Chereads / Messing Up The Caste System / Chapter 12 - MUTCS 12: Michelle

Chapter 12 - MUTCS 12: Michelle

Binuksan niya na ang pintuan papasok sa loob ng unit niya. Yeah, you've read it right.

Unit niya

Hindi ko ba kayo na-inform na may sarili na siyang bahay? Well, then there. Now you know.

Inilibot ko ang paningin ko and damn, I must say. He decorated it well. It's the modern type of house you would see pero na naka-unit type lang. I wouldn't say unit but it's more of a suite. Yeah, those type of suites.

Nandito kami sa pinakatuktok ng building and the view outside is really mesmerizing, ano pa kaya pag gabi dito? Mas lalong maganda. You're probably thinking on what the fvck I'm talking about.

There's this huge window na makikita mo agad pagpasok pa lang. The suite is quite huge and when I say huge, I mean by huge huge at putek. Hindi ko siya ma-explain. Basta gets niyo na yun.

"Ano? Tatanga ka lang diyan buong maghapon? Late na nga tas ganyan ka pa." Sabi nito in a matter-of-fact tone. Tsk, porke't mas mayaman lang siya kesa sakin, eh, 'noh?

Inilapag ko yung bag ko dun sa may couch at umupo, still quite mesmerized at the style of his suite. It gives a vibe of something really fancy yet really cozy. I know it's weird but that's just how it feels like, okay?

Mamaya pa ay dumating siya dala-dala ang laptop niya with some books related to philosophy. I didn't even realized that I was looking at him...intensely. Watching his every move now and then.

Nang mahalata niya ito ay naglabas siya ng hininga at humarap sakin habang nakataas ang isang kilay wearing his cheeky grin na masarap burahin, "Are you done checking me out? 'Cause if not I'll literally kick you out." Saad nito na biglang nawala ang mala-aso niyang ngiti.

I groaned at him and rolled my eyes. Checking him out? Wow. Tinitingnan ko lang siya, okay? Iba yun sa 'checking him out' at sa 'tinitingnan lang' magkaiba yun!

"Please, magjojowa na nga lang ako, ikaw pa talaga ang pipiliin ko? Wag na." I saw his mouth moved up from the side making me look at him. "Really? Because if I remember it clearly, wala pang nakakaresist sa charms ko." Hindi ko mapigilang umawang ang aking bibig. Buiset to ah?

Kinuha ko yung isang libro dun at nag-flip ng ilang pages hanggang sa bumalik na naman ang mga mata ko sa mukha niya, "Anong ginagawa mo?"

Biglang kumunot ang noo ko ng hindi ko namamalayan. Bulag ba siya? Hindi niya ba na nakikitang nagbabasa ako?

Tinaas ko yung librong hawak ko at binigyan siya ng makahulugang tingin pero nagkasalubong lang din yung kilay niya. "Nasan ba yang laptop mo?"

"Laptop?" Curious kong tanong dito.

"Yes, laptop." Tinignan ko parin 'to habang nakakunot ang noo ko then bigla namang napapunta yung tingin niya sa bag ko na ikinangisi niya na halatang may halong inis.

Sling bag lang kasi ang dala ko. Kamalayan ko ba naman kasing kailangan ng laptop tyaka wala akong laptop. 'Di ko afford. Napahawak namin ito sa sintido nito na parang nagpipigil.

"Are you for real? Gagawa tayo ng project tas pupunta ka ditong walang dalang laptop?" Tanong nito na halata talagang naiinis na. Judging from the tone of his voice. Yep, para siyang hindi makapaniwala na galit. Yeah, those type of times.

"Well, sorry ha? Hindi ko naman kasi alam na need pala ng laptop tyaka wala akong laptop, eh. Di ako na-inform, akala ko kasi gagawa tayo ng model, di yung ganto." Mas lalong bumaba ang panga nito.

"Seryoso ka ba talaga?"

"Mukha ba akong nagloloko?" Saad ko dito pabalik. Napahawak ulit muli ito sa kaniyang sintido at ipinikit ang mata para magpigil.

Nang tumingin ito sakin ay tinaas niya bigla ang kamao niya na para bang mananapak. With me looking unfazed, binaba niya yung kanan niyang kamay at bumuntong hininga. Leaving me with a sigh ay pumasok siya sa loob ng kwarto niya, I think, at lumabas na may dala-dala ulit na laptop.

Oh wait, MacBook pala. Dalawa sila. Uulitin ko pong muli, may dalawa siyang MacBook. Hay, hindi na nga dapat 'to kagulat-gulat lalo na kung siya ang pag-uusapan. Tyaka gaano ba talaga kayaman ang taong 'to?

Binuksan niya yung isang MacBook at tumingin sakin. "Use that and I'll use this. Umayos ka lang sa pag gamit niyan at most of my school files are there." Kinuha ko ito at nilikot ng kaunti.

Wah, first time kong makagamit ng MacBook. Hanggang Acer lang kasi ang mga nagagamit ko, hindi pa akin.

Mag-ta-type palang ako para sa preface ay nagsilata yung katabi ko na ikinagulat ko. "I'm already done with the format. Download mo na lang, I sent it thru mail."

Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog yung laptop niya, inclining with a notification na may email siya. Binuksan ko yun and downloaded it just like what he said. Then there's also a note before the attached file.

He just divided the said parts and did the first two.

Walang ano-ano ay ginawa ko na din yung nakatoka sakin. Mabilis naman kaming nakagawa and in no time ay natapos na din namin ito. The model was also done along with the needed information inclined with it.

He then combined our works into his laptop at pinirint na agad ito. Tinignan ko yung orasan ko and hindi nako nagulat nung malaman kung anong oras na.

Time Check: 1:47 pm

Well, dalawa naman kasi kaming nagawa at kaunti lang ang binigay saming questionnaires pero finishing it in 3 hours is still somewhat tiring yet amazing. Isa sa mga mabilis na natapos kong project.

Kinuha ko ito at nag-ayos na kahit na wala naman talagang masyadong gamit akong inilabas. Nagpaalam na ako sa kaniya and all and I was surprised nung nag-offer siya na ihatid ako.

"No, really, let me. Minadali kita kaninang tanghali knowing that you're still sleeping. Plus, I couldn't just let my guest wander off somewhere, knowing that you're under my supervision."

"Hey, hindi na ako bata, marunong akong mag-commute and besides kaya kong protektahan sarili ko." He then once again gave me a smile and answered, "I know."

Kahit na medyo naguguluhan ako sa sinabi niya ay pinabayaan ko na siya. Aalis na talaga ako, really, for real. Pero dahil lang sa epal kong tiyan na kumulo ay halos muntikan ko ng masapak ito.

Ah, hindi pa nga pala ako nakain simula kaninang pagkagising ko. Great, yan ang ikakamatay mo, eh. Ang hindi pagkain tas puyat ka pa then pagod ka pa. Geh, mausisa mo talaga dedo na ako.

I looked up to see his reaction and gosh, nakakahiya. He was wearing his cheeky grin while looking at me, amazed.

"Sige, una na ako." Sabi ko at kung hindi niya lang hinawakan yung braso ko edi sana hindi niya ulit narinig yung pagkulo ng tiyan ko. Traydor ka talagang hayop ka. Palagi na lang.

"And I'm also guessing that you didn't eat because of me, kasi nagmamadali kang pumunta sa plaza." At the least, buti naman alam niya na siya yung may kasalanan. Kupal na 'to. "So, then, tara."

And before I knew, kinakaladkad na niya ako papunta sa kotse niya. "Hoy, teka, kaunti lang yung dala kong pera." Protesta ko dito pero hindi naman ito natinag and instead, he replied with him saying, "My treat." Na may pakindat effect pa.