinasabi niya samin, kaya tumingin na lang ako sa labas, sa field ng school.
And before I knew it,
Nakatulog na pala ako.