Chereads / Messing Up The Caste System / Chapter 11 - MUTCS 11: Michelle

Chapter 11 - MUTCS 11: Michelle

Natapos na ang buong klase namin para sa araw na 'to pero galing kaming lahat sa stadium, natapos na ito kaya nagsi-uwian na kami. Ay, wait. Sila lang pala. Nakita kong nag-aabang si Mr. Zackermore sa tapat ng pintuan.

Nung nagkatinginan kami ay mabilis niyang iniwas ang mata nito at lumabas na. Bumuntong hininga muna ako bago tuluyan itong sundan. Pinag-iisipan ko tuloy kung mag-U-U turn ba ako o ano? Pero buiset kasi, sige na nga. Para naman sa thesis namin to.

Humugot ako ng isang malalim na hangin bago naglakad papalit sa kaniya at ng medyo malapit na ako sa kaniya pero napatigil ako ng may lumapit sa kaniyang mga lalaki, in short, tropa niya.

Napa-irap ako ng wala sa oras at feeling ko tuloy ang tanga ko. Feelingera ang gaga. Sa tingin mo ba talaga, hihintayin ka niya para sa thesis niyo? Mukha ngang hindi yan nag-iintindi ng studies niya.

Lumapit sakin si Casty at nginitian ako. Oo nga pala, kasama ko nga pala ang isang 'to. "May hinihintay ka ba?"

"Huh? Uh, oo. Ikaw, tara na?" I lied.

Tinignan niya ako ng maiigi at nginitian muli, I feel bad. Shet, napa-face palm na lang ako sa isip.

"Uy, nagsinungaling pa siya. Si Fraiser tinitignan mo 'noh? I mean, gwapo naman talaga siya. Madaming nagkakandarapa sa kaniya." Tinignan ko lang ito na wari ba'y nandidiri sa mga sinasabi niya. Ako? Gusto? Sino? Siya?! Hindi 'noh.

Isang ngiti na lang tinugon ko sa kaniya. Isang awkward na ngiti. "Saan mo naman nakuha ang idea na iyan? Napaka-out of the world mo namang mag-isip." Tinawanan niya lang ako bago kami dumiretso sa direksyon nila.

Ang dapat naman talaga mangyari ay dadaan kami sa gilid tapos pupunta sa classroom para kunin yang gamit then uuwi na. Yun naman talaga dapat ang mangyari pero hindi, eh. Hindi yun yung nangyari.

Sa kasamang palad nung kami ay lalabas na isang "Hoy." ang narinig ko sa kaniya.

Tumigil kami at napalingon sa kaniya na kasalukuyang naglalakad papalapit samin and before I knew it, nasa harapan ko na siya na nakalagay ang isang kamay.

Tinignan ko ito na nakakunot ang noo. Ano na naman gusto nitong palabasin? Hand shake? Gusto niyo kaming mag-hand shake?

"Phone."

Huh? Sorry, natatanga na naman ako. Ano daw? Foam? Bakit kailangan niya ng foam? Boy Scout ba siya at dito siya tutulog sa stadium?

"Bingi ka ba? Sabi ko phone. Ilabas mo phone mo."

"Ah, phone. Akala ko foam." Siya naman ang kumunot ang noo at bago pa siya mag-react ay ako na ang unang nagsalita.

"Ba't naman kailangan mo ang phone ko? Wala akong load. Maki-text ka sa iba. Kung nalaman ko lang agad na yan ang dahilan kung bakit mo ako kikitain para ngayon, sorry to tell you, ha. Pero wala akong load."

"What load? I don't load, ano ba. I need your phone number, stupid."

"Ba't naman kailangan mo ang phone number ko, ha? Para san ba?" Inirapan niya ako at hinablot yung phone ko sa kamay ko. Shet! Wala yung password! I tried taking it back from him pero it's no use.

Kinuha niya din yung phone niya at pumindot ng ilan at pagkatapos ay binato sakin pabalik, putek. Pasalamat ako at nasambot ko yun. Umalis na sila pagkatapos nun. Natatanga na ba siya? Para san naman yun?

Sumunod naman sa kaniya yung tropa niya kuno at lumapit sakin si Casty. "Wah, swerte mo naman. Nakuha mo agad yung phone number ni Fraiser, alam mo bang pahirapan pa bago niya ibigay yun?"

"Takte, baliw ba 'yun? Sadya ko na nga mabili 'tong cellphone kong ito, eh. Tara na nga. Nasakit yung ulo ko dun."

Umalis na din kami dun at pumunta na sa classroom para kunin yung gamit ko. Nagpaalam na sakin si Casty kaya tinext ko na si Aljon kung nasaan na siya. Buti na lang at nagreply agad ito.

Mabilis naman kaming nagkita at umuwi na. Tho, something's a bit off about this kid. Ang lawak ng ngiti niya, creepy siya. Buiset, kapatid ko nga 'to. Parehas kaming weird.

Hindi naman nagtagal ay naka-uwi din kami ng matiwasay. Pumasok na kami sa loob ng aming sariling kwarto. Naglinis na ako kaagad at hinikayat sa aking kama.

Kinuha ko yung cellphone ko na ipinatong ko sa lamesa at tinignan kung anong ginawa sa aking mahal na cellphone, pinuntahan ko din ang contacts pero wala namang nadagdag. Great. Kinuha niya lang bigla-bigla ang phone number ko. Sarap itulog nito.

Ibinaba ko na ang aking cellphone at natulog na.

~*~

I woke up from the sound coming from my phone. Fuck. Akala ko ba pinatay ko yung alarm ko? Walang pasok ngayon, hayup.

Kinuha ko yung phone ko at pagkabukas ko ay isang tawag ang nakuha ko. Unknown Number. Sinagot ko ito at inilagay sa tenga ko pagkatapos ay humiga muli.

"Huy, alam mo ba kung naka-ilang tawag na ako? Ano bang ginagawa mo at ngayon mo lang ako sinagot?"

Hindi ko na inabala pa yung nagsasalita kahit na alam ko na medyo pamilyar sakin yung boses. Narinig ko na 'to, eh. Pero dahil nga sa inaantok pa ako ay pinabayaan ko ito at hindi sinagot.

"Ms. Cruz, kung wala ka talagang balak na kausapin ako ngayon sa call, talagang pupuntahan kita diyan." Napabalikwas naman ako sa mga aking naririnig.

Tinignan ko kung anong oras na at halos lumuwa ang mga mata ko sa aking nakita.

10:56 na?!

"Hoy! Hindi mo ba alam na natutulog ako ngayon?! Ano bang kailangan mo, ha?! Tyaka sino ka ba?!" Singhal ko dito pabalik.

"Really? Yang pagtulog mo pa talaga ang mas iintindihin mo? Akala ko pa naman ikaw na yung makakatalo sakin.

Central Plaza. 11:30. Pag hindi ka nakapunta diyan, ako lang mag-isa ang gagawa ng thesis at hindi ko hahayaang bigyan ka ng grade."

*toot.toot

Gulat kong tinignan ang cellphone ko. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Leche wait lang. Chinarge ko muna yung cellphone ko at mabilisang naligo at nag-ayos ng gamit. Putek, ba't naman kasi biglaan?

Inayos ko na lahat at bumaba na, nakita naman ako ni mama. "'Nak, san ka papunta? Nagmamadali ka ba? Kumain ka muna."

"Naku, ma. Sa labas na lang po ako kakain, nagmamadali po ako, eh. Bye, ma!" Paalam ko dito at lumabas ng subdivision para pumara ng tricycle papunta sa Central Plaza.

Mabilis naman akong nakasakay sa tricycle, mabilis yung takbo nung una pero bigla kaming natraffic sa gitna. Tinignan ko yung relo ko at 11:25 na.

"Kuya! Dito na po ako, ito po yung bayad. Kailangan ko ng umalis, salamat po!" Dali-dali kong binigay yung bayad, hindi ko na kinuha yung sukli at tinakbo na ang daan papunta sa Central Plaza.

Kalaunan ay nakapunta din ako, ang kaso nga lang ay hindi ko siya mahanap. Kaya nilibot ko pa ang buong lugar at nung makita ko din siya ay akmang aalis na ito. Sinigawan ko ito habang pahingal-hingal ako.

"You're late. Sabi ko 11:30, hindi 11:40." Tinignan ko yung relo ko.

11:40? 11:36 pa lang kaya. Tsk, buiset. Nasakit lang lalo yung ulo ko dahil sa kaniya, hindi pa ako kumain. "Sakay na."

"Ha?" Sabi ko.

Tama ba ang narinig ko? 'Sakay na.'? Saan? May dala siyang sasakyan? Nasaan?

Nakita ko naman itong bumuntong hininga bago maghilamos gamot yung kaliwang kamay niya at hinawakan ang ilong niya.

"Hindi ko alam kung bingi ka o sadyang tanga lang. Ang sabi ko sumakay ka na. Bakit? Hindi ka marunong magbukas ng pintuan ng sasakyan?"

"I-Ito?" Tanong ko habang turo-turo ang isang BMW na nasa harapan ko ngayon.

Inirapan lang ako nito at pumasok na sa loob. Binuhay na niya din yung engine. One word na gusto kong sabihin ngayon.

Putangina.